Chapter 4
Lalake siya, lalake siya, lalake siya, lalake siya...
Lalake si Black Cat!!! Huwaaaaaaaawwwww! 'Di nga? May galit sa'king lalake??
Pero... anu ba ‘yan!! Ang weird niya talaga... at niyaya niya pa akong makipag-eyeball!
Black Cat: Hello?? Nandyan ka pa ba?
'Oo nga pala, kausap ko pa pala siya!
Louie: S-Sure ka ba?
Black Cat: Bakit? Natatakot ka?
Louie: Hinde 'no, asa naman you!
Black Cat: In front of Riverbanks Center, 7:30 p.m. on Saturday. It's your choice kung
pupunta ka.
Louie: Malay ko ba kung niloloko mo lang ako, at wala ka pala dun?
Black Cat: As I said, it's your choice.
Louie: Alam ko, hindi ako bingi!
Black Cat: Heh, nagtatapang-tapangan ka pero bakas sa mukha mo ang takot.
'T-Teka? Bakas sa mukha?? Nakikita niya 'ko??
Louie: Hah??
Black Cat: Nasa loob ka ng room mo ngayon, kasama mo ang best friend mo. Sige, bye.
'Tapos nag-hang na siya. OH MY GOSH... it's true, habang kausap ko siya ay nakikita
niya 'ko. Tila mahihimatay ata ako...
Sam: Ano raw sabi ni Black Cat?
Louie: Besty... please pray for me...
At yumuko na lang ako sa armchair ko.
I don't want to die yet, mukang wala akong laban rito kay Black Cat.
Help me, ntatakot na talaga ako!!!
xx
Nag-online ako nung gabing ‘yun para maka-chat sina Emma at Lex, kaya nag-Discord kaming tatlo.
xerrel_00: Eh-oh!
'Si Lex ‘yun....
em0726: Present!!!
'Yun naman si Emma...
i.am.cute.: Dito na rin ako..
'Sympre dumating na rin ang bida!
i.am.cute.: Kaya ko kayo niyaya sa chat para pag-usapan si Black Cat.
em0726: any news?
i.am.cute.: Nakausap ko na siya sa phone eh, lalake pala ‘yun!
xerrel_00: Who knows what he'll do next!
i.am.cute.: Niyaya niya 'ko..
xerrel_00: AS IN, DATE???!!
i.am.cute.: Hindi 'yun date! Para lang makipag-eyeball.
em0726: ano'ng desisyon mo?
i.am.cute.: Ewan nga eh.
em0726: i think you should go
xerrel_00: nooo! 'wag kang pumunta.
'Err, ano ba talaga? Sino susundin ko?
SYET!!! Nag-brownout bigla! Nawalan ako ng WiFi! Ang malas ko talaga! Waaaaaahhhhh....
Pinuntahan ko kuya ko.
Louie: May kandila ka, kups?
Arvie: Wala, bili ka sa labas.
Louie: Ayoko nga! Undas na 'no.
Arvie: Matagal nang undas dito sa bahay na 'to simula pa noong March 2, 1993.
Louie: Birthday ko ‘yun eh!!! Weehhh... ang corny mo, kuya!
Arvie: At least gwapo. Sige na bumili ka na!
Waaaahhh.. ang sama ng Kuya Arvie ko! Natatakot tuloy ako. Sabagay, ginagawa niya kasi ‘yung homework niya.
Wala si mommy sa bahay, kaya heto ako ngayon mabilis na naglalakad papunta sa tindahan. Nakakatakot talaga maglakas sa labas kapag undas!
???: Psssstt..
'Sino ‘yun? Ayokong lumingon..
???: Psssssttt!!!!
'Ano ba, hindi ako dog! >O<
Kinakabahan naman ako, ‘di ko alam kung multo o adik.
???: Hey, Louie!
'Hinawakan niya kamay ko at napatingin ako sa kanya...
Louie: KIIIMMMMMYYY!!!
'Sabay yumakap ako sa kanya nang super higpit. Dala na rin ng relief mula sa takot.
Kimmy: Oh, ano ba’ng problema mo parang kakausap lang natin kanina sa school.
Louie: Kanina pa kasi ako kinikilabutan dito, eh.
Kimmy: Ikaw talaga. Bibili kasi ako ng kandila dahil brownout sa'min.
Louie: Ako rin! Sabay tayo, ha!? Haaa!!???
Kimmy: Para ka namang bata.
'Di ko na-mention, magka-neighborhood lang kami ni Kimmy. Nakita ko na ‘yung bahay niya pero ‘di pa 'ko nakakapasok. Kaya ‘di ko pa kilala 'yung parents at brother niya. Parehas kaming may mga busy na magulang at nag-iisang kuya. Marami kaming similarities.
Pagkatapos naming bumili ng kandila, may nakasalubong kaming dalawang manyakis.
Manyakis A: Oy, bakit mag-isa lang kayong girls dito?
Manyakis B: Gusto niyong makipaglaro?
'Shette, mas nakakatakot pa 'to sa undas. Kinakabahan kami, ‘di namin alam ang gagawin. 'Pag tumakbo kami, tiyak kaya nila kaming habulin.
???: HOY, LUBAYAN NIYO NGA SILA!!!!
Kimmy: Kuya Daren!
Louie: H-Huh?
Manyakis A: At sino ka naman?
Daren: Kapatid ko ‘yung isa at...
'Tumingin siya sa’kin.
Daren: 'Yung isa ‘di ko kilala.
'Ano ba 'yan! Hindi kami magkakilala pero 'di naman niya ako kailangang itakwil huhu.
Manyakis B: Mag-isa ka lang hindi mo kami kaya, pare.
Daren: Magsama pa kayong dalawa!
Manyakis A: Ang yabang mo!
Manyakis B: Kuya, bugbugin nga natin ‘yan!!
Manyakis A: ‘Wag mo nga 'kong tawaging kuya! Mukha ka na ngang macho kanina nasira mo pa image natin, bwiset.
'Ang drama naman ng mga gago, ayun.. wala pala silang panama sa kuya ni Kimmy.
Ang galing niya, nakaya niya ‘yung mga ‘yun nang mag-isa.
Kimmy: Kuya, thanks!
'At niyakap niya ‘yung brother niya.
Louie: T-Thank you rin po...
Daren: It's my fault, Kimmy. Sana ako na lang ang bumili.
'ABA! Tama ba’ng hindi ako pansinin??? I-deadma ba ko!?
Kimmy: Pero sinundan mo 'ko! Thanks talaga, kuya.
'Paalis na silang dalawa at nakalimutan ata ako sa eksena.
Teka!! Ako bida rito, ah! -__-
Biglang lumingon sa’kin ‘yung kuya ni Kimmy.
Daren: Ihatid na rin natin siya, nagmumukha nang kawawa mag-isa dun.
'Asssaaaaaarrrrrr!!! Ang echoz echoz niya talaga! Buti sinave niya kami mula sa
dalawang manyakis kanina kundi baka binugbog ko na siya. =_=#
Nung nasa tapat na ng bahay namin, niyaya ko silang pumasok. Sabi ni Daren hihintayin niya na lang daw si Kimmy sa labas. At bakit naman kaya ayaw niyang pumasok?
Hmph. Sabagay, baka madumihan niya lang ‘yung bahay namin!
Kalma, Louie. Niligtas ka niya kanina, okay?
...pero si Kimmy lang naman ang dahilan kaya niya kami niligtas ‘di ba?
Louie: (back to Kimmy) Nakakainis ‘yung dalawang lalake kanina, 'no?
Kimmy: Oo nga eh, pasensya ka na nga pala sa kuya ko. Ewan ko ba kung bakit gano’n siya sa’yo.
Louie: Okay lang, ilang taon na ba ‘yun?
Kimmy: Sixteen.
'Aba, kasing edad lang pala ng kuya ko. Soulmates talaga kami ni Kimmy!
Kimmy: Una na ako, may kasabay naman na ako pauwi.
Louie: Sure, sige. Ingat kayo pauwi ah.
Buti pa siya, siguradong safe na siya kasi maalaga at pinoprotektahan siya ng kuya niya. Lumingon naman ako sa kuya kong tulog na nakataas pa ang paa at malakas ang hilik.
Arvie: Nyoook.. nyooook... zzzzz...
Haaaayyy!!! Mapagtatanggol kaya ako ng mokong na 'to???
Krrrrriiiiinnnnnngggggg!
Ayan na naman ‘yung makulit na phone. Pag-angat ko, si Resshin pala.
Bakit kaya gano’n? Tuwing siya ang tumatawag parang sobrang lakas lagi ng pag-ring. =_="
Resshin: Louie...
Louie: Tulog si kuya. Bye.
Resshin: Wait! Ikaw ang kailangan ko.
'W-What? Bakit kinilig ako? Parang iba ata pagka-register sa'kin ng sinabi niya.
Louie: A-Ako??
Resshin: Sinabihan ko na rin si Emma. Alam mo, nag-text na rin sa’kin ‘yung Black Cat.
Louie: ANO!? Balak niya ba tayong isa-isahing lahat??
Resshin: Napakatapang niya naman kung hahamunin niya ng away pati lalake, tulad namin ni Lex.
Louie: Ahhh Resshin, lalake si Black Cat...
Resshin: Huh? Lalake siya??
Louie: Oo, nakausap ko na siya.
Resshin: P-Panu ‘yan!! Tinext ko pa naman siya na baka my gusto lang siya sa’kin at hindi gagana ‘yung style niyang gano’n!
Louie: Ahahahahahaha!!! Buti nga sa’yo!
'Ang tagal na naming hindi nakakapag-usap nang ganito. Nakaka-miss rin pala talaga.
Louie: Uhm, Resshin. Niyaya niya akong makipagkita.
Resshin: Weh??
Louie: Oo, bukas na nga eh.
Resshin: Ano ang balak mo?
Louie: Syempre inisip ko na pupunta ako, kaso...
Resshin: I'll come with you.
'Wow. Nag-blush naman ako dun sa sinabi niya. Napangiti nga ako eh.
Louie: Pero, ako lang naman ang inimbita niya at baka isipin niya na naghanap pa ako ng kakampi.
Resshin: I mean, babantayan ko kayo, magtatago ako sa sulok. Para malaman ko na rin kung sino siya.
'DEAL!! Oo ba! At least may magtatanggol sa’kin kapag may nangyari.
Hehe... saka, kung sakaling joke time lang ‘yun ni Black Cat at wala pala siya dun... Eh ‘di... hehehehe... mag-date na lang kami ni Resshin... Hehehehehe...
'Bigla namang inistorbo ng kuya ko ‘yung pag-iilusyon ko.
Arvie: Oh, kayo na ba ulit?
Louie: Ano!??
Arvie: Kayo na ulit ni Resshin?
Louie: Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Never!!!
Arvie: Eh bakit nakangiti ka habang kausap mo siya?
Louie: B-Babae kaya kausap ko!!
Arvie: Asus! Tumawag din si Resshin kanina hinahanap ka kaso umalis ka para bumili ng kandila. Saka isa pa, kanina ko pa naririnig ‘yung pangalan niya mula sa’yo. Lakas kaya ng boses mo. Para kang may mic sa lalamunan.
Louie: Oo na, sige fine! Tama ka na for once!
'Nagulat naman ako nung tumayo ‘yung kuya ko sa pagkakahiga niya.
Arvie: What!? So tama ako? Kayo na nga ulit?
'Sabi ko na nga ba na-misinterpret niya ‘yung sinabi ko..
Louie: CHE!
Arvie: Huh??
Umalis na ako dun sa salas at hindi ko na inintindi ‘yung kuya ko na mahina ang kokote. Haaay... excited tuloy ako bukas, parang kanina lang natatakot ako dumating ang bukas.
xx
This.is.the.night.
Nag-ayos lang naman ako ng normal na t-shirt at pants.. at ano pa ba? Hindi naman ako makikipag-date, 'no! Pagtingin ko sa relos, 7:15 pm na. Alis na 'ko.
*Beep**Beep*
'Ngtext si Resshin.
Asungot: Dito na q
'Aba ang blis naman niya!
Louie: Paalis pa lang ako.. geh..
Asungot: Kita na lang tayo mamaya..
Louie: K
Asungot: Uhh..
Louie: Wat?
Asungot: Kunsakaling ‘di matuloy si Black Cat, date na lang tayo ha... para ‘di sayang!
'Ano raw?? "Date" daw kami? DATE???? Teka.. parang ‘yun lang ang iniisip ko kahapon, ah. Parehas lang kami ng binabalak pala? Nakakakilig hehehe.
Ano namang sinagot ko, syempre eh ‘di...
Louie: sure.
'Sinundan ko agad ng isa pang text.
Louie: ...para ‘di sayang.
xx
Nandito na ako sa meeting place, asan na si Black Cat? Nakita ko naman si Resshin sa my Tropical Hut sa loob at kumakain. Aba! Ang galing niyang mag-isip, hindi obvious dahil nasa loob siya ng restaurant pero kita niya ako mula sa upuan niya.
Ang hinihintay na lang... eh si Black Cat.
Kinakabahan ako. Baka naman nanloloko nga lang siya?
And then..
Bumilis ‘yung tibok ng puso ko...
Dahil biglang may nagtakip sa mga mata ko mula sa likuran.
???: Guess who?
Grabe! Talagang ambilis ng tibok ng puso ko!
Nakatakip ‘yung mga kamay niya sa mga mata ko. Iniisip siguro ng iba, parang naglalambingan lang kami na ewan. Nararamdaman ko ‘yung big warm hands niya over my eyes. Lalake nga siya, walang duda.
Take a deep breath. Kaya mo ‘yan, Louie.
Nagsalita na ako after 3 years.
Louie: Guess who? Hindi nga kita kilala eh, kaya nga "eyeball" ‘di ba??
'Narinig ko na lang siyang tumawa tapos tinanggal niya na ‘yung kamay niya sa mata ko.
???: Pwede ka nang lumingon.
Louie: (sabay lunok)
'Nakatalikod pa rin ako.
???: Pwede mo na akong tignan at pagmasdan.
'Ano ba 'yan, naiirita naman ako dun sa sinabi niya. -__-
Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, imbis ay lumingon ako sa may restaurant kung nasan si Resshin... teka...
Wala si Resshin!!! OMG. ‘Di kaya si Resshin si... Of course not! Siguro lumipat lang ‘yun ng pwesto para may mas magandang view?
???: Oy... naiinip naman na 'ko.
'Ava! Ang reklamador niya, ah. Siya naman ang may ksalanan eh, ang dami niya pa
kasing mga ka-echosang nalalaman.
Louie: Sige.
And then I turned around...
xx
Nanlaki naman ‘yung mga mata ko. Syyyeeeettt!!! Ang wafu niya! Ang wafu wafu niya!
Syempre, ‘di ko ‘yun pinahalata 'no. Cinompose ko 'yung sarili ko at nakatingin lang ako sa kanya nang normal, kahit na deep inside ay shang-shang shang-sha ako. Sa sobrang gwafu niya ay tila gusto kong magpa-selfie.
???: Nice to meet you, Louisa.
And then I noticed, nakita ko na siya! Familiar ‘yung face niya. Hmmmm...
Oh My Gosh..
.
.
.
.
Kuya ni Kimmy.... si Daren.
Louie: K-Kuya ni Kimmy??
Daren: May pangalan naman ako at hindi ‘yun "kuya ni Kimmy"
'Lumapit siya sa’kin at inabot ‘yung kamay niya para makipagkamay.
Daren: My real name is Daren. We meet again. *smirk*
Louie: Pero... bakit??
'Binaba niya na ‘yung kamay niya nung napansin niyang wala akong balak
makipag-shake hands. Kanina pa siya nakangiti. Tigilan niya nga 'yang smile niya! Ang hirap mag-control ng kilig!
Daren: Bakit ano? Tinatanong mo ba 'ko kung why do I hate you so much?
'Wala pa rin akong kibo at nakatitig pa rin sa kanya.
Daren: Let's go.
'Tapos hinawakan niya ‘yung hands ko at hinila niya ako papunta sa loob ng Riverbanks.
Louie: What are you doing??
Daren: Pulling you?
Louie: Alam ko!! Pero bakit??
Daren: Date tayo, ayaw mo ba?
Louie: ANOOO???
Clear na sa’kin ngayon, siya nga ‘yung kuya ni Kimmy. Kaya pala ang lamig at ang sungit ng trato niya sa’kin kagabi. Pero bakit kaya?? Bakit siya galit?? Bakit "Black Cat"? At... bakit ang gwapo niya!?!? 'Yun talaga ang biggest concern ko, eh.
Siguro ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya kasi... Una sa lahat, gabi nung una ko siyang makita kaya madilim, at kakakilala ko pa lang sa kanya kaya hindi ko agad na-absorb 'yung itsura niya. Pangalawa, hindi na ako makapag-concentrate nung gabing 'yun dahil, ‘di ba nga? Takot na takot kami ni Kimmy noon dun sa dalawang manyakis. And last but not the least, masyado akong inis na inis sa kanya kaya ‘di ko siya masyadong pinapansin.
Louie: Wait lang naman! You're pulling me harshly! Nasasaktan ako!
Daren: Pake ko? Ano naman kung nasasaktan ka?
'Ouch. Talagang galit nga siya sa’kin.
Louie: Why do you hate me so much?
'Alam niyo kung ano reply niya?
Ngumiti lang siya! Nakakainis.
Bigla namang may dumaan sa harap namin na nagbi-bike. Tapos sumigaw ba naman 'yung biker ng,
Biker: Oy, ‘wag mo namang galitin ‘yung girlfriend mo!
'Tapos nag-bike na siya paalis. Sumagot naman si Daren.
Daren: Hindi ko 'to girlfriend!!
This.
is.
it!
Nabibwiset na talaga ako sa kanya! Akala mo kung sino siya! Pwede niya naman kasing sabihin na: "Hindi ko siya girlfriend!" kaysa, "Hindi ko 'to girlfriend!"
Ano ako, non-living thing!? =__=#
Louie: ANO BA'NG PROBLEMA MO, HA?? KUNG TLAGANG BWISET NA BWISET KA
SA'KIN... WALA NA 'KONG PAKE KUNG BAKIT...
'Tumutulo na ‘yung mga luha ko.
Louie: DAHIL BWISET NA BWISET NA RIN AKO SA'YO!!!
'Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Akala siguro nila magjowa kami na nag-aaway. Pero wala akong pake. Siya naman, huminga lang nang malalim.
Daren: Sige fine. Mabwiset ka sa’kin.
'At sakto lang ang timing, biglang dumating si Resshin at kinamusta ako.
Resshin: Louie, are you okay?? ‘Wag ka nang umiyak.
Louie: I-I don't think I'm okay... (umiiyak)
Resshin: Ano ba'ng problema mo, ha??
'Nilapitan niya si Daren.
Daren: Problema ko? KAYO!!
'Maghahamon na sana si Resshin ng away kaso pinigilan ko siya.
Louie: Shin... U-Umuwi... n-na tayo.. please...
Binaba na ni Resshin 'yung kamao niyang handa na sanang sumuntok, at hinawakan niya nang may lambing ang ibabaw ng ulo ko.
Resshin: Alright, let's go home...
Umalis na kaming dalawa doon. Hinatid ako ni Resshin sa bahay at nag-insist pa ngang samahan ako dahil mag-isa lang ako dun. Pero sabi ko I need some time alone at nag-thanks din naman ako.
*Beep**Beep*
'May nag-text, tinignan ko naman. Si Resshin ang ine-expect ko, pero iba.
Black Cat: Pssssstt..
'Hindi ko siya nireply-an, balak ko sanang burahin na ‘yung number niya kaso wala rin
namang magagawa ‘yun kung lagi lang rin naman siyang magtetext.
Black Cat: Psssstt..
'Nakakainis na, ha.. buong magdamag text lang siya nang txt ng "Psssstt.."
Ano ba!? Sabi't wala akong lahing aso! I'm not a dog! Balak ko sanang tawagan si Sam para sabihin ‘yung nangyari. O kaya si Emma or Lex para ipaalam na rin kung sino si Black Cat. Lalo na si Kimmy... pero pagod na pagod na talaga ako kaya naman wala ring nangyari at nakatulog na lang ako.
~TO BE CONTINUED.
xx