Well of True Cherries Chapter 32

Well of True Cherries

Chapter 32

~~

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko.

Syempre ako naman itong dali-daling bumangon at ayoko namang ma-late sa school.

Nakalabas na ako ng kwarto ko nang parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Louie: -__-" Bakit gano’n?

Pagtingin ko sa bintana, nakita kong ang dilim-dilim pa. Saka hindi lang ‘yun, parang masyado ring malamig ang paligid.

Louie: BBrrrrrrr.. >__<;; (nakayakap sa sarili)

Tinignan ko naman ‘yung orasan sa may hallway, nakalagay ay 2:15 AM pa lang!!

Talaga namang nagkandarapa akong tumakbo papasok sa kwarto ko at chineck ‘yung cellphone ko, nakalagay dun ay 5:40 AM.

o__o

=__="

~__~+

Louie: KUUYYAAAAAA ARVIEEEE!!! >O<#

Obviously, ang epal kong kuya na naman ang may pakana nito. In-adjust na naman niya ‘yung time sa cellphone ko nang mas maaga. SOBRANG AGA. Pahamak talaga!! Ang lakas ng trip!!

*Knock*Knock*Knock*

Ito ako ngayon at kumakatok sa pintuan ng kwarto niya.

Walang sumasagot. Tulog pa ata ang kumag.

*BHAM!*BHAM!*BHAM!*

Pinaghahampas ko na nang maigi ang pinto.

After a while, narinig ko ang pag-turn ng doorknob at binuksan na ng kuya ko ang pinto.

Arvie: Loouiieee... A-Ang aga aga pa-pa.. Nambubulabog ka na agaad... *yawns*

Louie: Nambubulabog!? Ikaw diyan ang nambulabog sa tulog ko!! Pinagtripan mo na naman ako!

'Natauhan ata siya bigla at biglang pinipigil ang tawa niya.

Arvie: Oo nga pala, I almost forgot! Hahahaha! xD

Louie: ASAR! Feeling mo nakakatuwa ka!?!? Hindi!! >o<#

Arvie: Ikaw naman oh. Gusto ko lang naman na maging maaga ka sa pagpasok. Pasalamat ka pa nga eh, mas maaga ang ginawa ko at hindi ko in-adjust ng mas late. Kung hindi talagang mahuhuli ka na sa klase.

Louie: Aba! So magpapasalamat pa 'ko ngayon!? Saka subukan mo lang na i-adjust ng mas late ang cellphone ko, talagang malilintikan ka sa’kin!!

'Ehem. 'Wag po kayong masyadong mag-alala sa manners ko at kung pa’no ko sagutin ang kuya ko. Matagal ko nang binaon sa lupa ang natitirang respeto ko para sa kanya. Lagi kaming nag-aaway at nagbabangayan pero siya pa rin ang ultimate best friend ko. :)

Arvie: Kung nagrereklamo ka, matulog ka na lang ulit!

Louie: Wala na 'kong gana dahil sa’yo, hmph! >:T

Nagdabog ako pabalik sa kwarto at humiga ulit sa kama. Haaayy.. Talagang nawala na ang antok ko. Hindi na ako makatulog.

In-adjust ko na rin ang cellphone ko sa tamang oras. Saka ko lang napansin, may 61 new messages! Buong magdamag ko kasing hindi ginalaw ang cellphone ko kahapon.

Kung naaalala niyo pa, 'di ba nagkita kami ni Resshin? At naiwan ko ‘yung cellphone ko sa bahay dahil sa kakamadali.

Binuksan ko naman ‘yung inbox at nagulat ako sa nakita ko...

Daren

Daren

Daren

Daren

Daren

Daren

and so on...

Hindi ako sure pero medyo nag-blush ata ‘yung mukha ko.

Binuksan ko ‘yung unang unang text:

"Aww. Bagot na 'ko.."

"Siguro masayang-masaya ka ngayon 'no? Kasama mo si doggie"

"Bored na bored na 'ko dito. Wala akong magawa.."

"Hindi ako mapakali.."

"Ano na kayang ginagawa niyo ngayon?"

"Masaya ba ‘yung date niyo?"

"Walaaa akong magawaaa.. Bored to the nth power!"

"Naiistorbo ko ba ang 'date' niyo?? Hahaha. Mas magnda kung ganun nga"

"DISTURB. DISTURB.DISTURB"

"Umuwi ka nang maaga ah"

"HOY! Bakit hindi ka nagrereply!?!? Masyado ka atang busy kay doggie!!"

"Nakakaasar. Nagseselos ako.."

"Bakit ba hindi mo magawang sumagot sa mga text ko?"

Tuloy-tuloy lang ‘yung pag-flood niya. Puro reklamo lang ‘yung laman ng text. Nag-reply naman ako sa kanya kahit na alam kong hindi niya ‘yun agad mababasa dahil nga ano’ng oras pa lang.

[Louie: Sorry late rep. Naiwan ko cp ko kahapon]

Tinabi ko na ‘yung cellphone ko at pinikit na ang mga mata ko..

*toooot*tooot*

Nagulat ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko at tinignan ko agad.

Nagreply si Daren!! Grabe, ah! Anong oras na ba? 2:30 AM pa lang!!

[Daren: Akala ko nakalimutan mo na 'ko!!!]

[Louie: Bakit gising ka pa!?]

[Daren: Hindi kasi ako makatulog eh. Hindi ako mapakali hangga't hindi ka nagre-reply sa’kin. Saka hindi ko maiwasang isipin kung ano’ng nangyari sa date niyo]

[Louie: Gano’n!?]

[Daren: Eh ikaw bakit gising ka pa?]

[Louie: Napagtripan ako ni kuya. Inadjust ‘yung oras sa cp ko kaya nag-alarm nang maaga]

[Daren: Kasalanan mo ‘yan. Iniiwan mo kasi cp mo! Next time, ‘wag mong iwan. Baka hindi mo alam may emergency text na pala]

[Louie: Emergency text!? Tulad ng ano?]

[Daren: Tulad nito..]

After two seconds may kasunod na ulit ‘yung text niya.

[Daren: I love you]

=O___O= !!!!?!?!??

Gano'n ba ‘yung halimbawa ng emergency text? Emergency ba talaga ‘yun!? Saka.. S-Si Daren ba talaga 'tong ka-text ko!? >.<

Parang hindi eh, p-parang hindi naman siya ganito ka-upfront sa’kin... > 3<

‘Yan tuloy! Hindi ko alam ire-reply ko!!!

[Daren: O, hindi ka na ata naka-reply? *evil grin*]

[Louie: Che! Ewan ko sa’yo. Lakas ng trip mo.]

[Daren: Hindi ‘yun trip no, totoo ‘yun!]

[Louie: Antok lang ‘yan, matulog ka na nga!]

[Daren: Pinapatulog mo na 'ko? Ngayon lang ako ginanahan mula kahapon.]

[Louie: Pwes patulugin mo na lang ako]

[Daren: No way. Ngayon ka na nga lang nagka-time para sa’kin. Tutulugan mo pa ko.]

[Louie: Ha!? Eh pa’no kung inaantok na 'ko!?]

[Daren: Matindi akong magselos, Louie... *evil grin*]

A-Aba! Ano ‘yun? A-Ano naman sa’kin ngayon kung ganun!? ~>__<~ (blush)

[Louie: SO WHAT!?!? Wala kong pake kung magselos ka!!!]

[Daren: Talaga bang inaantok ka na? Mukhang gising na gising ka pa sa mga text mo eh]

[Louie: Wala ka ba talagang pakialam kung mapuyat ako!?]

[Daren: Wala.]

'Grabeeee! Sobrang gulo talaga ng utak ng taong 'to!! >o< Nanliligaw siya pero wala rin namang pake at the same time!

[Louie: Gulo mo!]

[Daren: Eyy, ano pala'ng nangyari sa inyo kahapon?]

[Louie: Sikretong malupet! :P]

[Daren: Tsk. Ganyan ka naman parati eh. Just wait and see. Malalaman mo kung sino talagang para sa’yo.]

'OMG. Medyo kinilig ata ako dun!! * 3* He's rude but at the same time, sweet???

"Just wait and see. Malalaman mo kung sino talagang para sa’yo"

*Sabay screenshot*

Kyaaa~!! Hindi nakakasawang ulit-ulitin!! :">

"Just wait and see. Malalaman mo kung sino talagang para sa’yo"

Waaahh.. I could read this message for a whole day!!! ^ 3^

*tooot*tooot*

[Daren: Still there?]

[Louie: Yeah. But I really need to go to sleep. Good night :) ]

[Daren: Aww. Okay. Good night :) ]

Hmm.. Bakit nga pala "Good night"? Eh morning na? Ay ewan!

Basta ang alam ko lang...

Ang sarap ng tulog ko ^__^

**

SCHOOL.

Hindi ko nasabi kay Daren na break na si Resshin at Emma. Pero sure naman ako na makakarating ‘yun sa kanya.

Sa klase, sobrang busy ‘yung teacher namin sa kakaayos ng mga papeles sa harapan. Nakatunganga at nakatingin lang kaming lahat sa kanya.

Sam: (bulong) Ano kaya'ng inaasikaso niya?

Louie: (bulong) Ewan. Mukhang importante.

'Natapos na siya at tumayo na sa harapan.

Teacher: Class, I have an announcement to make.

Class: (nakikinig)

Teacher: We'll have an Inter-Section Exchange Students Program.

'Ano raw!? Exchange inter-stud.. what?? >_>"

Teacher: That means, one student from this class will be transferred to another class and another one from that class will be transferred here. In short, one student from each class will be exchanged.

'Oohh.. gano’n? Ngayon lang ‘yun nangyari sa history ng Raven Wings Academy ah!

Classmate A: Ma'am! Pwedeng magtanong?

Teacher: Yes..?

Classmate A: Para saan po ‘yun? Bakit kailangang may exchange students?

Teacher: For a school survey. It won't take long, actually. The program will only last for a month.

'Isang buwan sa ibang klase? Mahirap ata ‘yun ah. Pero medyo exciting din.. Saka masaya ring magkaroon ng mga bagong classmate for a change.

Teacher: And the student who was picked to transfer to another class is none other than..

Lahat: *dugdug*dugdug* (heartbeat)

.

.

.

"Miss Maria Louisa Veronica Cayabyab"

**

WHAT

THE

HELL!?!?!?

Ako? Ako? AKOOO!?

Tinaas ko naman ‘yung kamay ko in acknowledgement.

Teacher: You'll be transferred in the section, II - Harpalyke.

H-Harpalyke!? S-S-Section ‘yun ni Emma, ah!! Waaah~!!! TToTT

I'll be stuck with her in a class! No! No! Nooo!

Pero okay lang, at least nandun naman si Kimmy eh! Phew~! -o-"

Teacher: And the student who'll be transferred here is, Ms. Kimmy Mendoza.

NOOOOOOOOOO!!!

Bakit si Kimmy pa!? Wala na 'kong ibang kakilala dun! "OTL

"Hindi mo 'ko kilala Louie. Hindi mo alam ang kaya kong gawin"-nagri-ring pa rin sa’kin ang mga sinabi ni Emma. B-Baka i-bully niya 'ko dun! T__T

Teacher: And the program will start tomorrow. Good luck guys.

Pagkaalis ni ma'am, lumapit agad sa’kin ang mga classmates ko.

"Uy, Louie! Good luck ah!"

"Pakabait ka dun, ha!!"

"Mami-miss ka namin, Louie.."

"'Wag mo kaming kalimutan hahaha"

"Isang buwan lang ‘yun, pero for sure mami-miss kita!"

"Good luck Louie!! Sana may ma-meet kang mga friends dun"

Louie: *cries* T-Thank you guys... ; u ; *cries*

Bakit kailangang ako pa!? At bakit si Kimmy pa ang pinalit sa’kin!?

Ano na lang ang mangyayari sa’kin sa section ni Emma..??

WAAAAAAAH

I don't want tomorrow to come!

TT0TT

~CONTINUE TO NEXT CHAPTER.

xx

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.