When He Cries Chapter 108

“What?” bulalas niya. “Matsunaga, that is unfair. Bakit bigla mong binago ang rules. I thought you will kiss me anytime. All I have to do is say so.”

“And you think I am an easy guy, Miss Singson?” he asked in a teasing tone. Sinapo nito ang dibdib. “Honey, you wound me.”

Itinaas niya ang dalawang kamay. “Fine. Lalangoy na ako. Baka naman isipin mo katawan lang talaga ang habol ko sa iyo. I love you more than those hot pecs and gorgeous abs, Kenji Matsunaga. Lalangoy ako para sa iyo.”

“Now that’s I want to hear. You can do it, honey,” anito at kinintalan siya ng halik sa labi. “Just swim. Don’t think of anything else. Don’t think about the bottom of the pool.”

“Yeah,” usal na lang niya at huminga ng malalim.

Kahit napipilitan ay napilitan si Yngrid na humiga sa tubig. Inangat niya ang lower back para manatiling nakalutang habang ikinakampay ang paa at ang kamay. She sliced through the water. Huminga siya at naramdaman niya ang tilamsik ng tubig. She felt more relaxed. Napangiti siya. Ngayon lang niya nadidiskubre ang calming effect ng paglangoy.

Madali naman siyang matutong lumangoy. Kaya lang di siya natututo dahil dahil freestyle ang itinuturo sa kanya. Natataranta siya kung paano siyang lulutang sa tubig habang ikinakampay ang mga kamay at paa at pinipilit na sumagap ng hangin. Multi-tasking iyon at mabilis siyang mag-panic.

Di gaya ng backstroke kung saan di niya poproblemahin ang paghinga. Naka-focus lang siya sa pagkampay at pananatili sa ibabaw ng tubig. Kung hindi lang talaga niya mahal si Kenji, di niya pag-iisipang mag-aral lumangoy.

Maya maya pa ay nahawakan na niya ang tiles na nagsasabing nasa dulo na siya ng pool. “Yes!” usal niya at bumaling paharap sa gutter ng pool. Nag-panic siya nang di niya maramdaman ang sahig ng pool pero kinalma na lang niya ang sarili. Nakarating siya sa dulo ng gutter na di lumulubog. Ang mahalaga ay kumapit lang siya sa gutter para di siya lumubog.

“Good job!” narinig niyang sigaw ni Kenji. Itinaas nito ang dalawang kamay at saka pumalakpak. “Bumalik ka na dito.”

Huminga siya ng malalim. Medyo napagod siya sa paglangoy pero kailangan niyang bumalik kay Kenji. She intended to get her reward.

Isinipa niya ang paa sa dingding ng pool at nag-glide sa tubig. Mas may kompiyansa na siya ngayon. Si Kenji ang nagturo sa kanya. Si Kenji ang may kompiyansa na magagawa niya ang lahat ng itinuro nito. Nagsisimula nang mapagod ang braso at binti niya sa pagkawag pero pinilit pa rin niya na makarating sa kinalalagyan ni Kenji.

“There, there, good job!” narinig niyang wika ni Kenji. Nagulat na lang siya nang makitang nalampasan na niya ang binata na pumapalakpak habang pinagmamasdan siya.

Tumigil lang siya sa paglangoy at umahon sa tubig matapos ang ilan pang kampay. “Whooo!” sigaw niya sa tuwa nang pag-ahon niya ay hanggang baywang na lang niya ang tubig. “Nagawa ko, Kenji! Nagawa ko!”

Lumakad si Kenji sa tubig palapit sa kanya. Patakbo niyang sinalubong ito. Tumalon siya at yumakap sa leeg nito habang ang binti naman niya ay yumakap sa baywang nito. Humalakhak ang binata. “Yes. Nakita ko nga. I told you, you can do it. Great job!”

“Kundi lang kita mahal, di mo talaga ako mapapalangoy diyan.”

“Gusto pa rin kitang matutong lumangoy. Hindi mo alam kung kailan mo magagamit ang isang bagay na natutunan mo. I want you to learn a lot in life. Gusto ko na itapon mo ang lahat ng bagay na kinatatakutan mo. We’ll do it together.”

“Thanks, Kenji.”

Loving him was an experience. Natuto siyang maging matapang. Natuto siyang makipagsapalaran. Natuto siyang sumugal. Maraming bagay ang di niya inaasahang gagawin niya pero nagawa niya dahil kay Kenji. Siguro nga ay iyon ang nagagawa ng pag-ibig. She became bolder. She became braver. Natatakot pa rin siya minsan pero kapag kasama niya si Kenji ay nagbabago ang lahat.

“So where is my kiss?” tanong niya.

“I think… not now.”

“Because…”

Idinikit ng binata ang noo sa kanya. “Because you are moving your body against mine and I might give you more than a reward kiss in broad daylight.”

“Anong…” Kumunot ang noo niya. Magtatanong pa sana siya nang maramdaman niyang may dumiin sa sentro ng katawan niya. Saka niya naalala na nakakawit ang binti niya sa baywang nito. Magkadikit ang katawan nila… pati ang maselang bahagi ng katawan nila. He was starting to become aroused.

She didn’t know how to react. This was the first time she found herself in the arms of a very virile and aroused male. Anong dapat niyang gawin? Dapat ba siyang lumayo dito? It would be safer that way.

A part of her didn’t want to. She always felt safe with Kenji. Alam niyang di ito gagawa ng kahit ano na pwedeng magparamdam sa kanya na di siya nito nirerespeto. He gave her a fair warning but she didn’t want to heed his warning. She wanted to be naughty and rub her body against his.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.