Linggo ang lumipas. Walang Fervid. Malapit na ang kasal namin ni Xen.
Umiiyak lang ako sa bawat araw na nagdaan, hindi kumakain, halos hindi na nga ako maligo.
Ayaw ko nang mabuhay.
This was hell for me, not seeing him was gradually killing me inside. The pain continue to give me suffering.
Si Fervid lang ang kailangan ko, siya lang.
"Kumain ka na, please?"
Kanina pa namimilit si Xen na kumain ako. Parang bingi akong hindi nagsalita. Nakatagilid lang ako ng higa at tumutulo ang luha.
Para saan ang pagkain ko kung ang talagang lakas ko ay si Fervid? Para saan ang mabuhay kung ang bumubuhay sa akin ay si Fervid?
Nothing. All of these were nothing if Fervid will not get me out of this cell—hell.
"Please? Magkakasakit ka niyan."
May sunod-sunod na kumatok.
"Please saglit lang gusto ko lang makausap ang kaibigan ko!"
It was Key.
Napabalikwas ako ng bangon. Tumakbo ako papunta sa pintuan.
"Key!"
Bumukas ang pinto.
"Key!" Masagana nanaman akong umiyak.
"Miyell."
Kitang-kita ko sa emosyon sa mata niya na awang-awa siya sa akin.
"Nasaan si Fervid? Kukunin na ba niya ako rito?"
Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako.
"Tell me, where is he?" Humagulgol na ako ng iyak.
"Hindi namin mahanap."
Lalong lumakas ang pag-iyak ko. "Anong ginawa nila sa kaniya?"
"Hindi ko rin alam."
"Sinong nagpapasok sa kaniya!"
Napalingon kami sa lalaking galit na galit na nakatingin sa amin. Naglakad si Mr. Azarcon palapit sa amin.
"Palabasin 'yan!"
"Dad," sumingit na si Xen. "Kaibigan siya ni Miyell. Kahit saglit lang mag-uusap lang sila."
"No! Mamaya kung ano pa ang gawin niya! Guard!"
Kinuha ni Key ang kamay ko. May inabot siyang maliit na papel.
"Nakita ko 'to sa condo niya," nagmamadali niyang sabi.
Hinila na siya ng mga tauhan. Mas tumindi lang ang sakit na nararamdaman ko. Pati ba naman ang mga kaibigan ko ayaw nila sa aking ipakausap man lang. Alam kong gumagawa rin ng paraan ang mga Nematoda. Kilala ko sila, para sa ikasasaya ng isa, susuungin din nila ang panganib, pero ano bang magagawa nila? Mga ordinaryong tao lang sila hindi katulad ng pamilya ni Xen.
Nang tulyan silang makaalis, binuksan ko ang papel.
I love you, Ate. Magnet will attract us. Hakuna Matata.
Tumakbo ako sa kama. Itinago ang mukha sa unan at humagulgol nanaman ng iyak.
Hakuna Matata means 'no worries.'
Palagi niya na lang sinasabi 'yon kapag mahirap ang sitwasyon.
Paano kung hindi kayang i-attract ng magnet ang mga bagay-bagay? May limitasyon din 'yon. Kapag sobrang layo mo, kung may mga sagabal sa paglalakbay nito palapit sa magnet o kung plastic naman o iba pang hindi niya kayang ma-attract ang component? Kahit gaano pa kamangha ang phenomena na 'yon ang limitasyon ay limitasyon, hindi sila magtatagpo.
"Magpalakas ka, paano mo haharapin si Fervid kung mahina ka?" Binuhat ako ni Xen patayo. "Ilang araw na, paano kung magkita ulit kayo? Sasabihin niya ang pangit mo kasi gulo-gulo nanaman 'yang buhok mo."
Wala sa sarilimg napangiti ako. Madalas si Fervid ang nagsusuklay ng buhok ko lalo na noong mga panahong magkasama kami. Hindi na nagulo 'yon dahil nakasanayan niya na ang magdala ng suklay.
"Kumain ka na."
Dapat nga akong magpalakas. Baka naman bukas nandiyan na siya at kukunin na ako.
Pinilit kong isubo ang pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang umikot ang tiyan ko. Tumakbo ako papunta ng banyo. Doon na dumuwal.
"Ahh!" Nasapo ko ang tiyan ko. Napaupo na sa tiles ng banyo. "Bakit ang sakit ng tiyan ko? Baka may ulcer na ako."
"Miyell? Okay ka lang?" Pinunasan ni Xen ng towel ang bibig ko.
Nahaplos ko ang tiyan ko. "Masakit."
Nanlaki ang mata niya. "Wait lang baka kung ano na 'yan."
Tumakbo si Xen pinagsisipa niya ang pinto.
"Dad! Buksan mo 'to! Si Miyell kailangan pumunta ng hospital!"
Sunod-sunod akong dumuwal parang pati ang stomach ko ay lalabas na.
"Ahh! Ang sakit."
Mahigpit kong sapo ang tiyan habang patuloy pa rin sa pagsusuka.
"Dad! F-cking old man! Open the door!"
Walang nagbukas ng pinto. Hindi nila kami pinagbigyan.
Mura nang mura si Xen habang inaalalayan niya ako pahiga.
"Sorry, nadamay ka pa sa gulo nitong pamilyang ito lalo na sa pagiging walang puso ng tatay ko."
Nanghihina akong pumikit. I have no choice. Inaantok ako.
"Magpahinga ka na muna. Mamaya kapag may nagdala ng pagkain makikiusap ako."
"Hmm-hmm."
Pumikit na ako. Sa unang pagkakataon mula nang dalahin ako rito, nakatulog ako nang mahimbing. Inaantok pa ako nang magising.
"Okay ka na ba?" Nag-alala niyang inayos ang kumot ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako. "Nahihilo ako."
"Kumain ka kasi ayaw mo kasing kumain, eh."
"I want Fervid," tumulo nang tumulo ang luha ko. "Nami-miss ko na siya."
Tumayo siya. Kinuha niya lahat ng mga dami na long sleeves.
"Anong ginagawa mo?"
"I can't stand here without doing something." Umupo ako habang nakatingin sa kaniya. "Itatakas kita."
Tinulungan ko siyang ibuhol lahat. Nasa ikatlong palapag kami. Sobrang taas niyon.
Sinilip namin ang baba. "Sobrang taas. Baka mahulog tayo?"
Umiling ako. "Kailangan natin sumugal."
Matapang kong sinilip muli ang baba. Pumikit ang mga mata.
Hakuna Matata.
"Miyell, baka malaglag ka."
"Okay lang."
Binuhol naming mabuti sa railings.
I can do this.
Sunod-sunod ang humugot ng hininga at nagpakawala.
Inalalayan niya ako pababa. Dahan-dahan akong pumwersa na bumaba.
"Wait lang."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Baka malaglag ka, natatakot ako."
"Okay lang mabubuhay pa naman siguro ako."
"May tanong lang ako."
"Ano 'yon?"
"May nangyari ba sainyo ni Fervid?"
"Huh? Ngayon mo pa talaga itatanong 'yan?" Hindi ko alam kung bakit nainis ako bigla.
"Kasi kung mayroon..." Nagkamot siya ng ulo. "Baka buntis ka?"
Napaawang ang labi ko. Natutop ko ang bibig.
Ang akmang pagbaba ko ay hindi ko itinuloy. Handa na sana akong lumambitin para makababa, pero ang isiping iyon ay nagpabago sa desisyon ko.
Wala sa sariling bumalik ako sa kama. Nasapo ko ang tiyan ko.
"Wrong move 'yong naisip kong paraan, pero tingin ko makakalabas ka na rito."
Wala pa rin sa sariling tiningnan ko siya. "Tingin mo?"
"Malay mo," ngumiti siya.
"Bakit ba gustong-gusto ako ng tatay mong ipakasal saiyo?"
"Because you're a smart girl. He said you can manage our business. Mapapalago mo raw 'yon."
"Dahil lang doon?"
"Oo, mukhang pera, eh."
Matapos ang ilang minutong pagpaplano, may kumatok kaya dali-daling itinago ni Xen ang mga binuhol naming damit kanina.
"How's your stay?" Nakangiting bungad ni Mr. Azarcon.
Nag-iwas ako ng tingin. Naghihirap kami rito tapos ngingitian niya lang kami?
"I'm sorry for locking you here. Gusto ko lang talaga na ikaw ang maging manugang ko."
"Palabasin niyo na po ako. Pwede ko naman tulungan si Xen kahit hindi niya ako asawa."
"Matigas din talaga ang ulo mo? Pasalamat ka nga ikaw ang pinipili kong maging asawa ng anak ko kahit mahirap lang kayo!"
"Wow?" Tumayo ako. "Thank you," sarkastiko kong sabi.
Akmang lalapit siya. Humarang si Xen sa harapan ko.
"Don't hurt her," madiin niyang sabi.
Ngumiti si Mr. Azarcon. "Hija, I like the way you think. I love your family. Matagal na, kaya ito ang naging desisyon ko." Tiningnan niya si Xen. "Whether you two don't like each other, you'll still get married."
Tinalikuran kami ni Mr. Azarcon. Hinabol siya ni Xen.
"Buntis si Miyell!"
Ang akala kong sasalubungin niya ng matalim na tingin ang anak, mali ako. Sinalubong niya pa nang malapad ang ngiti.
"Lolo na pala ako?"
Sumisipol niya kaming tinalikuran.
"No! Hindi ako ang—"
Binagsakan si Xen ng pinto. Mura siya nang mura, inis na inis.
"Baliw talaga ang matandang 'yon."
"Hays!" Padarag akong humiga. "Inaantok ako."
Sa mga lumipas na mga araw palaging masama ang pakiramdam ko. Tulog lang din ako nang tulog. Kumakain na rin ako kasi baka nga tama ang hinala namin ni Xen. Ayaw kong madamay ang bata sa gulong ito.
Pinilit ko na lang 'wag masiyadong mag-isip. Kapag naiiyak ako matutulog na lang ako. Pinaghahandaan daw nila ang kasal.
Bahala nga sila. Napapagod na ako makipagpatintero. Kahit makasal naman ako kay Xen tatakas at tatakas pa rin ako.
Pasimpleng dumadalaw rin sila AP, Ailey, Delight at Key rito. Binabalitaan ako.
-----------
Kasalukuyan akong nanonood ng TV. Mga pambata, sabi kasi ni Xen maganda raw na manood ako ng ganoon para malibang ako. May dumadalaw rin ditong doctor tinitingnan ang lagay ko. Hindi na ulit dumalaw pa si Mr. Azarcon kaya hindi namin masabing hindi naman talaga ito kay Xen.
"Okay lang ang baby, just make sure you sleep well and eat properly."
Ang dami rin nilang dinadala ritong prutas. Nakangiti akong tinitigan ni Xen.
"Bakit ka nakangiti?"
"Wala, natatawa ako sa naiisip ko."
"Anong iniisip mo?"
"Wala."
"Ano nga?"
"Tsk," binalatan niya ang orange. "I feel like I am the father."
"Feeling mo lang 'yon," inirapan ko siya.
Hala, weh? Umirap ako? Hindi naman ako marunong niyon.
"Nagsusungit na si misis."
Akmang yayakap siya sa akin. Sinipa ko agad ang kamay niya.
Natawa siya. "Grabe naman ang galit mo sa akin."
Umirap ulit ako. Yeah, nagtataray na ako. Baka naman dahil sa pagbubuntis. Nakakainis naman kasi ang tatay ng batang ito ang tagal akong kunin dito. Sasabunutan ko 'yon kapag nagkita kami. Hinihintay ko lang siya ilang linggo na.
Alam niya kaya ang pagbubuntis ko?
"Xen?"
"Oh?"
"Alam ba ni Fervid na buntis ako?"
"Hindi ko alam. Magkasama tayo rito."
"Alamin mo!"
"Hala, Miyell, grabe ka na sa akin. Napaka-harsh mo."
"Ang tagal niya akong kunin dito. Sabihin mo ipagpapalit ko na siya sa iba kapag 'di pa siya dumating!"
"Paano ko masasabi nakakulong din ako?"
"Gumawa ka ng paraan!"
"Ipagpalit mo na lang siya," ngumiti siya. "Alam kong kapag nangyari 'yon akin ka na."
"'Wag kang assuming!"
"Nang-aaway ka nanaman. Ako lagi pinag-iinitan mo."
"Sinong pag-iinitan ko? Dalawa lang tayo rito."
Pilit siyang ngumiti. "Sana akin na lang 'yang anak mo. Siguro masaya ako ngayon." Umupo siya sa tabi ko. "Ang talino rin ni Fervid, eh, 'no?"
"Heh! 'Wag mo akong tanungin. Matutulog ako."
-----------
Dumating ang araw ng kasal namin. Nagpahila pa ako dahil ayaw kong lumabas ng kwarto. Inaayusan nila ako ngayon.
"Ayaw ko ngang magpakasal sa kaniya!" Inis akong nagdabog. "Bakit ba ang kukulit ng lahi niyo!"
Natigilan ako sa pagmamaktol nang pumasok si papa. Galit ako sa kaniya kaya magdamag akong hindi nagsalita. Nasa tabi ko lang siya kaya hindi ako makatakas.
Simula sa pag-aayos hanggang sa pagsakay sa akin sa kotse nasa tabi ko siya, pero 'di ko kinausap. Binabantayan niya lang ako para hindi ako makatakas. Hinihintay kong bigla na lang may bumangga sa kotseng sinasakyan namin at lumabas si Fervid at kunin ako. 'Yon bang mala-teleserye ang datingan. My prince charming, knight in shining armor at iba pang eksena para iligtas ako sa bakulaw na kontrabida.
Pero parang wala siya. Parang wala na talaga siyang balak bawiin ako.
Nagsawa na ba siyang lumaban? Tuluyan na ba niya akong iniwan?
Pumatak nang pumatak ang luha ko. Pinagmasdan ko lang ang gusali sa labas.
Magnet, magnet pa siyang nalalaman! Hindi naman gagalaw 'yon kung wala siyang gagawin! Sabi niya mahal niya ako. Ito lang iniwan niya na ako. Siguro ngayon may babae na 'yon.
Sige! Bahala siya sa buhay niya!
Nandito naman ang anak ko. Marahan kong hinaplos ang tiyan. Iniwan na tayo ng hinayupak na Fervid na 'yon. Matatanggal talaga ang buhok niya sa pagkakakabit sa ulo niya kapag nakita ko siya. Wala man lang siyang pasabi kung anong ginagawa niya.
Umiiyak din ba siya sa bawat araw? Nahihirapan din ba siya?
Aba, malay ko.
Pakiramdam ko talagang tinalikuran niya na ako kasi kung totoong gumagawa siya ng paraan edi sana nagkakagulo na ngayon. Sana tinatakas na niya ako sa mga sandaling ito.
Inabandona na kami ng isip batang echoserong tatay nito.
"Miyell, anak."
Hindi ko siya pinansin. Anak? Anak niya pala ako kung ipamigay niya ako para akong isang bagay lang. Hindi siya makatanggi. Bakit? Dahil mataas na tao sila o talagang duwag lang siya?
Minsan pakiramdam ko ampon niya lang ako. Hindi niya naman kasi ako pinakitaan ng pagmamahal kahit noon pa man. Palagi siyang galit sa akin kaya hindi ko na magawang lumapit pa sa kaniya. Lahat may limit lalo na ang pag-uwi ko. Hindi ko na magawang mabuhay nang naaayon sa edad ko. Valedictorian, magna cum laude, nasubsob lang naman ako sa pag-aaral para maging proud siya, pero kahit hanggang ngayon, wala.
Hindi siya proud.
"Miyell."
Hindi ko siya pinansin.
"Magtiwala ka sa akin, anak, para saiyo ito."
Wala akong tiwala sa walang kwentang tatay na tulad niya.
--------------
Narating namin ang simbahan. Pakiramdam ko gusto ko na lang mamatay.
Ayaw ko na...
Marahan akong hinawakan ni papa. Halos ayaw kong maglakad. Biglang bumukas ang malaking pinto.
Fervid...
Tulo nang tulo ang luha ko.
Baka ito na talaga ang kapalaran ko? Baka iginuhit na talaga ito ng tadhana sa palad ko? Paano naman ang anak ko?
Hindi naman si Xen ang tatay nito, kawawa naman siya kung papanagutan niya ang hindi sa kaniya.
Martyr din ang isang 'yon.
Hila-hila ako ni papa palapit sa may altar. Nakita ko na si Xen, malapad na nakangiti.
Humagulgol na ako ng iyak.
"Pa, ayaw kong magpakasal sa kaniya."
Hindi ako pinansin ni papa. Nahagip ng mata ko ang mga kaibigan ko.
Nandito sila?
Ngumiti sila sa akin.
Bakit sila ngingiti kung sobrang paghihirap ko na ang humakbang man lang?
Tiningnan ko sila na. Nanghihingi ng tulong, pero wala silang ibang tugon kung hindi ang ngumiti.
Lumapit ako nnag lumapit kay Xen. Napako ang paa ko nang tumugtog ang kantang 'Your Name by: Young JV ft. Myrtle.'
Nagtataka kong inilibot ang mata.
Posible bang nagkataon lang?
Nang makalapit ako kay Xen, umiling-iling ako.
"Ayaw ko," tumindi ang pag-iyak ko.
Nanlaki ang mata ko nang lumabas si Fervid sa likod niya.
Nakasuot ng puting suit.
My groom.