When He Cries Chapter 39

Niyakap ni Margaret ang baywang niya nang mahigpit. Bakas ang takot sa mga mata nito. "No. Please don't say that. Ayokong mapunta ka sa iba. Akin ka lang. I love you, babe. Hindi ko kakayanin ang lahat ng ito kung wala ka sa tabi ko. Nakausap ko ang pamilya ko tungkol sa atin. Pumayag sila na itago ko ang relasyon natin. Ang mahalaga ay mapanatili namin ni Mito ang perfect image namin as couple. Sa harap ng mga tao ay si Mito ang mahal ko pero kapag tayong dalawa lang, tayo ang nagmamahalan."

"At papayag ang Mito na iyan sa set up na naisip mo?" tanong niya sa malamig na boses.

Sinong matinong lalaki ang papayag na magkaroon ng relasyon sa ibang lalaki ang asawa nito? Sino ang gugustuhing may kahati kung ang asawa nito ay si Margaret Choi? The guy must be impotent or prefers men.

Margaret pouted her red lips. "He has a couple of children with his girlfriend. Pero dahil simpleng accountant lang ang girlfriend niya at galing sa mahirap na pamilya, hindi papayag ang pamilya niya na pakasalan ang ina ng anak niya. Our relationship would be just for show. He has his own life and I have mine. We can make this work. It is the perfect set up."

Wow! Pakiramdam niya ay nasa parallel world siya. Nagsasalita ang isang babaeng kamukha ni Margaret, ang babaeng minahal niya sa loob ng isang taon, subalit parang ibang tao ito. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi nito. They shared their dreams together. Now she was speaking about a different of goal. An entirely different life. A life he found distasteful. A life he didn't want to be a part of.

Tumiim ang anyo ni Kenji. "No. Hindi ako papayag sa set up na ito."

Bumagsak ang anyo ni Margaret. Seryoso ba ito na inaasahan nitong tatanggapin niya ang indecent proposal nito? "Why?"

Ginagap niya ang kamay nito. "Dahil handa akong ipaglaban ka. Alam ko na hindi madali ang dadanasin natin. Pero kaya kitang buhayin. I was offered a lucrative contract in Europe. Pwede nating subukan iyon. Let's go there. We can survive as long we are together. Kaya naman nating tiisin ang lahat."

Dumilim ang anyo ng dalaga. As if the scenario he presented was grim and distasteful. "Ganyan ba ang pagmamahal na alam mo? You want me to suffer when you promised me that you will do anything for me? Let's be realistic, Kenji. Stop living in the fairy tale world. I have a responsibility to my family. Sa palagay mo ba makakatagal ako sa mundong gusto mo sa akin habang dinudurog tayo ng pamilya ko? No. At hindi ko sila kakalabanin nang ganito. So why not follow them? Iyon naman ang mahalaga sa kanila. Then we can do whatever we want. We can still have each other, right?"

"Wrong. I want to marry you. I want to do what is decent. I want to tell the world that you are mine. Na kaya kitang ipaglaban." Gusto niya ng nirerespetong relasyon na papangarapin ng lahat. Katulad sa mga magulang niya na magkasama sa hirap at ginhawa. Hindi isang relasyon na madumi at labag sa utos ng batas at ng Diyos.

Magaang hinampas ni Margaret ang dibdib niya na parang nakikipagbiruan siya dito. "Stop being melodramatic and suck up whatever opportunity we have. We can be together without ruffling my family's feathers."

"No. How about morality? How about what is right? How about my self-respect? Paano ang respeto ko sa iyo?"

And looking at Margaret right now, he could feel his respect for her slipping away. At ayaw niyang maramdaman ito. He wanted to respect Margaret. At ayaw niyang mapunta sila sa isang maling sitwasyon.

Hinaklit nito ang kamay mula sa kanya. "Jeez! Kenji, madali na lang para sa iba na lulunin iyan. Just be thankful that I am not giving you up entirely. Marami akong kakilala na ganyan ang set up. And they are happy."

Nagmistulang bato ang puso niya. That was her world. Kung saan nabubuhay ang mga tao sa balat-kayo at kasinungalingan. Na ang mahalaga ay pera at hindi ang tunay na kaligayahan o pagmamahal. To hell with what is right or wrong. Pero hindi siya ganoong klaseng lalaki. Hindi niya ilalagay si Margaret sa isang sitwasyon na di ito magiging karespe-respeto.

Ngayon ay kailangan na niyang gumawa ng desisyon. Kung ano ang tama. Kung ano ang mabuti para sa kanila ni Margaret.

Matamang tinitigan ni Kenji ang nobya at umiling. "I am not like that. I'd rather lose you than compromise my principles."

"But why?" nanlulumong tanong nito. Na parang hirap na hirap itong ipaintindi sa kanya ang gusto nito. How ironic. Nagagawa pa nitong magtanong. Duwag na gawin ang tama pero parang di man lang ito natatakot na gawin ang mali.

"Dahil hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging ibang lalaki mo lang. And I never loved you to be treated as a paramour. At lalong hindi kita minahal para hayaan kang gawin ito sa sarili mo. You can't have your cake and eat it too, Margaret. Mas mabuting umalis ka na lang,” aniya sa matigas na boses.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.