Chapter Five
*Beep**Beep*
Black Cat: Bakit ba ayaw mong mag-reply?
Louie: Ano ba! Galit ka sa’kin ‘di ba?
Black Cat: Syempre galit ako sa’yo.
Louie: Eh ‘di maghiganti ka na kung maghihiganti ka.
Black Cat: Teka, galit ka ba??
'Aba! Abnormal ata 'to, eh. Tinatanong kung galit ako? Hindi niya ine-expect na galit sa kanya ‘yung taong inaaway niya!?
Louie: OO!!!
Black Cat: Puntahan kita diyan.
'What?? Ano raw? Talagang nahihibang na 'to.
Louie: Yoko nga!
Black Cat: No use, andito na 'ko.
'Tinignan ko sa bintana, andiyan nga siya. Pero since kailan pa?
Nakarinig ako bigla ng pagkatok sa pinto.
*Knock!* *Knock!*
Louie: (sa txt pa rin) Bakit ka nandito!?
Black Cat: Para makapag-usap tayo nang maayos.
Haaalllleeeerrrr!!??!? Kinamumuhian niya ako pero gusto niyang makipag-usap nang maayos!?
Binuksan ko na lang ‘yung pinto, hmph pasalamat siya may itsura siya eh.
Daren: Thanks.
Louie: S-Saan??
Daren: La lang...
'Tapos dire-diretso lang siya sa loob at umupo sa sofa. Aba, ang kapal naman ng mukha niya!
Louie: Teka nga lang. Galit ka sa'kin, ‘di ba? Bakit...
Daren: (lumingon) Bakit ano?
Louie: Bakit... ahh.. ewan! 'Di ko ma-explain...
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nandito ang kaaway ko sa loob ng bahay ko. Pero bakit may halong excitement ang nararamdaman ko? Hindi ako maka-concentrate sa iniisip ko.
Daren: Hmmm...
'Sinabi niya lang ‘yun at tumawa nang parang bata.
Daren: Tabihan mo naman ako.
'Tapos tinapik niya ‘yung sofa at ngumiti.
Louie: Ano ba? Galit ka nga ‘di ba??!?
Grrrr.. litong-lito na 'ko sa mokong na 'to ah.
Daren: Ano ba’ng problema mo? Paulit-ulit ka na lang. Tanong ka nang tanong kung galit ba ako sa’yo. Sinabi na ngang galit nga ako eh.
'A-Aba!!! Ako pa bigla!? Ikaw nga etong may problema, eh!
Louie: K fine!
Tumabi nga ako sa kanya. Hmmm, aba ang bango niya.
ambango niya..
ambango niya...
ambango niya..
am–
Daren: Wait lang, inaamoy mo ba 'ko? *smirks*
'H-Hah!? Saka ko lang napansin. Nakapikit pala ako at ang lapit na pala ng mukha ko sa dibdib niya. WAAAAHHHHHH!!!!! NAKAKAHIYA NAMAN!! TT__TT
Louie: Errr. K-Kasi... a-ano... (namumula)
Daren: Tsss. ‘Wag ka nang magpaliwanag. Huling-hule ka na.
'Tapos tumawa lang siya nang mahina.
Louie: Bakit ka ba kasi nandito? Saka ngayon lang tayo nagkakilala! Bakit ka galit sa'kin??
Daren: Alam mo galit na galit talaga ako sa'yo...
'Tapos tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.
Daren: SOBRA.
Louie: Oo na! I'm much aware of that! Ano tayo, sirang plaka!? Ang tanong ko, bakit??
Daren: Nakilala kita last year pa. Pero nakalimutan mo na siguro ako.
Louie: Saan? Pa'no?
Daren: Sa Black Cat Arcade. Nagsimula lahat doon.
Louie: Huh? Pero wala akong nakikilalang Daren!
Daren: Syempre. Kasi ang ginagamit kong pangalan tuwing nandoon ako ay DG.
Louie: DG? Wala pa rin akong naaalala.
Bigla na lang bumukas ‘yung pinto at lumingon naman kami kung sino ang nandun.
LAGOT! 'Yung mommy ko!
Mommy: Uy, Louie...
Daren: (tumayo) Good evening po.
Louie: Uhmm... Mommy, si Daren po.
'Ang awkward ng dating. Kaaway ko pinapakilala ko sa nanay ko!?
Mommy: Boyfriend ka ba ng anak ko? ^o^
'Whhhaaattt??!? No Mommy, no!! Hindi!!
Siguro kasi magkatabi kami sa sofa at kami lang ang nasa bahay kaya naisip niya ‘yun.
Daren: Hindi po. (nakangiti)
Mommy: Friend?
'Nagulat na lang ako kasi nagkatinginan kami ni Daren dun sa sinabi ni Mommy.
"Friend" daw, oh... =__=;
Daren: Uhh... ewan ko po kay Louie. (sabay tingin nang nakangiti)
Louie: Hah!?? (O_o;)
Mommy: Louie, ano? Friend ba??
Louie: Ano.. ano..
'Huhu. Ano ba’ng problema ng nanay ko? Bakit kailangan pang tanungin kung friend ba talaga? Siguro kasi naghihinala siya kung friend lang ba talaga or more.
Pero kunsakali man, ang dali lang namang sabihin na "Oo, Friend"
Hindi ba naisip ng nanay ko ‘yun? Kailangan galing sa'kin!? Kaso ngayon... alangan namang sabihin kong "Mommy, kinamumuhian niya 'ko at maghihiganti siya sa’kin." =____=;
Of course not. Ang labo naman nun. Pero ang labo rin naman kasi talaga ng sitwasyon ngayon! ToT
Mommy: Louie? I'm asking you...
'Hindi pa rin pala ako nakakasagot.
Laking luwag naman sa loob ko nung si Daren na lang ang sumagot para sa’kin,
Daren: Ma'am...
'Pero talagang nagulat ako at natumba ako sa sofa sa sunod na sinabi niya...
.
.
.
"I'm actually courting her..."
Aray kuuuu po! Ang sakit ng pwet ko, ang lala ng pagkabagsak ko mula sa sofa..
Ano raaaaw!? I'm confusedt! Wait lang, ulitin nga natin mula sa simula.
Mommy: Louie? I'm asking you..
Daren: Ma'am, I'm actually courting her...
Louie: ARRAAYYY KUU!!!
At dun na 'ko natumba sa sofa.
Mommy: Very well.
Aba bigla atang nagbago ang atmosphere dahil ngumiti ang nanay ko at dumiretso
sa kusina. Bago tuluyang nawala ay lumingon si Mommy sa'kin at kumindat!
Louie: Errr... =__=;
Patago siyang nag-thumbs up sa'kin na tila ba nagsasabing "good luck" =___=;
xx
After ko masiguradong wala na si Mommy, bigla ko namang hinarap agad si Daren.
Louie: Bakit mo sinabi ‘yun!?!
'Tinulungan niya akong tumayo mula sa pagkakahulog ko.
Daren: Wala akong maisip, sinabi nating hindi tayo pero ayaw maniwala ng mommy mo na friends lang tayo. Kaya ayun.
Louie: Well... thanks, I guess!?
Daren: Nagte-thanks ka sa’kin? Akala ko ba galit ka sa’kin? *laughs*
'Eh bano pala 'to eh, ako ang dapat nagtatanong niyan dahil sobrang dami niyang mixed signals kanina pa!
Louie: Ewan ko sa’yo!
Daren: Hmmm... Does it mean... I have to court you every time your mom is around?
Louie: Ginusto mo ‘yan. -__-
Tapos lumapit siya at may binulong sa akin bago siya umalis...
Daren: Ako lang ba ang gumusto nito? *smirks*
Nalaglag 'yung panga ko sa sahig at tuluyan na siyang umalis.
P-Parang 'di lang ata 'yung panga ko 'yung nahulog dun sa sinabi niya...
Pati ata funtea ko nalaglag. TToTT
xx
Mommy: Ano!? Umalis na siya? Eh papakainin pa naman sana natin siya ng dinner.
Louie: Ano ka ba, Ma? ‘Wag na!
Mommy: Bakit? Ayaw mo ba sa kanya? Wala ba siyang pag-asa?
Louie: 'D-Di naman po sa ganun... k-kasi, wala... nagmamadali na kasi siya. >_>;
'Talagang paniwalang-paniwala itong si mommy ko kay Daren!
Mommy: O sige, napakilala mo na ba siya sa kuya mo?
Louie: 'Di pa po. Ahh ehh, k-kakasimula pa lang kasi niya...
'Kakasimula ka diyan? Hanep sa imbento, Lulu ah!
Mommy: Kaklase mo ba siya sa school? Second year rin ba siya?
Louie: Actually, Ma... Fourth year na po siya.
Mommy: HuWAt!? kaSiNg tAnDa siYa nI ArViE!??
'Ang ganda ng reaksyon ni Mommy, ah. =_=;
Mommy: Ibang klase talaga kapag mana sa ina! Hohohoho!
'Waaaaaahhh!! Ano ba 'tong napasok ko? TToTT
~TO BE CONTINUED.
xx