WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 28

"MOMMY! Daddy!" ang masayang salubong sa kanila ni Andrea kinagabihan.

Si Andrew ay agad na kinarga ang anak na humalik naman sa pisngi nito. "For you princess" ang binatang iniabot kay Andrea ang isang box ng donuts.

Masaya iyong tinanggap ng bata saka muling humalik sa pisngi ni Andrew bago nagpababa at patakbong pumasok sa kabahayan. 

"Mukhang hinintay ka ng bestfriend mo" si Andrew na binigyang diin ang salita bestfriend nang papasok na sila.

Hindi maintindihan ni Lana kung anong emosyon ang nakita niyang gumuhit sa mga mata ni Andrew.  At kung anuman iyon, hindi rin naman napigilan ng dalaga ang lihim na kiligin kahit pa wala namang assurance kung selos ba iyon o hindi.

Sa kabahayan nabungaran nila sina Andrea at Marius. Agad na tumayo ang bestfriend niyang lumapit sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. Hindi rin naman nalingid kay Lana ang mabilis na pagbabago ng timpla ng mukha ni Andrew nang makita ang ginawa ng matalik na kaibigan niya. 

"Ah, Andrew si Marius bestfriend ko at ninong ni Andrea. Marius, si Andrew, daddy ni Andrea" sa kagustuhang pawiin ang tensyon sa pagitan nilang tatlo ay minabuti ng dalaga na ipakilala na ang dalawa sa isa't-isa.

"Nice to meet you, Andrew" ang pormal na winika ni Marius saka inabot ang kamay kay Andrew para makipagkamay.

Tinanggap naman iyon ni Andrew bagaman ngumiti lang ang binata. Habang si Lana nang mga sandaling iyon ay nakakaramdam ng matinding pagkalito na hindi naman niya maintindihan kung para saan. O mas tamang sabihing naiinis siya sa ikinikilos ng dalawa. 

"Kumain kana ba?" si Marius ang hinarap niya nang samahan ni Andrew si Andrea sa panonood ng TV sa sala.

Umiling ang matalik na kaibigan niya. "Hinintay lang kita. Pauwi narin talaga ako" anitong humakbang na palapit sa pinto. "babalik nalang ako sa ibang araw" paalam nitong tiningnan siya ng may hinanakit sa mga mata saka sinulyapan ang mag-ama na abala ngayon sa panonood ng TV habang kumakain ng dala nilang donuts.

Napabuntong hininga si Lana. "Marius naman" pabulong niyang pakiusap.

Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ng matalik na kaibigan at kababata niya. Pagkatapos ay lumabas na ito kaya naman kusang napasunod doon si Lana. "Galit ka ba sa akin?" aniyang sinamahan ito hanggang sa labasan.

Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ni Marius. "K-Kayo na ba?" nasa tono ng binata ang hinanakit at hindi napigilan ni Lana ang makaramdam ng awa para rito.

"I-I'm sorry kung hindi ko sinabi sa iyo noon pa na siya ang daddy ni Andrea" ang sa halip ay naisagot niya.

Noon tumango-tango si Marius saka pagkatapos ay hinila pabukas ang pintuan ng sasakayan nito. "Mauuna na ako, tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka" anito.

Tumango lang si Lana at hindi na nakapagsalita. Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Marius hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho sa paningin niya.

MALALIM na ang gabi at mahimbing na ang tulog ni Andrea sa kwarto nito nang marinig ni Lana ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto.

Mula sa pagiging abala sa harapan ng kanyang laptop ay nagsalubong ang mga kilay niya saka sinulyapan ang wall clock na nakasabit sa itaas ng refrigerator.

"Sino naman kaya ito at pasado alas-nueve na ay naisipan pa akong puntahan?" bulong niya saka tumayo.

Sinilip muna niya sa peep hole ang kumakatok saka agad na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib nang makitang si Andrew ang nakatayo sa labas.

Matagal bago nakakilos si Lana dahil doon. Kaya naman nagulat pa siya nang muling kumatok si Andrew pero mas persistent na sa pagkakataong iyon.

"Why are you here?" ang pormal niyang bungad matapos mapagbuksan ang binata. "tulog na si Andrea kaya kung pwede umalis kana at bumalik nalang bukas?"

Pero hindi siya pinansin ni Andrew at sa halip ay umangat lang ang sulok ng labi nito saka nagsalita. "Pwede ba akong pumasok?" ang sa halip ay isinagot nitong inilapit pa ng husto ang mukha sa kanya.

Masarap na kilabot ang mabilis na naramdaman ni Lana nang bumalandra sa mukha niya ang amoy ng alak sa hininga ni Andrew. At iyon ang nakita niyang dahilan kung kaya parang wala sa sariling napatango nalang siya.

"G-Gusto mo ba ng kape?" ang naitanong niya matapos isara ang pinto.

Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ni Andrew. "Sounds like a real wife" anitong humakbang palapit sa kinatatayuan niya.

Awtomatikong kumilos si Lana na nagtuloy sa kusina para ipagtimpla ng kape ang binata. Pero hindi niya inakalang sinundan pala siya doon ni Andrew kaya nabitiwan niya ang hawak na kutsarita na gumawa ng ingay sa tiled floor nang magsalita ito sa likuran niya.

"Are you okay, Lana?" amusement ang nasa tono Andrew nang malingunan niya itong nakatayo isang hakbang lang yata ang layo mula sa kanya.

Magkakasunod siyang napatango saka pagkatapos ay muling tinalikuran ang binata para ipagpatuloy ang patitimpla niya ng kape. Pero lalong naghurumentado ang dibdib niya nang maramdaman niya ang dalawang kamay ni Andrew sa kanyang baywang.

"Lana" anas nito sa kanyang tainga kaya marahas siyang napasinghap.

"B-Baka magising si Andrea," aniyang pinagsikapang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahapit sa kanya ng binata at nagtagumpay naman siya doon.

Lumayo siya kay Andrew nang dalhin niya sa sala ang tasa ng kape nito saka iyon inilapag sa center table. "Inumin mo na ito tapos umalis kana" mahinahong pagtataboy niya sa lalaki.

Tinitigan lang siya ni Andrew saka pagkatapos ay parang walang anumang binasa ang mapupulang mga labi. Maya maya pa ay humahakbang na muli ang binata palapit sa kanya. Kaya naman siya, awtomatikong napa-atras sa awang na pintuan ng kanyang mismong kwarto.

"Ayoko niyan" anitong ang tinutukoy ay ang tinimpla niyang kape saka nagpatuloy sa ginagawang paghakbang palapit sa kanya.

Napalunok si Lana. At dahil nga kwarto niya ang nasa kanyang likuran ay wala siyang ibang uurungan maliban doon. "A-Ano bang gusto mo?" ang kinakabahan niyang tanong.

Umangat ang sulok ng labi ni Andrew saka pagkatapos ay tuluyan na siyang hinawakan sa magkabilang balikat at marahang itinulak papasok ng kwarto. Mabibilis ang mga kilos nitong nagawang itulak pasara ang pinto saka diniinan ang lock ng knob.

"Hindi pa ba obvious sa'yo na ikaw ang gusto ko?" si Andrew na hinila ang braso niya kaya siya napakayakap rito.

Nagpumiglas siya para pakawalan ang sarili pero dahil nga mas malakas ang lalaki sa kanya ay wala rin siyang nagawa nang i-pin siya nito sa dingding saka niyuko at mariing hinalikan sa mga labi.

Parang naparalisa ang kabuuan ni Lana. Matagal at mariin ang halik na iyon sa kanya ni Andrew. Hindi niya kaya ang lalaki kahit anong piglas niya lalo nang hawakan nito ang dalawang kamay niya saka itinaas sa kanyang ulunan.

Lalong naging mapusok si Andrew sa pagkakataong iyon. Marahas ang singhap na pinakawalan niya nang idikit nito ng husto ang katawan nito sa kanya habang patuloy siyang hinahalikan. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang isang kamay ng binata na sumapo sa kanyang puwitan saka siya itinaas niyon.

Nanlaki ang mga mata ni Lana nang maramdaman niya ang matigas na bagay na nakabukol sa harapan ng pantalon ni Andrew. Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya nang sa tila nanunuksong paraan ay ikiniskis iyon ng binata sa bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita at kasalukuyang nakadaiti ngayon sa nakaumbok nitong unahan.

"I want you so bad, Lana" bulong ni Andrew nang pakawalan nito sandali ang mga labi niya saka muli ring inangkin pagkatapos.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ngang bumigay ang lahat ng pagpipigil ni Lana. Kaya naman kung gaano katindi ang pagpupumilit niyang makawala mula sa mga bisig ng binata kanina, ay siya namang higpit ng pagkakapulupot ng mga braso niya sa leeg nito ngayon. Tinugon niya ng maiinit ring halik ang mga labi nito. At hindi nagtagal, tuluyan na nga siyang napaungol nang maramdaman ang banayad na pagkagat ni Andrew sa pang-ibaba niyang labi.

Kasabay ng ginawing iyon ng binata ay ang muling pagbabalik ni Lana sa kaniyang huwisyo. Dahil doon ay pinadapo niya ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Andrew na ikinagulat naman nito kaya nagawa niyang kumawala.

"H-Hindi ko na uulitin ang nangyari noon" aniyang nabasag ang tinig.

Tinitigan lang siya ng lalaki. "Alam kong gusto mo rin ako, Lana" ang isinagot nito pagkuwan.

Umiling siya saka nagpahid ng mga luha. "Umalis kana, ayokong makita ni Andrea na nandito ka" sagot niya.

Nangalit ang bagang ni Andrew sa sinabi niyang iyon. "Hindi mo pwedeng ilayo sa akin si Andrea" mariin nitong sabi.

"Nabuhay kami ng wala ka! Inilabas ko siya sa mundo nang wala ka! Kakayanin naming kahit kaming dalawa lang!"

"Nangyari ang lahat ng iyon kasi itinago mo siya sakin!" mariing tugon ni Andrew.

"Kasi iyon ang mas tama!" sagot naman niya.

Sandali siyang tinitigan ni Andrew pagkatapos ay muli itong nagsalita. "Tell me, dahil ba ito kay Marius ha? Kanina maayos naman tayo hindi ba? Bakit ngayon biglang ganito na?" mababa ang tono ng pananalita ni Andrew pero mariin at ramdam niya ang galit.

Natigilan si Lana sa magkakasunod na tanong na iyon. "A-Ano bang sinasabi mo?" aniyang tila natauhan pagkalipas ng ilang sandali.

Tumawa ng mahina si Andrew saka muling sinaklit ang baywang niya. "Nakalimutan mo na agad lahat ng ginawa natin nakita mo lang iyon lalaking iyon?" anitong hinagod ng tingin ang mukha niya na nagtagal sa kaniyang mga labi. "tell me, kaibigan mo lang ba talaga siya? Sabihin mo?" nasa tono ni Andrew.

Malakas na sampal ang pinadapo ni Lana sa kaliwang pisngi ni Andrew. "Wala akong ginagawang masama! At hindi ako kagaya ng iniisip mo!" ang mariin ring winika ng dalaga.

"Wala akong sinabing ganoon" si Andrew na biglang lumambot ang aura ng mukha.

Kasabay ng paglambot ng aura ng mukha ni Andrew ay ang pagpupusong mamon rin ng dalaga.  "I-I'm sorry" si Lana na marahang hinaplos ang namumulang pisngi ng binata.

Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata saka sinuklian ng marahan ring haplos ang kanyang pisngi. "Gusto ko akin ka lang Lana. Tell me, akin ka lang" anitong itinulak siya sa mismong bahagi ng dingding kung saan siya naka-pin kanina.

Kusang tumango si Lana ng magkakasunod. "Y-Yes, sa iyo lang ako Andrew. Sa iyo lang ako" sagot niya.

Noon nakangiting muling niyuko ni Andrew ang mga labi niya saka siya mariing hinalikan. At katulad ng dati mabilis niyang tinugon ang mga halik na iyon dahil narin s mabilisang pag-aalab ng damdamin at pagkatao nilang dalawa hanggang sa naramdaman na lamang ni Lana na  nagawa ng ibaba ni Andrew ang suot niyang panloob at malayang sinuyo ng kamay nito ang kanyang pagkababae.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.