When He Cries Chapter 40

Hinawakan nito ang pisngi niya. "Oh, babe. Please don't break up with me. I love you." Then she stared at him with her teary-eyes. Hindi niya alam kung sinsero ang sakit na nakikita nito o ginagamitan lang nito ng pag-arte para mapasunod siya sa gusto nito. Gumagana iyon sa kanya noon pero di na ngayon.

Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay nito sa mukha niya at inilayo ito sa kanya. "Mas mabuti pang umalis ka na habang kaya pa kitang irespeto. Kung pakakasalan mo si Congressman Padilla, be faithful to him. If you can't love him, just be true to the matrimony. Naaiintindihan ko na importante sa iyo ang pamilya mo." May pamilya din siya. At alam niyang itatakwil siya ng mga ito oras na pinili niya na maging kabit lang ni Margaret.

Lumabi si Margaret at tiningnan ang mga alaga nilang aso na nakatanghod sa kanila. Umiingit si Missy na parang maiiyak habang pinagmamasdan ang pagtatalo nila. "How about the kids? Sasaktan mo sila kapag nakipaghiwalay ka sa akin. Made-depress sila." At tumulo ang isang luha sa mga mata ng dalaga.

Pinigilan niyang mapaungol. Seriously, as in seriously, gagamitin nito ang mga aso para i-blackmail siya. He felt sick. Saka niya pinatigas ang kalooban niya. "May mga batang binubuhay kahit na magkahiwalay ang magulang. Shared custody is fine. Masasanay din sila."

He didn’t want to hurt anybody. Ayaw niyang mangyari ito. Pero kailangan niyang mamili. Kaya kahit na ayaw niyang makitang umiiyak si Margaret o nasasaktan o masira ang pamilyang binuo nila, kailangan niyang gawin ito

Kinagat ni Margaret ang labi. Mas maraming luha ang dumaloy sa mga mata nito. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya. Inabot niya dito nang walang sali-salita. Tinanggap lang nito ang panyo at tahimik na pinahid ang luha. "Pwede pang magbago ang isip mo. We can discuss the arrangement and…"

"Goodbye, Margaret,” putol niya sa sasabihin dito. “We can make arrangements for the kids some other time. For now, they are staying with me. After all, isang buwan ko rin silang di nakasama.”

“Fine. I am leaving,” anang si Margaret sa resigned na boses. Tuluyan na nitong tinuyo ang luha at kinuha ang Chanel bag nito na nasa sofa. Hindi na nagalaw ang tanghaliang ihinanda nito para sa kanya. Wala na rin namang sinuman sa kanila ang nasa mood na kumain. "By the way, nag-set up ako ng interview para sa iyo sa Showbiz Puliz sa Sunday."

Nanlaki ang mata niya. "What?"

Hindi pa nga siya nakaka-recover sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay niya ay kailangan pa niyang humarap sa publiko ngayon at magpaliwanag? He hated it. That he had to bare his heart to the public. Ano naman ang sasabihin niya sa mga tao? Ang totoo? No. Pribado ang usaping ito sa kanila ni Margaret. At kahit ano pang desisyon nito, gusto niya itong protektahan.

Nagkibit-balikat ang nobya niya. Ang dating nobya. "You can say anything you want. Do the pity party. That's fine with me. Basta huwag mo lang babanggitin ang tungkol sa gusto ng pamilya ko o ang arranged marriage namin ni Mitos. You don’t want to make an enemy out of the Chois, do you?"

Tumigas ang anyo niya. "I won't utter a single word about it."

Alam niya kung gaano kamakapangyarihan ang angkan ng mga Choi. Kaya naman walang reporter o kapwa artista na basta-basta kumakanti kay Margaret. At tiyak na di siya makakakuha pa ng trabaho kahit na tagatabas ng damo kung sasama ang mga ito sa publiko dahil sa kanya o ipapaalam niya sa lahat ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Margaret.

Pero hindi niya ito gagawin dahil sa pamilya ni Margaret. Ginagawa niya ito para sa dalaga. Gusto pa rin niya itong protektahan. Mahal pa rin niya ito sa kabila ng lahat.

Tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Margaret. As if she was pleased with his answer. "Good. Ayokong ako pa mismo ang manakit o manira sa iyo. Goodbye, Kenji.”

Saka ito naglakad nang walang lingon-likod palabas ng bahay niya. There was the woman he loved, walking out of his life.

Gusto niyang tumawa ng pagak. Hindi pa ba siya nito sinaktan ngayon? Hindi pa ba siya nito sinira? He was hurting so badly. He was broken into pieces. At gusto pa nitong humarap siya sa mga tao at magsalita tungkol sa kanila?

Parang ayaw niyang harapin ang mundo. He just wanted to hide in a shell and cry. Paano ito nagawa sa kanya ng babaeng mahal niya?

At hindi niya alam kung paano magsisimula kung parang wasak na wasak ang buong mundo niya.

Nananakit ang dibdib ni Yngrid habang nakatanghod siya sa isang mesa ng Sweet Surrender. Tumutugtog sa laptop niya ang video upload sa Youtube ng habang pinapanood ang ambush interview kay Kenji Matsunaga ng mga reporter sa airport. Linggo noon. Matapos magsimba ay tumuloy sina Dreamilyn at Justine sa café niya para makipagbalitaan. Habang nagkukwentuhan ang mga ito sa makukulay na love life ng mga ito, siya naman ay nagkasya nang magdrama habang pinapanood ang isa sa malulungkot na pangyayari sa buhay ni Kenji Matsunaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.