**
Well of True Cherries
Chapter 29
He was staring straight into my eyes
And I find it hard to look away.
A mix of hope and longing is written all over his face.
"Louie..."
Saka lang ako natauhan nang sabihin niya ulit ang pangalan ko.
Louie: (yumuko) Uhmm...
Daren: I already told you, that I love you.
Louie: . . .
Daren: This time, ayoko nang maging taga-salo na lang lagi ni Resshin.
Louie: D-Daren...
Daren: Look, I'm not telling you to be my girlfriend. Ikaw ang bahala mag-decide nun. Para sa’kin lang, gusto kong mapatunayan sa’yo kung gaano kita kamahal.
Louie: Honestly, sobrang confused na ako ngayon. Paano naman ako magpapaligaw kung hindi naman ako totally libre?
Daren: Hindi ka totally libre? What does that mean!? Umaasa ka pa rin kay Resshin...??
'Tinignan ko siya nang straight sa mata.
Louie: Ikaw na mismo ang nagsabi sa’kin noon Daren! Napipilitan lang si Resshin kay Emma!
Daren: So umaasa ka nga!?
Louie: Oo!
'Umiiyak ulit ako.
Daren: Bakit ka pa kasi umaasa sa kanya..?
Louie: Gusto mo talagang malaman?
Daren: Oo naman!
'Ginather ko lahat ng energy ko para sabihin sa kanya.
Louie: Kasi hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Shin!!!
'Nabitawan niya ‘yung hawak niya sa’kin, tapos napayuko siya.
Louie: . . .
'Mabuti na rin sigurong naging totoo ako sa kanya.
Daren: What? So lahat ng ginawa ko... lahat ng ‘yun, balewala pa rin??
'Tapos tumatawa siya nang mahina.
Louie: . . .
'Sumakay ulit siya sa motor niya at pinaandar niya ‘yun.
Bakas ang galit sa mukha niya.
Louie: D-Daren...?
'Nakita kong niliko niya ‘yung motor niya pabalik sa school.
Louie: DAREN!!! Daren, saan ka pupunta!?
'May pagkamalayo na siya pero narinig ko siyang sumigaw.
Dareb: Babanatan ko ‘yang asong ‘yan!!!
'What!? Ano raw? Babanatan niya si Shin!? O__O"
Louie: DAAREENN!!!
'Hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan dahil mabilis ang motor niya.
Oh
My
GOD!!! oAo
Kailangan ko siyang pigilan!
Tumakbo ako hanggang sa bilis nang makakaya ko pabalik sa school.
Kung hindi ako nagkakamali, baka nakatambay sa mga plant box lang si Resshin!
Takbo, Louie, TAKBO!
Bilis!
Takboooo!!!
'Narating ko na ‘yung mga plant box at nakita ko na sila.
May sinabi si Daren kay Resshin. Masyado pa akong malayo para marinig ang pinag-uusapan nila. Tapos tumayo si Resshin at bigla siyang sinuntok ni Daren! EEEEP! I need to hurry!
Louie: Saandaalliiii!!!!
Susuntukin pa sana ulit ni Daren si Resshin pero napigilan ko siya.
Naandito na ako ngayon sa gitna nilang dalawa.
Louie: *pants* Ha.. Ha.. Ha.. Ha.. (hinihingal)
Resshin: Ano ba'ng problema mo, Daren!?!?
Daren: Wala ka nang ginawa kundi saktan si Louie!!!
'Aray ang sakit sa tenga ah! Nagsisigawan sila at nasa gitna nila ako.. >__<
Lahat ng intense feelings nila sinasalo ng mga tenga ko, mabibingi ata ako!
Resshin: T-Totoo ba ‘yun... Louie?
Louie: . . .
Hindi ako nakasagot.
Daren: Mag-isip-isip ka nga, Resshin!
Resshin: Ano ba!? Ginagawa ko lahat ng makakaya ko!
Daren: Sunud-sunuran ka lang sa mga patibong ni Emma!!!
Resshin: 'Wag mong siraan si Emma! Wala siyang ginagawang masama!
Daren: Pinagtatanggol mo pa si Emma!?!?
Resshin: Oo!!
Daren: Eh pa'no naman si Louie!?!
Louie: H-Huh?? O__O"
Resshin : . . .
'Napatingin sa’kin si Shin.
Louie: . . .
Iniwas ko ‘yung tingin ko sa kanya.
Daren: See!? Sinasaktan mo lang si Louie!
Resshin: S-Sorry...
Daren: WHAT!? ‘Yun lang!? ‘Yun lang ang kaya mong gawin?? Mag-sorry!!?
'Nilagpasan ako ni Daren at bigla niyang sinuntok ulit si Resshin.
Louie: Eeepp!! >A<
Resshin: Bakit ba kailangan mong manuntok!?
Tapos sinuntok din ni Resshin si Daren.
OH NOO!! Nagsusuntukan sila! Hindi, nagbubugbugan na sila sa harap koo!
*Punch*BLAG!*Kick*POW!*Attack*TUGSH!!*
Noooooo! TToTT
Louie: Ano ba!? Tumigil na nga kayo!
Nagsasakitan pa rin sila. Hangga't makakaganti ang isa, gaganti siya.
*Punch*BLAG!*Kick*POW!*Attack*TUGSH!!*
Louie: Tumigil na kayo! Para kayong mga aso't pusa!!!
Bigla akong natigilan. Parang familiar sa’kin ang sitwasyong 'to.
Oo nga pala.. Napanaginipan ko na 'to nung isang araw.
Ang pagkakaiba lang, mga tunay na aso at pusa ang nag-aaway.
'Napaiyak na ako.
Louie: Tumigil na kayo.. Please...
Hindi na nila ako pinakikinggan, tuloy pa rin sila sa pagbubugbugan.
Umiiyak na talaga ako.. kaming tatlo na lang ang natitira dito sa campus..
Louie: Resshin.. Daren.. tumigil na kayo..
Nagsusuntukan pa rin sila. Hindi ba nila ako pakikinggan!?
Sinigaw ko na nang todo ang sunod na sinabi ko.
Louie: H-Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan kayong dalawaa!!!
*Punch*BLAG!*Kick*POW!*Attack*TUGSH!!*
Louie: O__O"
A-Abaaa!! Balewala lang sa kanila ang concern ko!? Hmph!!
Louie: Kung hindi pa rin kayo titigil na dalawa diyan...
Daren and Resshin: (patuloy pa rin sa suntukan)
Louie: Maghuhubad ako sa harap nyoooo!!!
'Napatigil silang dalawa.
Daren and Resshin: . . .
*Punch*BLAG!*Kick*POW!*Attack*TUGSH!!*
Tapos tinuloy pa rin nila ‘yung suntukaaan!!
Waaaaahh.. TT0TT
Gusto nila akong makitang maghubad???!?
Hmph! Akala nila maiisahan nila ako!?
Maghuhubad talaga ako!
Tapos sinimulan ko nang tanggalin ‘yung ribbon sa upper uniform ko.
Akala nila nagbibiro lang ako?
Kung ‘yun lang ang paraan para tumigil sila, gagawin ko talaga..!!
Natanggal ko na ‘yung ribbon, sinimulan ko namang tanggalin ‘yung belt ko..
"STTOOOOOPPP!!"
Parehas silang napunta sa gilid ko at hawak nila ang tig-isang kamay ko..
Hmmm.. Interesting.. 0 30
Resshin: (hinihingal) N-Nababaliw ka.. na.. ba? B-Balak mo b-bang maging stri.. pper..??!?
Daren: (hinihingal din) B-Bugok ka tala.. ga.. A-Ang panget n-ng kata.. wan mo.. Ipapakita mo pa-pa sa’min?!?
Louie: =__=#
Grrr... Concerned ba talaga sila?? Nakukuha pang mangyamot ng mga 'to!
Louie: Bitawan niyo 'ko!!
Tapos binawi ko ‘yung dalawang kamay ko sa kanila.
Louie: Kayo ang mga nababaliw at bugok! Tignan niyo ang sarili niyo, ang papanget niyo naa!
'Tapos nagtinginan silang dalawa.
Resshin: P-Pfft.. Pfftt.. Bwahahaha!! xD (tumatawa habang nakaturo kay Daren)
Daren: T-Tawa ka diyan!? Hahaha.. I-Ikaw kaya diyan ang mas malala.. Hahahaha!!
'Nagtatawanan lang sila habang inaasar ang isa't isa.
Resshin: LOL! Ang laki ng black eye mo, haha!
Daren: Bungi ka naman! Hahaha!
Resshin: Sus! Namamaga nga ang pisngi mo eh! Haha!
Daren: Hahaha! Hindi ko na nga makita kung saan napunta ang ilong mo eh!
Resshin and Daren: Hahahaha!! xDDD
'Sus, nagkutyaan pa 'tong dalawa. Parehas lang kayong panget!
Louie: P-Pppfftt... Bwahahaha! >xD
Hindi ko mapigilang matawa sa kanilang dalawa!
Resshin: Tawa ka diyan!? Nakikisali ka naman? (natatawa)
Daren: Oo nga, hindi ka kasali dito! (nakangiti)
Louie: HMPH!! Wala akong pake sa inyo!!
" . . ."
Silence.
Bigla naming naalala ang dahilan kung bakit kami nandito.
Natahimik tuloy kami, may problema pa pala.
Daren: Louie...
'Si Daren na ang naunang magsalita.
Daren: Kapag natapos na 'tong problema ko kay Emma...
Louie: . . .
Resshin: . . .
Daren: Sa ayaw mo man o sa hindi... liligawan kitaa!!!
Louie: O__O
Resshin: O__O
Daren: >:"|
Resshin: Louieeeee!!
Louie: W-What..?
Resshin: Ako din!! Kapag natapos na 'to, liligawan din kitaa!!
'Tapos parehas silang nagliliyab ang mga mata na nakatingin sa’kin.
May mga kung anong aura rin ang pumapalibot sa kanilang dalawa.
N-Nakakatakot naman.. para nila akong lalamunin nang buhay.. "OTL
Resshin: Louie!! H-Happy.. Happy..
Tapos namula si Resshin nang husto. Nakita ko namang nag-roll ang eyes ni Daren.
Resshin: HAPPY ANNIVERSARY!!!! =>O<=
Louie: =O__O=
Daren: Tch. How childish... >_>
Louie: H-Happy anniversary rin, Shin.. =^__^=
Resshin: Yeeesss!! ^w^~
Daren: >__< (naiirita)
Resshin: Bukas... bukas magse-celebrate tayo!!
Louie: Huh? O-Okay..?
Daren: Tara na nga, glasses girl!!
'Tapos hinatak ako ni Daren.
Louie: B-Bakit?
Daren: Ihahatid na kita sa inyo!! >A<
Tapos sumakay na kami sa motor niya.
Nakita ko namang tumatakbo si Resshin.
Resshin: Louieeeee!! Bukas ah!!!
Tumango ako at pinaandar na ni Daren ‘yung motor.
Habang umaandar...
Daren: Louie
Louie: What?
Daren: Beware of dogs.
Louie: Ehh?? -__-"
Daren: Hindi ka ba nakakabasa ng mga sign na ‘yun? Ang dami diyan sa tabi-tabi!
Louie: Nagseselos ka ba?
Daren: Damn right!! Aaminin ko, sobraaaa!!
'In fairness, kinilig ako sa pag-amin niya. ^ 3^
Daren: Tsss. Gustong gusto mo naman na niyaya kang mag-date ni Resshin bukas!
Louie: E-Eh ano naman??
Daren: So mahal mo nga talaga siya...
'Binulong niya lang ‘yung huli niyang sinabi, tila ba sarili niya ang kausap niya.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa.
Binaba na niya ko sa bahay at umalis na siya.
Louie: Daren...
Nakatingin pa rin ako sa motor niya habang palayo na siya sa amin.
Louie: Mahal ko nga siya, pero...
~CONTINUE TO THE NEXT CHAPTER.
xx