**
Young love, so sweet :)
Well of True Cherries
Chapter 30
Here I am seated on a park bench.
Waiting for some stupid guy to arrive.
Louie: Haaaayyss...
10 minutes na siyang late.
At hindi nakakatuwa! >.<
Sa sobrang inip ko sa paghihintay humiga ako dun sa bench.
Hmm.. ano kayang pwedeng gawin?
Matulog kaya ako?
Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may naramdaman akong matigas sa likuran ko.
May nahigaan ata ako..?
Kinapa ko naman ng kamay ko at may nakuha akong maliit at matigas na bagay.
Isang candy. Phew~! Kaya pala ang tigas -__-"
Waait...
Candy!?!?
Sa sobrang gulat ko napatayo ako bigla.
Louie: Resshin!!! Alam kong nandyan ka! Magpakita ka!!
Walang sumagot.
Louie: Grrr! Alam kong ikaw ang naglagay ng candy sa bench!! Kanina ka pa pala nandito!
Wala pa ring sumasagot.
Asar!
Sa tingin niya ba maloloko niya 'ko?? Kabisado ko na ata siya!
Pumulot ako ng bato at binato ko dun sa taas ng punong malapit.
1, 2, 3... BLAG!!!
May nahulog na lalake mula sa puno.
Paglapit ko, nakita ko si Resshin na may hawak na binoculars.
Louie: So ito na pala ngayon ang mga trip mo? :)
I smiled.
Resshin: A-Arruuyy.. Anchakit.. T__T Lulu, tulungan mo naman akong makabangon.. ang sakit ng likod ko.. Huhuhu...
Tapos inabot niya sa’kin ‘yung kamay niya, humihingi ng tulong.
At dahil mabait ako, hinawakan ko ‘yung kamay niya para hatakin siya pataas.
Kaso hindi ganun ang nangyari.
Ako ang hinatak niya pababa!!! O__O
Louie: Eeeeeeppp!!! >o<
Nahulog ako sa tabi niya, parehas na kami ngayong nakahiga sa damuhan.
Tinignan ko siya.
Louie: Resshin...
Resshin: *smiles* Look at the sky, Louie. Ang ganda! :D
Tumingin din naman ako sa langit..
Louie: Hey, Resshin?
Resshin: What? =)
Louie: Happy Anniversary... ^__^
*FLASHBACK*
Naalala ko kung paano kami unang nagkakilala ni Resshin.
Dito rin mismo sa park na 'to.
Elementary pa lang ako noon.
Lumayas ako sa bahay, at umiiyak ako...
Hindi ko kasi matanggap na aalis na ang Daddy ko papuntang States.
Young Louie: (nagmumukmok mag-isa dun sa bench) Uwaaa.. aalis na si D-Daddy.. iiwan.. n-na niya ako.. *sniff*sniff* T^T
Young Louie: K-Kasalanan ko 't-to.. H-Hindi kasi ako n-naging good girl.. T___T
???: Hey miss, hindi kailangang umiyak ^__^
Nagulat ako. Biglang may nagsalita. Tumingin naman ako sa paligid, wala namang tao..
Young Louie: S-Sino ‘yan?? M-Mumu ka ba??
???: Pupuntahan kita diyan, miss! Hintay ka lang ng three seconds!!
At nagcount naman ako.
1, 2, 3...
Wala pa ring lumalabas na tao..
Young Louie: T-Tapos na ako magbilang hanggang three!!
Walang sumagot.
Pagtingin ko dun sa may malapit na puno, may nakita akong batang lalake na dahan-dahang bumababa.
Ang bagal niyang bumaba, inabot pa ata ng isang minuto bago siya nakatapak sa lupa.
"Three!!!" sigaw niya.
???: Oh 'di ba! Sabi ko sa’yo magbilang ka lang ng tatlong seconds eh! ^o^~
Young Louie: N-Nagbilang nga ako! Lumagpas na ang three seconds!
???: Huuh? Mali ba ang pag-count ko??
Nagbilang naman siya sa daliri niya.
???: One.. Two.. Four.. Five.. Six.. Three!!!
Sumigaw siya habang pinapakita sa’kin ang limang daliri sa kamay niya.
???: Three seconds lang ang inabot ko sa pagbaba! Hohoho~! ^o^
Tanga ba 'to!? Ang bobo mong magbilang!! >o<
Sa loob-loob ko, ‘yun ang gusto kong sabihin sa kanya, kaso syempre hindi ko pa naman siya kilala.
Young Louie: S-Sa tingin ko, una muna ang three bago m-mag four..
???: Mali ka! Ang three after mag-six!!
Young Louie: Bago mag-four!
???: After mag-six!!
Young Louie: Bago mag-four!!
???: After mag-six!!
Young Louie: Bago mag–
Napatigil ako, napansin kong may hawak siyang binoculars sa kamay.
Young Louie: A-Ano ‘yang hawak mo??
???: Ah, ito? "Binoculars" ang tawag dito ng mga magulang ko ^o^
Young Louie: Bakit ka may ganyan?
???: Umaakyat ako sa puno para mapagmasdan ang mga squirrels! Nakakatuwa silang panoorin! At gumagamit ako nito para mapanood ko sila sa malayo dahil hindi ako pwedeng lumapit sa kanila!
Young Louie: Bakit hindi ka pwedeng lumapit sa kanila??
???: Sabi ng mga magulang ko, nangangain daw ng tao ang mga squirrels!
Young Louie: O__O"
'Weehh??? Hindi naman ata ‘yun ang pagkakaalam ko -__-"
???: Habang tumitingin ako sa paligid ng mga squirrels, may nakita akong batang babae na umiiyak.
'Ako ata ‘yung tinutukoy niya!
Young Louie: N-Nakita mo 'kong u-umiiyak???
Tumango siya.
Young Louie: (nakayuko) Aalis na raw kasi ang daddy ko.. pupunta na siyang America.. :(
Napaiyak ulit ako.
Napansin kong may dinudukot siya sa bulsa niya at may inabot sa'king candy.
???: Kainin mo 'to! ^____^
Young Louie: Candy?
???: Hindi mo ba alam? Kapag kinain mo ang magic candy na ‘yan, magiging masaya ka sa buong araw!! Kahit gaano ka pa kalungkot, kainin mo lang ‘yan at sasaya ka na agad ^o^
Young Louie: Weeh?? Totoo?
Binuksan ko naman agad ‘yung wrapper at sinubo ‘yung candy.
???: ^__^
Young Louie: =__="
???: Ano? Masaya ka na ba?
Young Louie: Hindi naman eh!! Niloloko mo lang ako! Hmph!
Nagtampo ako sa kanya at umalis na sa lugar na ‘yun..
Kung sino man siya, ang abnormal niya!!! >__<
**
Hindi naging maganda ang mga nangyari nang makauwi ako sa bahay.
Pinagalitan at pinalo ako ni Daddy.
Hanggang pagtulog umiiyak pa rin ako :(
Kinabukasan...
Nagpasya ulit akong pumunta sa park.
Nakakagaan kasi ng pakiramdam kapag pumupunta ako rito.
Umupo ako sa favorite bench ko, bigla akong may naramdamang kakaiba.
Pagtayo ko, may naupuan akong candy.
Teka.. pamilyar ang candy na 'to, ah!!
Young Louie: Bata!! Batang lalake!! Nandito ka ba??
Walang sumagot.
Hindi kaya nasa puno ulit siya?
Masyado kasing mataas ‘yung puno para makita ko kung may tao ba dun o wala.
Kaya kumuha ako ng bato at binato ko ‘yung puno.
Nag-count ako ng tatlo.
1, 2, 3... BLAG!!!
Lumapit ako at nakita ko ulit ‘yung batang lalake. May hawak ulit siyang binoculars..
???: @___@"
Young Louie: Hahahaha! xD This time, nakababa ka ng puno at the count of three!! Hahaha! xDD
???: Tumatawa ka?
Young Louie: O-Oo eh.. Hahaha!! Nakakatawa ka kasi!! xD
Ngumiti siya sa’kin, ang cute nyaa~!!
???: *smiles* Oh see? Sabi ko sa’yo tumatalab ang magic candy eh!! ^o^ Ewan ko lang kung bakit late ang effect sa’yo. Isang araw bago umepekto ‘yung magic!
Lumapit siya sa’kin at kinatok ‘yung ulo ko.
???: Abnormal ka ba? Bakit ang tagal bago gumana ng magic candy sa’yo..? Hmmm...
Umasta naman siya na parang nag-iisip nang malalim. Aba! Ikaw ata diyan ang abnormal! >.<
Young Louie: Dala mo ulit ‘yung binoculars mo, nag-aabang ka ulit ng mga squirrels? :)
Tapos napatingin siya sa’kin.
???: Squirrels? Iba na ang inaabangan ko ngayon..
Tinuro niya ‘yung bench kung saan ako nakaupo kanina.
???: Nag-aabang ako ng batang babae ^____^
Biglang nag-blush ang buong mukha ko. Sino ba 'tong lalakeng 'to!? >__<~
Young Louie: B-Batang babae??
???: Oo. At naglagay ako ng candy sa bench para magsilbing bait. Biruin mo nga naman, nagtagumpay ang plano ko!! xD
Then nagtatatalon siya sa harap ko.
???: Yahoooo!! Ang galing mo talaga Resshin!! Yehheeyy!! Hooray!! *^o^*
Young Louie: I-Ikaw si Resshin?
Inabot niya sa’kin ang maliit niyang kamay, hinawakan ko naman.
Young Resshin: My name is Resshin the Pogi, and you are?
Young Louie: L-Louie... tawagin mo na lang akong Lulu..
Young Resshin: Lulu? Ang panget naman ng name mo! :P
Louie: H-Huh??? O__O
'Nagulat ako sa sinabi niya! Ang rude niya naman! :(
Young Resshin: Ang dapat na pangalan mo, Lulu the Beautiful!! ^__^
Nag-blush ulit ako dahil sa sinabi niya.
Young Resshin: Simula ngayon, kapag nagpapakilala ka sa mga tao, ang lagi mong sasabihin.. "My name is Lulu the Beautiful!!" ^o^
'Kaya pala may kasamang "the Pogi" ang pangalan niya, gusto niya pa kong idamay sa kalokohan niya -__-"
Pero in fairness, he may be weird but he's very cute! ^u^
Young Resshin: Nasubukan mo na bang panoorin ang mga clouds?
Young Louie: C-Clouds??
Young Resshin: Yup~!
Tumingala naman ako at tinignan ko ‘yung mga clouds.
Young Resshin: Tch! Tch! Tch! (umiiling).
Nagulat ako dahil parang unimpressed ang itsura niya.
Young Resshin: Hindi!! Hindi ganyan!! Ang dami mo pang hindi nalalaman sa buhay!!
Bigla niya 'kong hiniga dun sa damuhan.
Young Louie: R-Resshin???
Humiga rin siya sa tabi ko. E-Eto ba ang sinasabi niyang mga hindi ko pa nalalaman sa buhay!?!?!? WAAAAAH BATA PA 'KOO! T 3T
Young Resshin: Ganito ang tamang panonood sa mga ulap! Mas maganda kapag nakahiga ka sa damuhan! :D
'Tumingin ako sa langit, ang ganda ngaaa! At dahil nakahiga ako sa grass, ang sarap ng pakiramdam! =D
*END OF FLASHBACK*
"Lulu..."
Nagulat ako. Paglingon ko sa kanan, nakatingin sa’kin ang isang binatang Resshin.
Nakahiga pa rin kami sa damuhan. Tapos na pala ang pag-alala ko sa nakaraan..
At ito na kami ngayon sa kasulukuyan.
Resshin: Happy anniversary rin, Lulu the beautiful... :)
Hindi ko na napigilang mamula at ngumiti ako sa kanya with a sweet smile.
Dito sa park kami unang nagkakilala.
Dito rin naging kami..
Dito kami laging nagkikita nang hindi inaasahan..
At dito rin siya pumunta nang matalo siya sa basketball..
.
.
.
Dito sa lugar na 'to, naaalala ko...
Kung gaano ko talaga kamahal si Resshin..
~CONTINUE TO NEXT CHAPTER.
xx