UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 18

Miyell Almildrez's POV

Napamulat ako ng mata nang may yumakap sa baiwang ko.

Hibiscus!

Napabalikwas ako nang bangon.

Nasaan ako?

Nanginginig na inilibot ko ang tingin. Hindi ito apartment nila Key, hindi rin namin ito bahay. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nakayakap sa baiwang ko. Wala siyang damit natatabingan ng kumot ang mukha niya dahil nakadapa.

Hibiscus rosa sinenses! Wala akong matandaan. Anong nagyari? Sino ito?

Mariin kong nahawakan ang kumot.

I have nothing, but myself. Did he rape me?

No! No! No!

Humagulgol na ako ng iyak.

"Sexy Baby?"

Natigilan ako nang makita ang guwapong mukha ni fervid. Baby face pa rin ang mukha niya, pero parang nag-matured.

"Fervid?"

Lumubog ako sa ilalim ng kumot para itago ang sarili. "No way! Anong ginawa mo? Bakit ako nakahubad? Ipapapulis kita!" Inis ko siyang tinadyakan. "Sa rehas ka pupulutin sinasabi ko sa iyo! Ahh!"

Natigilan lang ako nang humagalpak siya ng tawa.

Sinilip ko siya. Tanging isang mata lang ang kita sa akin.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw nakakatawa," lumapit siya sa akin. Napaatras ako. "Hindi ako makakatulog na may shirt kaya naka-boxer ako palagi."

"Oh? Connect?"

"I'm explaining my side," malapad siyang ngumiti. "I didn't rape you kusang loob mo sa aking ibinigay."

"What! Ahh!" Sinabunutan ko siya at sinipa nang sinipa.

"I can see your pearls, Sexy Baby!" Tawa siya nang tawa.

Saka lang ako natauhan na wala nga akong kadamit-damit at dahil sinisipa ko siya nakikita niya!

Humagulgol na ako ng iyak. Isiniksik ko ang mukha sa unan.

"Sexy baby," hinaplos niya ang buhok ko. Humalik siya sa noo ko. "Walang nangyari binibiro lang kita. I didn't take advantage of you."

"Eh, bakit wala akong damit?"

"Sabi mo mainit ikaw ang nagtanggal. Ilang ulit kitang sinuotan ayaw mo naman."

"Totoo?"

"Oo nga," yumakap siya sa baiwang ko. "Ba't ako magsisinungaling? You're drunk last night as in."

"Ano pang nangyari?"

Pinalis niya ang luha ko. "We kissed."

Napalunok ako. "Totoo?"

"Yes."

Isiniksik ko lalo ang mukha sa unan. "Bakit mo ako hinalikan?"

"Excuse me hindi ako, ikaw."

"Totoo?"

Nilapit niya ang mukha. Hindi ako nakaiwas nang dampian niya ng halik ang labi ko. "Totoo."

Natigilan kami nang may mag-ring. Ipinulupot ko ang kumot sa katawan ko habang hinahagilap ko ang phone ko. Nalaglag pala sa ilalim ng kama.

Xen calling...

Napabalik ako sa reyalidad na hindi nga pala ako single.

Nasapo ko ang noo at sinabunutan ang sarili.

Hibiscus! Anong ginagawa ko rito? Nakipaghalikan at ngayon walang damit!

"Shit!" Inis kong sinampal ang sarili.

"Bakit?"

"Fervid, I'm sorry. This was a mistake."

Hinanap ko ang damit ko. "Nasaan ang damit ko?"

"Sinukahan mo, nasa labahan."

"What?"

"Basang-basa rin."

"Anong susuotin ko?"

"Damit ko," ngingisi-ngisi niyang inabot ang damit niya. Black na XL.

"No! Sa tingin mo ba makakalabas ako rito na ganyan ang suot?"

"At sa tingin mo ba papalabasin kita na ito lang ang suot?"

"Ano ba!"

Sunod-sunod na nag-ring ang phone ko.

I'm sorry, Xen.

Dinampot ni Fervid iyon. Walang emosyon niyang tiningnan.

"Kayo pa rin?" Tiim bagang na tanong niya..

Sunod-sunod akong napalunok.

"Tinatanong kita kung kayo pa rin?"

Nakababa ang tingin ko nang tumango ako.

"Kaya nga mali 'to. Bakit ba ako napunta saiyo? Hindi ko matandaan na sumama ako saiyo."

Matalim niya akong tiningnan. Hinila niya ako pahiga sa kama.

"F-fervid.. n-no."

Pinakatitigan niya akong mabuti. Nahigit ko ang hininga nang maramdamang unti-unti niyang ibinababa ang kumot.

"Nag-alala na si Xen. Uuwi na ako."

"Sa tingin mo pauuwiin kita?"

"Ano bang sinasab—" dumampi ang labi niya sa akin.

Hindi ako makapag-isip nang tama. Humaplos ang kamay niya sa hita ko.

"F-fervid..."

"Hmm?"

Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. Parang nawawala ako sa katinuan.

No! My entire system was protesting, but my mind, body and soul letting him.

"I missed you," bulong niya sa tainga ko sa malambing na tono.

Humalik siya muli sa labi ko. Wala sa sariling ihinawak ko ang kamay sa batok niya. Sinundan ko ang bawat galaw ng labi niya.

Natigilan ako nag marinig nanaman ang pag-ring na phone ko. Natauhan ako sa ginagawa. Tinulak ko si Fervid at dinampot ang phone ko.

Nanginginig man ang mga kamay sinagot ko na 'yon.

"Babe, why aren't you answering the phone? Where are you?"

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam ang aking ginagawa.

"Babe?"

"P-pauwi na rin."

Pinigilan ko ang kumakawalang tunog nang hagulgol ko.

"Susunduin na kita."

"Hindi na. Pupuntahan na lang kita sa office."

Hanggang ngayon ang hirap pa rin saktan ng mga taong mahalaga sa akin kaya kahit wala naman talagang pagmamahal, nanatili ako kay Xen.

He's my friend. Matagal na tapos sasaktan ko lang? I can't.

Matalim akong tiningnan ni Fervid. "What do you think are you doing?" Mataas na tinig na sabi niya.

Hindi ako nagsalita hinanap ko na lang ang damit ko. Nakita ko iyon sa banyo. Nilabahan ko. Papatuyuin ko muna 'to bago ako umalis.

"Miyell, hindi ka makikipagkita sa kaniya!"

"Don't act like possessive boyfriend!"

Pagak siyang natawa. "Matapos mong makipaghalikan sa akin, iiwan mo ako?"

"So what? Big deal pa ba ang halik sa iyo? Hindi ka na bata."

"Buti naman hindi na bata ang tingin mo sa akin, pero 'di ka pa rin aalis."

"Ano bang pakialam mo?"

"You'll not going to leave me!"

"Tigilan mo nga ako! What happened was just a show!"

"What the geez?"

"Geez mo lelang mo!"

Yumakap siya sa baiwang ko. Inalis ko nang inalis ang kamay niya.

"Ba't ka ba bumalik?"

"Because of you. Inayos ko lang ang buhay ko."

"Fervid, heto nanaman tayo, eh. Guguluhin mo nanaman."

"Wala akong ginugulo kasi kung ayaw mo talaga sa akin you'll never kiss me back," pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. "Ni hindi ka nga nailang na nakaganyan ka lang sa harap ko."

Nakagat ko ang labi. "Anong pinapalabas mo?"

"Na mahal mo rin ako!"

"Assumero ka."

Napasigaw ako nang iupo niya ako sa sink. Pumwesto siya sa pagitan ng hita ko. Pilit kong itinitikop, pero hindi ko magawa.

"Ano bang gusto mo, Ate?" Pinakadiinan niya pa ang salitang ate. "Own you first before being mine?"

Hinaplps niya ang baiwang ko. "Fervid!"

"What?" Tumaas ang dalawang kilay niya. "Nakita ko na ano pang itatago mo?"

"Don't act like a kid. Tigilan mo 'to."

"Ikaw 'yong umaastang bata sa ating dalawa. Kung mahal mo bakit 'di mo ipaglaban?"

Natahimik ako. Nagbaba ako ng tingin.

"Kung mahal mo bakit pa natin kailangang magpatintero para mahuli kita? Kung mahal mo bakit hindi mo alisin ang mga hadlang?"

"Anong hadlang?"

"Dapat matagal ka na nakipag-break kay Xen. Hindi mo naman siya mahal pinapaasa mo lang."

Nilaro ko ang palad. "Ayaw kong manakit ng kaibigan."

"'Yon. Lumabas din."

Nag-angat ako ng tingin. Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Nahuli niya ako.

"Geez, Miyell, ikaw 'yong gumawa ng komplikasyon. Kung tinanggap mo lang ako noon edi sana maayos na ang lahat ngayon."

"Fervid, hindi pwedeng maging tayo."

"Why not?"

"Kasi kahit naman maging tayo ipapakasal pa rin nila ako kay Xen. Nakita mo naman kung gaano ka-close ang parents namin."

"So?" Lalo niyang pinaghiwalay ang hita ko.

"'Wag kang bastos. Ano bang ginagawa mo?"

"Eh, kung buntisin kita ngayon may magagawa pa ba sila?"

Sunod-sunod akong napalunok. He's not a kid anymore. Sa pangangatawan, kilos, pananalita at maging pag-iisip. Iba na.

"Sabihin mo lang sa akin kahit ngayon din bubuntisin kita."

Hinampas ko ang dibdib niya. "'Wag mong sirain ang pinaghirapan ko. Education is the key to success. Code of ethics."

"Edi makipaghiwalay ka na lang kay Xen."

Itinulak ko siya. Bumaba ako ng sink.

"No." Madiin kong sabi. "'Wag mo na akong kulitin kasi hindi magiging tayo."

Kinuha ko ang phone ko. Tinawagan ko si AP para magpasundo.

Hindi ko na hinintay na matuyo ang mga damit ko. Kumuha na lang ako ng damit ni Fervid. Boxer short at shirt na malaki.

"Hindi ka aalis nang nakaganyan!"

"Hindi kita boyfriend!"

"Wala akong sinabing boyfriend mo ako!"

"Please naman." Inihilamos ko ang kamay sa mukha. "Gusto ko nang umuwi. 'Wag mo na akong guluhin."

Maglalakad na sana ako palabas nang hatakin ako ni Fervid.

"Ba't ba ang kulit mo?" Inis na sambit niya. "Wala ka ngang undies lalabas ka!"

"Ano ba! Ano bang pakial—" natigilan ako nang halikan niya ako. Matalim ko siyang tiningnan.

"Okay, lalabas ako bibilhan kita ng damit just stay here."

Padarag akong umupo ulit sa kama. "Okay."

Hindi rin naman ako komportable na ito lang ang suot ko.

Bumalik siya agad. May dala na ring pagkain.

"Kumain ka na muna baka kanina ka pa nagugutom."

"Hindi na, aalis na ako."

"Kailangan pa ba kitang pilitin?" Matalim niya akong tiningnan.

"Okay."

Para matapos na. Kanina pa kami nag-aaway nakakapagod na makipagtalo. Sinubuan niya pa ako hinayaan ko na lang.

Last mo na 'yan.

Nakatingin lang ako nang masama sa kaniya sa bawat kilos niya.

"Parang kakainin mo na ako sa tingin mo. Wala naman akong ginagawang masama."

Hindi ko siya pinansin. Nagmdali na lang akong kumain.

"Nagmamadaling iwan ako, Sexy Baby?"

"Sexy baby mo mukha mo!"

"Choosy ka pa."

Kumuha siya ng tubig. Pinainom ako.

"PWD ba ako para subuan mo?" Pagtataray ko.

"PWD lang ba ang sinusubuan?"

"Pilosopo."

"In my case, sinusubuan ko rin ang baby ko."

Pinigilan kong 'wag kiligin sa sinasabi niya.

Matapos kumain ay pumasok ako sa banyo para magbihis.

"Sexy Babe? Saan ka nagtra-trabaho?" Tanong niya sa labas.

"Pakialam mo?"

"Sungit mo naman. Pinaglilihihan mo na ako agad?"

Inis akong nagpa-padyak. Punyetang lalaki ito hindi ba siya titigil?

Paglabas ko sinabunutan ko siya. "Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao kaakibat niyon ang sakit," ngingisi-ngising bigkas niya.

Sinipa ko ang hita niya. "Dalawang kiss na 'yon."

"Kiskis mo 'yang mukha mo sa pader!"

"Baliw ba ako para ikiskis ang mukha sa pader?"

"Malay mo."

Dire-diretso akong naglakad palabas, pero humarang nanaman ang echosera!

"Goodbye kiss ko?"

Sinipa ko nanaman ang hita niya. "Sumu-sobra ka na, Miyell."

"Ikaw 'yong sumu—" Nagpumiglas ako nang hapitin niya ang baiwang ko. Hinalikan niya nanaman ako. Todo ilag ako sa labi niya. Walangya talaga nito!

"Isa," nakangisi niyang sabi habang hinuhuli ang labi ko. "May dalawa pa," tinabingan ko ang labi ko. Inilagan ko nanaman ang labi niya. Nagpatintero ang mga mukha namin. "Dalawa," nahuli niya nanaman ang labi ko.

"Ano ba! Ipapapulis na talaga ki—"

"Tatlo!"

Binitawan niya na ako. Nakangisi niyang sinenyas ang pinto.

"You can go, Sexy Baby, but I can't promise that I would not follow you."

Nagmamartsa akong lumabas ng pinto. Malamang sumunod nanaman siya. Hinayaan ko na lang hanggang sa may humintong kotse. Sumakay na rin ako.

Si Key ang nagsundo sa akin.

"Kaninong kotse 'to?"

"Kay Val. Hiniram ko." Nakangisi niya akong tiningnan sa salamin. "What happened last night?"

Nag-iwas ako ng tingin. "W-wala."

"Really? Sabi ni AP bumalik na si Fervid."

"O-oo nga."

"Itinulak ka pa nga raw niya sa kaniya."

Ang echoserang palaka siya pala ang may kasalanan kung bakit nandoon ako sa unit ni Fervid! Sasabunutan ko talaga 'yon!

"Anyways, humanda ka sa riot."

"Bakit?"

"Siguradong magkakagulo ngayon si Xen at Fervid."

Natahimik ako. Pursigido nga talaga si Fervid na mang-agaw. Halata naman sa inaasta niya wala na siyang pakialam basta maging kami lang.

"Problema 'to, Miyell. Bakit naman kasi jinowa mo pa si Xen halata naman na si Fervid ang mahal mo?"

"Ano bang alam mo?"

"Lahat alam ko. Nak ng pating, tagal na nating magkakasama kahit palagi kang tahimik kilala ka na namin. May balak ka pa bang itago sa mga best friends mo ang totoo?"

"Sorry."

Nag-init ang gilid ng mata ko. Nagbabadyang tumulo ang luha.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Kasi naman jinowa mo 'yong isa hindi naman pala siya."

"Ayaw ko kasing manakit ng kaibigan."

"Masasaktan mo pa rin siya. Tingin mo kapag nalaman niyang hindi mo naman talaga siya mahal hindi mo masasaktan?" Sumulyap siya sa akin sa salamin matapos ay balik tingin ulit sa kalsada.

"Matalino ka, pero ang dami mong maling desisyon sa buhay."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.