WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 32

"HINDI ko naisip minsan man na pwede akong maging ganito kasaya" si Andrew habang nagmamaneho.

Pauwi na sila noon. Pagkatapos magsimba ay nag-lunch sila sa isang restaurant. Naglambing pa ng amusement arcade si Andrea sa ama nito kaya naman ang ending ay napagod ng husto ang bata na masarap ang tulog ngayon sa backseat.

Ngumiti lang si Lana saka sinulyapan ang binata. At dahil nga nanatili siyang tahimik ay muling nagsalita si Andrew. Nabigla pa ang dalaga nang bigla nitong ginagap ang kamay niya saka marahang pinisil. 

"Sa tingin mo, can we give it a try?" si Andrew na nanatiling naka-focus ang paningin sa daan.

Mabilis ang tibok ng puso ni Lana nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya nakukuryente siya gawa ng mahigpit na pagkakahawak ni Andrew sa kamay niya. "A-Alam ko sinabi ko sayo na pwede mong pag-isipan, na hindi ako nagmamadali. Pero bakit pakiramdam ko simula nung makilala ko si Marius parang natakot ako?" noon siya nilingon ni Andrew habang nasa mga mata nito ang sinabi.

"N-Natakot?" ang tanging nasabi ni Lana.

Nagbuntong hininga muna si Andrew bago nagsalita. "H-Hindi kasi ako sigurado sa nararamdaman ko" nasa tono nito ang kalituhan.

"What?" salubong ang mga kilay na tanong ng dalaga habang hindi niya alintana ang lalong pagtutumindi ng kaba sa kanyang dibdib. Hindi iyon dahil sa hawak parin ni Andrew ang kamay niya kundi dahil sa sinabi nito sa kaniya.

Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng binata, pagkatapos ay sandali siyang nilingon. Ibinalik ang tingin sa kalsada saka itinaas ang kamay niyang hawak nito saka hinalikan.

"Hindi ko alam, naguguluhan ako" pag-amin nito. "gusto kong bigyan ng pagkakataon itong sa atin. Ano sa tingin mo?" 

Napipilan si Lana sa tanong na iyon ni Andrew. Ano ba ang mas tama na dapat niyang sabihin?

"For our daughter? Hindi ba sinusubukan naman natin?" ang naisip niyang safe answer.

Tumango-tango si Andrew saka pagkatapos ay nagsalita. "Right" ang tanging sagot na narinig niya. 

"Pwede ka namang maging prangka sa akin Andrew," sa huli ay minabuting sabihin ng dalaga.

Muli ay sinulyapan siya ang binata saka pagkatapos ay nagbuntong hininga saka nagsalita. "Really?" anito sa tono na hindi niya tiyak kung nasorpresa ba o nag-aalangan.

Tumango siya saka mabait na nginitian ang lalaki. "Yes," aniya.

"Right, I want us to live together. I mean, tayong tatlo under one roof. What do you think?" ang deretsahang tanong ni Andrew sa kaniya.

Dahil hindi iyon inasahan, malakas na napasinghap si Lana sa tanong na iyon. Pero sandali lang dahil mabilis rin naman siyang nakabawi. "W-What?"

"See? Sinabi mo pwede akong maging prangka sa'yo hindi ba?" si Andrew sa napapahiyang tono.

Natawa ng mahina si Lana sa nakitang reaksyon ng lalaki. "Oo nga, ano ka ba ang pikon mo naman!" aniyang sinundan muli ang sinabi ng isang impit na ngayong tawa.

Nang magtama ang paningin nila ng binata ay mabilis na nag-init ang mukha niya nang makita ang kakaibang paghahangad na nakita niyang gumuhit sa mga mata nito. "Maswerte ka at kasama natin si Andrea" anito sa tila nang-aakit na tono ng boses.

Napasinghap si Lana  saka minabuting umiwas nalang ng tingin kay Andrew. Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan nang marahil hindi nakatiis ay ang binata rin ang kusang bumasag niyon.

"Alam mo, ayokong bigyan ng kahit anong espesyal na meaning ang lahat ng nangyayari sa atin pero hindi ko mapigilan kasi iba ang nararamdaman ko sa lahat ng pagtugon mo" ang makahulugang winika ng binata saka tumawa ng mahina.

Hindi nakapagsalita pero humaplos ang mainit na damdamin sa puso ni Lana dahil sa sinabing iyon ni Andrew. 

"Lana" untag sa kanya ni Andrew nang manatili siyang tahimik.

Noon parang natauhan si Lana na napabaling sa binata. "P-Paano natin gagawin iyon? Titira tayo sa iisang bubong? Hindi papayag ang Mama," aniya kay Andrew.

"Magpakasal tayo" ang walang gatol na sagot ng binata.

Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga sa kabila ng kilig na sumapuso sa kaniya. "Andrew?"

"I know I told you na liligawan muna kita. Pero naisip ko, kung papayag kang magpakasal sa akin, pwede ko namang gawin iyon kahit asawa na kita hindi ba?" ang tinutukoy ni Andrew ay ang panliligaw sa kanya.

Malapad na napangiti si Lana sa sinabing iyon ng binata. "Hindi ka talaga titigil hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo ano?" aniyang natawa pa sa huling sinabi. 

Nagkibit muna ng mga balikat nito si Andrew bago nagsalita. "Let's just say I am a businessman and an actor at the same time?" ang makahulugan nitong sabi.

Tumawa ng mahina si Lana saka pagkatapos ay nagsalita. "Well if that's the case, I guess I don't have a choice" aniya habang ang puso niya ay pinupuno ng matinding kaligayahan na hindi niya magawa ipakita.

Sa narinig ay mabilis na itinigil ni Andrew ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka nangingislap ang mga mata siyang hinarap. "What?" anitong hindi maitago sa tono ng boses ang matinding kasiyahan. At kung hindi lang siguro kalabisan, kung sa ibang pagkakataon, baka isipin niyang mahal na mahal siya ni Andrew. 

"Payag na akong magpakasal tayo" aniyang nakangiting nagkibit pa ng mga balikat. 

Noon siya mahigpit na niyakap ni Andrew saka pagkatapos ay mariing hinalikan sa mga labi. Sa huling ginawa ng binata ay mabilis na nag-init ang kabuuan ni Lana. Kaya naman awtomatiko niyang tinugon rin ang maaalab na halik sa kanya ni Andrew. At kung hindi lang dahil sa katotohanang kasama nila roon si Andrea na mahimbing paring natutulog ay baka mas nagtagal pa ang halik na iyon ng binata.

"T-Talaga?" ang hindi makapaniwalang tanong ng binata nang pakawalan nito ang mga labi niya.

Umikot ang mga mata ni Lana bagaman nakangiti. "May choice ba ako?" aniya sa pabirong tono.

Noon siya pinakatitigan ng binata saka masuyong hinalikan ang kaniyang noo. "Thank you sweetheart, thank you so much" ang ma-emosyon nitong sabi.

Hindi maintindihan ni Lana kung anong klase ng damdamin ang sumapuso sa kaniya sa sinabing iyon ni Andrew. Mabilis na nag-init ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha pero nagpigil siya. Hangga't kaya niya itatago niya kay Andrew ang totoong nararamdaman niya para rito. Dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya, alam niyang iyon ang pinaka-safe na gawin sa lahat. Mainam na iyong isipin nalang ni Andrew na si Andrea ang dahilan ng pagpayag niya. At ang nararamdaman niya para rito ay mas makabubuti kung sa kaniya nalang muna.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.