UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 24

January 01, 2021

Ang lakas ng patugtog ni Fervid. Nakahiga lang ako sa sofa, nagce-cellphone. Iniinit niya lang 'yong mga pagkain kagabi.

I feel the contentment although we're not yet married.

Habang tumitipa ako sa phone bigla na lang siyang dumagan sa ibabaw ko. "Tara, kain na tayo."

"Sige, wait lang."

"Sinong ka-text mo?"

Ipinakita ko sa kaniya ang phone. Ka-text ko si Key at Xen.

"Ba't kausap mo si Xen?"

"Binati lang ako ng Happy New Year. Sabi niya rin hinahanap na ako. 'Wag daw tayong papahuli."

"'Di naman siguro tayo mahahanap nila, 'di ba?"

"Ewan."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Masaya ka ba?"

"Sobra," nakangiti niyang siniksik ang ulo sa tiyan ko. "Ang baho mo na. Ligo-ligo rin."

"Wow, bakit naligo ka na ba?"

"Hindi pa, pero mabango pa rin ako." Dahan-dahan siyang tumayo.

"Lakas mo!"

Marahan niya akong hinila patayo. "Kumain na tayo."

"'Di ka ba makakakain mag-isa?"

"Sexy Baby, tayong dalawa na lang ang magkasama ayaw mo pa akong sabayan kumain."

"Sige na nga." Inangat ko ang kamay, nagpapakarga.

"Ano ako, macho? Hindi kita kayang buhatin."

"Samantalang kagabi nabuhat mo ako papunta sa kwarto."

"Eh, lasing ako."

"Ang dami mong sinasabi!"

Padabog akong tumayo. Nagpapakarga lang, eh, minsan lang.

"Ahh!" Bigla niya na lang ako binuhat na parang isang sakong bigas.

"'Ayan na binuhat ka na." Iniupo niya ako sa harap ng lamesa.

"'Yong sweet na buhat naman! 'Yong buhat mo parang bigas ako."

Tumawa siya. "Mukha kang sako."

Sinipa ko siya. "Tingin mo saiyo? Mukha kang kargador," tumawa ako nang sobrang lakas.

Akala niya siya lang marunong mang-asar, ah.

"Kumain ka na, Miyell." Inabot niya ang spaghetti sa akin pati na rin ang fried chicken.

"Thanks, Fervid."

"Wala ka talagang kasweet-sweet sa katawan." Nakanguso niyang kinagat nang marahas ang chicken.

Siya naunang tawagin akong 'Miyell' tapos ngayon maiinis.

"Maawa ka sa fried chicken."

Inirapan niya ako. Natawa ako naman ako. "Bading."

"Mamaya ka sa akin," ngumisi pa ang echosero.

"Subukan mo ipapapulis kita."

"Sana kagabi mo pa ako pinapulis."

Tahimik na kaming kumain. Grabe pala ang gutom ko. Ang dami ko naman nakain kagabi.

"Saan mo gustong mamasyal, Sexy Baby?"

"Sa rooftop mamayang gabi."

"Sure! Maganda 'yon, romantic."

"Babae ka ba?"

"Bakit?" Inirapan niya ako.

"Kanina mo pa ako iniirapan."

"Sa gusto ko?" Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay.

"May mens ka, gurl?"

"May mens ka, gurl?" Panggagaya niya.

"Fervid!"

"Fervid!" Pangagaya niya ulit.

"Bahala ka nga!" Tumayo ako.

"Joke lang. Balik na rito, Sexy Baby." Hinila niya ako sa baiwang. "Inaasar lang kita."

Lumipas ang maghapon. Umakyat kami sa rooftop. Nakangiti siyang naglatag ng sapin, unan pati kumot.

"Ba't may ganyan? Dito ba tayo matutulog?"

"Malamig, eh." Humiga siya agad. Tinapik niya ang gilid. "Halika na, Sexybaby."

Tumabi ako sa kaniya. Yumakap ako sa baiwang niya at ginawang unan ang braso niya.

Magkasama naming tiningala ang mga butuin. Ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig ng simoy ng hangin.

"Malamig," kinuha ni Fervid ang kumot nilagyan ako hanggang sa may dibdib. "Sana ganito na lang tayo habang buhay," bulong niya sa tainga ko.

"Oo nga, parang walang iniisip, masaya lang."

Dinampi-dampian niya ng halik ang noo ko. "Kailan kaya tayo tatanggapin ng mga taong mahal mo?"

"Ewan, baka matagalan pa."

"Hindi naman pwedeng nandito lang tayo kasi may buhay ka rin doon."

"Okay lang naman ako rito." Ako naman ang humalik sa pisngi niya.

"Sweet naman ng Ate Miyell ko."

Ilang minuto kaming nanahimik, nakatingin lang sa kalangitan.

Ang ganda.

"Fervid?"

"Hmm?"

"'Wag ka magsasawa sa akin, ah?"

"Bakit naman ako magsasawa? Ang ganda-ganda kaya ng Sexy Baby ko," dinampi-dampian niya ng halik ang pisngi ko. "The moment that I gave my junior to you, I'm forever yours."

Humagalpak ako ng tawa. "Ikaw pa talaga 'yong nagbigay, ah?"

Ngumiti siya. "Hinarass mo ako."

Sinabunutan ko siya. "Ikaw 'yon."

"Ah, gusto mo ipaalala ko sa iyo?"

Natikom ko ang bibig ko. Siguradong namumula na ang pisngi ko.

"Stop na, change topic."

"Ayiee! Kinikilig siya," kiniliti niya ang baiwang.

"Isa!" Parang baliw ako na kumislot. Tawa nang tawa.

"Dalawa!" Bilang niya rin.

Nakagat niya ang labi nang dumapo ang tingin niya sa dibdib ko. Nakasando lang naman kasi ako. Wala rin akong panloob kasi kami lang naman dalawa ang magkasama itatago ko pa ba? Nakita niya na rin naman.

"See? Ikaw 'yong bastos."

"Sexy kasi ng sexybaby ko."

Napaawang ang labi ko nang hilahin niya ang kumot pababa.

"Pwede bang mag-rounds?"

Sinabunutan ko ang buhok niya. Tawa naman siya nang tawa. "Hindi ako nagbibiro buti nga nagpapaalam pa ako."

"Rounds?" Sarkastiko kong sabi. "Ibig sabihin marami? Plural, eh?"

Tumango siya. "Sige, halika. Rounds tayo!" Ni-wrestling ko siya.

"Aray! Ouch!"

Idiniin ko ang mukha niya sa unan. "Rounds pala, ah?"

"Ouch, ang sakit," hinimas-himas niya ang pisngi. Hanggang ngayon cute na cute pa rin ako sa kaniya lalo na kapag nakanguso siya.

Maasar nga ang batang ito. Hinaplos ko ang dibdib niya pababa. Natigilan siya. Kinagat ang labi.

"Don't wake my junior up. Hindi mo 'yan mapapatulog agad."

Humagalpak ako ng tawa. Akmang aayos ako ng higa nang dumagan siya.

"Walang bawian ginising mo."

"Ahh!"

Tumatawa niyang hinalik-halikan ang pisngi ko hanggang napunta sa labi, leeg, collar bone, at dibdib. He played with it.

Hayaan mo siya, gusto niya 'yan na gusto ko rin.

We made the dance steps. Again, we conjugated.

That's the best option to impregnate me so that no matter what happen they will never gonna split us.

Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Naramdaman kong sinuotan ako ng damit ni Fervid, binuhat niya ako. Nakapikit lang ako, hindi ako nagmulat. Ramdam kong bumaba kami hanggang sa lumapat ang aking likod sa malapad na kama.

Ramdam ko ang haplos niya sa pisngi ko. Dumampi ang labi niya sa noo ko.

"Unusually beautiful."

Pangalawang beses ko na narinig 'yon sa kaniya. Una, noong university party tapos ngayon.

Nagmulat ako ng mata. "What do you mean unusually beautiful?"

Ngumiti siya. Humiga sa tabi ko. "Beyond beautiful."

"Hindi ako maganda."

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Sometimes radiant beauty hiding its glow." Nilaro niya ang buhok ko. "Ang ganda mo ay kakaiba, maniwala ka."

"Mambobola."

"Hindi kita binobola," humalik siya sa tungki ng ilong ko. "Mahal kita."

"Mahal din kita," humalik din ako sa tungki ng ilong niya.

Mahigpit naming yakap ang isa't isa.

Nang sumikat ang araw. Nauna akong bumangon kaysa sa kaniya.

Ikinagulat ko nang makita ko sa sofa si papa at Mr. Azarcon.

Akmang tatakbo ako pataas nahawakan na ako ng mga tauhan ni Mr. Azarcon.

"Fervid!"

Tumulo agad ang luha ko.

"Tingin mo ba makakatakas ka pa?" Matalim na sabi ni Mr. Azarcon.

"Papa! Ayaw kong umuwi!" Lumuluha akong nagmakaawa sa kaniya.

Nakababa lang ang tingin niya. "Nak, para saiyo ito."

"Okay na ako rito! Please! Ayaw ko!" Nagpumiglas ako.

Bumukas ang pinto ng kwarto. Bago pa man makalapit si Fervid ay nahawakan na rin siya ng mga tauhan.

"Fervid," lumuluhang sambit ko. Nagpupumiglas ako sa mga nakahawak sa akin.

"Miyell!" Tumulo na rin ang luha niya. Lumuhod siya sa harap ni papa. "'Wag niyo pong ilayo ang anak niyo sa akin. Parang awa niyo na po." Pinagdikit niya ang dalawang palad. "Mahal po namin ang isa't isa."

"Papa! Please! Masaya po ako rito," pagmamakaawa ko rin. Nakaiwas ang tingin niya. Nakikita ko sa kaniyang hindi niya talaga kayang tanggihan si Mr. Azarcon.

"Miyell, hija. Hindi ko gustong mapunta lang kung kaninong babae ang anak ko kaya dapat ikaw ang pakasalan niya."

"P-pero Mr. Azarcon, may mahal akong iba," humagulgol na ako ng iyak. "Pagbigyan niyo naman po kami."

Napalingon ako kay papa nang magsalita siya. "Dalhin niyo na ang anak ko," tiningnan niya ako. "'Wag matigas ang ulo."

"No! Fervid!" Pinilit kong abutin ang kamay niya ganoon din siya.

"Miyell! Please po! 'Wag niyong gawin sa amin ito! Miyell!" Napaluhod na si Fervid. Parehas kaming humahagulgol.

Akala ko noon sa palabas lang nangyayari ito, pero heto at dinaranas namin. Hindi ako mabubuhay kung hindi siya ang lalaking makakasama ko habang buhay.

"Miyell!" Nagpumiglas nang nagpumiglas si Fervid. Nanlaban pa siya, sinuntok niya ang isa, pero dahil malakas sila wala na siyang nagawa.

"Fervid!" Kumapit ako sa mga bagay na posible kong makapitan. Hinihila na nila ako. "Fervid!" Tulo nang tulo ang luha, mas lalong dumagsa iyon nang tutukan nila ng baril si Fervid.

"Sasama ka o mamatay ito?" Sabi ng isa sa mga tauhan.

"Sige! Patayin mo! Mas mabuti pang mamatay kaysa kunin niyo sa akin si Miyell!"

"Ang tapang mo!" Sinuntok siya ng isa.

"Ano ba! Tigilan niyo siya!" Pinagsisipa ko ang mga nakakapit sa akin, pero naiilagan lang nila 'yon.

"Wala sa usapang sasaktan niyo ang anak ko!"

Napalingon kami sa pinto. Umawang ang labi ko.

"Dad?" Pagak na natawa si Fervid. "Pati pala ikaw kasama? Wala ka talagang kwentang ama!"

"Hindi mo naiintindihan! Hindi mo kilala ang mga Azarcon!"

"Kaya hinayaan mong maging tuta ka? Sunod-sunuran?"

"Bastard!" Tumama ang kamao ni Mr. Ruiz sa mukha ni Fervid.

Nakatakas ako sa pagkakakapit sa akin kaya mabilis akong yumakap kay Fervid.

Mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Mala-teleserye na ang buhay ko. Me and Fervid against the world, ang sakit.

Bakit hindi na lang nila magawang maging masaya para sa aming dalawa?

Pinipilit ba ang pagmamahal? Hindi ba't dapat kusa iyong ibinibigay?

"Lumayo ka sa kaniya, Miyell! Umuwi na tayo!" Hinila ako ni papa.

Naging matunog ang pag-iyak naming dalawa.

"Hindi ako uuwi!"

"Ang tigas ng ulo mo!" Dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Napahawak ako roon.

Inilagay ako ni Fervid sa likod niya. "'Wag niyong sasaktan ulit si Miyell kung ayaw niyong mawala ang respeto ko sa inyo!"

"Fervid!" Hinila naman ng dad ni Fervid ang braso niya. "Bitawan mo nga ang babaeng 'yan! Ang daming babae 'di ka na lang maghanap!"

"Hindi hinahanap 'yon! Palibhasa kasi ikaw parang nagsha-shopping ka lang sa kapapalit mo ng babae!"

Hindi namin inaasahang hihilahin ako ni papa. Wala akong nagawa, mabilis niya akong nailabas at naipasok sa van.

"Papa!" Humahagulgol kong sabi.

"Fervid!"

Hinawakan niyang mabuti ang braso ko. Nakita ko pang hinabol kami ni Fervid, pero hawak siya ng mga tauhan.

Fervid...

-------

"Hindi ka lalabas dito hangga't 'di ka kinakasal!"

Marahas akong tinulak ni papa sa isang kwarto. Hinabol ko ang pagsara ng pinto, pero 'di ko na inabot.

"Palabasin niyo ako! Ahh!" Pinagsisipa ko ang pinto.

"Baka talagang hindi kayo ang para sa isa't isa?"

Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa kama.

"Xen?"

"Sabi ko saiyo 'wag kang magpapahuli kay daddy."

"Paano nila nalaman?"

"Dahil sa daddy ni Fervid."

Umupo ako sa tabi niya. Ihinilamos ko ang kamay sa mukha. Humagulgol na.

"Halika nga," malambing niyan sambit. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.

"All I want is to be happy."

"'Wag ka mag-alala siguradong ngayon gumagawa na ng paraan si Fervid."

Nag-angat ako ng tingin. "Why are you so kind?"

Ngumiti siya. "Hindi ako mabait mahal lang talaga kita."

Nagbaba ako ng tingin. Mahigpit kong pinagsalikop ang kamay ko. "Sorry talaga."

"'Wag ka ngang mag-sorry kung ako rin naman ang nasa sitwasyon mo hindi ko gugustuhing magpakasal sa taong 'di ko mahal," gumuhit ang kirot sa mukha niya.

"This is the result of my wrong decision."

"Don't think about your decisions maybe it is the destiny's ways to put us where we really suit." Hinaplos niya ang dibdib. "Masakit, Miyell," tumulo agad ang luha niya. "'Yong akin ka naman noong una, pero ngayon may mahal kang iba."

Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Mas mabuti na ang mailabas niya lahat ng hinanakit niya sa akin. Kahit pa nga murahin niya ako ay okay lang, tatanggapin ko 'yon dahil sobrang laki talaga ng kasalanan ko.

"Hindi kita susumbatan, hindi kita ikukulong, hindi kita pipilitin, para sa akin kung mahal mo ang isang tao uunahin mo kung saan siya masaya," hinawakan niya ang kamay ko. "Pero kung walang magawa si Fervid," sunod-sunod na tumulo ang luha niya hanggang dumagsa na iyon sa pisngi niya. "Pwede bang maging akin ka? Pwede bang maging akin ka na lang ulit?"

Dumausdos ang masaganang luha magmula sa mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakikita ko sa kaniyang umaasa siya kahit alam niyang wala naman talagang aasahan. Mas mabuti pa ang manahimik kaysa ibuka ko ang bibig kung ang lalabas lang naman doon ay patalim na tatarak sa puso niya at magpapalala lang ng sakit na nararamdaman niya.

"I've tried, I dragged Arabelle here, but it can't change the fact that I'm deeply in love with you."

Hinawakan ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa ginawa ko.

"I don't want to hurt you. Alam kong gasgas na rin itong linyang ito, pero gusto ko pa ring sabihin," humalik ako sa noo niya. "Makakahanap ka rin ng babaeng para talaga saiyo. 'Yong mamahalin ka at mamahalin mo."

Tumango siya. Ngumiti.

"I wish it was you, it will always be you." Humiga siya at ipinikit ang mga mata. "Sana lang makagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal natin."

Akmang maglalakad ako papunta ng banyo nang magsalita ulit siya.

"Kapag nakasal tayo... handa akong makipagpatayan. Hindi ka niya makukuha sa akin."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.