Nagmadali akong bumaba. Hinabol naman ako ni Fervid. Kinuha niya nanaman ang kamay ko. Mahigpit na pinagsalikop 'yon.
"Fervid!"
"Fervid," sarkastiko niyang sabi. "Masakit sa tainga. Dapat ang tawag mo sa akin ay sexy baby."
"Ikaw lang ang nakaisip niyan edi tawagin mong ganyan ang sarili mo."
Tumawa siya. "Para naman akong baliw niyon?"
Natigilan kami sa paglalakad nang makita kung sino ang nasa harapan namin. Ang laki ng mga mata ni Key, Delight, AP at Ailey.
"Nak ng pating, Miyell!" Gulat na sabi ni Key.
Binawi ko ang kamay ko kay Fervid.
"Nag-break na ba kayo ni Xen?" Sinuri ako ng tingin ni Delight.
Nahihiya akong umiling.
"Hindi ka manloloko, Nematoda. Kung siya edi siya!" Inis na sabi ni Delight. Nangangaral sa akin. "Dapat nakipag-break ka muna kay Xen."
"It's not her fault," singit ni Fervid. "Ako 'yong makulit."
"That's not the point!" Inis na sabi ni Delight. "Kaibigan mo kami kung mali ang ginagawa mo dapat lang na masermunan ka."
"Hayaan mo na, may rason naman si Miyell sigurado ako," sabat ni AP.
Tahimik si Key at Ailey habang nakatingin sa amin.
"I'm just worried. Matuto ka naman sanang isipin ang nararamdaman ng iba," pangaral nanaman ni Delight. "Ayaw ko sa manloloko at hindi ko hahayaang isa sa mga kaibigan ko manloko rin!" Tinalikuran niya kami. Hinabol ko naman siya.
"Sorry."
Malungkot niya akong tiningnan. "Hindi ka dapat sa akin mag-sorry, kay Xen." Hinawakan niya ako sa kamay. Umupo kami sa bench.
"Sabihin na nating hindi mo malayuan si Fervid dahil siya nga ang mahal mo, pero bago mo isipin ang nararamdaman mo ayusin mo muna ang mga bagay-bagay."
"Hindi ko kasi alam kung paano," nakababa lang ang tingin ko.
"Bakit ka nahihirapan? Sigurado ka bang si Fervid ang mahal mo o baka naman mahal mo rin si Xen hindi mo lang napapansin?"
Natutop ko ang bibig ko.
Bakit nga ba pakiramdam ko ang bigat-bigat makipaghiwalay sa kaniya? Parang dudurugin din niyon ang puso ko. Kung wala talaga bakit iniisip ko pa lang may kumikirot na sa puso ko?
"Oh my, Miyell? Baka gusto mo rin si Xen."
Lumakas ang tibok ng puso ko.
Hibiscus, gusto ko rin ba siya? Pwede ba 'yon, dala-dalawa? Imposible naman.
"Parang naapektuhan ka rin kay Xen?"
Nakagat ko ang labi ko.
Pero kung siya ay gusto ko rin, bakit pagdating kay Fervid siguradong-sigurado ako?
"Isipin mong mabuti. Pakiramdaman mong mabuti baka kasi si Xen ang mahal mo pinakawalan mo pa. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na maging sigurado."
"S-sige, salamat sa payo."
Yumakap ako sa kaniya.
"Gusto kong maging masaya ka, 'yong saya na hindi nanapak ng iba."
"Thank you talaga."
Dumaan ang mga araw. Pinilit kong umiwas kay Fervid. Hindi ko siya pinapansin. Masakit sa dibdib parang pinipiga ito.
---
Birthday na ni Xen. Masayang-masaya siya habang nakikipagbiruan sa mga kaibigan. Kararating ko lang galing sa school.
"Babe?" Ito ang unang beses ko na tinawag siyang 'Babe', pero hindi siya nagreklamo na hindi niya 'yon naririnig sa akin.
"Nandito na pala ang future misis ko." Mahigpit niya akong niyakap. Humalik siya sa pisngi ko. "Ipapakilala kita sa mga officemates ko."
"Siya si Lee," nakipagkamay ako sa kaniya. "Arabella, Cecelia, Frank..." Marami pa siyang pinakilala na mga bago niyang katrabaho. Hindi ko na matandaan ang ilan, pero may isang tumatak sa isip ko. Si Arabella, hinagod niya kasi ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Maganda siya, kulay blue ang mga mata, halatang may ibang lahi.
"She's not pretty," rinig kong bulong nito sa katabi.
Hindi ko ito pinansin dahil ayaw kong masira ang araw ni Xen. Inabot ko sa kaniya ang regalo ko.
"Sana magustuhan mo. Happy Birthday, Babe," humalik ako sa pisngi niya.
"Basta galing saiyo laging gusto ko. Salamat," pinanggigilan niyang halikan ang pisngi ko. Ngumiti naman ako.
"Marami na ang bisita mo, entertain mo muna sila," nakangiti akong humawak sa baiwang niya.
"Nasaan nga pala ang mga kaibigan mo?"
"Baka wala pa."
Maya maya pa ay dumating na sila Delight. Yumakap sila isa-isa sa akin.
"Remember my advise," nakangiting bulong sa akin ni Delight. Tumango naman ako.
Karga ni Ailey ang isang taong gulang na anak.
"Hi, Denveir Ley," kinuha ko siya sa ina. Humalik ako sa pisngi niya. Sobrang cute!
Napako ako sa kinatatayuan nang humalik si Fervid sa mismong hinalikan ko. Nakangisi niya akong tiningnan.
Nang-aasar nanaman siya.
"Fervid!" Tuwang-tuwang lumapit si Xen sa kaniya at umakbay. "Kumusta?"
"Okay lang."
"Nandiyan si Xhane just in case na wala ka pa rin girlfriend," nakangiting sabi pa ni Xen.
"Actually," sumulyap siya sa akin. Kinabahan naman ako. Itinutok ko na lang ang tingin sa karga kong baby, pero ang pandinig ay nasa kanila. "May girlfriend na ako."
"Woah? Sino?"
Kumalabog nang sobra ang dibdib ko.
"'Di pa niya alam na girlfriend ko siya."
Rinig kong tunawa si Xen. Lumapit siya sa akin. Nilaro niya rin ang kamay ni Denveir Ley.
"May nililigawan ka pala?" Tanong muli ni Xen.
"Hindi rin."
"So ano?"
"Nanakawin ko lang sa boyfriend niya," nakangising sabi ni Fervid.
Kung hindi ko karga si Denveir Ley sinabunutan ko na siya!
"Babe? Hindi mo ba kakausapin si Fervid?"
"Ahm, hi!" Kinaway ko ang kamay.
Ang pagkakangisi ni Fervid ay lumapad. Parang kontrabida naman ito sa pelikula.
Ako yong bida?
Umiling-iling ako para alisin ang iniisip.
"Xen, pwede bang picturan mo kami ni ate?" Nakangiting inabot ni Fervid ang phone kay Xen.
"Sure."
Lumapit siya sa akin. Pasimple ko siyang siniko. Nag-iimagine siya na mag-asawa kami at anak namin si Denveir Ley.
Siya ba talaga ang nag-iimagine o ako?
"Woah! Ganda ng kuha," pinakita sa amin ni Xen. "Tayo rin, Babe."
Nakasimangot na inabot ni Fervid ang phone ni Xen. Kinuhaan niya kami ng picture. Nang iabot niya, blurred! Sinadiya niya 'yan!
"Sorry, pasmado ang kamay ko nanginginig."
"Okay lang," nakangiti pa ring sambit ni Xen.
Napakabait talaga.
Hinayaan kong magpakasaya si Xen habang kausap ang mga kaibigan niya. Pumasok na lang ako sa loob para uminom ng tubig. Nasa lababo ako nang may yumakap sa likuran ko.
"Tapos ka na makipag-usap sa mga kaibigan mo?"
Humarap ako. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Fervid nanaman.
Tinuhod ko ang hita niya. "Tigilan mo nga ako!"
"Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi tigilan kita?"
"Ano bang gusto mong sabihin ko?"
"Three words, eight letters, say it, Sexy Baby."
Nilampasan ko siya. Sumunod nanaman siya. Pati ba naman sa birthday ni Xen mangungulit siya.
"Xen," yumakap ako sa baiwang niya. Tiim bagang na natigilan si Fervid. Mas mabuti nang dito ako sa tabi ni Xen para 'di ako lapitan ng echoserong si Fervid.
Lumipas ang mga oras na hindi ako umalis sa tabi niya. Nag-swimming na ang ilan. Kahit gabi ay in-enjoy ang dagat.
"Miyell, halika," hinila ako ni AP. "Saglit lang Xen, ah."
Umakyat kami sa taas. Inabot niya sa akin ang two piece na red.
"Ano 'to?"
"Magswi-swimming tayo!"
"Hindi ko susuotin 'to!"
"Matanda ka na, Nematoda. Kailan mo balak ibalandra ang katawan mo?"
"Suotin mo na," singit ni Delight. "Minsan lang naman."
Maging si Ailey ay naka-swim suit pero may cover up.
"Hindi naman siguro magagalit si Denmeir," tatawa-tawang nagrampa si Ailey.
"Parang 'di nanganak!" Sigaw ni AP.
Nakangiti ko silang tiningnan. Sa bagay minsan lang naman ibalandra ang katawan suotin ko na.
Nakangiti akong lumabas. Napaawang ang labi ni Xen nang makita ako.
"Wow! That's my babe," yumakap ang kamay niya sa baiwang ko. "Gusto ko na tuloy pakasalan," bulong niya. Nawala ang pagkakangiti ko. "What do you think, Babe?"
"Ah—"
"Xen!" Hinalik-halikan siya ni Mrs. Azarcon. "Sorry, my baby, late si mommy."
"That's okay, Mom."
Habang nagkwe-kwentuhan sila nakangiti lang ako. Wala naman akong sasabihin kaya tahimik lang ako.
Nahagip ng mata ko si Fervid. Matalim ang tingin niya.
"Babe, wait lang. Ang dami kasing bisita."
"Okay lang."
Kumuha na lang ako ng makakain. "Babe, diyan ka lang, ah. 'Wag ka masiyado lumayo kasi nakaganyan ka."
"No worries," ngumiti ako.
Habang nag-iisip ako kung ano ang kukunin may lumapit sa tainga ko.
"Magpapalit ka o ako ang magpapalit saiyo?"
Nanlaki ang mata ko nang lingunin si Fervid. Hindi ko siya pinansin. Nakangiti ko pang tinalikuran.
Manigas ka riyan.
"Miyell," hinawakan niya ako sa braso.
"Ano ba? Nag-eenjoy 'yong tao, kill joy ka."
"Nag-eenjoy? Baka 'yong mga lalaki ang nag-eenjoy sa nakikita nila."
"So?" Tumaas ang dalawang kilay ko.
Tinalikuran ko ulit siya. Tiim bagang na nakatingin siya sa akin. Parang ang sarap niyang asarin.
Rumampa pa ako sa harap ng mga kaibigan niya.
"Ang laki ng pinagbago mo, Miyell," nakangiting lumapit sa akin si Bill. "Ang ganda mo na," tumawa siya.
"Hindi mo na ako maaasar na pangit," tumawa rin ako.
"Biro lang 'yon seryoso ka kasi palagi noon."
Si Bill naging kaibigan ko na rin ito kahit paano. Siya 'yong nakabasag ng salamin ko na pinalitan niya naman.
Lumapit din ang iba pang kaibigan ni Fervid.
"Hi," naglahad sila ng kamay.
"Jeck."
"Pat."
"Trevor."
Isa-isa kong inabot ang kamay nila. "Mga architect kayong lahat?"
"Oo, classmate namin si Fervid," nakangiting sabi ni Trevor. Nag-iinuman na sila.
Nahagip ng mata ko ang nag-aalburutong tingin ni Fervid. Nagmartsa siya palapit.
"Brad! Si Miyell, oh," nakangising bumaling si Pat sa kaniya.
"Nakikita ko may mata ako," kunot-noong sabi niya.
"Oh? So lover boy ka pa rin?" Pang-aasar ni Jeck.
Nawala ang pagkakangiti ko.
So, alam nila?
"Sayang kung alam mo lang patay na patay sai—" Natigil sa pagsasalita si Pat nang sumingit si Fervid.
"'Wag niyo akong inisin."
"Easy," pagsuko ni Pat. "Hanggang ngayon pa rin pala."
Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi nila. Alam nila ang tungkol sa nararamdaman ni Fervid para sa akin. Paano nangyari 'yon? Kwenento niya?
"Naalala mo ba dati 'yong dare?" Tumawa si Trevor. "Ayaw niyang si Miyell 'yong maging girlfriend niya kasi espesyal daw siya."
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko.
"Noon pa 'yon 'wag ka magalit. Dapat ikaw 'yong ide-dare na maging girlfriend ni Fervid kaso ayaw niya kaya naghanap siya ng babaeng maliligawan."
Nagbaba ng tingin si Fervid.
Si Xhane? Kaya ba naging sila dahil sa dare?
"'Wag ka mainis matagal na 'yon at saka hindi ka naman nasaktan ni Fervid, 'di ba?" Nakangiting sabi ni Jeck.
"Ah," pinilit kong ngumiti nang tunay. "Okay lang past na 'yon."
Senenyasan ko si Fervid na lumapit. Idinikit ko ang bibig sa tainga niya.
"Nag-sorry ka ba kay Xhane?"
Seryoso niya akong tiningnan. "Oo. Wala na 'yon ngayon, Sexy Babe."
Nagbubulungan kaming dalawa. "'Wag mo akong tawaging ganyan sasabunutan kita."
Ngumisi siya. "Magpalit ka muna?"
"Ayaw ko nga," malapad akong ngumiti.
Akmang magsasalita pa si Fervid nang may humatak sa baiwang ko. Ipinulupot ni Xen ang kamay sa akin. Parang binabakuran ako at ipinapakita sa lahat na sa kaniya ako.
"Hi, boys. Did you enjoy the night?" Nakangiti niyang binati ang grupo nina Fervid.
"Yes, Xen. Daming chicks," nakangiting sabi ni Trevor. Sumulyap siya sa akin.
"Hey, man!" Tinapik ni Xen ang balikat niya. "This girl is mine."
Tumawa si Trevor. Nakangising tiningnan si Fervid na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa kamay ni Xen na nakapulupot sa baiwang ko.
"Enjoy, boys." Nakipag-apir muna si Xen sa kanilang lahat bago ako hinila. "Now, I want solo moment with my girlfriend."
Ngumiti ako. "How about you? Did you enjoy the night, birthday boy?"
"Siyempre," humalik siya sa pisngi ko. "'Di ka nilalamig?" Tiningnan niya ang katawan ko.
"Hindi naman." Hinawakan ko ang kamay niya. "Gusto kong mag-swimming."
"Tara," itinakbo niya ako papunta sa tubig.
Palagi naman akong masaya kapag kasama ko si Xen. Sabi ni Delight pakiramdaman ko ang sarili kung sino ba talaga sa kanilang dalawa.
Masiyado na ba akong maganda?
Napasigaw ako nang itapon ako ni Xen sa tubig.
"Malamig pala."
Tumawa siya. "Gusto mo 'yan, eh."
Nahagip ng mata ko ang nakaupong lalaki sa buhanginan. Madilim ang mga matang nakatitig sa amin.
I'm sorry, Fervid.