**
Well of True Cherries
Chapter Thirty-Three
Arvie: Lulu, UTANG NA LOOB gumising ka naaa!!!
Tinakpan ko ‘yung tenga ko. Ang lakas kasing sumigaw ni kuya.
Ayoko pa kasing bumangon. Kasi ayokong pumasok sa school. Kasi ayokong pumasok sa bago kong section. Kasi section ‘yun ni Emma. Kasi ex siya ni Resshin na ngayon ay nanliligaw sa’kin. TT_TT
Arvie: Kalahating oras na kitang ginigising hindi ka pa rin bumabangon!! >O<
Louie: (nagtutulug-tulugan) z z z z...
Arvie: =__=#
Louie: (- o -) zzzzz...
Arvie: Gusto mong mabuhusan ng tubig!?!? >o<#
Louie: (- o -") zzzzz...
Arvie: At the count of three! One.. two..
Louie: KUYAAAAAA!! TToTT
Bigla akong bumangon at napayakap sa kanya. As in hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap ko sa kanya.
Arvie: A-Ano ba’ng pa-problema mo, ha!?
Louie: Ayokong pumasok sa schoool!!! T~T
Arvie: What the!? At bakit naman??
Louie: H-Hindi ko pwedeng sabihin.. T__T
Arvie: Bahala ka diyan! Basta pumasok ka na! Hay naku, kung bakit ba kasi ako na lang laging taga-gising sa batugan na 'to!! -__-#
Pinipilit niyang umalis pero nahihirapan siya dahil nakayakap na ako ngayon sa binti niya. Dahil ang bigat ko, dina-drag niya na lang ako palabas.
Louie: Kuyaaaaa.. sabihin mo kay Mommy may sakit akoo.. T0T
Arvie: Matagal ka nang may sakit!! Sakit sa tuktok!
Sinasabi niya habang dinidiin ‘yung daliri niya sa ulo ko.
Louie: Huhuhu.. Sana biglang bumagyo.. Signal no. 2... O kaya biglang ipahayag ng President na holiday ngayon... TToTT
Arvie: Ano ba kasing problema mo!?
Louie: Hayyss.. Hindi ko naman pwedeng sbihin sa’yo dahil hindi ka naman maniniwala.. T~T
Arvie: Maligo ka na nga! O baka gusto mong paliguan pa kita!?!?
Louie: Huhuhu.. TT__TT
Naiintindihan niyo naman ako 'di ba? Binigyan na ako ng threat ni Emma. So bakit hindi ako kakabahan?
Ang pwede ko na lang gawin ngayon ay mag-evaporate.
Tama! Mag-e-evaporate na lang ako!! TT0TT
Kailangan ko ba talagang matakot? Eh nung inaaway nga ako ni Daren noon, lumalaban ako. Bakit hindi ko magawa ‘yun kay Emma?
Hays. Kasi kaibigan niya rin ang mga kaibigan ko...
At ayokong madamay sila :(
**
School.
Nandito na ako ngayon. Kahit naka-isang daang beses ako na nagmamakaawa kay Mommy at Daddy na may sakit ako, ay hindi talaga sila naniniwala. Lahat na ng scientific names para maka-imbento ako ng sakit nasabi ko na! TT__TT
Kaya ito ako ngayon na nakatayo sa tapat ng pintuan ng Harpalyke.
Oh how I wish biglang mag-dissolve ‘yung letters at mag-form ng "Calypso" instead.
Parang ‘yung powers ni Wanda or Dr. Strange. T__T
Kaso ayaw eh. Tinititigan ko nang mabuti, baka sakaling gumalaw ‘yung mga letters.
Ayaw talaga.
???: Ayos ka lang?
Paglingon ko sa kanan, may nakatingin sa aking isang babae.
Louie: Ahh.. ehh.. A-Ayos lang.. Hehehehe.. ^__^;;
???: Haha. :) Para ka kasing si cyclops eh. Tila gusto mong i-laser beam ‘yung sign board ng section namin. Ikaw ‘yung exchange student 'di ba?
Laser beam? Cyclops? Hindi ko naisip ‘yun ah!
Louie: O-Oo... Ako si Louie..
???: Nabanggit nga sa’min ng teacher.. Ma. Louisa Veronica Cayabyab.. Hahahaha! XD Ang lupit ng name mo, sister! XDD
Errr. Salamat ha... -__-+
Louie: Please, tawagin mo na lang akong Louie.. ^__^;;
???: Okay. Well then, Louie, wala ka bang balak pumasok ng room?
Louie: N-Natatakot kasi ako eh.
???: Saan?
Louie: K-Kinakabahan ako...
???: Hahaha! Mukhang total opposite ka ni Kimmy. Siya ‘yung kapalit mo. Sobrang daldal nun, pero nakakatuwa.
'If only you knew, madaldal rin ako at funny pero not today huhuhu.
???: Well, kung ayaw mong pumasok sa room. Mauuna na ko sa’yo, babush~! ^o^
Then pumasok na nga siya sa loob. Mukhang fun siyang kasama. Siguro siya na lang ang uunahin kong kaibiganin dito. :)
Okay Louie, you can do it girl!
Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Hindi pa ako totally nakakapasok pero nakasilip ‘yung ulo ko sa loob.
Then biglang naging ganito ang mga reaksyon ng mga mukha nila nung nakita nila ako-> O__O"
Ehhh? Bakit parang hindi ata nila ako tanggap? T__T;;
Nagulat ako dahil biglang tumayo si Emma at lumapit sa akin..
NOOOOO!!! "OTL
Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan kong umiwas nang bigla siyang nagsalita,
Louie: >__<;;
Emma: Guys, meet Louie. She's a friend of mine. :)
Louie: OAO!!?!?
WHAT.THE.HECK!?
After niyang sabihin ‘yun, biglang nagbago ‘yung mood ng mga kaklase niya.
Class: Welcome to Harpalyke, Louie!! *U*
Aba! Aba! Aba! Ang lakas naman ng hatak ni Emma sa klaseng 'to! -__-"
Student no. 1: Haha! Kung friend ka ni Em, friend ka na rin naming lahat!
Student no. 13: Oo nga. Tama si Student no. 1!! Hahaha.
Louie: Ahh.. Hehehehe.. ^___^;;;
WEIRD! O_O"
Lumapit agad ako dun sa girl na nakausap ko sa labas kanina.
Louie: P-Pwede akong tumabi sa’yo? :)
???: Surely. ^o^
Louie: Uhmm, pwedeng malaman ang name mo?
???: My name's Ham. But you can call me Bacon! ^__^
Louie: =__="
'Ano raw? Pinagtitripan ba 'ko nito!?
Louie: Err... ano real name mo?
Bacon: Totoo ‘yun. Ham Sheree Santiago ang name ko. Pero ginawa nilang joke na tawagin akong "Bacon" kasi nga Ham ang name ko, nung una pang-asar asar lang pero eventually nakasanayan ko na at naging nickname ko na siya. Kaya Bacon na ang tawag sakin ng lahat. :D
Louie: O-kay... Nice to meet you, Bacon ^__^;;
Tama nga kaya ang desisyon ko na kaibiganin siya? > 3< Para siyang weirdo! >__>
Bacon: Nice to meet you too, Lulu! ^o^
Louie: O__O"
Keber!! >o< Hindi siya nauubusan ng rason para GULATIN ako!! Paano niya nalaman ang nickname ko!? "OTL
Bacon: Hehe. Ayos lang ba’ng tawagin kitang Lulu? Galing sa Louisa? ^o^
Louie: P-Papano mo nalaman ang nickname ko.. -__-"
Bacon: Wow! That's really your nickname? O0O!! Hindi ko alam. Naisip ko lang siya bigla, mahilig ako sa mga nicknames eh.. ^_~
'Hindi naman masyadong halata.. >_>"
Ilang minuto pa lang kaming nag-uusap ni Bacon ay biglang lumapit na si Emma.
Emma: Uy, Louie! Diyan ka ba uupo? Gusto mo doon na lang sa tabi ko? :)
'Hmm... to give in? Or not to give in?
Louie: D-Dito na lang ako.. sa tabi ni B-Bacon.. ^__^;
Emma: Well.. okay.. sayang naman.. :(
Umupo na ako at napatingin ulit ako kay Bacon..
Kasalukuyan siyang kumakanta ng "Gee" ng SNSD na may kasamang actions habang nakikinig sa phone niya. Okaay.. weird... I mean oo nakikinig din ako ng K-Pop pero hindi ko naman siya sinasayaw sa loob ng room na parang wala nang ibang tao sa mundo.. =__="
Louie: Eeep!! O___O"
Nagulat ako dahil bigla siyang tumayo nung chorus part na!! >o<
Bacon: Neomu jjaritjjarit momi tteollyeo Gee! Gee! Gee! Gee! Gee!!! *^0^*
Talagang tumayo pa siya para sumayaw! Feel na feel niya ‘yung music.. >__< Chineck ko 'yung phone niya dahil baka naman nagti-Tiktok pala. Pero wala!
Lahat na nagtitinginan sa kanya pero parang wala lang siyang pake..
Ay tama.. wala talaga siyang pakiramdam.. "OTL
Siya ang pinili kong seatmate at napili kong kaibiganin....
Sa isang buwan.. siya ang makakasama ko..
Okay Louie, you can do it girl!! >0<;;
~CONTINUE TO NEXT CHAPTER.
xx