With You Series Chapter 17

BOOK 3: FOREVER WITH YOU

“SABI na nga ba, kaya ayaw kong umibig, eh.” Iiling-iling na wika ni Lady sa kaibigang si Claudine habang umiiyak ito sa harapan niya. Nagpunta siya sa apartment nito ngayon dahil sinabi nitong may problema nito. At bilang best friend ni Claudine, nag-alala siya dahil iyak ito nang iyak sa telepono. Iyon pala ay nag-break ito ng latest boyfriend nito.

“Ang sakit, sakit, Lady,” hinanakit na sabi nito sa kanya. Hawak-hawak nito ang tissue na kanina pa humahalik sa ilong nito dahil sa kakaiayk. “Minahal ko si Rene pero iniwan niya ako! Ano pa ba ang mali sa akin, ha?”

“Alam mo kung ano ang mali sa `yo, Claudine? Kulang ka sa utak! Kasi naman, iibig ka lang sa isang dakilang playboy pa!”

“Eh kasi naman, he got my heartbeat running away. Napaka-charming niya pa nang pinormahan niya ako. I can’t resist him. Isa pa, sinabi niya noon na ako lang daw ang babae niya. Na ako lang ang mahal niya. Pero sinungaling pala siya, Lady. Sinungaling ang mahal kong si Rene....” lalo pang lumakas ang iyak nito.

“Ang drama-drama mo! Get over it, okay? Hindi mo siya deserve!” naiinis na payo niya dito.

“Hindi ko alam. Pero nang tinatanong ko naman siya nang makita ko siyang may ibang kasamang babae kung mahal niya ako, hindi siya nagsalita. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko ngayon,”

“Hindi ka na mahal ng Rene na `yon, `no! Dahil kung mahal ka talaga niya hindi siya maghahanap ng iba,”

Pero hindi pa rin ito nakinig sa kanya. “I know someday, mami-miss niya din ang paglalambing ko. Mami-miss din niya ako. Babalikan din niya ako!”

She rolled her eyes. “He won’t, okay? Iniwan ka na niya, Claudine. Kalimutan mo na siya, please! Para tapos na ang usapan!”

“Nasasabi mo lang `yan kasi hindi mo pa nararanasan ang nararanasan ko. Mahirap gawin ang kalimutan siya. Mahirap din gawin ang kalimutan na lamang basta ang lalaking minahal ko nang mahigit sa tatlong buwan...”

“Alam ko, hindi ko pa nararanasan na umibig kaya hindi pa ako nadating diyan sa lagay mo. Pero kung ngangawa ka lamang nang ngangawa diyan, walang mangyayari sa `yo. Kaya kung ako sa `yo, umalis ka ng apartment na ito at maglibang-libang ka. Humanap ka ng iba. Maganda ka naman at for sure, marami pa rin ang magmamahal sa `yo kahit sinugatan na ng hampas lupang Rene na `yan ang puso mo!”

Sandaling tumigil ito sa pag-iyak at tila ninanamnam sa isip ang sinabi niya. Tumingin pa ito sa kanya. Pero hindi rin nagtagal ay umiyak muli ito. “Hindi ko kayang magmahal ng iba. Si Rene pa rin ang laman ng puso ko. Si Rene lang!”

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung maiinis o maawa sa kanyang kaibigan. Oo nga at iniwan ito ng mahal nito kaya nakakaawa ito. Pero sa inaasal naman nito ay kanina pa niya ito gustong sapukin sa ulo. Gusto pa rin nitong balikan ang ex-boyfriend nitong sira-ulo na iniwan naman ito para sa ibang babae. Hindi niya ba alam kung sadya lang talaga na totoong tanga ang pag-ibig o tanga lang talaga ang mga taong umiibig.

Maari ngang kaya siya ganoong mag-advice ay dahil hindi niya pa nararamdaman ang nararamdaman nito. Hindi pa siya nasasaktan sa pag-ibig dahil hindi pa siya umiibig sa isang lalaki. Sa animnapu’t pitong taon niyang pamumuhay sa mundo, wala pa siyang nagiging nobyo ni isa man sa likhang Adan ng Diyos. Iyon ay hindi dahil sa pangit siya o walang nanliligaw sa kanya. Sa katunayan nga ay halos buwan-buwan ay may nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak at nagpapalipad-hangin. Sadya lang talagang hindi pa siya ready sa salitang pag-ibig.

Hindi kagandahan ang history ng kanyang pamilya. Wala siyang kinilalang ama dahil tinakbuhan nito ang kanyang ina nang malaman nitong buntis ito. Palikero at chickboy daw kasi ang kanyang Tatay at hindi nito kayang matali sa isang kasal dahil lamang sa may anak ito. Kaya naman nang malaman nitong nabuntis nito ang kanyang ina ay nakipaghiwalay ito sa huli. Simula noon ay nawalan na ng balita dito ang kanyang ina.

Mabuti na lamang at sa kabila ng pag-iiwan ng kanyang ama sa kanyang ina ay naging matatag ito. Ipinagpatuloy nito ang pagbubuntis sa kanya. Pinalaki siya nito nang maayos sa kabila ng hirap na pinagdaanan nito dahil itinakwil ito nang pamilya nito.

Nang dahil doon, ginawa niya ang lahat ng makakasya niya para maging mabuti at matagumpay siyang anak. Gusto niyang suklian ang lahat ng sinakripisyo sa kanya ng kanyang ina. Naggawa naman niya iyon dahil sa edad niya ngayon ay isa na siyang matagumpay na entrepreneur. Mayroon na siyang dalawang branch ng pizza house sa Pilipinas.

Hindi na kagaya noon na palagi na silang nagigipit ang buhay nila. Maalwan na sila ngayon dahil may sarili na siyang negosyo at masasabi naman niyang matagumpay iyon base na rin sa laki ng kita noon araw-araw. Pinag-iisipan na nga rin muli niya na magtayo muli ng isa pang branch sa susunod na taon.

Pero sa kabila ng tagumpay at sa pag-eengganyo na rin sa kanya ng ina na mag-asawa, hindi niya pa rin in-entertain ang buhay pag-ibig niya. Bukod kasi sa natatakot siyang masaktan at iwanan kagaya na lamang ng nangyari sa Nanay niya, wala pa rin naman siyang nararamdaman na call para sa buhay pag-ibig. Kumbaga, hindi niya pa nararamdaman ang mga sintomas na ikaw ay in love---iyon bang tipong lalakas ang tibok ng kanyang puso o di kaya ay mangangatog ang kanyang mga tuhod dahil sa aura lamang ng isang lalaki.

Ngunit dahil sa nangyari sa kaibigan niya ngayon, mas lalo pa yata siyang natatakot sa salitang pag-ibig. Para kasing ang hirap-hirap ng pinagdadaanan nito. Kanina pa nito sinasabi na para daw dinudurog ang puso nito sa sakit. Ngayon niya lubos napatunayan na mahirap pala ang umibig.

“Mahal na mahal ko si Rene, Lady. Hindi ko yata kayang mawala siya. I want him back. I still love him even if he hurts me like hell!”

“Haay naku, sige na nga. Hahayaan na lang muna kitang magngangawa diyan. Mamaya mauubos rin `yan,” Hinagod-hagod na niya ang likod ni Claudine. Mas malaki pa rin talaga ang awa niya dito kaysa sa inis. Hahayaan na lang niya siguro itong umiyak nang umiyak hanggang sa matapos ito. After all, mas mainam daw na iiyak ang sakit kaysa kipkipin iyon sa loob ng tao.

“CLAUDINE, nababaliw ka na ba talaga?!” malakas na sigaw ni Lady sa kabilang linya nang tawagan niya ang kanyang kaibigan. Kanina ay tinawagan siya ng ina nito para sabihing kausapin daw niya ang kaibigan niya. Paano daw ay nag-aalala na ang mga ito sa dalaga dahil narinig nitong planong puntahan muli ng kaibigan niya ang gagong ex-boyfriend nito. Ipagpipilitan daw nito ang sarili nito sa lalaki sa kabila ng ginawang panloloko nito. Kaya naman sa halip na siya ay magsaya sana dahil kinausap siya ng isang editor ng isang sikat na food magazine dahil ipi-feature daw ang pizza house niya sa next issue noon, hindi niya maggawa. Pinaiinit kasi ni Claudine ang ulo niya.

Nang mahimasmasan ito kahapon bago niya iwanan ay sinabi nito sa kanyang magiging okay daw ito. Na pipilitin daw nitong huwag magpakatanga muli sa Rene na iyon kaya huwag na daw siyang mag-aalala. Pero kabaligtaran naman iyon ng ginawa nito ngayon. Ito ang best friend niya, hinabol muli ang lalaking walang pakundangang sumira sa puso nito.

“Friend, hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang basta na lamang kalimutan si Rene. I want him back kaya sinusundan ko siya ngayon,”

“At sinong kasama mo? Ikaw lang mag-isa?!”

“Yes. Tanga na kung tanga, gaga na kung gaga, pero mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko kayang mawala siya. Kaya kung kinakailangan kong lumuhod sa harap niya para mahalin ulit niya ako, gagawin ako. Wala akong pakialam kung ma-diyaryo man ako dahil sa sobrang pagka-desperada. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa aking mahal!”

Napabuntong-hininga siya. Wala na yata talaga siyang magagawa sa kabaliwan ng kaibigan niya. Sabi nga ng iba, mahirap daw kalabanin ang babaeng lubos na nagmamahal. “Bahala ka na nga. Teka, nasaan ka ba? Pupuntahan kita,”

“On the way pa lang ako.” Sinabi nito sa kanya kung saan ang bar na pupuntahan nito. “Ayon sa source ko ay nandoon daw si Rene. Okay lang na pumunta ka Lady. Mabuti nga iyon at mukhang kailangan ko yata ng moral support,”

Pagkatapos noon ay pinutol na niya ang tawag. Mabilis na inayos niya ang gamit niya at humanda na para sundan ito. Pero hindi siya pumunta doon para lamang kay Claudine. Pupunta siya doon upang kausapin mismo si Rene upang kausapin tungkol sa ginawa nito sa kaibigan niya. Gusto muna niyang siya ang kumausap dito para malaman niya kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman nito para sa kaibigan niya dahil kung sakaling wala na naman talaga, kakaladkadin na talaga niya si Claudine at iuumpog ang ulo dahil magiging katanga-tanga lamang ito. Ayaw niyang mangyari iyon sa kaibigan niya. Mahal niya ang kaibigan niya at ayaw niyang umani ito ng kahihiyan dahil lamang sa isang lalaki.

Binilisan niya ang pagpapatakbo sa kanyang kotse upang maunahan niyang makarating doon si Claudine. Mabuti na lamang at mas malapit ang lugar na kinaroroonan niya kaysa sa lugar na kinaroroonan ni Claudine ngayon.

Pagdating niya sa naturang bar ay inilibot niya agad ang kanyang mata. Madilim ang paligid at maraming tao ang nagsasayaw. Marami din siyang nakikitang nag-iinom at nakikipag-flirt sa kung saan-saang tabi. Halatang-halata na ang nagpupunta lamang sa bar na iyon ay ang mga taong mahilig sa mga kakaibang kasiyahan.

Sa pagagala niya ng mata ay may isang pamilyar na pigura siyang nakita. Madilim din sa lugar kung nasaan ito. Nakatalikod ito sa kanya pero base sa likod nito ay nahulaan na niyang ito si Rene. Bilang best friend ni Claudine ay hindi iilang beses niyang nakita ito kaya naman nasisigurado niyang ito iyon. Pareho ito ng height at build ng katawan. Pero nag-init ang ulo niya nang makitang hindi lang ito mag-isa. Marami itong kasama at puro lahat iyon ay mga babaeng parang mga sawang nakalingkis dito.

“Haliparot! Wala pa kayong isang linggong nag-break ni Claudine ay hindi lang isang babae ang pinalit mo! Makakatikim ka sa aking lalaki ka,” sabi niya saka itinaas ang long-sleeve shirt niya na para bang pupunta siya sa isang giyera. Noon pa man ay alam na niyang playboy si Rene. Sinabihan na niya noon si Claudine na huwag makipagrelasyon dito dahil baka masaktan lamang ito sa huli pero hindi ito nakinig. Sumige pa rin ito sa pag-ibig sa lalaking iyon.

Lumapit siya dito at balewalang hinablot ito kahit pinalilibutan ito ng mga babae. Napasinghap naman ang mga babaeng nakapalibot dito at sinubukan pang pigilan siya pero nang bigyan niya ang mga ito ng napakatalim na tingin ay tumiklop ang mga ito. Naramdaman niya ang pagtataka ni Rene sa ginagawa niya at ilang beses pa siyang sinaway sa paghila dito sa harap ng maraming tao. Pero wala siyang pakialam. Ilang beses din itong nagpumiglas sa pagkaladkad niya pero dahil may lahi siyang kabayo lalo na kapag galit siya, hindi siya nito kinaya.

“Hey Lady, ano bang ginagawa mo?!” sabi nito sa kanya na tila iritang-irita. Hindi niya ito sinagot o ni hindi man lang tumingin dito. Kailangan niya itong dalhin sa isang lugar kung saan sila lamang dapat ang tao para masaktan este makausap niya ito nang matino.

Mabilis naman siyang nakakita ng isang area kung saan walang tao. Doon niya ito dinala upang kausapin nang masinsinan. Isinandal niya ito sa pader at ganoon na lamang ang gulat niya nang maisandal niya ito ay bigla naman nitong nilapit ang mukha nito sa kanyang mukha at hinalikan siya. Bigla siyang napapikit ganoong hindi niya pa masyadong nakikita ang tila inis na inis na itsura at mukha nito.

Hindi niya alam kung tama ba ang reaksyon ng mata niya na bigla na lamang mapapikit. Hindi ba at dapat nanlalaki ang mata niya dahil sa kapangahasan na ginagawa nito sa kanya? Pero nang lumapat ang malambot na labi nito sa labi niya ay sa halip na mainis ay parang sumarap pa yata ang pakiramdam niya.

Bumilis din ang tibok ng puso niya at tila naging gelatine bigla ang tuhod niya. It was the first time she had kissed by a man. Ganito ba ang feeling ng hinahalikan? Parang lumilipad yata ang kaluluwa niya dahil sa kasiyahan. Hindi niya maitanggi ang masarap na sensasyon na bumabalot sa katawan niya dahil lamang sa ginawang halik nito.

What, Lady? Nasasarapan ka sa halik ng hinayupak na babaerong ex ng best friend mo? Sigaw ng isang bahagi ng isip niya na siya namang nagpabalik sa kanya sa realidad.

What the heck was she thinking? Ni noon ay iniismid-ismidan niya lamang si Rene tapos ngayon ay para siyang ungas na masasarapan sa halik nito?

Pero ganoon na lamang ang gulat at panlalaki nang mata niya nang makitang hindi ang lalaking hinahanap niya ang nakuha niya. Ang masama pa, ngayon niya lamang nakita sa buong tala ng buhay niya ang mukha ng lalaking iyon.

God, ano ba itong napasukan ko?! Garagal ng wika ng isip niya.

“NICE legs, Honey,” papuri ni Agustin Guirado Jr. o Guji sa nakararami nang makita niya ang babaeng lumapit sa kanya. He knew the girl by face but he can’t remember her name. Is it Shiela, Shenee or Shelly? Hindi na talaga niya maalala. Kaya naman para hindi siya mapahiya, nagsabi na lamang siya ng endearment na “Honey” para idugtong sa papuri niya dito. Ganoon kasi ang madalas na gawin niya kapag nakakita siya ng isang babae na hindi niya kilala o hindi niya maalala. Pero kahit naman ganoon, totoo ang papuring sinabi niya dito. Ang babaeng kalalapit lamang sa kanya ay maganda talaga ang legs.

“Eh ako, Guji, hindi mo ba napapansin ang legs ko?” wika naman ng isang babaeng hindi niya rin maalala ang pangalan habang itinataas pa sa kanya ang knee length dress nito. Tila inaakit-akit pa siya nito base sa tinging ibinibigay nito sa kanya.

“Oh, you also had nice one, Sweetheart.” sabi niya habang tinitignan iyon at hinawakan. Humagikgik naman ito na tila tuwang-tuwa pa sa ginawa niya. Hindi niya rin maalala ang pangalan nito kaya Sweetheart na lang ang sinabi niya.

“Hmmm... I know I’m small so I don’t have spider legs. Pero hindi katulad ng height ko ang hinaharap ko. Don’t you think so, Guji?” sabi naman ng isang babaeng pinangalanan na lang niyang “Dear” kanina dahil hindi rin niya maalala ang pangalan kahit alam niyang nakasalamuha na niya ito noon. Sadyang lumiyad pa ito sa kanya para ipakita ang retokadang boobs nito.

Ngumisi na lang siya bilang tugon. Obviously these girls are flirting with her. Kasalukuyan siyang nasa isang bar ngayon sa kaya natural na iyon. Isa pa ay kilala siya sa elite society kaya marami talaga ang gustong makisama sa isang katulad niya. Sino nga ba naman kasi ang hindi? He was Agustin Guirado Jr.. The sole heir of Guirado construction firm, drop-dead gorgeous and a young millionaire. Maraming babae ang may nais makuha ang atensyon niya dahil sa mga katangian niyang iyon.

Marami ang nagsasabing playboy siya dahil halos gabi-gabi ay iba-iba daw ang babae niya. Isama pa doon na kapag nasa isang bar siya ay puro babae ang nakapalibot sa kanya. Kaya naman sa dami ng nakasalamuha niyang babae ay ni hindi na niya maalala ang lahat ng pangalan ng mga ito. Pero wala naman siyang magawa. Bilang isang lalaki ay hindi rin naman mapahindi-an ang mga babaeng nais mapalapit sa kanya. He was just a man and a man always loves the attention of a woman. Lalo na iyong mga babaeng magaganda at alam niyang willing niyang makasama kahit saan na walang kaugnayan kundi ang isang magandang alaala.

Kaya naman kung may maiinis man sa kanya ngayon---babae o lalaki man dahil sa maraming babaeng nakapalibot sa kanya, wala siyang magagawa. Babae ang lumalapit sa kanya at isa lamang siya sa libu-libong lalaki na mabilis maakit sa mga magagandang babae. Ika nga, babae na ang lumalapit sa manok kaya hindi na rin makatanggi ang manok dito.

“Sino ba ang pipiliin mo sa amin ngayon, Guji?” sabi ng babaeng sinabihan niya ng Honey kanina.

“Hmmm...Puwedeng all?”

Nagtinginan ang tatlo. Mukhang hindi naman nainis ang mga ito sa sinabi niya bagkus ay numingning pa ang mga mata na para bang binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang milyon ng mga sandaling iyon. Humagikgik pa ang mga ito na tila excited dahil sa sinabi niya.

“All right, I like the idea, Guji,” sabi ng maliit na babae na may malaking boobs at hinaplos-haplos pa ang braso niya. Ang dalawang mahaba naman ang legs ay humalik pa sa pisngi niya.

Napa-iling-iling na lamang siya. Patuloy ang paglalambing sa kanya ng tatlo nang bigla na lamang siyang makaramdam ng isang kamay na humablot sa likod ng polo niya.

“Oh my! Guji!”

“Anong ginagawa mo sa Guji namin?!” angal naman ng isa.

“Bitawan mo siya!”

Bumaling ang babae sa tatlo pero hindi tumitingin sa kanya. Binigyan nito ng nanlilisik na tingin ang mga babaeng kasama niya kaya nawalan ng imik ang tatlo siguro ay dahil sa takot. Para kasing isang babaeng ni toro ay lalabanan para lamang maalis siya sa harap ng mga babaeng iyon.

Siya naman ay tila isang sinulid lamang sa gaan kung hilahin ng babaeng iyon. Nakikita niya sa gilid ng mata niya ang itsura nito at nasisiguro niyang ni hibla ng buhok nito ay hindi niya pa nakikita o nahahawakan man lang sa buong buhay. She also looked so simple. Naka-long sleeve shirt pa ito at jeans lamang. As far as he knew, wala pa siyang babaeng inaagrabyado na ganoon kasimple pumorma. Palaging isang babaeng tila rarampa sa mga fashion shows ang mga nagiging babae niya kung manamit.

“Hey Lady,” sabi niya nang malayo-layo na rin ang narating nila. “Ano bang ginagawa mo?”

Pero hindi pa rin siya nito pinapansin. Bagkus ay hinila pa rin siya papunta sa isang area sa loob ng bar kung saan walang katao-tao.

Ano kayang mayroon sa babaeng ito? Gusto niya ba akong gawan ng masama? Aba, aba. Makakatikim ito sa akin. Wala pang nangugulo kay Guji Guirado! Sabi niya sa isip habang hila-hila pa din siya nito.

Kaya naman nang isinandal siya nito sa pader ay bigla na lamang niya itong hinalikan sa labi bilang ganti sa pagpapahiyang basta na lamang siya nitong hinila sa harap ng maraming babae. Doon niya napagtantong hindi niya kilala talaga ang babae dahil nakita na niya nang malinaw ang mukha nito dahil sa pagkakaharap nilang dalawa. Pero hindi niya alam kung bakit ang halik na ibinigay nito sa kanya ay nagbigay din sa kanya ng damdamin na hindi niya kilala. Na hindi niya pa nararamdaman sa buong buhay niya.

Her lips were sweet and soft as marshmallows. Marami na siyang nahahalikang ganoong klase ng labi pero ngayon lang yata siya natigalgal at nakaramdam ng kung anong biglang lumukso sa may dibdib niya nang dahil doon. Hindi niya ba alam kung dahil iyon sa nagustuhan niya ang reaksyon nitong sa halip na lumaki ang mata sa pagkagulat ay pumikit pa ito na tila ninanamnam ang bawat paglapat ng labi niya sa labi nito.

Tinitigan niya nang husto ang mukha nito habang hinahalikan. Masasabi niyang maganda ito. Mahaba ang buhok, matangos ang ilong at maputi ito. Makinis ang mukha nito at parang allergic ang tagihawat sa mukha nito dahil ni isang marka ay wala iyon. Pero sandali lamang niyang naggawa ang pagtitig dahil nang mukhang matauhan ang babaeng humila sa kanya ay tumama na ang reaksyon nito. Nanlaki ang mata nito at sinampal siya sa pisngi. Pinagbabayo pa nito ang dibdib niya at pakiramdam niya ay mawawalan yata siya ng oxygen sa katawan dahil sa lakas noon. Inawat naman niya ito nang mahimasmasan siya.

“Hey Lady, stop it, okay?! Sino ka ba, ha? At bakit mo ako hinila na lang basta?!”

“What? You know me?” tila gulat na gulat pang sabi nito. Tumigil ito sa pagbabayo ng dibdib niya.

“Huh? Hindi. Eh ikaw, kilala mo ba ako?”

“Eh bakit mo ako tinawag na Lady?”

“Hindi ko alam. Endearment, perhaps? Iyon ba ang pangalan mo? Hindi kita kilala. Eh ikaw? Bakit mo ako dinala dito? May balak ka bang masama sa akin, ha?”

“Wala! Pero ikaw yata ang mayroon! Hinalikan mo ako!” para bang sa ginawa niya ay ginawa na niya ang pinakakarumal-dumal na kasalanan sa mundo dahil sa sinabi nitong iyon.

“Ginawa ko iyon upang parusa dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa akin nang bigla mo na lamang akong hilahin basta kasama ang mga babae ko! So tell me, sino ka nga?!”

Tumiim ang bagang nito saka bumuntong-hininga. “I got the wrong guy,” mahinang sabi nito.

“What?”

“Hindi ikaw ang kailangan kong kausapin. Hindi ikaw si Rene,”

“Rene? You mean Rene Abellino?” sabi niya na ang tinutukoy ay ang isa din niyang kaibigan na madalas tumambay sa bar na iyon.

Tumango ito. “Magkamukhang-magkamukha kayo sa back view,”

“Oh yeah. Marami nga ang nagkakamali sa aming dalawa dahil pareho kami ng built at height. Pero kapag nakaharap ay magkaibang-magkaiba ang itsura namin,” pagpapaliwanag niya. Totoo iyon. Ilang beses ng may nagkamali sa kanilang dalawa dahil halos pareho sila ng back view.

Nanantiyang tinignan niya ang babae. “Bakit, isa ka ba sa mga babae niya?”

“What? Hindi, ah! Hinding-hindi ako papatol sa mga manlolokong kagaya niya `no!”

“Hmmm... Okay. I doubt kung papatulan ka din naman niya,” mahinang sabi niya.

Tila naging tigre ang itsura nito. “May sinasabi ka?”

Nagkibit-balikat siya saka ngumisi. “Wala,” sabi niya. He knew Rene at alam niya ang type nitong babae. The guy will never go out with a woman like this. Kahit kasi mala-anghel ang itsura nito, sa ginawa naman nito sa kanya nahalata niyang para ito ay iyong tipo ng babae na gagawing under ang lalaking magiging nobyo nito. “Anyway, nice meeting you, este, nice kissing you, Lady,”

Nag-wink pa siya dito bago siya umalis. Tinangka siyang habulin nito pero nang makita nitong may parating na tao ay napatigil ito. Ngiting-ngiti siya habang pinagpapatuloy ang kasiyahang naiwan kanina habang patuloy pa ring nagre-replay sa kanyang utak kung ano ang kakaibang naramdaman nang maglapat ang labi niya at ang dalagang Lady nga yata ang pangalan. For the first time in his life, umangkop ang endearment na ginamit niya sa totoong pangalan ng isang babae.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.