WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 23

"SUNDAY bukas bakit hindi tayo magsimba?" pabalik na sila galing sa ballet school ni Andrea nang sabihin iyon ni Andrew na abala sa harapan ng manibela.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lana na nagbuka ng bibig para sana tumanggi pero mas mabilis ang naging pagsagot ng anak niya na nasa backseat katabi ang Mama Cecille niya.

"Wow talaga po Daddy?" excited pang tanong ng bata.

Agad na napalingon si Lana sa tiyahin niyang nginitian lang siya saka hinalikan ang buhok ng apo. "Oo nga naman, bakit hindi kayo magsimba ng magkakasama. Kahit para manlang dito sa maganda kong apo."

Napabuntong hininga si Lana saka wala sa loob na napasulyap sa katabi na napakaganda naman ng pagkakangiti. Kulang nalang isampal nito sa pagmumukha niyang nanalo ito. "Well, you need to decide now mommy. Bago pa mainip ang prinsesa ko" ang malambing pang winika na Andrew na ngiting-ngiti parin.

Umikot ang mga mata ni Lana saka pinagsikapang itago ang matinding kilig na naramdaman dahil sa sinabing iyon ni Andrew. Pagkatapos ay nagbuntong hininga saka nilingon ang anak niyang nang mga sandaling iyon ay nakatingin sa kaniya at halatang hinihintay ang sasabihin niya.

"Okay" aniyang ngumiti pagkatapos.

Masayang napa-palakpak si Andrea dahil sa sinabi niyang iyon. Kaya naman awtomatiko naring napangiti si Lana na binalingan pa si Andrew ng nakangiti rin.

"Thak you" ang binatang kinindatan pa siya pagkatapos.

Agad siyang pinamulahan sa ginawing iyon ng binata. Pagkatapos ay nagulat nang marinig ang mahinang hagikhik na nagmula kay Andrea.

"Mommy why are you blushing?" tanong ng anak niya na sinundan muli ng mahinang hagikhik ang sinabi.

Hindi nakapagsalita doon si Lana na napapahiyang nagbawi nalang ng tingin sa anak. Malayo pa sila ay namataan na ng dalaga ang isang pamilyar na sasakyan na noon ay nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.

"Mommy look car ni Tito Marius!" excited na bulalas ni Andrea an itinuro pa ang itim na Toyota Fortuner.

Nagmamadaling bumaba ng kotse ni Andrew si Andrea nang mai-park iyon ng binata. Mula sa loob ng sasakyan ay nakita niyang bumaba ng SUV ang matalik na kaibigan niya. Napangiti doon si Lana. Nagmamadali niyang kinalas ang seatbelt at umakmang bababa na ng kotse pero napigil iyon nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. Noon pa lamang niya napagtanto na silang dalawa na lamang pala roon ng binata dahil ang Mama Cecille niya ay itinulak na pabukas ang kanina ay nakakandado nilang gate.

"Sino ang lalaking iyon?" seryosong tanong ni Andrew.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Pagkatapos ay maingat ng binawi ang sariling braso mula kay Andrew. "Bestfriend ko at Ninong ni Andrea sa binyag" aniyang pinigil ang matawa kahit pa kung tutuusin ay gusto niyang matawa.

Tumango-tango si Andrew saka muling nagsalita. Halatang nagpipilit na itago ang inis lalo nang makita nitong kinarga ni Marius ang anak nila. "Ninong huh! The fact na nabinyagan ang anak ko ng wala ako? Ni hindi ko manlang nakita ang maliliit na kamay at paa niya nang ipanganak mo siya. Iyong unang pag-iyak niya, siguro ang sarap sa pandinig, more beautiful than my favorite song."

Magkakahalo ang emosyon na naramdaman ni Lana sa bawat salitang binibitiwan ng binata. "A-Andrew..." hindi na niya nagawa pang ituloy ang gustong sabihin nang bigla ay kinabig siya ng binata saka mariing siniil ng halik.

Parang nawala sa sarili niyang katinuan si Lana dahil sa halik na iyon. Maalab at napakalalim. Pakiramdam niya nawalan siya ng kakayahang huminga dahil hindi manlang siya binigyang pagkakataon ni Andrew na makasagap ng kahit kaunting hangin.

"A-Anong ginagawa mo?" ang naguguluhan niyang tanong nang pakawalan siya ng binata.

Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sumunod na ikinilos ng binata. Ikinabit nito ang kaninang kinalas na seatbelt saka muling binuhay ang makina ng sasakyan. "Mag-seatbelt ka, may pupuntahan tayo" si Andrew sa awtorisado nitong tono.

Nakaramdam ng bahagyang takot ang dalaga kaya mabilis siyang napasunod. "H-Hahanapin ako ng anak mo" pagsasabi niya.

Dry ang tawang pinakawalan ni Andrew sa sinabi niyang iyon saka mapait na nagsalita. "Tawagan mo si Mama Cecille, sabihin mo may pinuntahan tayo" sagot nito.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" ang naitanong niya. Sa isip ni Lana, siguro kung ibang lalaki ang gumawa sa kaniya ng ganito, si Marius nalang halimbawa. Malaki ang chance na matakot at mag-panic siya.

Pero kay Andrew, bakit wala siyang kahit anong pag-aalala? Dahil ba sigurado siyang hindi siya nito makakayang gawan ng masama? Dahil mas nangingibabaw ang pakiramdam na safe siya kapag kasama niya ang binata.

"Sa bahay ko" ang maikling sagot nito saka siya tinapunan ng isang makahulugang sulyap.

Mabilis na nag-init ang pakiramdam ni Lana dahil sa titig na iyon sa kaniya ng binata. Kasabay ang hindi maipaliwanag na excitement na nararamdaman niya gawa ng matinding pananabik rin niya sa binata.

Gaya ng gustong mangyari ng binata, tinawagan niya si Mama Cecille at sinabing may importante silang pupuntahan ni Andrew. Kinausap rin siya ni Andrea at maging ang ama nito at nagbilin pa ng pasalubong. Napangiti roon si Lana.

Halos kalahating oras ang matuling lumipas at parang napaisip ang dalaga sa pamilyar na rutang tinatahak ng sasakyang minamaneho ng binata. Noon nagtumindi ang tahip sa kanyang dibdib saka nilinga si Andrew na abala parin sa harapan ng manibela.

Nanatiling tahimik si Lana saka pinagsikapang kalmahin ang sarili at nagtagumpay naman doon ang dalaga. Kahit pa sa isip niya ay naroon ang matibay ng katibayan ng kanina ay kanyang hinala.

Sa garahe ay isang may edad ng babae ang sumalubong kay Andrew nang makababa sila ng sasakyan. Mabait siya nitong nginitian pagkatapos ay kinausap ang binata.

"Paalis kana Manang?" bungad rito ni Andrew. "ah si Lana nga po pala" pagpapakilala sa kaniya ng binata.

Tumango ang matanda saka siya pinakatitigan. "Kaya pala, nauunawaan ko na" ang makahulugan nitong sabi saka ibinaling ang paningi kay Andrew. "Sa makalawa ang balik ko, kung may itatanong ka tawagan mo lang ako. "Teka, kumain na ba kayo hijo? May pagkain sa ref, initin mo nalang" anito.

"Ako na ho ang bahala" ang sagot ni Andrew saka nilapitan ang matanda at inihatid hanggang sa may gate. Pagkatapos ay siya naman ang iginiya nito papasok ng kabahayan. "si Manang Yolly iyon, kasama ko na mula nang mabili ko kay Tita Tina ang bahay na ito" pagbibigay alam ng binata.

Tumango-tango si Lana kasabay ang mabilis na pag-iinit ng kanyang mga mata nang mabungaran ang isang pamilyar na tanawin saka basag ang tinig na nagsalita sa mahinang tinig. "W-Walang nagbago, g-ganoon parin" aniyang tiningala si Andrew na kinakitaan naman niya ang mga mata ng pagtataka.

"What?" tanong nito.

Umiling ng magkakasunod si Lana saka nagpigil ng emosyon. "A-Ano bang pag-uusapan natin?" pag-iiba niya ng usapan.

Sukat sa tanong na iyon ay mabilis na nagbago ang emosyon sa mga mata ni Andrew. Agad niyang nakita ang masidhing pag-aalab ng paghahangad roon. Kaya naman hindi na siya nagulat nang itulak nito pasara ang malaking pinto kasabay ang patunog ng kandando niyon.

"Alam mo bang maliban sa'yo wala pa akong kahit sinong babaeng dinala rito o kahit sa condo ko?" ang binata na parang walang anumang inihagis ang susi ng kotse sa center table.

Napakislot roon si Lana. At dahil narin sa biglaang panghihinang ng mga tuhod niya gawa ng malalalim at makakahulugang titig sa kanya ni Andrew ay kusang napaupo ang dalaga sa sofa na nasa likuran niya.

"R-Really?" ang nasabi niya saka magkakasunod na nagpakawala ng buntong hininga.

Tumango-tango ang binata saka hinawakan ang laylayan ng suot nitong polo shirt pagkatapos ay walang anumang hinubad saka inihagis kung saan. "Mainit, maliligo lang ako" anito.

Bahagyang nakahinga ng maluwag doon si Lana. Pero sandali lang iyon dahil napatili siya nang hawakan ni Andrew ang kamay niya saka siya hinila patayo. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.