WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 17

KATULAD ng sinabi ni Lana, nag-half day siya nang araw ring iyon. Hinintay siya ni Andrew sa kabila ng pagtataboy niya rito at pagsasabing magkita na lamang sila ng lalaki kung saan.

"Hindi ka talaga tumitigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo ano? Hangga't hindi ka nananalo," ang mariin at inis niya sabi nang nasa parking na sila ng malaking gusali kung saan siya nagtatrabaho.

Tumawa ng mahina si Andrew. "Masama bang yayain kang sumabay na sa akin since may dala akong kotse at ikaw ay wala?" anitong sinundan muli ang sinabi ng mahinang tawa.

Hindi nagsalita si Lana kaya nagpatuloy si Andrew sa pagsasalita. "Bakit ka nga pala nag-taxi kanina? Nakita ko sa garahe ng bahay ninyo ang sasakyan mo," tanong nito.

Nagulat si Lana sa narinig. "Alam mo kung saan ako nakatira?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Nagkibit ng balikat si Andrew. "Sinundan kita kahapon nang makita ko kayo sa mall kasama ang boyfriend mo at ang anak natin," sa huling sinabi ay naramdaman ng dalaga ang pang-iinis sa tono ng binata.

"Hindi ko boyfriend si Marius!" inis niyang sagot.

Umangat ang makakapal na kilay ni Andrew kasabay ang pagsilay ng isang makahulugan at makamandag na ngiti sa mga labi nito. "Oh much better," anito.

"At paano mo nalaman ang office na pinapasukan ko? Don't tell me inabangan mo ako kaninang umaga at sinundan mo sa pagpasok?" nasa tono ng pananalita ni Lana ang sarkasmo.

Noon umangat ang kamay ni Andrew saka banayad na kinurot ang kaniyang baba. "Matalino ka talaga," anito. "pero tama ka, nag-effort akong magising ng maaga para masundan ka lang," pagpapatuloy nito.

Naiiling na nagbuntong hininga ang dalaga. "Coding ako kaya nag-taxi ako kanina," aniyang minabuting sagutin ang nauna nang katanungan sa kaniya ng lalaki.

"Much better," masayang sagot ni Andrew.

Salubong ang mga kilay na nilingon at tiningala ni Lana ang lalaki. "What?"

"From now on, every Monday ay ako na ang maghahatid at susundo sa iyo papasok sa trabaho at pauwi sa bahay. Since coding ka nga, mahirap na, baka kung ano pang masamang mangyari sa iyo sa pagko-commute mo," si Andrew na makuhulugan at malisyosong sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ayoko! Ilang taon na ganito ang ginagawa ko sa awa ng Diyos hindi nangyari ang sinasabi mo," tanggi niya.

Narinig ni Lana na pumalatak si Andrew.

"I insist," ang binata sa mariin na tono.

Matalim ang titig na ipinukol niya sa lalaki. Pagkatapos ay huminto nang makitang tumigil sa tapat ng isang kulay puting Land Cruiser ang binata.

Pamilyar kay Lana ang sasakyang iyon. Magkakahalo ang mga emosyon na mabilis naramdaman ng dalaga. Ang lahat ay magaganda. Dahilan kaya hindi niya napansin ang pagpunit ng isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. 

"So, a white Land Cruiser can make you blush now, huh," ang nanunuksong sabi ni Andrew na nagpabalik naman kay Lana sa kasalukuyan.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay inirapan lang ang lalaki. Nang marinig niyang ini-unlock na ni Andrew ang sasakyan ay inunahan na niya ang binata sa pagbubukas ng pintuan niyon saka padaskol na sumakay sa may passenger seat.

"Ang sungit mo naman pala," ang tumatawa paring winika ng lalaki saka siya sinulyapan. "mag seatbelt ka please," anito.

Hindi niya pinansin ang sinabing iyon ng lalaki at sa halip ay nagmistulang walang anumang naririnig.

"Lana," si Andrew na agad nang nag-iba ang aura ng mukha.

"Ayoko," ang mariin niyang sabi saka niyakap ang shoulder bag na nakapatong sa kandungan niya.

Hindi sumagot doon si Andrew. Pero ramdam ni Lana ang mabilis na pagkalat ng  tensyon sa loob ng sasakyan na nagdala ng matinding kaba at kilabot sa pagkatao niya.

Dahilan kaya parang may sariling isip ang mga kamay niyang hinagilap ang seatbelt para sana ikabit. Pero nabigla siya nang bigla siyang hinawakan sa braso ni Andrew.

"Too late for that sweetheart, hindi mo kailangan ng seat belt sa gagawin ko sa'yo!" anitong mariin siyang hinalikan pagkatapos.

KATULAD kanina, mabilis na naparalisa ang kabuuan ni Lana dahil sa halik na iyon ng binata. Ilang sandali siyang tila hindi makakilos at parang ang mga labi lang ni Andrew ang naging mundo niya.

Pero mabilis na nagbago ang lahat ng iyon nang bigla ay parang sinampal si Lana ng matinding katotohanan. Na ang lahat ng iyon ay hindi tama. Kaya naman mabilis na umigkas ang isang kamay niya saka dumapo sa pisngi ng binata.

"Hey!" si Andrew habang hawak ang nasampal na pisngi.

Hindi nakapagsalita si Lana at sa halip ay nagtaas-baba ang dibdib na nanatiling nakatitig sa magaganda at asul na mga mata ni Andrew.

"I c-can't do this," aniyang umakmang bababa ng sasakyan pero sa ikalawang pagkakataon ay hinawakan ni Andrew ang braso niya.

"Pero gusto mo, hindi ba? Gusto mong hinahalikan kita?" ang binatang inilapit ng husto ang mukha sa kanya kaya malayang bumalandra ang mabango nitong hininga sa kanya.

Malakas ang kabog sa dibdib ay magkakasunod na napalunok si Lana. Pakiramdam niya nanunuyo ang lalamunan niya gawa ng nakapapasong titig sa kaniya ni Andrew.

"P-Please, tama na," sumamo niyang mabilis na iniwasan ang mga mata ni Andrew.

Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. Sa halip ay hinawakan nito ang kaniyang mukha saka iniharap rito.

"No, I'm sorry. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko," pagkasabi noon ay muli siyang mariing hinalikan ng binata. 

Sa pagkakataon ay naging mas higit pang malalim at mapusok ang halik sa kanya ni Andrew.

Sinubukan niyang pakawalan ang sarili niya mula rito pero gaya noon, ilang taon man ang nakalilipas na, kabisado parin ng binata ang kahinaan.

Kaya sa huli natagpuan na lamang niya ang sariling kusang tumutugon sa maiinit na halik nito sa kanya. 

At kahit hindi niya aminin, alam ni Lana na ginising ng pangyayaring iyon ang matinding paghahangad sa pagkatao niya na tanging kay Andrew lamang niya nararamdaman.

Kaya naman nang maramdaman niyang dumama ang kamay nito sa kaliwa niyang dibdib ay kusang naglandas sa lalamunan niya ang isang banayad na ungol na nakulong naman gawa ng pagkakahinang parin ng mga labi nila.

"Let's get out of here?" nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya.

Magkakasunod na tumango si Lana.

Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob para sang-ayunan ang alam niyang gustong mangyari ni Andrew. Pero hindi na niya kayang kontrolin sa ngayon ang sarili niya gawa ng nakikita niyang matinding paghahangad sa kanya ng binata.

O mas tamang sabihing matinding paghahangad nila sa isa't-isa.

"YOU own this place?" si Lana nang patuluyin siya ng binata sa isang maganda at first class na condominium unit.

Hindi sumagot si Andrew, sa halip ay mabilis siya nitong ikinulong sa malalaki nitong mga bisig saka mariing hinalikan.

Mabilis ang naging epekto kay Lana ng halik na iyon. Alam naman niya kung bakit, at iyon ang dahilan kung bakit siya naroroon ngayon.

Kaya naman parang wala nalang na inihulog ng dalaga sa sahig ang dalang bag saka ipinulupot sa leeg ni Andrew ang dalawang braso habang maiinit na tinutugon ang mga halik nito sa kaparehong paraan.

"Come here," nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya ay hinila siya nito papasok sa loob ng silid nito mismo. "alam mo bang miss na miss na kita?" pagkasabi ay muli siya nitong hinalikan.

Pero sa pagkakataong iyon ay naging mas mariin at maalab na ang paraan ng pag-angkin nito sa mga labi niya.

"Oh!" ang naibulalas ni Lana nang maramdaman niyang dumama sa pagitan ng mga hita niya ang naglilikot ng mga kamay ng binata. "god! Andrew, mmmnnn," daing niya nang itaas na nito ang laylayan ng suot niyang dress saka tila mauubusan ng panahong ipinasok ang kamay nito sa maliit na telang nagsisilbing takip niyon.

"Sweetheart, hindi kita nakalimutan. Iyon ang gusto kong malaman mo," ang narinig niyang ibinulong sa kanya ni Andrew saka siya muling mariing hinalikan

Hindi maintindihan ni Lana kung ginagawa ni Andrew ang lahat ng iyon para gisingin ang arousal niya. Pero sa totoo lang, epektibo ang style nito. 

Pinginigan ng mga tuhod si Lana nang maramdaman niya ang mga daliri ni Andrew na tila nanunuksong sinuyo ang kanyang pagkababae.

"Shit! Shit! Don't stop!" aniyang nanginginig rin ang mga kamay niyang ikinapit sa magkabilang balikat ng lalaki. 

"Oh sweetheart," ang banayad na winika ng binata saka sinuyod ng tingin ang kaniyang mukha at pagkatapos ay mas higit pang pinagbuti ang ginagawa. "you're so beautiful as the first day I met you, baby," anito ngumiti.

Napangiti si Lana sa sinabing iyon ni Andrew na humaplos ng husto sa puso niya. Nanatiling magkahinang ang kanilang paningin kaya naman kitang-kita ng dalaga ang pag-aalab ng maliliit na apoy ng pagnanasa sa magaganda nitong mga mata.

Nang paupuin siya ni Andrew sa mismong paanan ng kama ay hindi nagprotesta si Lana. Kanina pa niya gustong gawin iyon. Pero dahil narin sa napakasarap na pakiramdam na hatid sa kaniya ng ginagawa ng binata ay nagtiis siya.

Ayaw niyang maputol ang kaligayahang nararamdaman niya kanina lalo at kahit hindi niya aminin, alam niyang sabik na sabik siyang muling makasalo sa ganitong tagpo si Andrew.

"A-Anong gagawin mo?" napuno ng matinding excitement ang puso ni Lana nang mismong sa harapan niya ay naghubad ang binata.

Hindi sumagot si Andrew at sa halip ay pinakatitigan lang siya. Ilang sandali pagkatapos ay wala na ni isang saplot sa katawan nito ang lalaki.

Mabilis na iniiwas ni Lana ang paningin niya sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito kahit pa ang totoo ay nasulyapan naman niya ito at nakita niyang nanatiling makisig iyon makalipas ang ilang taon mula nang huli niya iyong makita.

"Ang totoo, gusto kong parusahan ka," si Andrew na lumuhod sa harapan niya saka kinintalan ng isang mainit at napakasarap na halik ang kaniyang mga labi pagkatapos. 

"P-Punishment?" si Lana sa nababahala nitong tono.

Umangat ang sulok ng labi ni Andrew kasabay ang pagbawak nito sa laylayan ng suot niyang dress na hinubad nito paitaas saka inihagis kung saan.

Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa kanya .

"Naughty punishment," anitong hinalikan na nga siya pagkatapos.

Alam ni Lana na iyon na ang simula ng lahat makalipas ang ilang taon. At hindi nga siya nagkamali. Hinila ni Andrew pababa ang suot niyang panty kaya naman mabilis na nahantad sa paningin nito ang kaniyang pagkababae.

Magkakasunod ang hiningang pinakawalan ni Lana.

"I want to taste you," ang binatang pinaglipat-lipat ang paningin sa kanyang mukha at sa kaniyang pagkababae.

Masarap na pakiramdam ang parang boltahe ng kuryenteng mabilis na kumalat sa kabuuan ni Lana dahil sa ginawing iyon ni Andrew. 

Naramdaman rin niya ang mainit na likidong umagos sa loob niya na lalong nagpasidhi sa matinding sensasyong mayroon siya ngayon.

At iyon ang nakikita niyang dahilan kung kaya nagawa niyang kusang hubarin ang suot niyang bra habang si Andrew ay nanatiling pinanonood lang siya.

"Wonderful baby, wonderful," ani Andrew na kumilos para muling angkinin ang kaniyang mga labi.

Napapikit si Lana dahil sa init ng halik sa kaniya ng binata. Pero saglit lang iyon dahil mabilis na nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang unti-unting pagpasok ng daliri ni Andrew sa kaniya mismong bukana.

Malakas na ungol ang nakulong sa magkahinang nilang mga labi ni Andrew nang simulan ng binata na ilabas-masok ang daliri nito sa kaniyang hiwa.

Hindi niya alam na ganoon na pala kasidhi ang pangangailangan niya dahil kung tutuusin, ang lalaking ito lang naman ang una at huling nakaangkin sa kaniya.

"Gusto mo ba ito, sweetheart?" ang binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Tango lang ang isinagot ni Lana na mabilis ring nasundan ng isang mahaba at nasasarapang daing nang muli ay ipinasok ni Andrew ang daliri nito sa hiwa niya saka iyon muling hinila palabas. 

"Do that again, mmmnnn...." utos niya na mabilis rin namang sinunod ng binata. "god, don't stop! Keep going!" aniya nang bilisan ni Andrew ang ginagawa.

Mainit na halik ang muling itinugon lang sa kanya ng lalaki. Pagkatapos ay naramdaman niyang hinugot nito ang daliri saka itinaas ang mga paa niya sa ibabaw ng kama.

Nang lumuhod sa harapan niya ang lalaki ay mabilis na napuno ng excitement and dibdib ng dalaga. Alam niya kung ano ang gagawin nito at hindi nga siya nagkamali.

Malakas na singhap ang pinakawalan niya nang walang anumang salitang isinubsob ni Andrew sa harapan niya ang mukha nito.

Magkakasunod na nagmura si Lana gawa ng matinding kaligayahang nararamdaman niya. Parang wala sa sariling hinawakan pa niya ang ulo ni Andrew na noon ay parang gutom na gutom na pinapak ang pagkababae niya.

Nanginginig ang kabuuan ni Lana.

Maging ang magkabilang mga hita niya ay ganoon rin. Pero wala siyang planong patigilin si Andrew sa lahat ng iyon.

Dahil ang totoo, sa loob ng mahabang panahon, ang ganitong tagpo rin sa buhay niya ang nagbigay sa kaniya ng dahilan sa kaniya para magpatuloy at huwag mawalan ng pag-asa.

At iyon ay walang iba kundi ang anak nila, si Andrea.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.