**
Waaaahhh....
Grabe na ‘to!! Exams na bukas! As usual, ito na me... todo review as always.
Masaya ako at kahit papa’no ‘di ako tinatamad mag-review. Hindi tulad noong elementary, laging sa school lang ako nagbabasa, ngayon natuto na ako!
Ganun naman talaga dapat ‘di ba? Saka kasi ngayon... may gusto akong mapa-impress eh, hehe.
‘Yung taong ‘yun, ay ‘yung dati kong crush na si Lex.
Siya kasi ang laging nagtuturo sa akin noong elementary, gusto kong ipaalam sa kanya na kaya kong makapasa nang hindi nagpapaturo sa kanya.. at ipamukha na rin sa kanya na kahit papa’no ay may talent din naman ako.
Ano ba ‘yan! Kumakapal na naman ang face ko... pero at least hindi kasing kapal ng mukha ni Resshin, ‘yung napakayabang at napakahangin na napakabuwiset at papansin na klasmeyt ko.
Pero... secret lang natin ‘to, ha... siya ay ex ko. Oo totoo ‘yun, kaming dalawa nga lang ang nakakaalam at ayaw naming ipaalam sa iba.
Siya pa nga ang first boyfriend ko, eh.. first date, at first kiss na rin. Nung nag-break na kami, imbis na magka-ilangan ay close pa rin kaming dalawa kahit na madalas kaming nag-aaway at madalas kaming naiinis sa isa't isa.
Natatawa nga ako tuwing naaalala ko ‘yung mga times na kami pa, biro mo? Nagkagusto ako sa mokong na ‘yun??
Nga pala, my name is Maria Louisa Veronica Cayabyab... hindi naman siya ganun kahaba. Pinagsama-sama lang naman ang mga pangalan ng nanay ko, lola ko, at lola ko sa tuhod. Ang tawag nilang madalas sa akin ay Louie or Lulu.
At dito na nagsisimula ang storya ko...
xx
???: Oy, best friend!
Louie: Yes?
???: Nakapasa ako!!!!
Louie: Sa auditions? Congrats, best friend!
(sabay yakap nang mahigpit)
???: Syempre hindi ako makakapasa kung hindi dahil sa walang sawa mong pagsuporta at pag-practice mo sa’kin
Louie: Hehe, napasobra ba? At least dahil dun nakapasa ka!
Siya ay ang beloved best friend ko na si Sam, alam niyo ba? Napakagaling niyang umawit. Tuwing naririnig ko ang malambing niyang tinig, hindi ko mapilitang huminto sa kung anumang ginagawa ko at makinig na lamang sa kanya.
Sabi niya nga minsan ang OA ko raw, pero promise, talented siya pagdating sa kantahan. Kaya ‘di na ‘ko nagulat na nakapasa siya sa auditions.
Louie: Ang hirap siguro ng nagre-review ka sa exams habang nag-eensayo na rin sa pagkanta.
Sam: ‘Di naman masyado, nandyan ka naman para suportahan ako.
Louie: Awwww... ang sweet mo naman bestfriend. Sorry, pamasahe ko na lang ‘to!
Sam: Ang sama mo, sige na... Libre ak naman kahit tig-dodos na mentos lang.
Louie: Sabi ko na nga ba kaya ang drama mo eh. Tutal napasa mo ‘yung auditions, papa-utangin kita ng sampung mentos!
Sam: Che, akala ko pa naman ililibre mo na ako. Utang lang pala!
Louie: Eto namang best friend ko hindi mabiro, totoo ‘yun ililibre kita ng kahit ilang mentos na gusto mo.
Sam: THANK YOU, BEST FRIEND!!
Haha, ganyan lang talaga kaming dalawa, nadadaan lang sa mentos ang usapan.
???: Sam! Louie! Nandyan lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap.
Sam: Oy, Kimmy! Nakapasa ako sa auditions, baka my regalo ka naman diyan para sa’kin.
Kimmy: Sure, ilang mentos ba gusto mo?
Louie: Ako na may sagot sa mentos ni Sam. Ikaw na lang ‘yung bahala sa mentos ko, hehe.
Kimmy: Kahit kailan ka talaga, Louie. Sa susunod na lang kapag pumasa ka na rin sa kahit anong contest, okay?
Louie: Yes, ma’am...
Sam: Uy, si Resshin dadaan! Hehe, masisingil ko na rin ‘yung utang niyang bente sa’kin.
Syet! Sira na araw ko! Nakita ko na si Mr. Asungot 2007... Aaasssaaarrrr!
Resshin: Sam, congrats nga pala. Hi, Kimmy...
Louie: Parang may nakakalimutan ka ata.
Resshin: Ano ‘yun? May nagsasalita ba?
Louie: Ang angas mo talaga kahit kailan! May araw na masasapak ko talaga ‘yang
pagmumukha mo. Onting onti na lang!
Sam: *Ehem*
Resshin: Ay, sorry. Nandyan ka pala, Lulu.
Louie: ‘Wag mo nga akong matawag-tawag na Lulu! Wala kang right!
Kimmy: *Ehem*
Resshin: ‘To naman, parang wala tayong nakaraan, ah.
Louie: (sabay namula) A-Ano!? Wala naman talaga eh.
Sam: Hello? Na-O-OP na kami ni Kimmy sa inyong dalawa.
Kimmy: Oo nga, or baka nakaka-istorbo lang kami sa lambingan niyong dalawa.
Resshin: SINUSUWERTE SIYA!
Louie: ASA KA NAMAN!!!
Grabe ang yabang niya talaga. Pero kapag hindi ko siya nakakausap–or rather, nakakaaway, parang hindi kumpleto ang araw ko. Ano’ng ibig sabihin nun?
Nag-ring na ‘yung bell, hay... simula na ng first quarterly examinations.
Please, Lord... tulungan Niyo po akong makapasa.
(After ng exams)
Sam: Ano’ng pinakamahirap na test?
Louie: Siyempre Bio na ‘no.
Sam: Hmm, keribells naman ‘yung exam sa Bio.
Louie: Weh???
Sam: Oo medj! Pero meron din naman akong mga hindi sigurado.
'Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na matalino rin itong bestfriend ko. Maganda rin siya, kaya nga madaming nagkakagusto eh.
Uwian na, habang nakasakay ako sa jeep may isang lalake dun sa dulo na tingin nang tingin sa’kin. Kinakabahan nga ako, eh. Pero in fairness, cute siya...
???: Lulu? Ikaw ba ‘yan?
'Nagsalita na rin siya sa wakas, familiar ‘yung boses niya.
Louie: Excuse me?
???: Ikaw nga! Nakalimutan mo na ba ako? Ako si Marko, ‘yung dati niyong kapitbahay.
Louie: Marko! Ikaw nga! I missed you so much!!!
Marko: Ano ka ba, Lulu... pinagtitinginan tayo ng mga pasahero.
'Sabay bulong niya sa’kin.
Louie: Ay... sorry ^^
Hinatid niya ako sa house namin at nag-bye na rin.
Ang laki na ng pinagbago niya. Parang dati lang siya ‘yung uhuging bata sa may kanto na lagi kong pinagtritripan. Ngayon ang gwapo-gwapo na niya at... parang ang bango-bango niya pa. Starstruck ata me. Dati, nung bata pa kami, inamin niya na may gusto siya sa’kin. At ako naman itong si epal, na nagsabing magpakalalake muna siya.
Ngayon nagsisisi tuloy ako, pero mga five years old pa lang naman kami noon kaya nakalimutan niya na siguro na nagkagusto pala siya sa’kin ever.
Krrrrrriiiiinnnnnggggg!!!
Mommy ni Louie: Oy, Lulu! Sagutin mo nga ‘yung phone.
Louie: Nasa banyo ako! Si Kuya na lang!
Kuya: Wala! Tulog!
Louie: Che! Sagutin mo na.
Mommy ni Louie: Ikaw na Louie, nagrereview ata kuya mo
Louie: ANO!?
'Ano ba ‘yan, napatigil tuloy ako sa aking session. Tumakbo ako sa phone dahil kanina pa ito inip na inip sa kaka-ring.
Louie: Yes? Who is it??
Resshin: Hanep sa English ah, ilang taon mong pinagpraktisan ‘yan?
Louie: Resshin, ikaw pala. Ibababa ko na ‘yung phone.
Resshin: Louie, wait! Sobra ka naman, magagawa mo ba sa’kin ‘yun? Saka hindi ikaw ‘yung
kailangan ko, ‘yung Kuya Arvie mo.
Louie: Wala naman akong sinasabing ako ‘yung kailangan mo, ah! Sige sandali lang.
'Grabe nakakainis talaga ‘yung taong ‘yun, este hayop pala.
Louie: Oy, Kuya! Ikaw ang kailangan.
Arvie: Sino raw?
Louie: Ewan ko kung sinong leche ‘yun.
Arvie: Ah, si Resshin. Sige papunta na ‘ko.
'P-Paano niya nalaman na si Resshin ‘yung tinutukoy ko?
Tawanan lang sila nang tawanan, ako naman ulit itong si epal na nilalakasan ‘yung volume ng TV at nag-iiingay.
Close ang Kuya Arvie ko at si Resshin, nung kami pa kasi... lagi niyang nakakakwentuhan kuya ko ‘pag naghihintay sa’kin tuwing susunduin o ihahatid niya ‘ko. At hindi na nawala ang closeness nila kahit nag-break na kami.
Tatlo lang kami ngayon dito sa house. Ang aking ever-beloved daddy ay nasa Estados Unidos. Minsan nga nakita namin siya sa TV na nagwewelga kasama ng mga ibang Noypi. Proud na proud ako samantalang namamatay na sa hiya ang Mommy ko.
Speaking of Mom, siya ngayon ang nag-aalaga lang sa’ming dalawang magkapatid.
Dalawang taon lang ang tinanda sa’kin ng Kuya Arvie ko. Ang daya nga eh, Arvie Cayabyab lang ang pangalan ng brother ko, medyo tunog banyaga pa. Samantalang ako ang haba-haba at pang-panahon pa ng Kastila.
Habang nagre-review..
Louie: Department of Agriculture... *yawns* Haaay, inaantok na ako...
*Beep**Beep*
'Yung cellphone ko tumunog, my nag-text ata.
Message Received daw, galing kay... sino ‘to? Unfamiliar sa’kin ‘yung number.
Pagbasa ko, nakalagay: Humanda ka sa’kin Maria Louisa Veronica Cayabyab, maghihiganti ako sa’yo...
'Aba! Memorized pa ng hayop na ‘to ang name ko. At sino naman siya para magtext
ng gano’n? Akala niya siguro matatakot niya ‘ko. Hindi ‘no! Matapang ata ang lola niyo.
Pero... honestly... dahil dun sa text na ‘yun hindi tuloy ako makatulog...
Kinabukasan…
Sam: Ano!? Sino naman kaya ‘yun?
'Of course, kinuwento ko agad sa best friend ko ang nangyari.
Louie: Ewan, I have no idea…
Sam: Ayos lang ‘yan, Louie. Baka nantritrip lang ‘yun.
Louie: Hindi naman sa natatakot ako, pero nagtataka lang ako kasi hindi ko alam kung sino’ng umaaway sa’kin.
Sam: Nag-reply ka ba?
Louie: Wala akong load, saka parang ayoko. Gusto kong malaman kung sino siya nang hindi nagtatanong sa kanya.
Sam: Gusto mo i-text ko? Unli ako ngayon.
Louie: ‘Wag na, ayokong madamay ka.
Sam: Eh sayang naman ‘yung unli ko, wala akong maka-text ngayon eh.
Louie: Send-an mo na lang ako ng quotes.
Sam: Nabigay ko na lahat sa’yo nung isang araw, ‘no!
Louie: Hehe
Alam kong iniiba ng best friend ko ang usapan para mapangiti naman ako nang konti, pero ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
Start na ulit ng second batch ng exams, madali na ‘yung mga subjects ngayon. Pero wala ako sa konsentrasyon.
Haaayy, natapos na ulit ‘yung araw nang napakalungkot ko.
*Beep**Beep*
Nagtext ulet siya,
Pampam: Ano? Kumusta na? Naninigas ka na ba ngayon sa takot??
'Pinangalanan kong Pampam ang number niya. This time, napilitan na akong magreply sa bruha.
Louie: Asa naman you, sino ka bang bruha ka?
Pampam: Aba ang taray, pwede ba Louisa... mag-ingat ingat ka sa mga sinasabi mo at baka magsisi ka rin balang araw.
Louie: Eh ikaw pala ‘tong si tanga, eh. Ang tanong ko sa’yo, kung sino ka... walang connect ‘yung sagot mo. Bagsak ka siguro lagi sa exam!
'Lagot, parang naghahamon tuloy ang dating ko. Ayoko pa naman ng gulo.
Pampam: Ako si Black Cat. Syempre hindi ‘yun ang real name ko, pero siguro may idea ka na
kung sino ako.
Louie: Black Cat???
'Hindi na siya nag-reply at hindi ko na rin siya tinext. Black Cat... ang corny naman. Pero mas corny kapag ginamit niyang alyas ay Zaido or Ultraman, hahaha.
Pero… parang may idea nga ako kung sino siya.
BLACK CAT...
'Yun ang pangalan ng arcade kung saan lagi kaming naglalaro ng mga kabarkada ko.
At doon rin ang lugar kung saan nagbreak kami ni Resshin... Pero sino naman kaya siya? Isa sa mga natalo namin sa laro? Ang babaw naman na dahilan ‘yun. Hindi kaya my kinalaman ito kay Resshin? Eh ayoko namang kausapin ‘yung gunggong na ‘yun.
Haay, pinalitan ko na tuloy ‘yung name niya sa phonebook ko, mula sa Pampam ay Black Cat na.
Tinext ko siya ulit.
Louie: Hi, gusto mong makipag-eyeball??
'Hindi siya nagreply. Sinend-an ko siya ng quotes galing kay Sam.
Louie: Friends are lyk special baluns. Once u let them go, u can nver bring them back.
Datz why i'll tie u tight in my heart. ‘Wag kng mwwla ha, ur 1 of da best baluns I’ve evr had Ü
'Hindi pa rin siya nagreply. ASAR! Sayang tuloy load ko! Panget niya ka-bonding! At ano naman kaya ang pumasok sa isip ko para i-text siya nang gano’n??
Haaayyy.... kahit kailan ka talaga Louie, ang weird mo talaga!
~TO BE CONTINUED.
XXXXX