WILD FANTASY (FILIPINO) Chapter 45

"STOP calling me! Wala akong maibibigay na impormasyon sa iyo tungkol kay Andrew!" ang iritableng singhal ni Patricia kay Rhyza na huling nakarelasyon ni Andrew bago nagbalik ang tunay na kontrabida sa buhay niya. Walang iba kundi ang mag-ina ng binata.

"Hindi ba manager ka niya? Bakit hindi mo ba ako pwedeng gawan ng paraan para makausap ko manlang siya?" pagpupumilit ni Rhyza sa tono nitong may katarayan na.

Umikot ang mga mata ni Patricia sa pagkainis. Noon pa man ay talagang hindi na niya gusto ang babaeng ito dahil, well kailangan niyang aminin na talagang mas maganda at maalindog ito kumpara sa kaniya. Pero sa lahat kasi ng babaeng nakarelasyon ni Andrew, ito lang ang may lakas ng loob na utusan at tarayan siya. 

Mapait na napangiti si Patricia. Totoo naman na natuwa siya nang mabalitaan niya ang tungkol sa paghihiwalay nina Andrew at Rhyza. Kung sino at kung ano ang dahilan o kung sino ang nakipaghiwalay ay hindi na niya inalam. Ang importante sa kanya ay nabawasan na naman siya ng karibal.

Pero ngayon, kung may magagawa lamang siya, gusto sana niyang ibalik sa dati ang lahat. Tanggap na niya si Rhyza dahil alam niya at sigurado siya na hanggang sex lang ang namamagitan rito at kay Andrew. Hindi katulad ng babaeng iyon na kung tutuusin ay simpleng taga-hanga lamang ni Andrew. 

Sa kaisipang iyon ay nakaramdam ng tila pagpiga sa kaniyang dibdib ang dalaga. Kung sa sakit at galit na nararamdaman niya ngayon ibabase ang lahat, mukhang malabong matanggap niya ang katotohanang ikakasal na si Andrew at hindi sa kaniya kundi sa, napabuntong hininga si Patricia, katulad nga ng sinabi niya, simpleng taga-hanga lamang nito.

Napakaraming magagandang babae? Bakit ang isang iyon pa? Anong mayroon dito na wala sa kaniya o sa iba?

Mapait na napangiti si Patricia. "Ano bang kailangan mo kay Andrew?"

"At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa kung ano ang kailangan ko sa kanya? Look, alam kong matagal ka ng may gusto kay Andrew kaya hindi mo ako gusto o kahit sinong babaeng na-involve sa kaniya" ang sarkastikong winika ni Rhyza.

"Punyeta ka!" ang galit na galit niyang sigaw sa kausap na nasa kabilang linya.

Malakas na tawa ang pinakawalan ng babae. "Gusto kong mabawi si Andrew sa babaeng iyon" ang pagkuwan ay sagot ni Rhyza.

Naningkit ang mga mata ni Patricia sa narinig. "Dream on, at bakit naman babalikan ni Andrew ang babaeng isinuka na niya?"tuya niya.

"I'm sorry but it's the other way around. Ako ang nakipaghiwalay sa kaniya" ang pagmamalaki pang sagot ni Rhyza.

Sa pagkakataong iyon ay si Patricia naman ang tumawa ng malakas. "Tanga ka! Ikaw ang nagtulak sa kaniya palapit kay Lana at sa anak nila" aniya muling tumawa ng malakas. "Maganda ka lang Rhyza, pero boba ka. Now tell me, how does it feel na isang simpleng fan girl lang ang naging kapalit ng isang beauty queen na katulad mo? Plus the fact na inalok pa niya ito ng kasal?" pagpapatuloy pa ni Patricia saka nang-iinis na tumawa.

"Go to hell!" ang galit na galit na sigaw ni Rhyza saka mabilis na naputol ang linya.

Si Patricia ay nagpatuloy lang sa pagtawa. "Kaniya lamang si Andrew at hindi na siya pwedeng tumanggap ng iba pang karibal dahil sa nakikita niya, mabigat na ang kalaban niya. Dahil aminin man niya o hind, alam niyang iba ang pagtingin ni Andrew kay Lana kumpara sa mga babaeng nagdaan na sa buhay ng binata.

"MAY naalala nga pala ako," si Lana nang pauwi na sila. Sandali niyang sinulyapan si Andrea na mahimbing na natutulog sa backseat saka ibinalik ang paningin sa binatang abala sa harapan ng manibela.

"Yeah?" si Andrew sa sandali lang siyang sinulyapan saka muling ibinalik ang paningin sa daan.

"Hindi ba may girlfriend ka nung pinantuhan mo ako sa office para kumprontahan tungkol sa anak mo?" nang maalala ni Lana ang tungkol sa una nilang pagkikita ni Andrew matapos ang matagal na panahon ay hindi niya napigilang itanong.

Magkakasunod na umiling si Andrew. "Sa totoo lang si Rhyza, she broke up with me pagka-alis na pagka-alis ko ng unit niya" ang binata na tumawa pa ng mahina.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lana. "Ano?"

Tumango si Andrew. "Nakita ko kayo noon sa mall, kayong dalawa at kasama ninyo si Marius. Akala ko nga asawa mo siya at si Andrea ang baby ninyo" pagsisimula ng binata.

Agad na nakaramdam ng pananabik sa Lana sa kwentong iyon kaya pinakinggan niya si Andrew. "Really?" ang amuse niyang naisatinig.

Nakangiting muling nagsalita si Andrew bagaman focus ang paningin nito sa kalsada. "Nasa isang restaurant kami noon ni Rhyza, kumakain kami nung nakita ko sa isang donut stores si Andrea kasama si Marius. Gandang-ganda ako sa kaniya, napansin ko rin ang malaking similarities ng bagsak ng buhok niya sa buhok mo pero dahil nga pinilit kitang kalimutan noon, agad kong inalis ang bagay na iyon sa isip ko. Hindi ako familiar sa sinasabi nilang lukso ng dugo pero mukhang iyon ang nangyari sa akin kay Andrea. Kaya sinundan ko kayo, kaya ko natunton kung saan ka nakatira at kung saan ka nagtatrabaho. I have to admit na nag-abang ako sa tapat ng bahay ninyo malaman ko lang kung saan ang office mo" ang mahabang salaysay ni Andrew.

Humaplos ng husto sa puso ni Lana ang ikinuwentong iyon ng binata. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay ni Andrew na noon ay nasa hand break ng kotse. 

"Thank you for not giving up on me" nang lingunin siya sandali ng binata.

Tumango si Andrew na nanatiling maganda ang ngiti sa mga labi. "Salamat din sa pagkakataon, Lana." 

Makahulugan ang sinabing iyon ni Andrew na nakuha naman ni Lana ang ibig sabihin. At dahil nga sa nagiging emosyonal na siya at ramdam na niya ang pag-iinit ng kaniyang mga mata dahil sa matinding kaligayahan na nararamdaman ay minabuti niyang magtanong nalang muli sa binata.

"A-Ano naman ang dahilan ni Rhyza kaya siya nakipag-break sa'yo?" ang totoo ay curious siya tungkol sa bagay na iyon.

Nagkibit ng mga balikat si Andrew. "Dahil daw sa pag-iwan ko sa kaniya sa mall at sa hindi ko pag-i-stay sa unit niya nang parehong araw na iyon. Anyway, huwag na natin siyang pag-usapan, mukhang okay naman na siya kasi hindi na siya nagparamdam simula noon" paliwanag ng binata sa kaniya.

Tumango-tango ang dalaga. "Okay," aniya.

"By the way, malapit na nga palang mag-expire ang contract ko sa network na may hawak sa akin. You know, iniisip ko na baka hindi na muna ako pumirma ng kontrata since magiging busy tayo sa kasal natin" ang binata sa tono na hinihingi ang opinyon niya.

"Sigurado ka? You know what hindi mo naman kailangang isakripisyo ang career mo nang dahil lang sa kasal..."

Sa huli niyang sinabi ay mabilis siyang pinigil ni Andrew. "Huwag mong maliitin ang kasal dahil doon magsisimula ang totoong career ko bilang haligi ng pamilya natin, sweetheart" pagtatama nito sa kaniya.

Sa halip na mapahiya ay nakaramdam naman agad ng kilig si Lana sa sinabing iyon ng binata. "Baka magalit si Patricia?"

Nagkibit ng mga balikat niya si Andrew. "Hindi ba nasabi ko na sa iyo na pinag-iisipan ko na ang mag-quit at mag-focus na lamang sa negosyo at sa inyo ng anak natin? Siguro naman mauunawaan niya iyon. Pero kung hindi, I'm sorry but buo na ang desisyon ko" ang binata sa tono na may pinalidad kaya naman hindi na nangulit pa ang dalaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.