"Susi, help me. What should I do?"
"Makipag-break ka kay Xen."
"Hindi ko magagawa 'yon. Kilala mo naman ang pamilya namin."
"Edi magtiis ka."
"Key!"
"Ano? Sinasabi ko lang. Wala ka namang ibang option. Hindi pwedeng dala-dalawa. Nak ng pating, Miyell." Inis niya akong tiningnan. "Sinasabi mo sa sarili mo na ampangit mo tingnan mo ngayon dala-dalawa," tumawa siya.
"Tulungan mo na lang ako."
"Hiwalayan mo nga. Tagal na naming sinasabi."
"I can't. Ang bait-bait ni Xen."
"Kaawaan daw ba 'yong tao?"
"Eh, sa nakakaawa talaga kapag walang pasabi ko na lang na iniwan."
"Isa-isa lang kasi. Isa lang ang puso," tumawa nanaman siya.
"Inaasar mo lang ako."
"Pinipigilan ko ngang 'wag kang asarin. Lalo na siguro kung si AP ang nandito siguradong pinutakte ka na."
Hindi ko na lang siya kinausap dahil ang mga sumunod na sinabi niya ay pang-aasar na.
"Akalain mo 'yon? Parang noon binu-bully ka pa dahil sa hitsura mo tapos ngayon pinag-aagawan ka na," humagalpak siya ng tawa. "Naaalala ko pa noon buong klase pinagtripan ka."
"Manahimik ka."
"Baby bra, chill ka lang. Pinapaalala ko lang saiyo 'yong mga iyak moments mo tapos ngayon nahihirapan kang magdesisyon kung sino ba talaga."
"'Di ka tatahimik?"
"Tatahimik na basta ilibre mo ako para makabawi ka naman sa mga libre ko saiyo noon."
Nakangisi akong umiling-iling. Wala talagang matino sa Nematoda.
Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko.
From: AP
Naisuko na ba ang bahay bata?
Hay nako! Matapos ni Key itong isa namang ito. Hindi ko na lang nireplyan, pero nagulat ako nang sunod-sunod na tumunog.
From: AP
Gumamit ba kayo ng proteksyon?
From: AP
Kailan ang kasal? May nabuo ba?
Naihilamos ko ang kamay sa mukha.
Hibiscus rosa sinensis! Nauubusan ako ng tubig sa katawan. Ewan ko ba sa mga ito. Sa mga nakalipas na taon pinapaalala nila sa akin si Fervid. Botong-boto sila sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.
From: AP
Dapat nagpabuntis ka na kay Fervid para wala nang laban si Xen.
Inis kong hinilamos ang kamay sa mukha.
Paano ko sasabihin ito kay Xen? Nakipaghalikan sa iba ang girlfriend niya.
Hibiscus!
Si Fervid 'yon hindi naiiba sa kaniya. Malaking gulo ito.
Ano ba 'tong pinasok ko?
"Miyell, para kang nawalan ng dugo," tumawa si Key. "Mamili ka na ngayon pa lang. Saan kita ihahatid?"
"Sa office ni Xen."
"Make sure you did the right choice, honey babe."
Binato ko siya ng bag ko. "'Wag mo nga akong tawaging honey babe!"
Tumawa siya. "'Di ka marunong makaintindi ng biro."
Itinabi niya ang kotse. "Salamat." Lumabas agad ako at nagpaalam.
Pagpasok ko pa lang ng office ni Xen ay malapad na siyang nakangiti.
"Babe!" Tumayo siya at patakbong niyakap ako. "Kumusta ang kasal nila Denmeir? Kumain ka na ba?"
Sa pagkakangiti niya parang ang hirap basagin niyon. Siguradong masasaktan lang siya kapag nalaman niya.
"Hindi pa ako kumain."
Panibagong kasinungalingan. Pinakain na ako ni Fervid bago umalis. Gusto ko lang kasi siyang sabayan.
"Halika. Kain tayo." Umakbay siya sa akin. Humalik siya sa noo ko. "Where do you want to eat?"
"Kahit saan."
Kaya hindi ko magawang makipag-break sa kaniya dahil kulang ang salitang mabait para idepina siya. Napakalambing, maalaga at mapagmahal. Wala akong masabing negatibo sa kaniya.
Sinubuan niya ako. Busog pa talaga ako, pero pinilit kong nguyain.
"Anong nangyari kagabi, Babe? Nag-enjoy ka ba?"
Nagbaba ako ng tingin. Dumagundong ang dibdib ko. Ayaw ko talagang manakit hindi ko intensyon. Nawalan ako ng kontrol.
"Hmm-hmm."
"Hindi mo sinasagot ang tawag ko," nakanguso niyang iniyakap ang kamay sa baiwang ko. "Marami kang nainom? Sino nag-uwi saiyo?"
"Ahm," inayos ko ang salamin ko.
Paano ko sasabihin?
Nangilid ang luha ko. Hindi niya deserve na masaktan, napakabuti niyang tao.
"Babe, inayos ko na nga pala 'yong venue sa birthday ko sa saturday. Sa beach na lang para makapag-enjoy ang lahat."
"S-sige."
Sinubuan niya ulit ako. Nasusuka na ako dahil busog na talaga ako.
"Nga pala, Babe, umuwi na si Fervid." Nanginig ang kamay ko. "He will be there. Magkikita yata sila ngayon ni Xhane. Ewan ko ba sa dalawang 'yon bakit hindi na lang magbalikan."
Parang bomba na sumabog iyon sa dibdib ko. Masakit, sobrang sakit, pero 'yon naman ang tama. Dapat maging sila na lang ulit. Sooner or later ikakasal ako kay Xen dahil narinig ko ang pag-uusap ni papa at Mr. Azarcon. They want apo.
"Babe?"
"Ah? Ano 'yon?"
"Kanina ka pa wala sa sarili," kumunot ang noo niya. "Tinatanong kita kung okay ba na sa beach na lang i-celebrate? Sa Camerino's Resort, si Denmeir na kasi ang nag-offer birthday gift niya na."
"Ahm, s-sige."
"May sakit ka ba?" Sinapo niya ang noo ko. Umiling naman ako.
Magbi-birthday pa siya tapos bibigyan ko ng sakit sa puso? Ang sama ko namang tao.
Tumulo nang sunod-sunod ang luha ko. Pinalis niya.
"What's your problem?"
Inilagay ko ang kamay sa pisngi. "Masakit ang ngipin ko, kanina pa."
"Let's go to the dentist," tumayo siya. Pinigilan ko naman ang kamay niya.
"Hindi na, uuwi na lang ako."
"Are you sure?"
"Yes. Balik ka na sa trabaho mo."
"Sige."
Wala sa sariling naglakad ako papunta ng Imperial's Mall. Malapit lang naman kaunting lakad lang. Pinabalik ko na si Xen sa trabaho. Maghahanap lang ako ng regalo para sa kaniya.
No, we don't need to break up. Pwede ko naman iwasan si Fervid katulad ng dati.
Naghanap ako ng polo shirt na babagay sa kaniya. Siguro 'yong light blue. Akmang hahawakan ko ang nag-iisang damit nang may humawak.
"Para sa akin ba 'to, Sexy Babe?"
"What the? Fervid!"
"Chill," malapad siyang ngumiti. Itinaas niya ang polo shirt. "Ang ganda nito bagay na bagay sa akin."
"Akin na 'yan!" Inagaw ko sa kaniya, pero itinaas niya. "Ano ba!"
"Tell me that it's for me."
"No! Bibilhan ko ng regalo si Xen."
Pumorma ng 'O' ang bibig niya matapos ay sinapo ang dibdib. "Ouch."
"Akin na!" Hinila ko sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan.
Nakasunod siya sa akin hanggang makarating ako sa counter.
"Gusto mo idikit na kita sa pwet ko? Buntot ka nang buntot!
"My pleasure, Sexy Baby."
Malapad siyang ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ba naman cute pa rin siya? Baby face pa rin ang mukha niya kahit dumagdag ang edad.
Masama ko siyang tiningnan. Hindi kasi ako marunong magpa-ikot ng mata hindi katulad ni AP at Delight kaya hanggang masamang tingin lang ako.
"Bakit mo siya binilhan ng polo shirt?" Nagmadali akong maglakad.
"Paki mo?"
"Ah? Kasi birthday niya sa saturday."
Huminto ako. May nakita akong bilihan ng french fries.
"I guess you want french fries, Sexy Babe," umakbay siya. Kinurot ko naman ang kamay niya.
"Kapag may nakakita sa atin dito sasabunutan talaga kita!"
Ang echosero tinanggal nga ang pakakaakbay, pero kinuha naman ang kamay ko at pinagsalikop 'yon. Hinila ko nang hinila, pero hindi matanggal.
"Ipapapulis na talaga kita! Bitawan mo ang kamay ko!"
Nakangiti siyang bumili ng french fries. Hindi man lang niya binitawan ang kamay ko kahit saglit lang.
"Bitawan mo sabi ako!" Hinila ko nanaman. Mas lalo lang humigpit 'yon. "Fervid!"
"Parang kamay lang pinagkakait mo pa?"
"Isa!"
"Dalawa," nakangiting bilang din niya.
"Ugh!" Pinaghahampas ko ang balikat niya.
Sa huli wala akong nagawa. Napagod na ako kakahila ng kamay ko. Kumain na lang ako ng french fries gamit ang isang kamay. Kapag sinusubuan niya ako hindi ko tinatanggap.
Nakangiti niyang inikot ang paningin. "Saan tayo, Sexy Babe?"
"Uuwi na ako."
"May date pa tayo."
"Ano ba!" Hinili ko ang kamay ko, pero hindi ko talaga matanggal.
"Isa pang hila mo hahalikan kita rito sa gitna," tumaas-taas ang dalawang kilay niya. "Ang dami pa naman tao."
Nanahimik na lang ako kaysa makipag-away. Kainis!
Isinakay niya pa ako sa ferris wheel. Hindi nga ako sumakay roon.
"Fervid! Ayaw ko rito! Bababa na ako," hinila niya ako dahilan para mapaupo ako sa hita niya. Mahigpit niya akong niyakap sa baiwang.
Nahigit ko ang hininga. Wala akong marinig kung hindi ang tibok ng puso ko.
Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?
Dati naman masaya kaming dalawa na nagkukulitan, pero ngayon ibang-iba na ang lahat. Kailangan ko siyang iwasan, pero heto ako kahit sinisinghalan siya ay masaya pa ring kasama siya.
Dapat umiwas na ako, pero ayaw ng puso ko. Dapat itigil ko na, pero hindi ko kaya.
Natahimik ako habang yakap niya sa likuran. Nakaupo pa rin sa hita niya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakangiti siya.
"I want you in my life," bulong niya. "Masama bang hilingin na maging akin ka?"
"Fervid, you know that we can't be."
"I don't care. Ang gusto ko lang ikaw," mas humigpit ang pagkakayakap niya.
Inayos ko ang upo. Umupo na lang ako sa tabi niya.
"Gulo 'to, promise."
"Eh, ano naman?" Hinaplos niya ang pusngi ko. "I'm architect Fervid Ruiz, kaya na kitang buhayin sa sarili kong pera. Sumama ka sa akin."
"No!" Umiling ako. "May boyfriend ako."
"Ang tagal niyo naman mag-break. Kailan ba darating ang araw na 'yon?"
Tumaas ang dalawang kilay ko. "Ang sama mo rin, eh, 'no? Hinihiling mo na maghiwalay ang dalawang tao."
"Kung sinabi mo lang noon na mahal mo ako edi sana masaya tayo ngayon," pinisil niya ang pisngi ko. "Choosy ka pa kasi."
"Adik ka ba? Kayo ni Xhane noon."
"Sa mga linya mo parang mahal mo rin talaga ako," pumorma ang ngisi sa labi niya.
"H-hindi k-kita gusto."
"Kasi mahal mo ako, magkaiba 'yon," nakangiti niyang pinagmasdan ang paligid. "Magiging akin ka rin," mahinang sambit niya.
Nanahimik na kaming dalawa nang magsimula na umandar ang ferris wheel.
"Miyell, ferris wheel ka ba?"
"Huh?"
"Kasi gusto kitang sakyan," humagalpak siya ng tawa.
Nag-init naman ang pisngi ko. Pinaghahampas ko siya. "Bastos ka talaga!"
Tawa siya nang tawa. "Joke lang. Ako na lang ang sakyan mo?" Tumaas-taas ang dalawang kilay niya. Sinipa ko siya.
"Aray!" Hinimas niya ang binting tinamaan. "Binibiro ka lang."
"Kabastusan mo ang bata-bata mo pa."
"I'm not a kid. Gusto mo gawan kita ng baby?" Ngumisi nanaman ang echosero.
Pinaghahampas ko nanaman siya. Tawa siya nang tawa.
"Ang pula ng pisngi mo," humagalpak nanaman siya ng tawa.
"Kung ano-anong sinasabi mo."
Umakbay siya sa akin. Hindi ko na tinanggal dahil siguradong hindi naman siya papapigil.
"I just want you to know that I'm not a kid anymore."
"Pero hindi dapat sa kabastusang paraan."
"Pervert ako pagdating saiyo," natigilan ako nang bumaba ang kamay niya. Hinawakan niya ang strap ng bra ko.
Sinabunutan ko siya. "Kabastusan mo talaga!"
"Ate, aray, tama na!" Tawa siyang nang tawa habang sinasabunutan ko. "Wala naman makikita saiyo. Dalawa ang likod mo," humagalpak nanaman siya.
"Bwisit ka talaga!" Tinanggal ko ang seatbelt at tumayo ako. Nakalimutan kong nasa ferris wheel nga pala kami. Napaupo ulit ako. Hinila ako ni Fervid dahilan para mapaupo ako sa hita niya ulit. Hinawakan niya ang braso ko at paharap akong inupo sa kaniya.
"F-fervid," nanlaki ang mata ko.
Ipinatong niya ang ulo sa dibdib ko at mahigpit na niyakap ako. Kung titingnan mo ang posisyon namin ngayon para kaming magkasintahang naglalambingan.
True couple, but sadly we're not.
Nawala na sa isip ko na nasa public kami. Hindi ko na rin marinig ang sigawan ng mga tao kahit sobrang ingay ng paligid. Ang tanging alam ko lang ay nakaupo ako sa hita ng lalaking pinakamamahal ko. Lalaking nagpapatibok ng puso ko.
Inabot niya ang mukha ko. Dumampi ang labi niya sa labi ko.
"F-fervid."
"Shh."
Tumindi ang paghugot ko ng malalim na hininga nang igalaw niya ang labi.
"F-fervid, nasa public tayo." Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Ang lakas ng kaba na namumutawi sa dibdib ko.
Another mistake.
Umupo ako sa tabi niya. "Gusto mo bang mawalan ako ng lisensya?"
Nakangiti siyang umiling. "Hindi mo naman ako pinigilan. Nagustuhan mo ba, Sexy Baby?"
Nagbaba ako ng tingin. Napasulyap ako sa binili kong polo shirt. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Bakit ba kapag siya ang kasama ko nakakalimutan ko na may boyfriend ako?
Napakalandi ko naman.
"Come here, Sexy Baby."
Umiling ako. "Sabi't itigil mo na 'to, eh."
"Sabi't hindi ko kaya, eh," ginaya niya ang tono ng boses ko.
"Hindi ako nagpakahirap mag-aral para lang sa wala."
"Connect niyon sa atin?"
"Para sa future natin."