Nakaawang ang labi kong nakatingin sa kaniya. Kumurap-kurap pa ako dahil baka namamalik mata lang.
"Fervid..."
"Sexy Baby."
Sinunggaban ko siya ng yakap. Akala ko hindi niya ako babawiin. Akala ko iniwan niya na ako.
Akala ko lang pala.
"Iyak ka nang iyak. Makakasama sa baby natin."
Nag-angat ako ng tingin. "Alam mo?"
"From the moment you left me, I knew."
"Paano mo nalaman?"
"Ang daming rounds, Sexy Baby. Imposible namang walang mabuo."
Sinabunutan ko siya. "Pati ba naman dito—" Natikom ko ang bibig nang halikan niya ang labi ko.
"Wala pang kiss the bride," nakangiting sabi ni Xen.
"Sorry, excited lang."
Tatawa-tawang ipinulupot ni Fervid ang kamay sa baiwang ko. Ang kaninang pag-iyak ko ay mas tumindi, iyak na sobrang saya. Marami akong tanong sa isip, pero isinantabi ko na muna. Ang mahalaga siya ang papakasalan ko.
"Did you accept Miyell A—"
"Yes," sagot agad ni Fervid. "Bilisan mo na, Father, baka may umepal pa maudlot ito."
Natawa naman si Father. Nang ako ang tanungin ay nag-yes din agad ako. Kagaya ng sabi niya baka maudlot magbago ang ihip ng hangin, susulitin na namin.
Kinuha ni Fervid ang singsing. "I don't know how to start this long speech."
Natawa ako. "Simulan mo na ang long speech."
"Sexy Baby, I started to like you when I was with you at the office. Sinumpa pa natin noon na hinding-hindi natin magugustuhan ang isa't isa dahil mas bata ako saiyo ng dalawang taon," pumatak ang luha niya. "I was shocked when my heart started to pump for you."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I was jealous when I saw you with Xen... I was angry for myself when I took the dare to make Xhane as my girlfriend. I really thought you are gonna jealous," napabungisngis siya. "Mas naging komplikado lang ang lahat."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "You know why I'm two years younger than you?"
"Pick up line 'yan? Oh, bakit?"
"Para alagaan mo ako habang buhay. Ganoon naman talaga ang mga ate, 'di ba? Maalaga sa mas bata sa kanila."
"Ang cute mo," kinurot ko ang pisngi niya. "I love you," malambing na sambit ko.
Malapad siyang ngumiti. "I love you more. Lika na, Ate, suotin mo na 'to."
Inabot ko ang daliri ko. Namalisbis ang luha ko sa aking pisngi.
Sobrang mahal ko siya.
"Miyell Almildrez-Ruiz, willing ako sabunot-sabunutan mo araw-araw."
Natawa ako. Echosero talaga nito.
"Willing akong awayin mo dahil siguradong mag-iinit ang ulo mo sa pagbubuntis mo," hinaplos niya ang pisngi ko. "Willing akong alagaan at mahalin ka hanggang sa huling hininga ko."
Tulo nang tulo ang luha ko habang nakangiti. Isinuot niya ang singsing sa akin. "Willing ka rin bang maging asawa ko?"
Tumango ako. "Kahit nakakairita ang pang-aasar mo minsan," pinanggilan ko ang pisngi niya. "Ano ba 'yan, mag-aasawa ka na't lahat cute ka pa rin. Mukha ka pa rin bata."
"Nasa lahi na 'to," nagkibit-balikat siya. "Bilisan mo na, Sexy Baby, tingnan mo si Xen," sinulyapan ko siya. Nagpupunas ng luha. "Isuot mo na mamaya agawin ka pa niya."
Natawa ako. "Baliw ka talaga," kinuha ko ang kamay niya. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya. "'Wag ka mambababae kakalbuhin kita!"
"Takot ko lang saiyo, Sexy Baby."
Tinaas niya ang belo ko.
"You may now kiss the bride."
Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. Lumapit ang mukha hanggang sa nagdampi ang labi namin. Ipinulupot ko ang kamay sa batok niya. Sinundan ang bawat galaw.
Ang sarap. Ang tamis. Ang saya.
"Mahal na mahal kita," malambing niyang bulong sa tainga ko.
"Mahal na mahal din kita."
Umalingawngaw ang malakas na hiyawan at palakpakan. Sumabog ang mga gumamela magmula sa taas.
"Wow!" Tiningala ko iyon. Iba't ibang kulay may puti, pink, red at iba pa. "Ang ganda, Fervid."
Mahigpit niyang ipinulupot ang kamay sa baiwang ko. Nakatingala naming pinanuod ang pagbagsak ng mga bulaklak.
"Miyell!" Humahagulgol na lumapit si AP, Ailey at Delight. Tawa naman nang tawa si Key habang hawak ang phone, bini-video sila.
"Sana all may happy ending," mahigpit akong niyakap ni AP. "Mahal ka talaga niya."
"Siyempre," sagot ni Fervid.
Mahigpit kong niyakap ang mga Nematoda.
"Oh my, madadagdagan na ang inaanak ko, mamumulubi ako nito," bumubungisngis na sabi ni Delight.
"Sexy Baby," may ipinakitang garter si Fervid.
"Ano 'yan?"
"Ikaw ang nakakuha ng bulaklak noong kasal ni Denmeir at Ailey, kinuha ko 'yong garter."
"Ay, weh?"
Tumango siya. Ang nakataas sa ereng kamay niya na may hawak na garter ay may kumuha na lang bigla.
Nakunot namin parehas ang noo namin. Hindi namin siya kilala.
"Akin na lang, salamat and congrats!" Tinapik niya pa ang balikat ni Fervid.
Sino 'yon?
Luminya ang mga babae. Tumalikod ako para itapon ang bulaklak. Nagtataka kong tiningnan si AP.
"AP, hindi ka sasama?"
"Kung para sa akin ang bulaklak sa akin siya papatak katulad ng nangyari saiyo."
Pumwesto siya sa likod ng mga babae, prenteng umupo.
Ah, okay? Like a magnet? If that's for you it will attract you.
Nakangiti kong inihagis ang bulaklak. Hindi ko tiningnan kung saan napunta, pero nang humarap ako.
Pilit ang ngiting itinaas ni AP ang bulaklak. "Sana lang pakasalan niya ako."
Tinahak ko ang landas papunta sa kaniya. Mahigpit ko siyang niyakap. "He'll come, wait for it." Natigilan ako nang maalala ang lalaking kumuha ng garter. Parang alam na alam niya kung kanino mapupunta ang bulaklak. Hinanap siya ng mata ko, pero hindi ko na nakita.
Yumakap ako kay Fervid. "Kilala mo ba'yong kumuha ng garter?"
"Hindi, pero alam ko criminology student 'yon sa Laurente dati. Baka isa sa mga bisita ang kaibigan niya."
Nahagip siya ng mata ko. Nakaupo sa may gilid, nakatingin kay AP.
Hibiscus rosa sinensis, baka siya 'yong love of his life ni AP!
Dinumog ako ng Nematoda, pinuno nila ng halik ang pisngi ko maliban kay Key siyempre edi nabugbog 'yan ni Fervid.
"I'm so happy!" Malakas na sigaw nila.
"Miyell," nakangiting yumakap din si Xen. "Ninong ako, ah?"
Tumango ako. "Salamat, Xen."
"Enjoy life," tipid siyang ngumiti. "Kapag niloko ka ni Fervid I'm one call away." Natawa ako.
"Excuse me, never!" Madiing sabi ni Fervid. "Asa ka," inirapan niya pa si Xen habang nakanguso. "Kahit mamatay pa ang kuko mo sa paa," seryoso niyang tiningnan si Xen. "Akin lang ang asawa ko."
Humagalpak kami ng tawa ni Xen. Ginaya niya lang naman kasi ang pagkakasabi ni Angel Locsin ng linyang 'yon sa The Legal Wife.
Isip bata.
---------
Ipinasok ako ni Fervid sa kwarto. Hindi na nawala ang mahigpit na kapit niya sa baiwang ko hanggang matapos ang pagdiriwang ng kasal namin. Binuksan muna namin ang mga regalo matapos ay humiga na sa kama.
Humawak ang kamay niya sa tiyan ko. Hindi pa naman kalakihan, pero umuumbok nang kaunti.
"Buti okay lang si baby? I know you have encountered a lots pain those days that I was not with you."
"Okay naman siya, ang tagal kasi ng tatay niya."
"Sorry," isiniksik niya ang ulo sa balikat ko. "Hindi madaling lumaban sa digmaan," may likidong tumulo sa balikat ko. "I was hopeless I thought I could not get you back."
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Paano mo nga pala nagawa 'yon?"
"Simple, pumirma lang naman ako ng kontrata sa kompanya ng mga Azarcon, kapag kailangan nila ang serbisyo ko bilang architect, I'll do the project for free."
"Grabe naman 'yon."
"Okay lang, at least nandito ka na. Ikaw lang naman ang mahalaga."
Ipinatong niya ang ulo sa tiyan ko. Marahan lang 'yon. Ang pagkakanguso niya ay nasa labi, ngumiti siya habang nakapikit. Hinaplos ko ang buhok niya.
My husband's still cute. Parang hindi ume-edad ang hitsura.
Pinapakiramdaman niya siguro ang tiyan ko kahit wala pa naman talaga siyang nararamdaman doon dahil iilang buwan pa lang naman. Kumakanta niya iyong hinaplos animo'y nagpapatulog ng bata.
Ang simple lang ng tagpo, pero pakiramdam ko tumatalon ang aking puso. Hindi na matanggal ang pagkakangiti ko sa labi. Para sa akin, nandito lang siya sa tabi kaya ko na ang lahat ng hamon ng buhay.
Umangat siya para maging magka-level ang mukha namin. Humalik siya sa noo, ilong, pisngi at sa huli sa labi ko. Tinugon ko ang halik niya.
"My unusually beautiful wife."
"My echoserong isip bata."
Tinawanan namin ang isa't isa.
Ang prince charming, knight in shining armor at prinsipe ay totoong madalas makita lang sa mga palabas. Ang pagmamahal ay hindi nadadaan sa madaliang paraan. Marami ka munang pagdadaanan, iiyak, tatawa at masasaktan, pero kung talagang para saiyo siya kahit ano pa man ang maging takbo ng buhay dadalhin siya saiyo ng tadhana. Iihip ang hangin para siya ay tangayin palapit sa kung saan siya nararapat.
Pangit.
Nag-iisang deskripsyon ko sa sarili ko. Mali pala, ako lang ang nagbigay ng label sa sarili ko dahil ang totoo hindi ko man makita ang ganda ko tuwing titingin ako sa salamin mayroon pa lang tao na magsisilbing aking salamin upang makita ang kakaibang repleksyon.
Tuturuan ka niyang maging confident, ipapakita niya saiyo ang hindi nakikita ng iyong mga mata. Ipaparanas niya saiyo ang pagmamahal na hindi mo inakalang mararanasan mo. Ipadadama niya saiyo na sa mundong ito hindi mahalaga kung ano ang hitsura mo. Ang mahalaga ay kung ano ang nilalaman ng puso.
Hindi perpekto ang mundo gagawa at gagawa ito ng ikahihirap mo, pero sa totoo lang nasa iyo kung lalaban ka ba o susuko ka na, nasa iyo kung paano mo panghahawakan ang pagmamahal na kahit hindi mo nakikita— nararamdaman mo naman.
-----------
Inaayos ko ang baso. Kahuhugas ko lang kasi ng plato. Malaki na ang tiyan ko.
"Sexybaby, sabi ko saiyo magpahinga ka lang," sermon nanaman ng asawa kong isip bata.
"Dapat nga gumagawa ako para hindi ako masiyadong mahirapan sa panganganak."
"Basta ayaw kong mapagod ka."
Marahan niya akong hinawakan sa kamay at dinala ako sa sofa. Humiga siya sa hita ko. Nakaharap ang mukha niya sa tiyan ko—hinalik-halikan niya.
"Baby, malapit ka na lumabas 'wag mo masiyadong pahirapan si mommy," hinaplos niya ang tiyan ko. Nanlaki ang mata niya. "Sumipa!"
Natawa ako sa reaksyon niya. Idinikit niya pa ang tainga sa tiyan ko.
"I'm your daddy. I'm so excited to see you! Mwa!"
Isip bata talaga, malapad siyang nakangiti habang yakap ang tiyan ko. Kinakausap niya 'yon. Ramdam ko naman ang pagbukol ng tiyan ko. Pakiramdam ko nage-enjoy rin ang anak namin na kausap ang tatay niya. Ang kulit, eh.
"Hmm," nakapikit niyang idiniin ang mukha sa tiyan ko.
Makita ko lang siyang ganito ang saya-saya ko na. Hindi ako nagsasawang tingnan ang mukha niyang akala mo batang musmos.
Baby face talaga siya. Ewan ko ba rito. Sana all.
Siya lang 'yong nakita kong kahit matanda na mukha pa ring bata.
Panay ang sipa ni baby sa tiyan ko. Kinukulit siya ni Fervid na akala mo naman ay nakikita niya na. Yakap-yakap niya lang iyon. Sobrang excited niya sa paglabas ng baby namin. Punong-puno nga ng mga gamit ang kwarto ng baby. Akalain mo ba namang tuwing uuwi galing sa trabaho may dalang gamit ng baby.
Babae ang anak namin nakita na ang gender niya noong six month pa lang. Ikasiyam na buwan na ngayon, kabuwanan ko na.
Kinamot ko ang ulo ni Fervid habang hinahaplos ang pisngi niya ng isa pang kamay.
"Ano bang pangalan niya?" Nakangiting kong inilagay ang kamay sa dibdib niya.
"Ferv Yell Ruiz," hinaplos niya nanaman ang tiyan ko. "Gusto mo ba 'yon, baby?" Gumalaw nang gumalaw ang tiyan ko. Nakangiti kong tiningnan ang pagtawa ni Fervid. Sobrang saya niya na halos pangiliran pa ng luha. "That's my baby girl," humalik siya sa tiyan ko.
"Nematoda!"
Nandito nanaman sila. Ang dami palaging dalang mga prutas at gamit ng baby kulang na lang maging baby shop na itong bahay namin.
Pinalo ni AP ang kamay ni Key nang akmang kukuha siya ng prutas. "Para sa buntis 'yan, buntis ka ba?"
"Nak ng pating, bawal na pala ngayon kumain?"
"Gusto mo?" Akmang aabutin ni Key ang orange nang ilayo niya. "Bumili ka."
Nag-aasaran nanaman silang dalawa.
"Ate! Yohoo!"
Isa pa itong mga kapatid ko palagi ring nandito. Hinaplos agad ni Rocelle ang tiyan ko nang makalapit.
Maayos na ang relasyon namin ni papa. Nag-sorry siya sa akin, araw-araw bumabawi siya sa mga nagawa niya sa akin.
"Alam kong hindi ko ipinapakita, pero sobrang proud ako saiyo," nangilid ang luha ko nang yakapin ako ni papa.
"Salamat, Papa."
Our story was full of sacrifice. It taught me the lesson of having a right decision.
We must use the critical thinking before we decide because our choice today connected to our tomorrow, next day, next month—significant in our entire life.
'Wag nating punain ang pangit sa atin. Taas noo nating ipakita sa lahat na tayo'y may ganda rin. Hindi man nakikita ng lahat, ikaw ang dapat unang magpahalaga sa kung ano ang hitsura mo dahil ang sarili mo ang magpaparamdam saiyo ng totoong ganda na kahit 'di nakikita ng iba basta't maniwala ka iyon ang mahalaga.
Wala sa repleksyon ng salamin ang basehan ng kagandahan.
Hindi ko nahanap ang knight in shining armor, prinsipe, prince charming, pero may Fervid ako na handang gawin ang lahat maging kami lang hanggang sa huli.
May Fervid ako na hindi man kami magkasing edad, ang pagmamahal namin sa isa't isa ay parang ginuhit na sa palad.
Walang titibag.
"Sexy Baby, I trully love you whether you comb your hair or not."