NAGISING si Lana mula sa mahimbing na pagtulog nang marinig ang ingay na nagmumula sa kusina. Agad niyang hinanap sa tabi niya si Andrew saka napangiti nang maalalang silang dalawa lamang pala sa bahay na iyon ng binata.
Wala sa loob na iginala ni Lana ang paningin sa dating silid. At kasabay ng pagdaloy ng maraming alaala ay ang mabilis ring pag-iinit ng kaniyang mga mata. Noon kinagat ni Lana ang pang-ibaba niyang labi para sa pigilan ang sariling emosyon at nagtagumpay naman doon ang dalaga.
Ang natatandaan kasi niyang bumili nito noon ay ang dating manager ni Andrew, kung paano ito napunta sa binata ay hindi na niya alam.
Ilang sandaling nanatiling nakikipagtitigan si Lana sa puting kisame bago nagpasyang bumangon at isa-isang pinulot ang mga damit niyang hinubad kanina ni Andrew. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang mga iyon dahil sa sahig lang naman pala inihagis ang binata ang mga iyon. Sa huling naisip ay natawa ng mahina si Lana.
Nang makapagbihis ay sa kusina siya ng bahay nagtuloy. Gaya ng kwarto niya, wala ring gaanong nabago roon. Kaunting renovation lang ang ginawa.
"Gising kana pala" si Andrew nang marahil maramdaman nito ang kanyang presensya.
Ngumiti ang dalaga saka hinila ang isang silya ng mahabang mesa at naupo. "Pwede mo na ba akong ihatid pagkatapos kumain?" tanong niyang nilagyan ng malamig na tubig ang baso saka uminom.
Maganda ang pagkakangiting inilapag ni Andrew sa mesa na yari sa narra ang plato ng adobong manok saka nagsalita. "Okay, walang problema" anitong naupo narin sa may kabisera.
"Ikaw ba ang nagluto or ininit mo lang?" tanong niyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa nang simulang lagyan ni Andrew ng mainit na kanin ang kaniyang plato. Ang tinutukoy niya ay ang nakahandang adobong manok na mukhang masarap kaya kahit hindi niya aminin ay mabilis siyang nakaramdam ng gutom.
"Oo naman!" ang maagap na sabi ni Andrew saka nanunuksong tumawa. "eh alam mo namang napagod ka ng husto, kaya gusto ko kumain ka ng marami para makabawi ka ng lakas mo" ang makahulugan nitong sabi saka siya kinindatan.
Mabilis na nag-init ang mukha ni Lana sa sinabing iyon ng binata. "Tumigil ka nga! Pilyo!" aniyang natawa pa ng mahina saka ito pabirong inirapan.
"Hindi ba totoo naman?" patuloy na tukso sa kanya ni Andrew saka siya pinakatitigan pagkatapos.
Pakiramdam ni Lana nanuyo ang lalamunan niya gawa ng paraan ng pagkakatitig sa kaniya ng binata kaya naman mabilis niyang inabot ang baso ng malamig na tubig at uminom. "Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin sa iyon ang nasa isip ko" nang simulan niyang kumain ay minabuti niyang iwasan nalang ang mga titig ni Andrew.
"Yeah?" si Andrew na katulad niya ay kumakain narin.
Noon wala sa loob na napatingin si Lana sa binata. "Alam mo bang kami ang original owner ng bahay na ito?"
Nakita niya ang matinding amusement sa mukha ni Andrew. "Really? Ibig sabihin kayo ang nagbenta nito kay Tita Tina?"
Nagkibit ng balikat niya si Lana. "Actually pinabenta ko sa kakilala kong ahente. Nagkabayaran na nung nalaman kong iyong dating mo palang manager ang nakabili" aniya.
Tumango-tango si Andrew. "Paano kung nalaman mong siya ang buyer bago pa man nagkakabayaran, iaatras mo?"
Natawa doon si Lana. "Of course not! Kailangang-kailangan namin ng pera nang mga panahong iyon. Actually matagal na itong gustong ibenta ni Mama Cecille. At first kahit hindi niya aminin alam kong inaalala niya na baka balikan kami ni nanay. Pero nung..." sa huli ay natigilan ang dalaga saka binalot ng pag-aalangan ang mukhang napatitig muli sa binata.
"What?" si Andrew na mukhang interesadong-interesado pa sa sasabihin niya.
Noon muling itinuon ni Lana ang paningin sa pagkain saka sumagot. "Naging desidido siyang ibenta ito nang malaman namin ang tungkol sa pagbubuntis ko" aniyang sinulyapan si Andrew.
Nanatiling nakamata lang sa kaniya ang binata. Magkakahalo ang emosyong nakita niyang gumuhit sa mga mata nita nito. Noon minabuting magpatuloy ni Lana.
"Noon kasing nabuntis si nanay, inulan siya ng maraming chismis dito. Hinusgahan siya ng mga tao. At iyon ang ayaw mangyari sa akin ni Mama kahit mas pinili niyang ibenta nalang ito. Kasi sa totoo lang habang nagkakaedad ako naisip ko na baka dahil sa lahat ng judgement na naranasan ng nanay ko, baka ang mga iyon ang naging dahilan kaya naging mainit ang dugo niya sa akin, kaya niya ako iniwan" sa huling sinabi ay lumatay ang lungkot sa tinig ng dalaga.
Nagpakawala si Lana ng isang malalim na buntong hininga. Noon nga hinawakan ni Andrew ang isang kamay niya kaya muli ay napatitig siya sa binata.
"I'm sorry" ang halos pabulong na winika ni Andrew.
That was very heartfelt kaya pino pero matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Lana. "Naikwento ko lang naman" aniya nang mahalata ang guilt sa tono ng binata.
Tumango lang si Andrew pagkatapos ay nginitian siya. "Eat," anitong hindi maitago ang kasiglahan sa tinig. "sana minsan madala ko rin dito ang anak natin" puno ng pag-asam ang tinig nitong sabi.
Muling humaplos sa damdamin ni Lana ang sinabing iyon ni Andrew. Kahit hindi kasi sabihin, nakikita niya kung gaano kamahal ng binata ang anak nila. Well, hindi niya lubusang kilala ang lalaki bago pa mang dumating si Andrea sa buhay nila. Pero sa kabila ng pagiging babaero nito noon alam niyang mabuti itong tao.
Kung ano ang binago ni Andrea sa buhay at pagkatao ni Andrew, hindi niya masasabi. Pero ang kakaibang kislap sa mga mata nito, hindi maikakailang ang anak nila ang siya na ngayong sentro ng mundo ng lalaki. At masayang-masaya siya dahil doon.
"LANA?" boses ni Andrew na nang mga sandaling iyon ay nasa loob ng kwarto nito.
Si Lana nang mga sandaling iyon ay nasa sala at kasalukuyang binubuklat ang isang magazine. Kinabahan siya. Alam niyang naliligo ang binata kaya mabilis na naglaro sa isipan niya ang posibleng pwede na namang mangyari sa kanila sa loob ng kwartong iyon ni Andrew.
"Sweetheart?"
Muli ay napakislot ang dalaga sabay napatayo. Niraragasa ng kaba ang dibdib niyang pinasok ang kwarto ni Andrew. Doon nabungaran niya itong nakatayo sa tapat ng bukas nitong closet.
"B-Bakit?" nginig ang tinig pa niyang tanong.
Noon tumawa ng mahina ang binata saka inilabas ang isang pamilyar na bagay mula sa loob ng malaki nitong closet. "May gusto lang sana akong ibigay sa iyo" anitong iniabot sa kaniya ang blow up picture ni Andrew na sinadya niyang iwan sa bahay na iyon nang maibenta nila ito.
Ngumiti si Lana. "I-I ___"
Hindi na naituloy pa ng dalaga ang ibang gustong sabihin dahil pinutol na iyon ni Andrew. "Sam gave me this. Ang sabi niya nakuha raw dito ni Tita Tina iyan" simula nito.
Napalunok ang dalaga nang maalalang sinulatan nga pala niya ang likurang bahagi ng frame na iyon. Noon wala sa loob na itinalikod ng dalaga ang frame saka tahimik na binasa ang nakasulat sa likuran niyon. Pero dahil nanatili nga siyang walang imik ay muling nagsalita ang binata.
"L.A.M stands for Lana Amara Montes, right?" amusement ang nasa tono ng binata.
Tiningala ni Lana si Andrew saka nahihiyang ngumiti. "Oo, pinagawa ko ito noong una kong sweldo. Birthday gift ko sa sarili ko" pagsasabi niya ng totoo saka muling niyuko ang litrato. "iniwan ko ito rito kasi gusto kong maging mas madali para sa akin ang kalimutan ka" kung saan niya kinuha ang lakas ng loob na sabihin iyon ay hindi alam ng dalaga.
Napapikit si Lana nang haplusin ni Andrew ang kaniyang mukha. "Ako kahit kailan hindi kita nakalimutan. Maraming babae pagkatapos mo, aminado ako doon pero hindi ka nila nagawang burahin sa alaala ko kahit minsan" ang madamdaming hayag ng binata.
Napipilan si Lana sa narinig dahilan kaya marahas ang singhap na pinakawalan niya nang bigla siyang dinampian ng halik sa mga labi ni Andrew. Sandali lang ang halik na iyon pero gaya ng dati, nagdala iyon ng matinding kilabot at masarap na sensasyon sa kabuuan niya.
"I-Ihatid mo na ako?" nang pakawalan ni Andrew ang mga labi niya.
Nakangiting muling inangkin ni Andrew ang mga labi niya. "Sige, pero maliligo lang muna ako" anito.
Ngumiti siya. "Andrew" nang umakmang tatalikuran na siya ng lalaki.
"Yeah?"
"Okay lang ba kung isabit ko ito sa dati niyang pwesto?" aniyang sinulyapan ang bahagi ng dingding kung saan nakasabit ang isang wall clock.
Tinitigan muna siya ni Andrew ito nagsalita. "So that means ito rin ang kwarto mo noon?"
Mahinang tawa muna ang naglandas sa lalamunan ni Lana bago nagsalita. "Parang ganoon na nga" aniyang iniabot ang litrato kay Andrew na siya namang nagsabit niyon.