WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 10

 MADALING araw nang malingat si Lana at hindi na tuluyang nakabalik sa pagtulog. Napangiti ang dalaga saka pinakatitigan ang perpektong mukha na ngayon ay mahimbing paring natutulog habang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya. 

Ang mapupula at maninipis nitong mga labi. Hindi niya inakala minsan man na mararanasan niya ang mahagkan ng mga iyon.

Pero nangyari.

Kung tutuusin mas higit pa nga sa pinangarap niya, mas higit pa sa pwedeng isipin ang kahit sino ang naranasan niya. 

Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana nang maalala ang lahat ng nangyari sa kanila kanina. Kung paano siya nito inangkin. Kung paano nito ipinaramdam sa kanya ang matinding paghahangad at kaligayahan na alam niyang hindi na niya mararamdaman kanino man.

“Pero magkaiba ang mundo natin. At sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong magising sa magandang panaginip na ito, para hindi ako masaktan,” ang naibulong ng dalaga saka pinakatitigan ang gwapong mukha ng lalaking pinagbigyan niya ng kaniyang pagkababae.

Totoo naman iyon.

Ang nangyari sa kanila ni Andrew ay alam niyang hindi niya malilimutan kailanman.

Pero kailangan rin niyang aminin sa sarili niya na ang nangyaring iyon ay hindi na kailangang maulit pa. At doon siya nakaramdam ng tila matalas na patalim na gumuhit sa kaniyang dibdib.

Magkaiba ang mundo nila.

At kahit sabihin pang napukaw niya ang atensyon ng binata.

Kahit pa sabihing nagkaroon ito ng interes sa kaniya, hindi parin niya maikakaila ang katotohanan na naging marupok siya. Kaya siya pumayag sa one-night stand na iyon. 

Ayaw niyang maeskandalo kung sakali. Ayaw niyang malaman ng tiyahin niya na minsan sa buhay niya ay nakipagtalik siya sa isang lalaking hindi naman niya asawa o kahit nobyo man lang sana. 

Tiyak na magmumukha siyang desperadang tagahanga kapag nagkataon at ayaw niyang mangyari iyon.

Ayaw niyang sumama ang loob ng Mama Cecille niya sa kaniya. Ang babaeng isinakripisyo ang sarili nitong kaligayahan para lang maalagaan at mapalaki siya ng maayos.

Kaya naman noon mismo ay nabuo sa isip ni Lana ang isang desisyon. Mapait ang ngiti sa mga labi niyang pinakatitigan sa huling pagkakataon ang binata sa kaniyang tabi. 

Sigurado siyang kinabukasan paggising nito hindi na siya hahanapin ni Andrew. Marami itong options. Mga babaeng mas nakahihigit sa kanya. Dahil gaya na nga ng sinabi nito sa kanya kanina, bilang tagahanga ay alam niya kung ano ang preferences nito.

At kung siya ang tatanungin, alam niyang hindi siya kasama sa mga the best sa listahan nito dahil sa second best lang siya nahahanay. Wala lang sigurong ibang option  ang binata kaya pinili siya nito.

Doon muling naramdaman ni Lana ang pagguhit ng tila patalim sa kanyang dibdib. 

“BAKIT ang aga mong nauwi? Hindi ba dapat bukas pa ang balik mo?” before lunch ay nakabalik na siya ng Quezon City. 

Pagod na ibinagsak ni Lana ang sarili sa mahabang upuan sa kanilang sala. “Birthday ko ngayon eh,” aniya sa tiyahin na ngiting-ngiti. “labas tayo Ma, libre ko,” pagkuwan ay dugtong niya. 

“Happy birthday. Oo nga pala, may regalo ako sa’yo,” bati nito sa kanya. 

“Regalo?” 

Tumango-tango ang Mama Cecille niya.

“Sandali lang,” pagkasabi ay pumasok itong sandali sa kwarto nito saka pagkatapos ay bumalik rin naman agad. “hindi ko na binalutan,” sabay abot sa kanya ng isang paperbag ng kilalang mall.

Nakaramdam ng matinding excitement si Lana kaya nagmamadali niyang inilabas mula sa paperbag ang laman niyon. At iyon nalang ang kaniyang pagkagulat. 

“Wow, Mama ang ganda po nito!” compliment agad niya sabay napatayo saka inilapat sa sarili ang floral beige na  bestida na alam niyang si Mama Cecille niya ang nagtahi.

“Nagustuhan mo ba?” tanong nito. 

Magkakasunod siyang tumango. “Isusuot ko ito ngayon,” aniyang niyakap ng mahigpit ang tiyahin. “thank you so much Mama,” noon naman biglang nagbalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila ni Andrew kagabi kaya mabilis na nakaramdam ng guilt ang dalaga. 

“Simple lang iyan kumpara sa lahat ng nagawa mo na para sa ating dalawa, anak,” sagot ni Mama Cecille saka hinaplos ang mahaba niyang buhok. “ang ganda-ganda mo talaga anak. Sayang lang wala kang nobyo,” sa huling sinabi ay narinig niya ang panunukso na naman sa kanya ng tiyahin.

Napasimangot sa narinig si Lana. “Mama naman eh,” aniyang nailing pa. 

Malakas na tumawa ang Mama Cecille niya. “Bago ko makalimutan, dumaan nga pala dito si Marius kanina. May dalang cake, nasa ref,” pagbibigay alam pa nito. “maliligo lang ako kung aalis tayo,” pahabol pa nito.

“Sige ho,” sagot naman niya saka hinila ang dalang maleta papasok ng kaniyang kwarto.

Sa pintuan palang ay nabungaran na ng dalaga ang isang pamilyar na litratong nakasabit sa wall ng silid niya. Kasabay niyon ang masarap na kilabot na mabilis niyang naramdaman nang maalala kung paanong paraan siyang inangkin ni Andrew nang nagdaang gabi.

Ang mainit nitong labi, ang nakakapasong haplos ng mga kamay nito, ang masidhing apoy ng pagnanasa sa mga mata nito. Ang paraan kung paano nito hinalikan at dinama maging ang pinakatagong parte ng katawan niya. At higit sa lahat, at bawat ulos at bigat ng katawan nitong ibinigay sa kaniya ng binata.

Ang lahat ng iyon, alam ni Lana na patuloy niyang maaalala, patuloy niyang babalikan sa isipan niya. At patuloy ring magbibigay ng masarap na kilabot sa pagkatao niya. 

Sinungaling siya kung hindi niya aaminin sa sariling gusto niyang ulitin ang ganoon kasama si Andrew. Gusto niyang muling maranasan ang pakiramdam na hinahalikan nito, na inaangkin nito.

Pero hindi tama, at hindi rin magiging ligtas ang puso niya sa ganoong klase ng setup. Kailangan niyang umiwas, bago pa man siya mapinsala ng husto nang hindi maipaliwanag na damdamin niya para sa lalaking iyon. 

“HAHANAPIN? May goodness Andrew, naririnig mo ba ang sarili mo?” boses iyon ni Tina Silverio, ang kaniyang manager at malayong kamag-anak ng pamilya ng kaniyang ina.

“Tita, anong masama? Gusto ko siyang makita,” paliwanag ni Andrew sa babaeng nasa late forties na ang edad.

Umikot ang mga mata nito saka nailing na naupo sa katapat niyang silya. “Tell me, siya ba ang unang babaeng naka-one-night stand mo?” 

“No!Per---,”

“See? So bakit? Anong point at kailangan mo pang ipahanap? Umalis nga siya hindi ba? Iniwan ka nang walang paalam? Ibig sabihin gusto na niya ng privacy after what happened kaya ibigay mo iyon sa kaniya,” payo pa nito nang hindi na pinatapos pa ang gusto niyang sabihin. 

Nang hindi magsalita si Andrew ay nagpatuloy ang ginang.

“Ang mabuti pa ituon mo sa career at negosyo ang atensyon mo. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa isang ordinaryong babae lang na mukhang hindi naman interesado sa’yo,” anitong binigyang diin ang huling sinabi.

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Andrew sa narinig.

“What?” protesta niya sa huling sinabi ng tiyahin.

Umangat ang mga kilay nito.

“What? Hindi ba iyon naman ang totoo? Hayaan mo na siya. Artista ka, isang matagumpay na negosyante, bakit mo kailangang ipahanap ang isang katulad niya na ni hindi mo naman talagang kilala? Unless in love ka?” sa huling sinabi ay natawa pa ng mahina ang si Tina. 

“Of course not! Gusto ko lang siyang makita, gusto ko siyang makausap. Pero kung sinasabi ninyo hindi maganda at hindi makakabuti sa image ko ang ganoon, fine!”

Tumango-tango si Tina. “Umuwi kana at magpahinga,” pagtataboy pa nito sa kaniya.

Tango lang ang itinugon doon ni Andrew pagkatapos ay humalik sa pisngi ng ginang at umalis na.

NASA daan na ang binata ay si Lana parin ang laman ng isipan niya. Hindi ba niya matanggap na iniwan siya nito? O nanghihinayang lang siya na hindi niya nakuha ang address o kahit cellphone number lang ng dalaga.

Malungkot na nagbuntong hininga si Andrew. Alam niyang may nakita siyang espesyal na katangian kay Lana na nagustuhan niya. Kaya niya naisip na ipahanap ito. Pero katulad  narin ng sinabi ng tiyahin at manager niya, one-night stand iyon. 

Kung umalis ito nang walang paalam, isa lang ang ibig sabihin ng dalaga. Gusto nito ng privacy, at kailangan niya iyong ibigay rito.

Ayaw rin naman niya ng eskandalo. Makakasira iyon sa career niya. Dahil kung sex lang naman, makukuha niya iyon sa iba. Babaeng mas higit pa kaysa kay Lana. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.