WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 22

"K-KASAL?" kahit pa sabihing may kutob na siya sa gustong sabihin ni Andrew, iba parin ang feeling at intensity na marinig ang lahat ng iyon mula rito.

Noon siya mataman pinakatitigan ng binata saka magkakasunod na tumango. "Yes, unless you have..."

Hindi na naituloy pa ng binata ang gustong sabihin dahil pinutol na iyon ni Lana ng magkakasunod na iling.

"W-Wala, hindi ako committed sa kahit sino kung iyon ang iniisip mo," aniya pa iniiwas ang paningin sa binata nang hindi niya matagalan ang mga titig nito.

Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew sa sinabi niyang iyon.

"Really? Kahit minsan simula nung?" ang makahulugan muling tanong ng binata.

Nagbuntong hininga si Lana sa tumango.

"Look, as the father of my daughter, sa tingin ko naman may karapatan kang malaman," aniya.

Tumango si Andrew saka muling humigop ng kape. Ipinosisyon ang sarili sa klase ng pagkakaupo na parang kahit maghapon at magdamag silang mag-usap ay ayos lang rito.

"Sure," anito pang humigop muli ng kape.

Natawa ng mahina doon si Lana saka nailing habang nakangiting dinampot ang tasa at muling humigop ng kape.

"Sira ka talaga," aniya pang muling natawa dahil sa magkahalong amusement at kilig na hindi naman niya maipakita sa binata.

Lalong nangislap ang mga mata ni Andrew sa ginawi niyang iyon.

"Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka, alam mo ba iyon?"

Ramdam ni Lana ang tila maliit na daliring kumiliti sa puso niya kaya naman sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ng dalaga ang matawa ng mas malakas.

"Tumigil ka!" aniyang pabirong inirapan ang lalaki.

Hindi na nga nagsalita si Andrew pero nasa mga mata parin nito ang matinding amusement kasabay ang pilyong ngiti na pumunit sa mga labi ng binata.

"Okay, makikinig ako," pagkuwan ay winika nito.

Nangingiting umikot ang mga mata ni Lana saka sinimulan ang pagkukwento.

"Minsan lang ako nagka-boyfriend, college pa iyon," simula niya.

Umangat ang makakapal na kilay ni Andrew. "Yeah?"

Makahulugan ang simpleng salitang iyon mula sa binata kaya naman mabilis na naramdaman ni Lana ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.

"Yes. First everything maliban dun sa---,"

Tumango-tango ang binata saka siya pinakatitigan. Sandaling nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Pero kagaya ng dati si Lana ang hindi nakatagal kaya siya ang naunang nagbawi ng tingin.

"Hindi nag-work?" si Andrew nang manatili siyang tahimik.

Nagkibit siya ng balikat. "Siguro, kasi hindi naman siya maghahanap ng iba at hindi rin niya ako ipagpapalit sa iba kung okay ang lahat hindi ba?"

Nginitian siya ni Andrew bago ito nagsalita.

"Kaya ba nag-decide kang umalis nalang noon kasi mahal mo pa siya?"

"No! of course not!" pagtutuwid niya sa maling akala ni Andrew. "nung nangyari iyong sa atin," mabilis na naman naapektuhan si Lana dahil doon na mabilis rin niyang iwinala. "sinabi ko naman sa'yo college pa ako noon. Eighteen ako nung maghiwalay kami, saka hindi naman ako as in sobrang nahirapan na kalimutan siya kasi---," sa naisip ay mabilis na natigilan si Lana saka namumula ang mukhang napatitig sa kausap.

Umangat ang magagandang kilay ng binata. Hindi niya maintindihan kung hindi ba talaga ito nagsasawang pagmasdan siya o baka naman inaabangan lang nito ang bawat reaksyon ng mukha niya dahil nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang nagkukwento siya.

"Yeah? Kasi?" si Andrew sa tono na naghihinala.

Nagkibit ng mga balikat si Lana saka minabuting aminin na kay Andrew ang totoo. Dahil kung tutuusin, sa kabila ng lahat ng nangyari alam naman niyang buking na ng binata ang lahat ng karupukan niya.

"Naging busy ako eh, sa pagpa-fan girl sa'yo," pag-amin niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

Mabilis na umaliwalas ang gwapong mukha ni Andrew dahil doon. "As in super fan?"

"Super fan parin bang matatawag iyon hindi makanood ng movies mo kasi walang pera?" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "actually si Mama ang talagang dahilan kung papaano kong nalaman ang tungkol sa iyo. Mahilig siya sa mga TV series," pagbibigay alam pa niya.

Nang magsalita si Andrew ay kusang napatitig si Lana sa mga mata nito. At sa pagkakataong iyon, iba ang damdaming nakita niya sa mga iyon. Tenderness, affection? Alin man sa mga iyon, hindi niya tiyak. Pero sigurado siyang hindi iyon paghahangad.

"You know what, para sa akin hindi naman iyon ang totoong sukatan ng pagiging isang fan. Ang totoong fan kasi marunong magmahal ng walang hinihingi o hinihintay na kapalit. Unconditional love," paliwanag ni Andrew.

Napangiti lang doon si Lana kaya nagpatuloy ang binata.

"Anyone naman can see my movies, lahat pwede akong hingan ng selfie. Ang kahit sinong nakakaharap ko pwede nilang sabihin na avid fan sila kahit hindi. But meeting someone na kayang iparamdam sa iyo ang pagiging mahalaga mo kahit hindi ka niya magawang titigan ng tuwid sa mga mata? You know what I mean?" ang binata sa kaniya.

Lumapad ang pagkakangiti ni Lana sa sinabing iyon ni Andrew kasabay ang magkakasunod na tango bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Pakiramdam niya idinuyan siya sa alapaap dahil sa lahat ng kaniyang narinig.

"Alam mo bang gustong-gusto kitang halikan ngayon? Gusto kitang anggkinin ng paulit-ulit?" sa isang iglap, makalipas ang ilang sandali ng pananahimik ay sinabi iyon ni Andrew dahilan kaya napatitig rito si Lana.

"W-What?" ang kinakabahan niyang tanong kasabay ng magkakasunod niyang paglunok nang mapuna ang muli ay tila maliliit na apoy sa mga mata ng binata.

Tumango si Andrew saka ngumiti makalipas ang ilang sandali.

"Pero ayokong isipin mo na iyon lang ang habol ko sa iyo kaya gusto kitang pakasalan," paliwanag nito pagkuwan.

Nakahinga ng maluwag si Lana sa narinig. Pero sa kabilang bahagi ng isipan niya, may kung anong tila nanghihinayang na hindi niya maunawaan dahil sa sinabing iyon ni Andrew.

"Gusto kitang pakasalan dahil gusto kong bigyan ng buong pamilya si Andrea. Pero hindi mo naman kailangang magmadali. Pag-isipan mo ito ng mabuti, hindi kita pinipilit. Willing naman akong maghintay," paliwanag pa ni Andrew.

"I don't know what to say," ang halos pabulong na winika ni Lana saka nagyuko ng ulo.

Noon kumilos si Andrew at pagkatapos ay naupo sa tabi niya. May pag-aatubili nitong hinawakan ang mga kamay niya na nang marahil maramdaman nito ang kawalan niya ng pagtanggi ay bahagya pa nitong pinisil.

"Gusto ko lang malaman mo na willing akong gawin ang kahit ano para sa ikabubuti ng anak natin," anitong tinitigan siya ng tuwid sa mga mata.

"Lahat naman ng magulang ganoon. Pero hindi mo kailangang itali ang sarili mo sa akin dahil lang may anak tayo. Hindi mo pa ako kilala, paano kung hindi mo magustuhan ang totoong ako? Sa huli masisira lang ang pamilya na sinasabi mong gusto mong ibigay sa anak natin," paliwanag ni Lana.

"Kaya nga hindi kita minamadali. Actually willing akong paghirapan ang lahat para mas makilala ka kung iyon ang inaalala mo," sa huli nitong sinabi ay pilyo pa siyang kinindatan ng binata kaya muli ay nag-blush na naman siya.

"What do you mean?" si Lana na binawi ang mga kamay niyang hawak ni Andrew.

"Liligawan kita," ang maikling sagot ng binata.

Noon na nga tuluyang humulagpos ang matinding kilig na nararamdaman ni Lana. Napahagikhik siya saka nailing na inirapan bagaman nakangiti si Andrew.

"Seryoso ka?"

Nagkibit ito ng mga balikat.

"Just wait and see," anito pa pagkatapos ay niyuko siya at saka hinalikan sa mga labi.

Nabigla man ay napapikit parin si Lana sa maikling halik na iyon. Dahil gaano man iyon kaikli, iba ang boltahe ng sensasyong hatid niyon sa kabuuan niya.

"A-Akala ko ba?"

"Iyan nalang muna for now, saka na ang real thing," si Andrew na binigyang diin ang huling sinabi saka may panggigigil pang kinurot ang tungki ng kaniyang ilong.

Hindi na nagsalita pa roon si Lana.

Kahit ang totoo gusto niyang biruin si Andrew na parang kumpiyansa itong mapapasagot siya pero mas pinili niyang huwag nalang dahil alam niyang hahaba na naman ang usapan kung sakali.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.