When He Cries Chapter 107

“Easy, easy,” wika ni Kenji kay Yngrid habang inaakay papunta sa mas malalim na bahagi ng pool.

Pilit niyang hinihila ang kamay nito at ayaw niyang magpaakay dito. Nanginginig ang tuhod niya habang papunta sila sa malalim. "Kenji, ayoko sa malalim. Baka malunod ako."

Nasa pool sila ng clubhouse at tinuturuan siyang lumangoy ng binata. Huwebes noon at walang tao sa clubhouse. Sila lang ang tao doon. Matiyaga siyang tinuruan ng binata na lumangoy. He was a beach person. Lumaki ito na lumalangoy sa Copacabana Beach sa Rio de Janeiro. Kabaligtaran naman niya na takot sa paglangoy. Hanggang pagpapa-picture lang siya kapag nasa tubig. Kundi nga lang nakakahiya ay mas gusto niyang magbaon ng tao at magsalok ng tubig sa gilid ng pool. But Kenji won’t have that. Gusto nitong matuto siyang lumangoy para daw ma-enjoy din niya ang tubig gaya nito.

Kanina ay hanggang kiddie pool lang siya nagpaturong lumangoy. Di talaga siya mapilit ni Kenji na lumusong sa adult pool. Nang matuto na siyang mag-floating ay pilit na siya nitong pinalipat sa mas malalim at mas malaking pool. Tiyak daw na pagtatawanan siya ng mga bata sa susunod kapag sa kiddie pool pa rin niya gustong maligo.

Kaya napilitan siyang lumipat sa adult pool pero inatake siya ng nerbiyos habang nararamdaman niya ang pag-akyat ng tubig sa dibdib niya at ngayon ay nasa leeg na niya.

"Of course, hindi ka malulunod. Nandito ako. Hindi kita pababayaan. Paano mo malalaman kung kaya mo na ngang lumangoy kundi tayo pupunta sa malalim?" malumanay na tanong nito. Wala itong problema sa lalim ng tubig dahil six footer ito. Habang nasa baba na niya ang tubig ay nasa dibdib lang nito kahit na nasa mas malalim itong bahagi.

Nagsisimula na siyang mag-panic. Wala siyang problema kung lalangoy siya sa kiddie pool o mas mababaw na area ng adult pool. Basta nasasalat niya ang tiles na sahig ng pool ay wala siyang problema ay alam niyang ligtas siya. Pero kundi niya masasalat ang baba ng pool ay ibang istorya na iyon.

"E paano nga kundi ko kaya? Paano kung lumubog lang ako at tuluyang malunod?"

Pinisil nito ang kamay niya at ngumiti. "Wala kang tiwala sa akin? I saved you last time. Nandoon agad ako para sa iyo nang malaglag ka sa pool sa Camiguin."

"Paano kung di na ako humihinga?"

Hinapit siya nito sa baywang. "I won't let you die. I will do the mouth-to-mouth resuscitation." He said it in a matter of factly tone. Walang halong malisya.

Umirap si Yngrid. "Noong nakaraang malunod ako hindi mo naman ako minouth-to-mouth." Asang-asa pa mandin siya.

"Dahil di mo naman kailangan. May pulso ka at humihinga ka." Pinisil nito ang baba niya. "Aha! Gusto mong i-mouth-to-mouth kita kaya di ka gumagalaw noon. You were pretending."

Iniwas niya ang tingin dito. "Of course not."

Kahit pa sabihing boyfriend na niya ito, di yata niya basta-basta maamin iyon. Nakakahiya iyon. Siya nga ay nahihiya sa sarili niya kapag naaalala kung gaano siya ka-hoping na i-mouth-to-mouth siya nito noon.

Kinudlitan ng binata ang dulo ng ilong niya. "Naughty! Gusto mong halikan kita."

Iniikot niya ang mga mata dahil wala rin naman siyang kalulusutan dito. "Kenji, kahit naman sinong babae gugustuhing i-mouth-to-mouth mo. I am just a girl. I am weak when it comes to gorgeous men like you. Kung alam ko lang, noon pa sana ako nag-practice kung paano magpigil ng hininga para mai-mouth-to-mouth resuscitation.”

"Honey, you don't have to. All you have to do is ask me to kiss you."

Yumakap siya sa leeg nito. Tumikayad siya at inilapit ang labi sa labi nito. "Then kiss me as if I am about to die. Do it, Kenji."

Luminga ito sa paligid. "I don't think that is..."

"Kiss me or I will die."

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa leeg nito at humiga siya sa tubig. Pumikit siya at sinubukan niyang mag-floating. Iyon ang una niyang natutunan kanina dahil ayon kay Kenji ay may natural float ang mga babae. Pumikit siya. Di pa siya nagtatagal na nakalutang nang may mga kamay na sumalo sa katawan niya. Tumili siya. Kenji hauled her out of the water.

“Hey!” aniya at biglang pumiglas. “That was fast.”

“Baka mamaya lalo kang magkaroon ng rason para di lumangoy sa malalim.”

Pilit siyang tumayo at yumakap sa leeg nito. “So where is my kiss?”

“I know what you are doing.”

Tumaas ang kilay niya na parang naghahamon. “What?”

“You are trying to distract me. You are using your feminine wiles to keep me from teaching you how to swim.”

Shoot! Alam ni Kenji ang ginagawa niya. E sa mas masarap naman talaga kung hahalikan na lang siya nito kaysa ang mag-aral lumangoy. Bakit naman siya magpapaka-stress at magpapakahirap kung marami namang mas masarap na gawin sa buhay?

“Hindi kita hahalikan hangga’t hindi ka nakakalangoy sa malalim,” walang kangiti-ngiting sabi ni Kenji.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.