When He Cries Chapter 33

Nagtungo si Yngrid sa restroom at pumasok sa isa sa mga cubicle. Inilabas niya ang cellphone at awtomatikong pinindot ang DM button sa account ni Kenji sa Twitter kung saan follower niya ito. Nanginginig ang kamay niya.

She was tempted, really tempted to ask Kenji about the status of his relationship with Margaret. O kaswal lang niyang sasabihin na nakita niya si Margaret na may kasamang ibang lalaki?

Subalit pinigilan niya ang sarili. Ano bang inaasahan niya? Na kung sakaling nag-e-entertain na si Margaret ng ibang lalaki habang wala si Kenji ay maghihiwalay ang mga ito? Umaasa ba siya na sa wakas ay magugustuhan na siya ni Kenji? Na sa kanya nito ibabaling ang pagmamahal nito?

Enough of this, Yngrid. Problema nila iyan. Sabi mo wala ka nang pakialam sa kanya. Move on na nga. Kalimutan na si Kenji. Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo. Dahil nakadikit si Kenji kay Margaret, lason din siya. Lason!

Ilang sandali pa bago niya nakumbinsi ang sarili na huwag nang i-message si Kenji. Hindi iyon madali dahil sa puso niya ay di pa rin niya ito gugustuhing masaktan. Dahil ngayon pa lang ay nagpupuyos na ang damdamin niya tuwing naiisip na maaring nasasaktan ito sa ginagawa ni Margaret.

Papalabas na siya ng cubicle nang marinig niya na nagsalita ang isang babae. "Margaret, my dear. Looks like you're chummy-chummy with that politician-lawyer. It doesn't look like a business date to me."

"Ikaw talaga, Glinda,” malumanay na wika ni Margaret. “Mito is nice and... we are getting to know each other. You know, he is different from the other guys I met before. He is charismatic, brilliant and very matured.”

"Why know another guy when when you have a yummy boyfriend? Hindi ba siya magseselos kapag nalamang lumalabas ka kasama ang iba?" tanong ni Glinda.

Oo nga naman. Anong masasabi ni Kenji sa ginagawa nito?

"Oh! We broke up before he left for London but it is hush-hush for now," sabi ni Margaret. As if there was a smile in her voice.

Parang hinampas ng maso ang dibdib ni Yngrid. Break na ito at si Kenji? Ibig sabihin ay nagpapanggap lang si Kenji na okay pa ang relasyon ng mga ito? Something was off.

At kung break na ang mga ito, dapat bang makipag-date agad si Margaret sa ibang lalaki? Ni hindi pa nga naisasa-publiko ang break up ng mga ito.

"Oh! So pwede bang sa akin na lang siya?” tanong ni Glinda.

“Glinda…” may babala sa boses ni Margaret.

Humagikgik si Glinda. “Yeah. Once your boy, always your boy. Ayaw mong padikitan sa mga friends mo. Bye for now, chica." And she the two woman exchange airy kisses.

Maya maya pa ay narinig niya ang takatak ng mga takong ng sapatos sa magkabilang direksiyon. Bumukas ang kabilang cubicle. Mukhang doon pumasok si Margaret.

Sumilip muna si Yngrid sa pinto at saka lang lumabas nang matiyak na nasa loob ng cubicle. Mabilis siyang naghugas ng kamay at pinusitsitan na lang ng hand sanitizer para makaalis agad. Ayaw niyang magpang-abot sila doon ni Margaret. Ayaw niyang malaman nito na alam niya ang sekreto nito.

"Bayad na ba tayo?” tanong agad niya sa mga kaibigan na masaya pang nagkukwentuhan nang bumalik sila. “Let's go."

"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Dreamilyn.

Hinawakan ni Justine ang braso niya at hinatak siya palapit. “Nagpang-abot ba kayo ni Margaret sa restroom?”

"Basta. Ipapaliwanag ko sa inyo sa daan. Halika na."

Gusto na lang niyang makalayo sa lugar iyon. Hindi magiging ligtas ang pakiramdam niya hangga’t iisang hangin lang ang hinihinga nila ni Margaret. Lubhang delikado at sensitibo ang nalaman niyang impormasyon.

Maya maya pa ay nakasakay na sila sa Mercedes Benz van ni Justine at driver nito ang nagmamaneho kaya malaya silang magkwentuhan sa likuran.

"Anong nangyari?" tanong ni Dreamilyn. “Parang namumutla ka kanina.”

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Justine nang abutan siya ng bote ng mineral water. “Inaway ka ba niya? Sabihin mo lang sa akin. Alam mo naman maraming kadikit na heneral si Lola. Lagot siya. Di lang siya ang may kapit sa mataas, no? Di niya pwedeng kantiin ang kaibigan ko.”

Bumuntong-hininga siya. “Hindi kami nagkita sa loob. Narinig ko na may kausap si Margaret sa restroom kanina. Sinabi niya na ka-date niya ang congressman na kasama niya at break na sila ni Kenji."

"E bakit binibilhan pa rin ni Kenji si Margaret ng pasalubong? Feeling ko nga mamahaling alahas iyon,” hula ni Justine na follower ni Kenji at madalas din sa social networking sites kapag nagre-relax sa trabaho.

"Baka gusto niyang magkabalikan sila,” hula ni Dreamilyn.

Umiling si Yngrid. "No. I don't think so."

Isang scenario ang nabubuo sa utak niya. Sapantaha niya ay may kinalaman ang pamilya ni Margaret dito. Iba ang mundo ni Margaret. Bukod sa showbiz ay galing din ito sa pamilya ng mga negosyante. They were strict on who joins their family circle. At kung tama ang hinala niya, di iyon maganda para kay Kenji.

"Huwag ka nang sumawsaw sa gulong iyan. Hayaan mo sila. At huwag ka nang umasa kay Kenji. Masasaktan ka lang,” sabi ni Dreamilyn at nilakihan siya ng mata.

Iniwas niya ang tingin. "Wala na akong sinabi."

Subalit nang mag-isa na lang si Yngrid sa kuwarto at matutulog na ay hindi siya nakatulog agad. Hindi rin siya nakatiis sa huli at nag-message kay Kenji sa DM ni Kenji sa Twitter.

@YngridSingson: Hey, Kenji! How's London?

Nagbabaka-sakali lang siya na baka mabasa nito ang message niya. Kung hindi o kung hindi man ito nag-reply ay bahala na.

@KenjiM: Hello, gorgeous! Freezing here.

Pumitlag ang puso niya at bumalikwas agad siya ng bangon nang mabasa ang DM nito. Sumagot ito. Yes! Sumagot si Kenji sa kanya. This is a sign. I-push na ang messaging na ito!

Nanginginig ang kamay niya habang nagre-reply dito.

@YngridSingson: Hot coffee?

Napangiti siya nang alukin ito ng kape. Parang katulad lang sila ng dati kapag nagbibiruan at nag-uusap. Parang walang nagbago.

@KenjiM: Basta ipagtitimpla mo ako. So how's business? Have you seen the music video?

@YngridSingson: Yes. Thanks for referring our cafe. May ilang fans ka na dumalaw dito.

Nalaman din niya na umorder din pala si Kenji sa café niya noong shooting. Nakadalawang seafood pasta pa nga daw ito at dalawang slice ng chocolate cake na ayon dito ay paghihirapan nitong i-burn sa gym o kaya ay sa futsal turf. Nasisiyahan siyang di ito naimpluwensiyahan ni Margaret.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.