Well of True Cherries
Chapter 25
Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung nakita ko kanina. ‘Yung driver nila Daren na kina Emma?
Hindi kaya... inutusan siya ni Daren para manmanan si Emma?
*knock*knock*
Kumatok na kami ni Sam sa pintuan nila.
Emma: (opens the door) Louie, Sam! Napadalaw kayo?
Louie: Gusto ko sanang mag-sorry sa kahapon. Bigla na lang akong umalis >.<
Emma: Haha! Ano ka ba ayos lang ‘yun...
'Napatingin naman kami kay Sam na hindi nagsasalita.
Sam: * A,* . . . (nakatitig sa bahay)
Louie: Pasensya ka na ha, nagdala ako ng adik dito -_-"
Emma: Hahaha. Gusto niyo bang pumasok?
Sam: * A,* Uh-huh.. (nods)
'Ano ka ba, besty!? Nasaan na ang self-respect mo? T~T
Nakakita ka lang ng magandang bahay, nawala na ang diwa mo.
Pagpasok namin, bumaba si Aika sa hagdanan.
Aika: Louie, andito ka ulit! At...?
'Napatingin siya kay Sam.
Louie: S-Siya nga pala ang best friend ko, si Sam.
Sam: Wow! Ang ganda niyo naman po! Ako po pala si Samantha Jane Fernando. Schoolmate ko po si Emma.
Aika: You are very pretty yourself! *shakes hand* Ako si Aika Nazareth Mendez, ate ni Emma.
Louie: Ate Aika, sorry po kahapon, bigla na lang akong umalis.
Aika: Okay lang ‘yun! Saan ka nga ba pumunta?
'Nakipagkita po ako sa boyfriend niyo >_>;
Louie: Ahhh... Ehh... K-Kina S-S-Sam po!
'Sabay batok ko sa bes ko.
Sam: Aray ku!!! T-Tama, urgent kasi kaya pinapunta ko si Louie.
Louie and Sam: Hehehehe ^__^;;;
Aika: Gano’n ba, gusto niyong kumain?
Louie: Aalis na rin po kami agad...
Sam: Ako po hindi, okay lang sa'king kumain ^o^
'Traitor!!! T__T Akala ko ba best friend kita Sam?
Aika: Ganun ba, sayang naman Louie.
Emma: Masarap pa naman ang niluto ni ate!
Louie: S-Sige. Mag-stay na rin po ako... "OTL
'Tinignan ko nang masama si Sam.
Louie: (bulong) Akala ko ba best friend kita?
Sam: (bulong) Ano ka ba? This could be our chance. Baka may malaman tayo tungkol sa issue nila ni Daren.
'Wow, Iba talagang mag-isip 'tong si Sam. For a second there, akala ko ipagpapalit na niya ang friendship namin sa pagkain.
Kumakain kami ng mga niluto ni Aika na special pancakes.
Sam: Anchaaraapp! >u< Ate Aika, ang swerte naman ng boyfie mo~!
Aika: Haha... Thanks...
Sam: Natikman niya na ba 'to?
Aika: H-Hindi pa eh... ^__^
Sam: Oh? Bakit naman?
Aika: Hindi siya mahilig sa mga matatamis na bagay tulad ng pancakes.
'Ooohh, fact no. 1 tungkol kay Daren, no sa sweet things.
Sam: Ahh gano’n ba? Kilala niyo po si Resshin ‘di ba? Boyfriend ni Emma?
Emma: Haha. Oo kilala siya ni ate.
Aika: ‘Yung makulit na si Resshin? Hahaha. Oo naman.
'Para naman akong loner rito at panay kinig lang sa pinag-uusapan nila.
Sam: Nakapunta na po ba rito si Resshin?
Emma: Oo, minsan kapag hinahatid niya 'ko galing sa school.
Aika: Minsan na rin akong binisita sa ospital ni Resshin kasama si Emma.
Sam: Ano pong masasabi niyo kay Resshin? "Okay" ba? ^ 3^
'Para namang nakikichismis lang 'tong si Sam!
Aika: Wala na 'kong kilalang mas babait pa sa kanya. He's the best for my sis.
'Annooo raw? Wala na raw siyang kilalang mas babait kay Resshin!?
Nakakalabas ba 'to ng bahay nila? O_O"
Sam: Alam niyo po bang naging sila ni Louie?
Louie: S-Sam naman! >o<
'Tila dun lang ata ako nagsalita.
Emma: . . .
Aika: REALLY!?? O_O
'Hindi niya alam?
Louie: Uhm, o-opo.
Aika: Since when??
Louie: N-Naka one year lang po kami last year.
Aika: Last year lang naging kayo?
'Tapos tumingin siya kay Emma.
Emma: . . .
Aika: Weird... weird...
'Tapos parang malalim na nag-isip si Aika.
Sam: Bakit naman po weird?
'Sinagi ng siko ni Sam ‘yung siko ko. Na-gets ko naman kung bakit, ipinapahiwatig niya na makinig kaming mabuti.
Aika: Sa pagkakakilala ko kay Resshin, hindi siya basta-bastang makikipag-break then bigla na lang magkaka-girlfriend agad na bago. Parang ang bilis naman masyado.
'Hindi niya ba alam ‘yung tungkol sa accident ni Emma?
Sam: Bkit po–
Emma: ITIGIL NA NATIN 'TO!! *sabay tayo*
Lahat: ...?
Emma: S-Sorry... ‘Yung mga bagay tungkol dun, sa'ming dalawa na lang ni Resshin ‘yun. Ang importante, ikakasal din kami balang araw.
Louie: . . .
Sam: Pero–
'Hinawakan ko nang mahigpit ‘yung balikat ni Sam.
Louie: (bulong) Bes, it's okay. Mas maganda kung mananahimik na lang tayo.
Tinapos lang namin ‘yung pancakes at umalis na kami.
Sa labas.
Sam: Ano ka ba, Louie! Maki-clear na sana ang lahat, pinigilan mo pa 'ko!
Louie: N-Naaawa ako kay Emma eh.
Sam: What!? Ikaw pa ang may ganang maawa sa kanya! Dapat nga mainis ka sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ka hihiwalayan ni Shin!
Louie: Nakwento ko na sa’yo ‘yung tungkol sa "accident" thingy 'di ba? Niligtas ni Em ‘yung buhay ni Resshin.
Sam: ‘Yan na naman! Eh dahil lang sa pity kaya siya sinasamahan ni Resshin eh! Saka from the looks of it, parang may mga hindi nalalaman si Aika.
Louie: Oo nga napansin ko rin ‘yun.
Sam: Imbis na may ma-clear tayo, parang mas naguluhan pa ata ako!
Louie: M-Meron din akong nakita kanina...
Sam: Huh?
Louie: Nakita ko ‘yung driver nila Daren sa labas kanina.
Sam: -_-+
Louie: B-Bakit ganyan ang itsura mo?? 'A'?
Sam: AKALA ko naman kung ano!! (sabay batok kay Louie) Grrr.. heto tayo litong lito then bigla kang magsasabi ng nonsense!
Louie: Nonsense? Don't you find it weird?
Sam: Pure coincidence lang ‘yun! Bakit, bawal bang mapunta rito ‘yung driver nila? Haayyzz!
'Sabagay, mukhang tama nga si bes. Nagkataon lang sigurong napadaan siya rito.
I'm just imagining things...
xx
THE NEXT DAY 8DD
Teacher: Okay class, magkakaroon tayo ng long test sa algebra.
Class: Booo! >o<
Teacher: ‘Yung hindi natin natuloy na long test last time, ‘yung by partners, ngayon natin gagawin.
'Teka? By partners? Ano nga ba ‘yun...?
May bumato sa pwesto ko ng isang crumpled paper. Nilingon ko naman kung saan galing.
Nakatingin sa’kin si Resshin na nakangiti at naka-peace sign.
I remember now! Siya nga pala ang partner ko dun!
Teacher: You may choose your partner, but it has to be from the opposite sex.
Class: Yahooo! xD
Sam: (to Louie) Si Shin ang partner mo 'di ba?
'Tumango ako.
Sam: Hohoho~! Makapag-concentrate ka pa kaya? ^o^
Louie: Che! Oo naman!
'Then nagtabi-tabi na ang mag-partners.
Nagulat ako at biglang sumigaw si Resshin!
Resshin: Classmates!!! Matakot na kayo dahil nandito na ang Incredible Duo ng II-Calypso! Hohoho!! xD
'Yumuko na lang ako sa arm chair ko sa sobrang hiya =__=;
Classmate A: Wala ‘yan!! Kami ang makakakuha ng pinakamataas na score!
Resshin: Nag-aral ka ba ng algebra? Hindi mo ba alam na ang "Louie" plus "Resshin" ay equal to "Highest Possible Score"?
Lahat: Hahahahaha!
'S-Saan naman nakuha ng asungot na 'to ang confidence niya!? Mapapahiya kami nang 'di oras nito, eh!
Teacher: Resshin, Classmate A, tumahimik kayo at magsisimula na ang long test.
'Phew~! Sa wakas at natigil na rin sila.
Resshin: Ready?
Louie: Ikaw, ready ka na ba?
Resshin: Nag-review ata ako para dito. Ikaw?
'Patay! Hindi ako nag-review! xS
Louie: O-Oo naman! K-Kaya ko nga 'tong mag-isa eh! ^___^;;;
'Pinamigay na sa'min ‘yung mga exam sheets.
Pagkabasa ko pa lang sa unang problem, tila gusto ko nang maglaho sa pwesto ko "OTL
Louie: Uhmm... R-Resshin..?
Resshin: Bakit?
Louie: 'D-Di ba ang mag-partners magtutulungang sagutan 'to??
Resshin: Oo
Louie: Uhmm.. Hehe.. Ano ‘yung sagot sa number 1?
Resshin: A-Akala ko ba nag-review ka..?
Louie: Joke lang ‘yun! Hindi talaga ako nag-review. Okay lang ‘yan, nag-review ka naman eh.
Resshin: A-Actually... Hehehe..
'Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
Louie: Ano??
Resshin: H-Hindi rin ako nag-review ; u ;
Louie and Resshin: . . .
Eto ba ang pinagmamalaki niyang Incredible Duo!? TToTT"
Resshin: Okay lang ‘yan! Malay mo, number 1 lang ang mahirap.
'Sabay naming tinignan ang next question.
Louie and Resshin: . . .
Louie: T-Tignan natin ‘yung number 3... ^__^;
Resshin: Hehehe.. Oo nga..
'Sabay ulit naming tinignan ‘yung mga kasunod pang tanong..
Louie and Resshin: x__x"
'Oh nooo! Tila wala ata kaming makukuhang score nito!!! "OTL
**
Natapos na ‘yung test, grabe! Tila na-drain ata ‘yung utak naming dalawa ni Shin..
Sam: (Lumapit kina Louie) Hello!? Kanina pa tapos ang time! Break na po!
Louie and Resshin: @__@
Sam: Haay nakuu! Talagang ang lovebirds na 'to!
Louie: Sam, kumusta ‘yung test mo?
'Tinatanong ko pa, eh alam ko namang madali lang sa kanya ‘yun.
Sam: Nasagutan naman namin lahat, kayo?
'Biglang nabuhay si Resshin.
Resshin: Nasagutan rin namin lahat, kaso talagang todo brainstorming kami ni Lulu kaya naman naubusan kami ng energy...
Louie: Sobraaa! Haaayy..
Sam: Feeling ko rin. Alam niyo ba? Nakatingin sa inyo ang buong klase kanina!!
Louie: Whaaaat!?
Sam: Hindi niyo kami masisisi, sobrang magkadikit na magkadikit na kaya ang mga ulo niyo kanina! Magkakapalit na yata kayo ng mukha sa sobrang lapit, eh! Tapos sunog na ata ‘yung mga lapis niyo sa kaka-solve sa mga scratch papers.
Resshin: Saaaaamm! Full effort kami kanina! Binuhos namin lahat ng natitirang brain cells sa utak namin! ToT
Louie: Waaaah! Oo nga pala!
Sam and Resshin: Bakit?
Louie: C-Cleaner pala ako ngayon... Huhuhu..
'Tapos sabay-sabay kaming tumingin sa pwesto namin ni Resshin...
Ang daming scratch paper! Ang dami ring pinagtasahan ng lapis!
Sam: C-Cleaner ka ngayon, Louie?
Resshin: M-Mukhang marami-rami kang lilinisin..
'Habang sinasabi nila ‘yun ay palayo sila nang palayo.
Louie: Bakit kayo lumalayo!? >o<
'Nasa pintuan na sila at sumigaw.
Sam and Resshin: Good luck sa paglilinis~!! Magla-lunch na kami! *^o^*
Louie: Waaah!! 'Wag niyo kong iwang mag-isa rito!!
'Haaay, ang tatamad talaga ng mga kumag na ‘yun. Hmph!
Tinignan ko ulit ‘yung kalat na ginawa namin ni Resshin.
Gosh! Ang dami talaga! Pati ‘yung mga scratch papers na nagamit ng mga ibang teams!
Waaaahh..
Haaayy... Kaya ko kayang mag-isa 'to!? "OTL
~TO BE CONTINUED.
xx