“WHAT are you doing here?” nang makabawi sa pagkabigla ay sinikap ni Lana na gawing pormal ang tono at nagtagumpay naman doon ang dalaga.
Umangat ang makakapal na kilay ng binata kasabay ng muling pagsilay ng isang makamandag na ngiting nagbigay ng kakaibang kilabot sa kanya. Kilabot na sa loob ng mahabang panahon ay hindi niya naramdaman sa kahit sinong lalaki na nagtangkang lumapit sa kaniya.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit ako nandito, at alam mo rin mismo sa sarili mo na maraming kang kailangang ipaliwanag sa akin,” mariin ang mga salitang binibitawan ni Andrew. Habang ang mga mata naman nito ay mataman ang pagkakatitig sa kaniya.
Mabilis na umiwas si Lana sa nakakapasong titig sa kanya ng binata.
“H-Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin,” aniyang ibinalik ang paningin sa binabasang papel. Hindi alintana ang mabilis na kabog ng dibdib niya. “marami akong kailangang tapusin at wala akong panahon sa mga bagay na hindi naman realated sa trabaho ko,” aniyang hindi tiningnan ang binata na nanatiling nakatayo sa harapan ng kanyang working table.
“Really? Kahit ba tungkol kay Andrea?” sarkastikong tanong ni Andrew kaya mabilis siyang napatitig sa binata.
“W-What?” bakas ang takot sa tono ni Lana na hindi niya napigilan.
Mahinang tawa ang pinakawalan ni Andrew. “Tell me, sinong ama ni Andrea?” hindi nagbago ang paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya.
Matagal bago nakapagsalita si Lana sa tanong na iyon. Kaya muling nagsalita ang lalaki. “Anak ko siya! Alam kong anak ko si Andrea!” mariin at may kalakasang wika nito.
Mabilis na naalarma doon si Lana sa pag-aalalang baka umabot sa pandinig ni Rowena ang sinabi at iba pang gustong sabihin ni Andrew. “Tumigil ka!”
“Kung ayaw mong makipag-usap, daanin nalang natin sa legal ang lahat. Alam mong kaya kong gawin iyon. Ipapa-DNA Test ko si Andrea, at oras na mapatunayan kong tama ang kutob ko, pasensyahan tayo,” nasa tono ng binata ang pagbabanta.
Agad na nilamon ng matinding takot ang dibdib ni Lana.
“P-Please, masyado pa siyang bata at---,” hindi na niya natapos ang iba pang gustong sabihin nang muling magsalita si Andrew.
“Tama ako hindi ba? Ako ang ama niya! I am the father of Andrea!” mababa pero nasa mga mata at tono ni Andrew ang galit.
Sandaling nakipagsukatan ng titig si Lana sa lalaki.
Ano pa nga bang magagawa niya. Mayaman ito at katulad ng sinabi ng binata, kaya nitong gawin ang lahat at lalabas ang katotohanan na ito ang ama ni Andrea.
Kapag nagkataon, wala na siyang magagawa doon. Or worst, baka…
Mabilis na iwinala ni Lana ang lahat ng negatibong bagay sa isipan niya.
“Please, have a seat,” aniyang nagbuntong hininga pagkatapos.
Mabilis na naglaho ang galit sa mga mata ng binata na napalitan ng amusement pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na naupo sa mahabang sofa na nasa loob ng kanyang malawak na opisina.
Nagsalubong ang mga kilay ni Lana sa ginawing iyon ni Andrew. Alam niyang iniinis siya nito at kailangan niyang amining tumatalab iyon sa ngayon.
“Bakit diyan ka naupo?” ang mataray niyang tanong.
Noon parang wala lang na pinag-krus pa ni Andrew ang mga binti nito saka inilagay ang dalawang kamay sa mahabang sandalan ng leather sofa.
“Gusto ko dito and besides, wala namang nakalagay na ‘thank you for not sitting’. Meaning to say, pwede itong upuan,” anito pang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
“Please?” si Lana na itinuro ang silya sa harapan ng kaniyang mesa.
Umiling ang binata. “Unless gusto mong magsigawan tayong dalawa?” anitong umangat ang sulok ng mga labi pagkatapos.
Mabilis na namula ang mukha ni Lana sa sinabing iyon ng binata kaya naman naiiling siyang napatayo. Pero napigil ang mga hakbang niya ng muli itong magsalita.
“Ibang klase ka talaga, tatlong taon na mula nung huli tayong nagkita. Pero iba parin pala ang epekto ko sa’yo, simpleng salita at titig ko lang sa’yo, namumula ang mukha mo,” makahulugan iyon na nakuha ni Lana ang ibig sabihin.
Lalong nagtumindi ang kabog ng dibdib ni Lana sa sinabing iyon ng binata. Pagkatapos ay kumilos na siya saka umakmang uupo na sa pang-isahang sofa na katapat ng okupado nito. Pero hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa ng binata.
Hinila nito ang kamay niya kaya siya bumagsak at napaupo sa kandungan nito mismo. Impit na napatili roon ang dalaga.
“Glad I got caught you,” anito habang pilyong nakangiti pa sa kaniya nang malingunan niya.
“Bwisit kang lalaki ka!” aniyang nagmamadaling pinakawalan ang sarili mula rito. “sumosobra kana ah!” galit niyang sabi sa mababa paring tono kahit ang totoo kanina pa niya gustong sigawan ang lalaki.
Tumawa ng mahina si Andrew saka siya hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. “Maturity becomes you, sweetheart. Parang ngayon ka palang nagdadalaga,” anitong tinitigan siya saka kinindatan pagkatapos.
Kahit hindi aminin ni Lana, alam niyang kinilig siya sa mga sinabi at ginawing iyon ni Andrew. Pero mas matanda na siya ngayon, mas matured na mag-isip, kaya tama lang na itago niya ang lahat ng kahinaan niya mula rito.
“Huwag mo na akong bolahin,” seryoso niyang sabi. “hindi na ako ang dating fan girl na---,”
“Na malayang isinuko sa akin ang lahat ng mayroon siya? Tapos biglang nawala na parang walang anuman sa kaniya ang lahat ng nangyari kahit pa kung tutuusin ako ang nakauna sa kaniya?” agap ni Andrew sa isang mariing tono.
Napatitig si Lana sa mga mata ng binata saka napasinghap. Hindi niya inasahan ang poot na nakikita niya sa mga iyon.
“One night stand iyon!” ang mariin niyang sabi kahit ang totoo hindi naman iyon ang gusto niyang sabihin.
Lihim na nagsisi si Lana nang makita niyang lumarawan sa mga mata ni Andrew ang matinding pagkadismaya dahil sa sinabi niya.
“So, tama nga si Tita Tina. At tama lang rin na hindi kita ipinahanap kahit ang totoo gustong-gusto kong gawin iyon dahil gusto kitang makita at makausap!” sumbat nito sa kanya sa pagitan ng pagpipigil nito ng matinding galit.
“H-Hinanap?” ang salitang totoong nag-sink in kay Lana kaya kusa iyong nanulas sa mga labi niya.
Hindi sumagot si Andrew sa sinabi niyang iyon at sa halip ay pinakatitigan lang siya. “Ngayon, sabihin mo sa akin ang totoo. Ako ang ama ni Andrea hindi ba?”
Kahit hindi aminin ni Lana, alam niyang cornered na siya ng binata. At isa pa, totoo namang mali ang ginawa niya. Hindi niya dapat na itinago kay Andrew ang anak nila.
Pero paano mo naman masasabing mali ang isang bagay na nagawa lang niya dahil sa pagmamahal. Sa labis na pagmamahal niya sa sarili nilang anak.
Dahilan kaya wala siyang ibang gustong gawin kundi ang protektahan ito.
“Answer me! Yes?” untag sa kaniya ni Andrew na kaniya namang ikinabigla.
“Oo! Anak mo siya! Anak mo si Andrea! Ngayong alam mo na ang totoo, anong gagawin mo? Kukunin mo sa’kin ang anak ko? Ilalayo mo? I’m telling you,” aniyang tumayo saka nagtitimpi ng galit na nilapitan ang binata. “hindi mo siya makukuha sa akin, kahit anong gawin mo. Over my dead body!” aniyang tinitigan ito ng masama pagkatapos.
Mahinang tawa ang pinakawalan ni Andrew saka ito tumayo. Nag-isang dangkal nalang halos ang agwat nila sa isa’t-isa nang humakbang ito saka mabilis na hinaklit ang kanyang baywang.
“At hindi ko naman hahayaang mangyari iyon sa katawan mo, my lovely. Gusto ko lang siyang makita, ipakilala mo ako sa kanya as her father at wala tayong magiging problema,” anitong tuluyan na ngang inilapat ang katawan niya niya rito.
Marahas ang singhap na pinakawalan ni Lana dahil doon. Kasabay ang pamilyar na daloy ng kuryenteng sa loob ng tatlong taon ay ngayon lang niya muling naramdaman. Habang naroon ang masarap na kilabot na sanhi naman ng matinding sensasyong kay Andrew lang talaga niya naramdaman.
“Tell me, bakit mo ako iniwan?” anas ni Andrew saka siya niyuko ng husto.
Napapikit si Lana nang bumalandra sa mukha niya ang mabangong hininga ng lalaki. Pagkatapos ay pinagsikapan niyang pakawalan ang sarili mula sa mahigpit nitong pagkakahapit sa kanya pero nabigo siya.
“Pakawalan mo ako,” ang mariin niyang utos. “tatawag ako ng security,” banta pa niya.
Umangat ang sulok ng labi Andrew saka pagkatapos ay muling nagsalita.
“Bago mo pa man magawa iyon, nahalikan na kita,” anitong pagkasabi niyon ay mariing inangkin na nga ang kaniyang mga labi.
Mabilis na nanghina ang mga tuhod ni Lana sa halik na iyon ng binata. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit alam naman ng isipan niya kung ano ang tama, pagdating sa lalaking ito? Kailangan niyang amining nagiging tanga siya.
Nagpumiglas siya.
Habang kahit papaano ay makakaya pa niyang sabihing hindi pa siya tuluyang naiwawala ng mga labi ng binata.
Pero mas lalong pinalala ng ginawi niyang iyon ang lahat. Dahil lalong humigpit ang pagkakayakap ni Andrew sa katawan niya. Habang mas higit pa nitong nilaliman ang paraan ng paghalik sa kaniya.
Hindi siya binigyan ng pagkakataon ng binata para sumagap ng hangin. Dahil nanatiling kulong ng maiinit nitong labi ang kaniya. Hanggang sa tuluyan na nga siya nitong napabigay.
Hanggang sa siya mismo ay hindi narin mapigilan ang sariling tugunin ang mapupusok nitong halik sa kaniya, sa kaparehong paraan.
“That was wonderful,” si Andrew nang pakawalan nito ang mga labi niya saka pagkatapos ay muli siyang niyuko saka dinampian ng simpleng halik awang pa niyang bibig. “you have the sweetest and the softest lips, beautiful. Kung gaano kaganda ang mga mata mo” anito pang hinagod ng tingin ang kaniyang mukha.
Namula ang husto ang mukha ni Lana kaya mabilis ay siyang nagyuko ng ulo. Hindi niya mapigilang mainis sa sarili gawa ng palaging pagiging marupok niya kay Andrew.
“After lunch uuwi na ako, isasama kita sa bahay para makilala mo na ang anak mo.”