With You Series Chapter 16

“I KNOW that I’m drunk but I’ll say the words, And she’ll listen this time even though they’re slurred, so I dialed her number and confessed to her….”

Ang kantang “Nothing” ng “The Script” ang bumungad sa kanyang pandinig pagpapasok na pagpasok pa lamang niya ng bahay ni Derrick. At gusto niyang mapangiwi nang makita kung ano ang itsura ng bahay nito. Ahas na lang yata ang kulang doon dahil sa dumi.

Nang ilibot din niya ang mata sa kabahayan ay nakita din niya ang mga bote ng alak sa may mesa ng sala. Doon din niya nakita si Derrick na nakatalikod sa kanya habang yakap-yakap ang isang throw pillow. Sa itsura nito ay parang ilang araw na itong hindi naliligo.

“All I want was her but all I heard was nothing….” Panabay pa nito sa kanta. Halata din sa boses nito ang kalungkutan. Narinig niya din ang mahinang hikbi nito.

Doon siya lumapit dito. Miserableng-miserable ang itsura nito. “Derrick…” wika niya habang hinahaplos ang buhok nito.

Para namang binuhusan ito ng tubig sa North Pole sa naging reaksyon nito. Unti-unti itong humarap sa kanya. “Venus…”

Ngumiti siya. “Yes, its me…”

Kinusot-kusot pa nito ang mata. “Totoo ba ito? You are back…”

“Of course. Ayaw kong makita kang ganyan ang itsura mo, Derrick. Maligo ka nga’t maglinis ng bahay mo. Hindi ako makikipag-ayos sa `yo ng ganitong lagay.”

Tumawa muna ito saka tumayo. “Sige, maligo muna ako. Tapos saka tayo mag-uusap.”

Tumango siya. Ilang sandali pa’y nasa banyo na ito at naliligo. Siya naman ay niligpit ang bahay nito. Sa pagliligpit niya’y nakakita siya ng mga pictures na nagkalat sa bahay nito. All are pictures of her. Noong college pa siya. Iba’t iba ang emosyon niya doon. May nakangiti, nakasimangot at nakatawa. Lahat ng mga iyon ay kuha sa bleachers sa may field kung saan siya madalas manood ng mga laro ng mga ito. At sa likod ng mga picture ay mga nakasulat. Binasa niya ang nasa likod ng unang picture na nakita niya kung saan siya’y nakangiti.

This is 3rd day I saw her in the field. Nakangiti siya dahil nanalo sa practice game ang kupunan nila Franz Ian laban sa amin. At kahit talo kami ay masaya pa rin ako kasi nakita ko siyang masaya.

Unti-unting tumulo ang luha sa mata niya sa nabasa. Kahit kailan ay hindi pala nagsinungaling sa kanya si Derrick. Napakasama niya para akusahan itong sinungaling. Totoo pala talaga ang sinabi nitong noon pa man ay gusto na siya nito.

Tinignan niya ang iba pang litrato. Sa picture kung saan siya nakasimangot, ang sabi nito’y malungkot din daw ito dahil nakita siya nitong nalungkot. Kaya naman kinabukasan ay talagang pinatalo nito ang laro laban sa kupunan nila Franz Ian para makita muli siya nitong nakangiti. Sa ikatlong litrato naman ay ang picture na nakatawa siya. Doon nitong sinabi na kaya siya nakatawa noon dahil nanalo ang kupunan nila Franz Ian dahil sa ginawa nitong pagpapatalo sa kupunan nito para maging masaya siya.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang makatapos ng mag-ayos ng sarili si Derrick. Nakapantalon ito at akmang magsusuot na ng pang-itaas pero dahil nakita siyang umiiyak ay hindi nito iyon tinuloy. Kumunot ang noo nito. “Bakit ka umiiyak?” tanong nito.

Niyakap niya ito. Did she really deserve someone like Derrick? Ilang beses niyang sinaktan ito pero ito pa rin ang lalaki, mahal pa rin siya nito.

Niyakap naman niya ito at hinagod-hagod ang likod niya. “Don’t cry, babe. Nakaligo na ako at mabango na. Puwede mo na muli akong amuyin.”

“I just can’t help it. Bakit ang bait mo? Bakit kahit ano ang pagbibintang na gawin ko sa `yo, hindi mo pa rin ako binibitawan? Bakit mahal na mahal mo pa rin ako?”

Kumawala ito sa yakap sa kanya at hinawakan ang balikat niya. “Dahil ikaw lang ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Ikaw lang ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko. At kahit anong sakit ang binibigay mo sa akin, it will always be your name my heart will screaming of. Ganyan kita kamahal, Venus. At sana ganoon ka din sa akin.”

“Mahal din kita, Derrick.”

“Kung mahal mo ako, bakit ang bilis mo akong kinalimutan? Pagkatapos lang nating magkalabuan ay may iba ka na agad. Tumatawa ka na. Samantalang ako, kahit ang pilit na ngiti ay ayaw lumabas sa labi ko.”

“Ang tinutukoy mo ba ay ang tungkol sa nangyari sa coffee shop? It’s just Kevin. He is just my friend. Joker siya kaya napapatawa niya ako kahit deep inside, nalulungkot ako. Hinawakan lang niya ang kamay ko dahil pinipilit niya akong kuhanin ang mga pastries niya para sa shop.”

“Totoo ba `yan?”

“Oo naman. Mahal kita, Derrick. Maniwala ka sa akin.”

Muli siya nitong ikinulong sa bisig nito. “Mahal na mahal din kita, all those years, ikaw lang ang babaeng minahal at sineryoso ko.”

“Ano bang nagawa kong tama para ibigay ka ng Diyos sa akin?”

“May mga bagay na sadyang ginawa ng Diyos para sa atin. At ikaw, kahit ikaw ang babaeng palaging hindi nagtitiwala sa akin, ang binigay sa akin ng Diyos. And you deserved me, Venus. Everybody deserves a happy ending.”

“Derrick….” Sabi niya saka muling tumulo ang luha.

Pinahid naman nito ang luha sa mata niya. “Alam mo bang pagkatapos mo akong iwan noon ay hindi na ako naging seryoso sa mga babae? Dahil nasaktan na ako. Ikaw ang pinakaunang sineryoso kong babae pero nauwi lang din sa wala ang lahat.

“Pero tapos na iyon. I will get serious again with girls because you are now back. Isang buwan bago ka dumating sa piling ko muli ay nawalan ako ng interes sa babae. Hindi ko alam noon kung bakit ganoon ang naramdaman ko. But God said, everything happens for a reason, right? And I found my reason in you. Siguro ay sinabi ni God na kailangan ko na talagang mawala ang pagkakaroon ko ng playboy image dahil parating ka na muli. At dumating ka nga. You make my heart leap again like how you did way back in college. And I love that feeling. I will never get tired of loving you. I will never get tired of hurting if it’s because of you. Dahil alam ko, ang pagmamahal sa `yo ay magdudulot ng libu-libong sakit. But I’m willing to take all the risks. Dahil mahal na mahal kita.”

Hinalikan niya ito sa labi. Ginantihan naman din siya nito ng halik. Giving her all the pleasure. At ganoon din naman ang ginawa niya. Hinalikan niya ito ng puno ng pagmamahal.

“I love you, Derrick. I’m sorry for all the hurt that I’ve caused to you. And thank you for loving me despite of my flaws and being untrusty. But I promise you, Derrick. I will never ever hurt you again. I’ll trust you will all my heart. I will only believe in you. You are my heart, my soul and the air that I breathe. I love you forever. I will never get tired of loving you, too. And most of all, I’ll stay in love with you for the coming years.”

Ngumiti ito at dahan-dahang lumuhod sa harapan niya. Naglabas ito ng isang singsing mula sa bulsa ng pantalon nito. “Then marry me, babe.”

“Huh?”

“Marry me. Ang sabi mo, you will stay in love with me for the coming years. So let me stay with you in that coming years as your husband. Let’s make little Artemis together.”

“Ha? Bakit kailangan pang little Artemis? Kung magkakaanak ako’y nuncang gusto kong magmana sa pamangkin kong `yun ang anak ko. Kahit bati na kami’y maldita pa din iyon.”

Tumawa ito. “Okay, then let’s make our little angels together.”

“Are you really serious?”

Tumango ito at hinawakan ang kamay niya. Hinalikan pa nito iyon. “Yes, babe. Di ba’t sinabi ko ng ikaw lang ang babaeng sineryoso ko?”

“Pero ngayon lang tayo—“

“I don’t care,” putol nito sa akmang sasabihin niya. “Sa isang linggo nga, na-inlove ka sa akin. Eh ano pa ba ang isang buwan pagkatapos ng lahat at magpakasal na tayo?”

“Oh my God, tell me I’m just dreaming!”

“No, babe. This is real…” sabi nito saka isinuot ang singsing sa daliri niya. Makinang iyon at napakaganda. It fitted perfectly in her finger.

“Kulang pa yata ang salitang “thank you” para sa lahat ng ginawa mo sa akin.”

Tumawa ito saka pinisil ang ilong niya. “Just prove to me that you really love me and a simple thank you is enough.”

Ngumiti na lamang siya. “I’ll prove to you that for the rest of our lives.”

Ngumiti din ito at dahan-dahang nilapat muli ang labi sa labi niya. Ngayon ay hindi na masama ang loob niya kay Kupido. Kasundo na niya muli ito dahil ipinana siya nito sa isang taong mamahalin siya at mamahalin niya habang buhay.

THE END OF BOOK 2: I'LL STAY IN LOVE WITH YOU

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.