UNUSUALLY BEAUTIFUL Chapter 27

FERVID'S POV

"Hingiin niyo nga ang number noong pangit na kasama nila," nakangising sambit ni Bill.

Nagdilim ang paningin ko. Umigkas ang kamao ko sa mukha niya.

I really don't know why I did that. Huli na para pagsisihan, nakita na kami ng librarian.

Binitbit niya agad kami papunta sa University owner. Actually, we're bestfriend. Bill is my best friend.

Parang wala lang sa amin ang magsuntukan kaya lang nakita kami ng librarian kaya 'ayon wala kaming nagawa.

Pinaturuan tuloy ako ng leksyon kay Miyell. Siya rin naman ang dahilan kung bakit ko nasuntok si Bill. Mabait kasi siya, ibinalik niya pa ang I.D. ko kaya ayaw kong pinagsasalitaan siya ng ibang tao—nilalait siya. Hindi naman totoo 'yon.

She has unusual beauty. People never notice it, but me, I view it.

I don't know, but the day came... I fell in love with her. I was crazy, I don't want that feeling because I was too young for her.

Tinamaan, hindi kayang gawan ng paraan.

Lumalim, hindi na nakaahon.

Sinubukang iwasan, lalo lang nalugmok sa nararamdaman.

Until I decided to let it out! She deserved to know, but I was late.

Naging sila na.

Baka nga 'di talaga ako gusto kaya pinilit kong lumayo. Lalo lang lumago ang pagmamahal na sa akin ay nagpabago.

I pursued her. I could see in her eyes that there was something.

I knew it, she loved me, too!

Hindi lang sinabi, hindi lang pinaramdam, pero ipinakita ng matang kung tumingin sa akin ay may nararamdaman din.

"By hook, by crook or by rope, you'll be mine."

I did.

-------------

Pinaharurot ko ang kotse.

No! 'Wag niyong kunin sa akin si Miyell!

Hinabol ko ang sinasakyan niya, pero sa kasamaang palad naharangan na ako. Ilang linggo akong hindi natulog kaiisip ng paraan. Naisipan kong haranahin ang tatay niya. Kabaliwan man, pero ginawa ko.

Nagpatulong ako sa banda ni Denmeir, TDNJ Band. Kasama ko sila nang magtayo kami ng stage sa harap ng bahay nila Miyell.

Nagsimula akong kumanta sa paraang sinasabi ang laman ng puso ko.

Marry your daughter

By: Brian McKnight Jr.

"Sir, I'm a bit nervous 'bout being here today... Still not real sure what I'm going to say... So bear with me please... If I take up too much of your time."

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang mic. Hindi naman ako kagalingan kumanta, pero may boses pa rin naman na masasabi.

Bumukas ang ilaw ng bahay nila. Lumabas ang nanay niya, kapatid at ang huli ay ang tatay niya.

"But you see in this box is a ring for your oldest.."

Ipinakita ko sa kanila ang ring box na binili ko. Oo, bumili ako ng singsing kahit alam kong walang kasiguraduhan kung mababawi ko pa siya.

"She's my everything, and all that I know is... It would be such a relief... If I knew that we were on the same side... 'Cause very soon I'm hoping that I... Could marry your daughter."

Pumatak ang luha ko. Nagmamakaawa ang mga mata habang nakatingin sa tatay niya. Hinihiling na sana ako'y pagbigyan.

Gumaralgal ang boses ko. My tears flooding to my cheek. Please, bear with me. Give me back my Miyell.

"And give her the best of me 'til the day that I die, yeah... I'm gonna marry your princess... And make her my queen."

Reyna na ang palasyo ay ang pagmamahal ko. Gagawin ko lahat para sa kaniya kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko hahayaang mawala siya dahil ikamamatay ko 'yon. Mas mahal ko pa siya higit sa buhay ko.

Lumapit ako sa tatay niya habang humahagulgol ng iyak. Nagmamakaawa na baka naman maibalik siya sa akin.

Walang pag-aalinlangan akong lumuhod sa harap ng pamilya niya.

"Sorry kung tinanan ko siya. Sorry kung sinama ko siya na walang paalam," masaganang dumaloy ang luha ko. "Ginawa ko lang 'yon kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko po siya kaya please lang po hayaan niyong ako ang lalaking pakasalan niya."

Nakita ko rin ang pamamalisbis ng luha ni Rocelle at ng nanay ni Miyell.

"Hindi ko po siya sasaktan," itinaas ko ang kanang kamay. "Promise." Lalo akong nagsumamo. "Alam kong masaya siya sa akin kaya parang awa niyo na po. Hayaan niyo po akong pakasalan siya."

Bumagsak ang balikat ko nang talikuran niya ako. "Pumasok na kayo sa loob!" Baling niya sa asawa't mga anak.

Malungkot akong tiningnan ng mga kapatid niya.

"Sorry," bumuka ang bibig ni Rocelle.

Tinapik ni Denmeir, Jessie, TK at Norman ang balikat ko. Sila ang banda ni Denmeir na naging kaibigan ko na rin.

"Sir, please!"

Akmang papasok na siya ng loob nang muli akong sunigaw.

"She's pregnant!"

Natigilan siya at mabilis na nilingon ako. Ang totoo hindi ko sigurado, pero nagbabakasakali ako na sana naman.

Sana nabuntis ko siya.

"Anong sabi mo?"

"Buntis po siya at a-ako a-ang ama."

"Anong sinasabi mo! 'Wag mo akong pinaglololoko hindi gagawin ng anak ko 'yon hangga't 'di pa siya kinakasal matalino ang batang 'yon."

"Mahal niya po kasi ako kaya ibinigay niya lahat."

Napaawang ang labi niya. May kung anong emosyon ang namutawi sa mukha.

"Lumapit ka kay Mr. Azarcon magmakaawa kang ibalik ang anak ko, kinuha niya. Ikinulong niya sa mansyon nila."

"Bakit niyo po hinayaan?"

"Wala akong magawa, masisira ang buhay namin kapag 'di ko siya pinagbigyan."

Pilit akong ngumiti. "Pinapayagan niyo na po ba akong pakasalan ang anak niyo?"

"Oo, binuntis mo, eh."

Natawa ako, maging sila Denmeir.

"Matalino ka ring bata ka," tumawa rin si Mr. Almildrez.

Malaking tinik ang nawala sa puso ko. Masaya akong tinanggap niya ako. Hinihiling ko lang na sana nga, sana talaga nabuntis ko siya dahil kapag hindi nako, baka mapatay ako ng tatay niya sa pagsisinungaling ko.

"Salamat po."

---------------

Nagmadali akong pumunta sa office ni Mr. Azarcon.

"Saglit lang po kakausapin ko lang siya."

"Sir, bawal po talaga wala kayong appointment."

"Saglit lang papasko mo na sa akin ito."

Natigilan ang babae, parang natatawa. Ilang araw na kasing nakalipas na dumaan ang pasko nag-new year na nga pasko pa rin.

"Sige, Sir, bahala kayo kapag nasigawan kayo."

Tinakbo ko agad ang daan papunta sa office niya. Mahirap na baka magbago pa ang isip ng babae.

"What are you doing here?" Kumunot ang noo niya.

"You need architect, I saw in the news paper."

"So?"

"I'm an architect." Natigilan siya. "I'm the popular architect at the Singapore you can search it."

Kinuha niya ang phone. "Full name?"

"Fervid Ruiz."

Napaawang ang labi niya. Mukhang nakuha ko na ang tiwala niya. Namangha pa siya. Halata sa paraan niya tumitig sa computer.

"Oh, ano ngang ginagawa mo rito?" Pumorma ang ngiti sa labi niya.

"Gusto ko sanang mag-apply."

"Then?"

"I'm applying to be your company's architect for free."

Natigilan siya. "Kapalit si Miyell?"

"Opo."

"This will never gonna happen."

Nataranta ako. Kailangan ko siyang mapapayag.

"For lifetime... Kapag kailangan ng kompanya mo ng architect uunahin ko palagi ang project niyo. Pipirma ako ng kontrata para masigurado mong totoo ang sinasabi ko." Nakikita ko sa kislap ng mata niyang hindi siya kumbinsido, pero nag-iisip. "Sayang 'to, tatanggihan mo ba ako? Free 'yon, una pa palagi sa listahan ko ang—"

"Okay."

Malapad akong ngumiti. "Are you accepting my proposal?"

"Yes, it's a good proposal. You can get her as soon as possible."

Napatalon ako sa tuwa. Nagmukha mang bagay si Miyell sa kakapipilit kong kuhaan ay 'di na mahalaga 'yon.

"Can you give me a favor?"

"What's that?"

"Pwede bang doon muna siya hangga't 'di ko pa naayos ang lahat para sa kasal?"

Miyell in exchange for my lifetime service. I'm laughingly happy.

Nauto ko siya.

Architect lang ako sa Singapore. Hindi ako popular. Ginawa lang namin 'yong website na 'yon.

Napabungisngis ako. Kung minsan pala kailangan mo lang mang-uto.

Katulong ko sa pagpa-plano ang mga kaibigan ni Miyell. They love her so much. Hindi nila hinayaang magdusa ang best friend nila. Ang sabi pa nila.

"She deserves a happy ending."

I grabbed the opportunity to settle everything for her.

I jumped high when I heard the news.

She's pregnant.

Fervid sperm cells lang malakas.

---------

"Hoy, Bata, 'yong anak mo pakainin mo na!" Miyell shouted. "Busy ako sa paggawa ng lesson plan."

Nakaharap siya sa computer habang nagta-type. Lumapit ako kay Ferv Yell na ngayon ay sinusuotan ng damit ang barbie niya.

"Come here, Baby, kakain ka na."

Hinaplos ko ang pisngi niya. Pumipilantik ang mga pilik matang hindi ko alam kung saan niya nakuha dahil hindi naman ganoon ang pilik mata namin ni Miyell, siguro ay sa kapatid niyang si Rocelle. Makapal din ang kilay ni Ferv Yell na nakuha niya naman kay Miyell. Ang nakuha niya sa akin ay ang mata, ilong, at labi.

Well, kamukha ko siya sabi nila.

Tinuturan ko siya palaging magsuklay ng buhok baka kasi magaya sa nanay niyang hanggang ngayon ay ako pa rin ang nagsusuklay.

"Daddy, can you buy me a boy barbie? Para may partner na siya."

"Sure, Baby."

Kinarga ko siya at hinalik-halikan sa pisngi. Bagay na bagay sa kaniya ang pink na dress, may korona pa gawa ng nanay niyang kulang na lang ay habulin ng suklay.

Pumulupot sa leeg ko ang maliliit na kamay ng aming prinsesa. Ibinaon niya ang mukha sa balikat ko. Para siyang nanay niya kung makasuksok sa leeg ko tuwing maglalambing, wagas.

"Sexy Baby, halika na kumain ka na rin."

"Later."

Hindi ko siya matatanggal sa harap ng computer kapag gumagawa na siya ng mga gagamitin niya sa pagtuturo. Masiyado siyang dedicated sa trabaho na kung minsan pinagseselosan ko na.

"Dad, water po."

"Coming up!"

Kumuha ako agad ng tubig. Nakangiti ko siyang pinainom.

"Kumain ka ng marami."

Maya maya pumasok si Miyell sa kusina. Nag-uunat siya ng kamay. Hindi ko siya pinansin kasi pinapakain ko si Feryell.

Nag-angat ako ng tingin nang maglapag siya ng dalawang basong gatas,nakangisi.

"Inom na ng gatas ang dalawang bata."

Napabungisngis ako. "Inumin mo 'yan, hindi na ako bata."

"Pero cute ka pa rin," pinigilan ko ang mangiti nnag pumulupot siya sa leeg ko. Napasulyap ako kay baby Ferv Yell, malapad ang pagkakangiti niya habang nakatingin sa amin.

Pinanggigilan ni Miyell ang pisngi ko. "Hmm! Amoy sanggol!"

Pigil na pigil ko ang ngiti, ayaw kong pakawalan. Nakakahiya! Kinikilig ako sa ginagawa niya!

"Sinong baby ni mommy?" Malakas na tanong ni Miyell kay Ferv Yell.

Tinaas ni Ferv Yell ang dalawang kamay. "Si daddy!"

Sabay kaming natawa. Tingnan mo pati anak namin sinasabing baby rin ako ng nanay niyang baliw.

Kinarga ni Miyell si Feryell, parehas silang lumambitin sa batok ko. Ako naman ngayon ang nanggigil na halikan sila parehas. Tawa naman nang tawa ang bata.

"Daddy!" Humagalpak siya ng tawa dahil kinikiliti ko. Kitang-kita ko ang maliliit na ngipin niya. Umalingawngaw ang maliit na boses niya, malakas na tumatawa.

"Fervid, Miyell!"

Humalik si Ailey sa pisngi ni Miyell. Tinapik naman ni Denmeir ang balikat ko. Kasama nila ang anak na si Denveir Ley. Nandito rin kanina pa ang iba pa niyang kaibigan pati na rin ang pamilya ni Miyell.

Nakangiti kong pinanood ang dalawang batang naglalaro. Natigilan ako nang ayusin ni Denveir Ley ang buhok ni Ferv Yell papunta sa tainga nito.

Geez? Gusto ko tuloy kunin ang anak ko.

Lumapit si Miyell kinarga ang anak. "Ailey, si Denveir Ley may gusto yata sa anak ko!"

Napabungisngis ako.

"'Wag mo na muna paglapitin 'tong dalawang ito ang bata pa ng baby namin, nililigawan na agad niyang anak niyo!"

Nangibabaw ang malakas na tawanan. Baliw talaga nitong asawa ko. Madalas tahimik lang, pero kapag nagsalita naman kung ano-ano ang lumalabas sa bibig.

"Binata na ang baby namin," tatawa-tawang binuhat ni Denmeir ang anak.

Kinuha ko si Ferv Yell sa pagkakakarga ng nanay niya.

"Magpahinga ka na muna, Sexy Baby, katatapos mo lang mag-computer."

Ngumiti siya. "Sexy Baby, hindi ako napapagod, makita ko lang ang dalawang baby ko okay na ako."

Parehas kaming ngumiti ni Ferv Yell. Pumulupot siya sa batok ko habang karga ko si Ferv Yell.

"Ang dalawang baby ko. Hmm!" Pinupog niya kami ng halik. Nag-iinit ang pisngi ko habang tumatawa. Nakatingin kasi silang lahat sa kulitan namin. Ako pa itong nahiya dahil ako ang lalaki, pero ako ang pinamumulahan ng pisngi.

She's unusually beautiful.

I'm willing to love her until next life.

If I were born again, I will find her and be with her again, because there's no other girl can complete the puzzle in my heart.

Ikukulong at ikakadena ko siya sa puso ko, walang balak na pakawalan dahil ang pagmamahal ko ay hindi nage-expire.

I'm his mirror reflecting his unsual beauty that can be seen in my eyes and felt by the heart.

Ang pangarap kong girlfriend na Educ student ay asawa ko na ngayon.

Siya lang talaga, wala nang iba at kung mayroon mang iba siguradong naging dalawa siya.

"Fervid, inumin mo na 'yong gatas mo malamig na."

Nagkakamot kong kinuha ang inaabot niyang gatas.

"Very good, Bata. May star ka mamaya."

The end...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.