Well of True Cherries Chapter 24

Chapter Twenty-Four

Nakaupo pa rin kami dito sa bench sa Black Cat. Malapit nang mag-9:00.

Louie: Daren, I guess I have to go home.

Daren: Ihahatid na kita sa motor.

Louie: No need.

Daren: I insist!

Louie: Finnee... -_-;

'Sumakay na kami sa motor niya.

Daren: Okay, kapit mabuti.

Louie: O-Okay.

VVrrroooooommm~!

'Habang nasa likod niya, naalala ko ‘yung iniwan kong sila Emma.

Naguguluhan na kasi ngayon ‘yung isip ko. Tama nga siguro na iwasan ko sila dahil may mga girlfriend na sila...

Pero...

(Resshin) "Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon!"

(Daren) "Gusto kita, Louie. No, mahal kita. Mahal kita Louie..."

(Emma) "Baka kasi minsan nakakalimutan mo, parehas silang may girlfriend..."

Eh kung sa kanila mo kaya sabihin ‘yun!? =_=+ Baka nakakalimutan niyo, may mga girlfriend kayo!!! Haist!

Then may sumagi na naman sa isip ko... na nagkaroon ng ibang impact sa’kin.

(Daren) "Hindi ko girlfriend ‘yung Aika na ‘yun. ‘Yung parents ko lang saka si Aika ang nagsasabi ng rubbish na ‘yun."

(Resshin) "Kung alam mo lang Louie kung gaano kasakit para sa’kin ‘yung makipag-break sa’yo... Kung gaano kasikip sa puso ko ‘yung mapilitang magmahal ng iba..."

(Marko) "Kung nakikita mo lang sila Louie, halatang hindi siya mahal nung guy."

(Arvie) "Eh pa’no naman? Siya etong hindi man lang mag-abala na bisitahin o kumustahin ‘yung girlfriend niya!"

(Kimmy) "Sabi ko parang ang weird naman nun. Boyfriend ni Em si Resshin pero hindi sila sabay kumain kapag break time."

Kung iisiping mabuti, they were just "forced" in their relationships.

Hindi naman nila gusto si Aika at Emma eh.

Kailangan ko ba talaga silang iwasan kung sila mismo umiiwas sa kanila?

Ano ba kasi ‘yung sinasabi ni Daren na hindi pa alam ni Resshin...?

Ano ba ‘yung dapat niyang makuha kay Emma...?

Dapat ba 'kong...

makialam...?

Arrgghh! Ang daming tanong! @o@

Puro na lang tanong!

**

Nakarating na kami sa bahay, at bumaba na 'ko sa motor niya.

Louie: Thanks, uhmm.

Daren: Bakit?

Louie: Daren, ano ba kasi ‘yung meron sa inyo ni Aika, Emma, at Resshin?

'Nagulat siya sa tanong ko, tapos biglang naging seryoso ‘yung mukha niya.

Daren: 'Wag mo nang alalahanin ‘yun. Ako na lang siguro ang bahala.

Louie: Please!!

Daren: Ayokong madamay ka pa, okay?

Louie: Ano’ng gusto mong gawin ko!? Tumunganga na lang habang gulung-gulo na 'ko kakaisip!?

Daren: Galit ka?

Louie: Hayyy. Hindi naman sa galit. Overly confused siguro...

Daren: Louie, believe me. Mas okay na ‘yung ganyan.

'Hwaaat..? Mas okay nang maloka sa kakaisip kaysa madamay sa problema nila? Nakakaloka!

Louie: Ewan! Paalam na nga!

'Papunta na 'ko sa gate nang bigla niya 'kong hinatak sa kamay.

Daren: Wait..

Louie: Ano ‘yun!?

'Tapos tumingin siya sa kanan, sa kaliwa, sa paligid.

Daren: Walang tao...

Louie: And so..?

'Nakaramdam tuloy ako ng takot bigla, don't tell me...

Daren: Remember what I said? That if we were somewhere else na walang tao–

Louie: A-Ayoko nang maalala pa ‘yun!

Daren: It's too quick. I'm not satisfied...

Louie: Gusto mo pa ng take two?

'Then ngumiti siya.

Daren: Yup, Gusto ko ng take two.

'Then pumwesto na 'ko.

Louie: Close your eyes.

'And he closed his eyes...

Haha! This is my chance!

Louie: Gusto mo ng take two? Tikman mo 'tong take two ng suntok kooo!!! >:D

'Palapit na ‘yung raging fist ko sa kanya at nagulat ako nang saluhin niya eto ng kamay niya!

Louie: Eeeeepp!!!

Daren: You think you'll fool me?

Then he smiled again.

Darern: Stupid little girl!

'Tapos nilapit na niya ‘yung lips niya at kiniss niya 'ko ulit..

This time..

Mas matagal...

Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang siya..

Hindi ko ma-describe ‘yung feeling..

Sobrang nagha-hyperventilate bawat pulso sa katawan ko..

‘Yung utak ko, nasa cloud 9, 10, 11 na..

‘Yung heat sa buong katawan ko.. 37, 38, 39 degrees Celsius na...

Parang... ayoko nang matapos ang sandaling ito...

Biglang–

"BBBBBBBEEEEEEEEEEEEEPPPPP!!"

Louie: (sobrang nagulat) WWaaaaaaaaah!! >O<

Daren: Ano na namang ginawa mo, Louie!!? -_-+

Sa sobrang occupied ko sa kiss hindi ko namalayang napindot ko pala ‘yung preno ng motor.

Louie: S-S-S-Sorrryyy!! T~T"

Daren: Moment breaker ka talaga!

Louie: S-Sorry nga eh!!!

'Teka bakit ba 'ko nagso-sorry??

Daren: Haaaayy. Hahahahaha!

Louie: B-Bakit ka tumatawa???

'Baliw na nga talaga 'to...

Daren: You never fail to impress me..

Louie: WHAT!? Natutuwa ka pa sa lagay na ‘yan?

Daren: Pwede kang entertainer. My own personal entertainer.. *smirks*

Louie: Mukha mo!! Mag-isa ka!

'Then nagdabog ako papunta sa bahay.

Bubuksan ko na sana ‘yung gate nang marinig kong sumigaw si Daren.

Daren: Good night, babe!!!

VVVrrrroooommm~!!

'At tuluyan na nga siyang umalis.

Louie: Good night...

**

GOOD NIGHT nga ba talaga??

Eh hindi ako makatulog eh!!

=_="

Tinignan ko ‘yung orasan, 2:30 AM na.

Hindi ako makatulooooog! x(

Walang ibang pumasok sa utak ko kundi ‘yung nangyari kanina sa labas.

Replay nang replay sa utak ko... parang pirated na dvd na walang ibang eksena kundi kissing scene.

Waaaaahhh... T___T

**

'Kinabukasan.

Arvie: Louie, gising na! Nasa phone si Sam!

'Nakatakip ‘yung unan sa ibabaw ng mukha ko, tinanggal ni kuya ‘yung unan.

Arvie: Aaaaaahhh!! >O<

Louie: . . .

Arvie: Monsteeeer!!!

'Tinignan ko naman ‘yung sarili ko sa salamin.

Louie: Aaaaahhh!! Monster nga!!!! Q__Q

'Malalaking eyebags, scruffled hair na parang medusa.

Arvie: Bakit ganyan itsura mo??

Louie: H-Hindi kasi ako n-nakatulog kagabi...

Arvie: Nanood ka na naman ba ng horror? Naging kamukha mo na ‘yung multo!

Louie: Che!!

'Bumangon na 'ko.

Arvie: May kasalanan ka pa, Louie.

Louie: Huh??

Arvie: Mag-sorry ka kay Aika at Emma.

Louie: S-Sure...

'Then pumunta na 'ko sa phone.

Louie: Bes?

Sam: Bes! Ang lakas ng boses niyo ng kuya mo ah, rinig hanggang dito.

Louie: Hehe, parang hindi ka na nasanay.

Sam: Punta ka rito! May carbonara dito!

Louie: REALLY? Give me ten minutes!

*tooooot*

'At nag-rush na 'ko papunta kina Sam. Syempre basta sa pagkain hindi ako nale-late!

And here I am! =D

Pumasok na 'ko sa bahay nila, at nag-start na kaming kumain ni Sammie.

Sam: Louie, you know... there's something weird about you today.

Louie: A-Ako??

Sam: Oo, parang may kakaibang glow. Meron ka bang dapat i-share?

Louie: Hmmmm... Meron nga.

Sam: Tell me!

'Tapos lumapit ako sa kanya at binulong ko ‘yung nangyari kagabi with Daren.

Sam: WWhhaaaaaatttt!??

Louie: Ako rin, hindi makapaniwala sa nangyari.

Sam: Eh ‘di second mo na ‘yun kasi first mo si Resshin?

Louie: Actually, 3rd...

Sam: O_O

Louie: . . .

Sam: Sino ‘yung isa pa?? Louie hindi ko nalalaman ang dami mo na palang escapades with iba't ibang lalake!

Louie: Sira! Si Daren rin ‘yung second!

Sam: WHAT? Nakadalawa na agad kayo sa isang gabi lang?

Louie: The first one was very quick. Wala pang isang segundo. Sobrang bilis lang. Halos hindi ko rin naramdaman.

Sam: And the second..?

Louie: The second... was...

Sam: So ano nga ‘yung second??

Louie: With feelings.. and longer...

Sam: How long?? *u*

Louie: Ewan, 5 seconds?

Sam: Ang bilis lang nun! -_-"

Louie: K-Kasi napindot ko accidentally ‘yung preno at nagulat kami.

Sam: Sayang naman!!! How reckless can you be!?

Louie: Sayang ka diyan! Mabuti nga 'yun eh! Buti at napindot ko ‘yung preno!

Sam: Ows? 'Di nga Louie? If I know kinasusuklaman mo na ‘yung sarili mo at ‘yung kamay mong malikot dahil napindot ‘yung preno at hindi niyo natuloy. ^u^

Louie: ASA!!! Hindi ako nagsisisi at napindot ko ‘yun!

Sam: 'Wag ka na lang magulat kung next time na makikita mo ‘yung motor ni Daren ay wala nang preno... dahil tinanggal na niya... You know, just in case... Hohoho~! ^o^

Louie: B-B-Baaaliiww!!! >o<

Sam: Eh pa'no na si Resshin?

Louie: Ha? Ano’ng meron kay Resshin?

Sam: Sino ba ang mas gusto mo sa kanila, si Daren o si Resshin??

Louie: Para mo naman akong pinapili kung Kupal o Asungot! None of the above!

Sam: LOL Louie! Best friend mo pa niloko mo!

Louie: K-Kung ikaw, s-sino pipiliin mo Sammie?

Sam: Maka-Resshin ako dahil nakilala ko na siya at ka-close ko na rin..

Louie: Ohhhh...

Sam: Hindi ko pa masyadong nakakasama si Daren eh. Pero I think he's kind of interesting..

Louie: So... in the end? Sino??

Sam: Sorry bes, but I can't speak without being biased. Matagal ko nang nakakilala si Resshin. Kaya natural lang na siya ang sasabihin ko.

Louie: Hahaha! Bakit ba ang drama natin ngayon!? Hahahaha!

Sam: Nababaliw na ata 'to...

Louie: Nga pala! Bes, samahan mo 'ko.

Sam: Saan?

Louie: Puntahan natin sila Emma sa bahay nila, I have to say sorry.

Sam: Sorry dahil? OMG! Sorry kasi you can't give up Resshin!?

Louie: SIRA!!! Basta! Kwento ko na lang sa’yo on the way!

Sam: At paano mo naman nalaman kung saan ang bahay nila?

Louie: Pati ‘yun, ikukwento ko na lang on the way!

'At sumakay na nga kami ng jeep papunta sa kanila.

And yes, kinwento ko na rin kay best friend ang lahat.

Pagkarating kina Emma...

Sam: Woooooww... *Q*

Louie: Ang laki 'no? Tara!

Papasok na sana ako sa gate nang may nakita akong lalake doon sa gilid ng bahay nila.

Sam: Tara na, Louie.

Louie: Mauna ka na bes, sunod ako.

Pinuntahan ko ‘yung guy. Ang alam ko wala na raw ang dad nila. Eh sino ‘yun? Magnanakaw??

Lumapit na ako at nagtago sa likod ng isang halaman. May kalayuan rin sa kanya pero hindi naman masyadong malayo.

Nakakagulat naman, kasi familiar sa’kin ‘yung itsura niya.

Saan ko nga ba nakita ang mukha na ‘yun?

Think Louie, think!

Pero hindi lang ‘yung face niya ‘yung familiar.

Pati ‘yung pakiramdam ko familiar... Medyo kinakabahan at uneasy...

Saan ko nga ba naramdaman ang uneasy feeling na 'to?

Hmmm..

OMG...

‘Yung driver nila Daren ‘yun, ah!! Ano'ng ginagawa niya rito kina Emma??

'Umalis na ‘yung driver at nagpasya na 'kong pumasok sa loob.

Weird...

SO weird...

~TO BE CONTINUED.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.