Chapter 2
'Wala tuloy akong maisipang tawagan kundi si Lex, ang crush ko noong elementary at parang teacher ko na rin. Ang talino niya kasi, kaya lagi akong nagpapaturo sa kanya. Kahit kailan nga ay hindi kami naging magkaklase, eh. Pero kahit na ganun ay close pa rin kaming dalawa.
Louie: Huhuhu...
Lex: Bakit ka umiiyak?
Louie: Hindi ako umiiyak, nagsesenti lang ako sandali.
Lex: Okay, sabihin mo lang kung tapos ka na ha?
Louie: Hmmmph! Ano’ng klase kang lalake! Kapag umiiyak ang isang dalaga sa harap mo, kahit na nagpapakipot pa siya ay dapat lambingin mo siya. Hindi ‘yung patatapusin mo lang huhu.
Lex: Joke lang, ikaw talaga.
Louie: *sniff* ‘Di mo man lang tinanong sa’kin kung bakit ako umiiyak, huhuhu!
Lex: Tinanong ko kaya kanina, sabi mo hindi ka umiiyak..
Louie: Nagpapakipot lang ako, ‘no! Ikaw talaga, napakahina mong makagets. Kaya hindi ka pa nagkaka-girlfriend eh!
Lex: Hahaha, alam mo Louie, ang cute mo talaga.
Louie: H-Ha?
'Nag-blush naman ako dun nang konti, kunwari ‘di ko narinig ‘yung sinabi niya kahit na ang linaw-linaw sa tenga ko.
Lex: Sabi ko ang cute mo…
Louie: Haist, I know…
Lex: Hehehe, sana magkakalase naman tayo next year. Bakit hindi ka na nga pala nagpapaturo sa’kin?
Louie: Secret walang clue!
Lex: First letter??
Louie: Wala ngang clue, eh! Sige na, naistorbo pa kita. Magre-review pa ‘ko, bye bye!
Lex: Okay, sige. Bye bye.
Dahil dun, ginanahan tuloy akong mag-review. At kinabukasan, nadalian ako sa mga exams bwahahaha.
Louie: Yeeehhhheeeeeyyy!!! Tapos na ang exams! Checking na lang bukas, pwedeng umabsent, hehe.
Sam: Ano ka ba? Sinong nagsabing pwedeng umabsent?
Louie: Ako, hehe.
Sam: Ang saya mo ata ngayon ah.
Louie: Syempre, I have to maintain my happy disposition kahit na may mga problems that I have to face in this long-winding road called life.
Sam: Hanep, pang-Miss Universe ang sagot ah.
Louie: Nasaan na nga pala si Resshin? I need to talk to him.
Sam: W-What?? Louie, is that you ba talaga?
Tumango na lang ako sa best friend ko sabay alis, kahit nga ako nawiwirduhan sa sarili ko ngayon. It's all thanks to Lex, napasaya niya ‘ko nang husto sa simpleng mga salita na binitawan niya kagabi. “Ang cute mo...” Hahaha! Cute ko ba talaga?? Grabe, tignan niyo, oh… Pumapalakpak ‘yung mga tenga ko. Hihihihi!
Resshin: Bakit mo ‘ko kinakausap?
Louie: Masama?
Resshin: Hindi, nakakapanibago lang.
'Sabay ngiti niya sa’kin. Syet, ang cute niya kapag ngumingiti!
Louie: ...
Resshin: Oh bakit natameme ka ata? Na-iinlove ka na ba ulit sa’kin?
Louie: H-Hindi ‘no!
Resshin: Eh bakit ang lagkit ng tingin mo sa’kin?
Louie: M-May iniisip lang kaya ako...!
Resshin: May iniisip? Baka naman hinuhubaran mo na ‘ko diyan sa ilusyon mo.
Louie: (sabay batok nang malufet) ‘Yan ang bagay sa mga tulad mong may hataw!
Resshin: Aray ko naman, Louie! Eh ano ba kasi ang kailangan mo?
Louie: Umm.. may kilala ka bang galit sa’kin? May kinalaman sa Black Cat arcade..
Resshin: Oh no, don't tell me..
Louie: May kilala ka??
Resshin: Wala.
Louie: Kala ko pa naman meron na... haayy... Geh, alis na me.
In that case, wala siyang kinalaman kay Resshin. Napakamisteryoso naman niya!
Resshin: Hindi kaya... si Emma ‘yun?
xx
Nung gabing ‘yun, ang tindi ng panaginip ko. Naalala ko ‘yung nakaraan.
*FLASHBACK*
Resshin: Mahal na mahal pa rin kita, Lulu...
Louie: Kaso ano!?
Resshin: May kailangan akong mahalin, at hindi ikaw ‘yun…
Louie: Kailangang mahalin? Hindi kita ma-gets...
Resshin: I am engaged to someone else, ngayun-ngayon lang ito biglaang nangyari…
Louie: Eh bakit hindi mo kayang ipagtanggol ang pag-iibigan natin??
Resshin: Malala na ang sitwasyon Louie, hindi ko pwedeng sabihin sa’yo…
Louie: Pwes, hindi mo na ako mahal!!
Resshin: That's not true…
Louie: Alam mo... hindi na kita kilala... Hindi ikaw ‘yung Resshin na minahal ko. You're a complete stranger to me now, nagbago ka na... kung sino ka man…
'Sabay umalis na ako sa lugar na ‘yun, sa lugar na ang tawag ay Black Cat.
Resshin: LOUIE!!! MAHAL MO PA BA AKO??
'Sumigaw siya nang malakas kahit na medyo malayo na ako sa kanya.
Louie: ISA LANG ANG MASASABI KO–
'Nilakasan ko talaga ang sigaw ko para marinig niya nang mabuti na…
Louie: MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SI RESSHIN!! ‘YUN LNG, PAKISABI SA KANYA ‘YUN!
*END OF FLASHBACK*
Grabe ang mga pangyayari, hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi sa’kin ang katotohanan tungkol sa biglaang engagement niya.
Mahal niya pa rin kaya ako hanggang ngayon? Pero ang alam ko, noong mga panahong ‘yun ay ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para limutin ako. So baka ni isang katiting ng pagmamahal para sa’kin eh naglaho na sa ere, wala na siyang nararamdaman para sa’kin.
Ha? Ano ‘to? Bakit may mga luha sa mata ko? Umiiyak ba ako habang nananagnip?
Oh, Resshin... Parang ang lakas pa rin ng tama ko sa’yo...
Louie: Aray ku!
'Ouch... speaking of tama, tumama pa ang matigas kong head sa pader ng kama.
Louie: Grrrr.. ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Syempre wala na 'kong pagtingin sa kanya 'no!
Wala na...
xx
Kahit na checking lang ng exams ay pumasok pa rin ako. As usual, maraming absent, ‘yung mga tamad mag-check ng papel.
Kasama rin ako sa kanila, pero pumasok pa rin ako, ewan ko ba kung bakit. Siguro kasi iba ang pakiramdam ko paggising ko nung umaga. I can feel that something great will happen on this day.
And that something started at this very moment.
???: Oy, Lulu. Dito ka pala nag-aaral!
'Lumingon ako sa kanya, and guess who? Si Marko.
Louie: Oo, ikaw rin??
Marko: Yup, ngayon ko lang nalaman na dito ka rin pala! Buti nakita kita ngayon, kundi baka naka-graduate na tayo eh ‘di na pa rin natin alam haha.
Louie: Oo nga eh... Uhmm...
Marko: Bakit?
Louie: Nakakapanibago, mas matangkad ka pa sa’kin.
Marko: Ha? Ay, oo nga pala... Mas matanda ka sa’kin ng isang taon... hehehe.
Louie: Hehe, kaya siguro ‘di tayo masyadong nagkikita dahil magkaiba tayo ng batch.
Marko: So, Ate Lulu ba ang tawag ko dapat sa’yo?
Louie: ‘Wag na. 'Yun kasi ang tawag mo nung mga bata pa tayo, kaya ngayon kahit Louie na lang oks na!
Marko: Sige Louie, una na ako. Kakain pa 'ko.
Louie: Break niyo?
Marko: Oo.
Louie: Sa... uhm...
'Go, Louisa! Kaya mo ‘yan! Lakasan mo loob mo! Better yet, kapalan mo mukha mo!
Louie: Sama ako.
Marko: Huh?
Louie: K-Kung okay lang naman sa’yo...
Marko: Sure, sige ba.
'Yesss! Way to go! Hahahaha... maghintay ka lang Marko Almarvez... Yari ka sa'kin! Bwahaha!
Marko: Ano'ng gusto mong kainin?
Louie: Umm, kahert ano okie lang sak'ern.
'Aba! May pa-inosenteng effect pa 'kong nalalaman, ah.
Marko: Gusto mo ilibre kita?
Louie: H-Ha? Sure ka baa? Nokokohiyo nomon.. hihi..
Marko: Sige na. Tutal matagal na rin tayong hindi nagkita.
'Yehey! Iba talaga ang kamandag ng isang Louisa Cayabyab! Hehehe.
Louie: Uhm, isang pizza lang okay na.
Marko: Isang pizza ka diyan? Dalawa na. (sabay tawag sa tindera)
Marko: Ate apat nga pong pizza..
Louie: T-Thanks ha.
'Lagot, sira ata diet ko dun ah!
(Habang kumakain)
Louie: Ah, Marko... mag-si-CR lang ako, ah.
Marko: Bakit? Number 2 agad? Dalawang pizza pa lang ang nakakain mo ah!
Louie: Che! Wait lang ha.
At ayun, akala ko perfect na ang lahat. Ang ganda-ganda na sana ng araw ko nang
biglang...
Habang naghihintay ako sa tapat ng isang cubicle... Narinig ko na ‘yung pag-flush... tapos pag-uwang ng pintuan...
To my surprise, nakita ko si Resshin palabas...
Louie: R-RESSHIN!? Eh CR 'to ng girls ah!
Resshin: Ssssshhh!
(sabay takip sa bibig ni Louie)
Resshin: Jinggle na jinggle na kasi ako kaso ang haba ng pila sa Boys' CR...
Louie: YAAAAAK! 'Wag mong hawakan ang bibig ko gamit 'yang m-maruming kamay mo!!!
Resshin: Sshhhhh!!! Sabi ko tumahimik ka ‘di ba?!
'Biglang umuwang ‘yung pintuan ng Girls' CR... Lagot! May papasok!
Louie and Resshin: Nako!!!
Sabay hinatak at sinama ba naman ako ni Resshin sa loob ng isang cubicle. Waaaaahhh!!! Ano ba 'to? Nasa iisang masikip na cubicle ako kasama ng isang guy! At take note, si Asungot pa!!! Ang malas ko... pero.. in fairness, nakakakilig...
Resshin: (pabulong) Louie, pwede ba for the first time ‘wag kang maingay?
'Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Ano ba ‘yan, ano kayang itsura ko?
Naaalala ko tuloy ‘yung mga times na kami pa.. ano ba ‘yan.. Hala, maiiyak ata ako...
Resshin: Louie..
'Ano ba 'to... Nakatitig siya sa’kin... at ‘yung hands niya, humawak sa aking mga nanginginig na shoulders, oh no!
Louie: A-Ano ba..?
'Palapit na ‘yung face niya sa face ko... graveh! Pinagpapawisan ako! Nakaka-haggard ‘yang ginagawa niya ah!
Resshin: Sorry, Louie... 'Di ko mapigilan eh.. 'Yung hormones ko kasi...
Louie: (sabay nagulat) H-HORMONES KA DIYAN!!?? ANONG HORMONES ANG PINAGSASABI MO??
'Nako! Bakit ba ako sumigaw? S-Si Resshin kasi!
Resshin: Ah... Louie, I mean naiihi kasi ako, tumalikod ka muna...
Tapos inusog niya ako para italikod sa kanya.
Louie: What?? 'Di ba kakaihi mo lang?
Resshin: Nagmamadali kasi ako kanina eh. Pasensya na... *talikod*
..Sssssssssssssssssssss............
Louie: (sabay lunok)
'Ano ba ‘yan! Ibig sabihin habang ginagawa niya sa’kin ‘yun kanina naiihi pala siya all the time!? Kaya niya pala ako hinawakan sa balikat. Akala ko pa naman...
Pero... muntik niya na talaga akong mahalikan kasi ang lapit na sobra ng mukha niya kanina...
...Zzzziiippp!!
Syet naman oh, narinig ko pa pati ‘yung pagsara ng zipper niya. Lahat talaga naririnig mo sa ganitong kaliit na lugar.
Resshin: Ayan pwede na nating ituloy!
Louie: (sabay batok nang malufet) Ga** ka!!!
Resshin: Joke lang, asa naman 'to... Hmm, pwede na kayang lumabas?
Louie: Kanina pa 'no!!! Nandadamay ka pa kasi!
'Lumabas na kaming dalawa sa CR.
Resshin: Louie! Sorry na!
Louie: (tumigil sa paglalakad) Ikaw kasi eh! Akala mo ganun-gano’n lang ‘yun??
Resshin: Alin ang ganun-gano’n? Ang kiss?
Louie: (sabay tulak sa dibdib niya) OO!
Resshin: Louie, makinig ka. Haist! Alam mo, lagi mong iniistorbo ang utak ko... ang mga panaginip ko...
'Ano'ng sabi niya? Parang linya ko ata ‘yun ah. 'Yun din actually ang nangyayari sa’kin, lagi
niyang iniistorbo ang pag-iisip ko...
Louie: I have to go.
'At ayun, nagtatatakbo ako paalis. Papunta kung saan man ako dalhin ng dalawa kong paa.
Umiiyak ako, at alam ko kung bakit... kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Ang sakit ng puso ko...
BHHHAAAAMMM!!!
Marko: Aww, Louie ikaw pala.
Louie: M-Marko...
'Niyakap ko siya nang mhigpit... at sabay nag-iiiyak sa dibdib niya.
Marko: Why are you crying?
Louie: H-Hayaan mo lang m-muna ako, please...
Marko: Sige, sabi mo eh.
He hugged me back, and we were like that for two minutes. Nakakahiya naman sa kanya, pero sabi niya okay lang naman raw.
Louie: Pasensya na ah.
Marko: Pwede mo na ba sabihin sa’kin ngayon kung bakit ka umiiyak?
Louie: Hmmm, 'yung ex ko kasi... feeling ko mahal ko pa rin...
Marko: Gano’n ba, bakit ba kayo nagbreak?
Louie: 'Yan rin ang tanong ko... Hindi ko nga rin alam sa kanya eh.
???: It's because of me
'Ano ‘yon? Lumingon kami sa direksyon kung saan nanggaling ‘yung boses.
At may nakita akong babae... pero umalis na siya agad.
Louie: S-SINO KA!?
Hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan... sino kaya siya?
~TO BE CONTINUED.
xx