With You Series Chapter 27

AM I still alive after three months? Frances thought when she finally entered James townhouse. Kinabukasan pagkatapos niyang magdesisyon ay k-in-ontact na niya ito upang tanungin kung kailan siya puwedeng magsimula bilang “kasambahay” nito. Ipinagpasalamat niya pa noong una na pinayagan siya nitong magtrabaho rin ng araw rin na iyon dahil na rin sa pagpapaalis sa kanya ng land lady niya. Pero ngayong nakita na niya ang itsura ng bahay nito, parang gusto na lang niyang kumuha ng lata, shades at gitara para mamalimos na lamang sa kanto para makaipon ng pambayad dito dahil sa dumi ng bahay nito.

“Kailan nga umalis ang kasambahay mo?” hindi niya maiwasang maitanong dito. Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng sala nito dahil nagkalat doon ang ilang damit, CD’s, supot ng mga pagkain at dalawang malaking box ng pizza. Sumasakit na agad ang ulo niya, tinitignan pa lamang niya iyon. And to think na sala pa lamang ng bahay nito ang nakikita niya. Paano pa kaya ang iba?

“The day when we met again,” parang balewala lang na sagot nito.

“So you mean isang araw pa lang? Tapos ganito na agad kakalat ang bahay mo?!” gusto niyang tampalin ang noo sa sobrang pagkagulat.

“You can’t blame me. I’m a man. Hindi ako marunong maglinis. Kaya nga kinailangan ko ng katulong `di ba?”

“Pero daig mo pa naman ang may sampung anak dahil sa sobrang kalat nito!”

Nagkibit-balikat lang ito. “Nandiyan na `yan kaya `wag ka ng dumakdak pa. `Yan ang consequence mo dahil sa naggawa mo. Kung tutuusin ay napaka-light na nga noon kumpara sa damages na nagawa mo sa kompanya ko kaya `wag ka ng magreklamo pa,”

“Sabi ko nga,” wika na lamang niya para magtigil na ito. Masyado na rin siyang natatamaan sa mga pinagsasabi nito kaya ayaw na niya itong pagsalitain pa tungkol sa naggawa niyang katangahan. Inilibot muli niya ang paningin sa buong paligid at saka lang niya napansin ang isang hawla sa may terrace ng unit. “May alaga kang rabbit?”

Tumango ito saka pumunta sa kinaroroonan ng hayop. “This is Robbie. Bukod sa bahay ko, isa rin siya sa mga aasikasuhin mo,”

Lumapit rin siya roon. Malaki ang rabbit at puting-puti ang kulay noon. Katulad ng karaniwang rabbit ay mukhang mabait naman iyon. Hindi man siya sanay na may alaga sa bahay, sa tingin naman niya ay makakasundo niya ang rabbit. Nakakulong naman iyon at wala naman siyang problemang pangkalusugan.

“Hello Robbie. Mabuti ka pa, ang linis-linis mo. Kabaligtaran nitong bahay na tinitirahan mo,” hinawak-hawakan niya ang rabbit pero napatigil siya nang sumigaw si James ng “don’t”. Tumaas ang isang kilay niya. “At bakit?”

Kinuha nito si Robbie at inilayo sa kanya. “Mukhang hindi ka pa naliligo kaya naman bawal mong hawakan si Robbie,”

“Aba’t ang arte ng---“

“Robbie is a gift from a special girl of mine and because of that, he’s special, too.”

“So you mean bigay siya ng girlfriend mo?” pakiramdam niya ay may tumusok na karayom sa puso niya habang sinasabi iyon.

“Parang ganoon na nga,”

Ouch, gusto sana niyang sabihin dahil sa narinig na kompormasyon. “Okay. So kailangan ko pala siyang alagaan nang mabuti dahil if ever na dumating ang girlfriend mo rito ay baka pagalitan niya ako kapag pinabayaan ko siya,”

“Well, of course. Pero mukhang matagal pa na dumating si Angeline dahil nasa ibang bansa ito. She’s currently Paris working as a contract model there,”

Whoa! Anong laban ng ng isang hamak na writer na kagaya niya sa isang model? Saklap!

Tumango-tango na lamang siya sa sinabi nito.

“Kung napapabayaan ko man itong bahay ko, I always make sure Robbie isn’t. So you should also treat him special. Bawal mo siyang hawakan ng hindi ka pa naliligo at palagi mong siguraduhin na kumakain siya sa tamang oras,” may itinuro itong isang lata sa tabi ng hawla ng rabbit. “`Yan ang pellets na ipapakain mo sa kanya at `yan naman ang bote na nakalagay sa hawla ang siyang lalagyan mo ng tubig kapag nakita mong paubos na,”

So dalawa pala ang amo ko rito, Kung kanina ay parang natutuwa pa siya sa rabbit, ngayong alam na niya ang history nito ay parang gusto na rin niyang igaya ito sa estado ng bahay ni James. Bigla kasi siyang nainis sa isang `di niya maipaliwanag na kaalaman dahil sa nalaman niyang bigay pala ito ng special na babae kay James. Ang akala niya ay walang girlfriend si James dahil sa sinabi sa kanya ni Lucy. Pero mali pala ang nakalap na impormasyon ng kaibigan niya dahil si James mismo ang nagsabi sa kanya noon.

O, bakit naman affected ka? Crush mo si James `no? Or more than that?

Mas lalo siyang nainis dahil sa naisip niya. Crush na nga ba niya si James? Pero makalipas ang ilang taon ay ngayon lamang sila muli magkita. Noon ay wala naman siyang kakaibang nararamdaman dito. `Di ba’t hindi nga niya ito pinagtuunan ng pansin? Tapos ngayon, affected naman siya sa kaalamang may girlfriend ito. Oo at naakit siya sa katawan nito. Siguro nga ay crush niya si James dahil sa gandang lalaki nito. Pero more than that? Hindi siya sure. At wala siyang balak siguraduhin dahil ayaw niya lalo na ngayong may nalaman pa siya.

Pero bakit ganito ang nararamdaman niya?!

Inilagay muli ni James sa hawla ang rabbit at ikinulong. “So you take care of my buddy. Aalis na muli ako dahil marami pa akong naiwang trabaho sa opisina. Ikaw na ang bahala dito sa bahay ko. May mga frozen goods naman sa refrigerator o kung hindi mo naman type ang nandoon para lutuin, may mini-grocery sa baba. Mag-grocery ka kung gusto mo o kung gusto mong mag-order na lang sa labas ng makakain. May pera sa cupboard na puwede mong gamitin,” sabi nito saka iniwan na siya.

Napaupo muna siya sandali sa sofa habang iniisip kung paano sisimulan ang paglilinis.

PAGKABUKAS ni James ng pinto ng bahay niya ay agad na bumulaga sa kanya ang mabangong amoy ng adobo. Dahil pagod at gutom sa trabaho ay agad na hinanap niya kung saan nanggaling ang mabangong amoy na iyon. Pero bago pa siya makapunta sa kusina ay napatigil siya nang mapansin ang babaeng sa tingin niya na may gawa ng amoy noon na mahimbing na nakahiga sa sofa ng unit niya. Pinagmasdan niya ito habang natutulog.

Noon pa man ay mahaba na ang buhok ni Frances. Aside from the fact that he loves her independency back then, isa sa mga nagpa-captivate sa kanya noon ay ang buhok nito. It was shiny and looks so soft. Parang kaysarap hawakan noon kahit na ba ngayong nakahiga ito ay magulo ang pagkakaayos noon. Tila kay payapa rin ng mukha nito habang natutulog, kaiba na lamang kapag gising ito dahil palagi siyang inaaway ito. She looked like an angel right now. And it felt like something touched on his heart just because of looking at her.

Kahit na ba siya ang may kagustuhan ng lahat, hindi pa rin siya makapaniwalang mangyayari iyon sa buhay niya. Just because of a mistake, his first love was there on his pad and serving him. And its just a day since it happened. Napakabilis ng pangyayari. Pero hindi naman niya maiwasang ma-excite sa maaring magiging susunod pa roon.

Even if he doesn’t like her anymore, still, there’s a part of him saying that he missed her so much. Hindi man siya nito binigyan ng pagkakataon para makalapit ng husto rito noon, malaki pa rin ang naging significance nito sa buhay niya. At pakiramdam niya, sa pagbabalik muli nito ay mukhang magiging ganoon rin ito muli sa buhay niya. Kagabi ay halos hindi siya mapagkatulog sa pag-iisip kung papayag ba ito sa gusto niyang option para mabayaran nito ang kasalanang nagawa nito sa kompanya niya. May bumubulong sa kanya na trouble ang magiging dala sa kanya ni Frances, pero may malaking bahagi ng puso niya na gustong-gusto na um-oo ito sa option na ibinigay niya rito. And thank God she really did.

Ang kailangan mo lang talaga ay pagpipigil diyan sa puso mo na muling tumibok para sa kanya lalo na at tatlong buwan kayong magsasama,

Napabuntong-hininga siya sa naisip na iyon. He really needs to do that. Hindi siya puwedeng ma-in love rito. Nasa buhay na niya si Angeline. Si Frances ay parte lamang ng nakaraan niya na nagbabalik. He maybe head over heels to Frances back then pero hindi niya puwedeng ipakita iyon dahil may espesyal na babae na sa puso niya.

Pero hindi naman niya mapigilang hindi pa rin mapatitig sa mukha nito sa kabila ng pagpipigil niya. Ganoon yata talaga ang epekto nito sa kanya. Noon ay ganoon rin siya rito. Sa kabila ng pagpipigil niyang huwag magpalapit rito dahil alam niyang parang heartbreaking machine lamang ito. Parang invicible lang kung ituring nito ang mga tao sa paligid. Pero kahit ganoon ang trato nito sa kanya ay hindi naman niya magawang balewalain ang natatamdaman niya kapag nakikita niya ito. Sinubukan niya na ligawan ito sa kabila ng ilang beses a pagbabanta sa kanya ng mga kaklase niya na sasaktan lamang siya nito. She was simply irresistible. But then, siya naman ang kabaligtaran nito dahil na-resist nito ang charms niya. Si Frances ang unang babaeng sumira ng puso niya pero bakit sa halip na galit ang nararamdaman niya rito ay parang unti-unti pang bumabalik ang nararamdaman niya rito noon kahit na ba ilang araw pa lamang naman silang nagkikita?

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Frances. And Lord, that sight looks so beautiful. Sandaling kumurap-kurap muna ito hanggang sa mapansin niyang gumalaw ang labi nito. Napalunok siya nang matitigan naman iyon dahil nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam dahil lamang sa pagtitig doon. It felt like he wanted to kissed her right at this moment.

God, kaya mo ba talagang pigilan `yang sarili mo, James, kung isang araw pa nga lang siya diyan sa bahay mo ay kung ano-ano na ang iniisip mo?

“Nandito ka na pala,” wika nito at bumangon. Pero kahit ganoon ay nanatili pa rin siyang nakatitig dito. “O bakit?”

“Ha?”

Medyo kumunot ang noo nito. “Bakit ka nakatitig sa akin?”

Namula siya. “Ah, eh---“

“Ih?”

Siya naman ang kumunot ang noo. “Ano?”

Tumawa ito. “Para ka kasing nagbibigkas ng patinig. Dinugtungan ko lang,”

“Ah...”

“Eh...”

Napangiti siya. “Niloloko mo na ako, eh,”

“Eh ikaw kasi hindi mo ako sinasagot, eh,”

Napakamot siya ng ulo na para bang sa paraang iyon ay makakahanap siya ng sagot. Pero mabuti na lamang at nakaisip nga rin siya. Effective rin pala iyon kahit papaano. “May muta ka kasi sa mata mo,”

Bigla naman itong na-conscious at pinunasan ang gilid ng mga mata nito. Tumingin pa ito sa maliit na salamin na nakapatong sa may center table. “Wala naman, ah,”

Tumayo na siya at tumalikod para hindi nito mahalatang nagba-bluff lang siya. “Naalis ko na kasi,” sabi niya at nag-umpisa nang maglakad sa kusina. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanya. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay.

“Hmmm... I have a feeling na iba ang dahilan kung bakit ka nakatitig sa akin?”

Natigilan siya. Nahahalata ba siya nito? “A-ano?”

Ngumisi ito. “Gusto mo akong halikan `no?”

Ginawa niya ang lahat ng paraan para makaisip ng magiging alibi niya. “Ikaw, hahalikan ko? Hah! Kung inaakala mo na may gusto pa rin ako sa `yo kagaya noong highschool, aba’t nangangarap ka ng gising, hija.”

Tinitigan siya nito. Pakiramdam niya ay para siyang matutunaw ng dahil doon kahit sandali lang naman iyon. Pero isang hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang lumakas naman ang tibok ng puso niya.

“Okay,” parang balewala lamang na sabi nito sa kanya but he saw her lips twitched.

“What’s that?” hindi niya napigilang magtanong dahil na rin sa pagtataka sa nakitang reaksyon ng mukha nito.

“Anong “what’s that” ka diyan?”

“You twitched your lips. Mukhang may tinatago ka sa akin, ha?”

Tumawa ito. “Ako may itinatago? Baka ikaw,” pagkatapos ng tawa nito ay ngingiti-ngiti ito sa kanya.

Lalo siyang nagtaka at nangulubot ang noo dahil sa sinasabi nito. Tinignan niya ito sa mata dahil nagbabaka-sakali siya na kung gagawin niya iyon ay malalaman niya ang nasa isip nito. Napansin niyang tumingin ito sa may center table ng sala niya at nakita niya na nakapatong roon isang lumang photo album. Parang kinagat ng sampung langgam ang pisngi niya nang maalala kung ano ang mayroon doon.

“Damn! Bakit mo pinakialaman ang album na `yun?”

“Nakita ko kasi `yung pangalan ko sa front page kaya `yun, na-curious ako,”

Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa pagiging careless. “Uggh! Fine! But that was way back then. Naka-moved on na ako ngayon sa `yo. Nagka-girlfriend na ako pagkatapos mo `no!”

“Hmmm... Eh bakit parang ang defensive mo?”

“Ayaw ko lang na mag-isip ka ng kung ano pa dahil lamang sa nakita mo roon,” sagot naman niya. Aaminin niyang nakakahiya talaga kung makikita nito ang ginawa niya sa photo album na iyon. Pero bata pa siya noon. Baduy at sobra pa ang pagka-hopeless romantic niya dahil unang beses pa lamang niya na ma-in love. Nilagyan niya kasi ng heart ang lahat ng larawan nito roon at naglagay pa ng mga corny captions sa picture nito like... “the most beautiful girl on earth”, “she’s my everything”, “you make my world spin everyday” at marami pang iba. He was still the stupid James who is hopelessly in love with her when he did that stupid thing. At ang stupid rin niya ngayon dahil nakalimutan niyang ipasok muli iyon sa loob ng kuwarto kung saan hindi nito iyon makikita. Inilabas niya kasi kagabi iyon upang mag-reminisce sa naging nakaraan nila. Napapangiti siya pero at the same time ay naiinis siya. Naiinis siya kapag naalala niyang sayang lang lahat ng efforts niya dahil hanggang maka-graduate sila ng highschool ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Hindi man siya nito tinuluyang basted-in ay parang ganoon na rin iyon dahil hindi naman siya nito pinansin. Nagpakatanga siya noon dito.

“Okay,” inulit na naman nito ang makamandag na balewalang tono nito ng “okay”. Bigla siyang nakaramdam ng pagkairita. Pakiramdam kasi niya ay bumalik na naman ito sa Franceska na kilala niya noong highschool pa lamang sila. Paano kasi ay ganoon lamang palagi ang mga sagot nito. Noon ay tango, iling o di kaya ay “okay” lang ang madalas na nakukuha niyang tugon rito. Minsan ay naiirita na rin siya pero dahil gusto nga niya ito, hinahabaan niya ang pasensiya niya. Kaya naman kung papiliin siya kung sino ang gusto niya sa noon at ngayong Frances, ang ngayon ang pipiliin niya. Mas gusto niya itong nakikipag-argumento sa kanya kakatulad na lamang ng ginagawa nito ng mga nakalipas na araw.

“Iyon lang?”

“Bakit? Gusto mo pa bang magtanong ako?”

“H-hindi naman. Iyon nga lamang, napapansin ko kasi na malaki ang pinagkaiba mo ngayon kaysa noon. Ngayon kasi, palagi na lang may sagot ka sa bawat sasabihin ko. Marami kang dada. Hindi katulad noon na kaya mo yatang hindi magsalita buong maghapon. Para kang loner. Ni hindi mo nga ako pinapansin noon.”

Nagkibit-balikat ito. “People change. May mga nagsasabi rin naman na loner pa rin ako ngayon pero madalas ay sa mga panahon na lang na nagme-meditate ako sa pag-iisip ng gagawin ko sa mga nobela ko. Hindi mo pa lang siguro napapansin dahil hindi pa naman tayo nagkakasama ng matagal. Napapadaldal rin kasi ako kapag may kasama ako sa isang lugar. Well, siguro ay hindi ako ganoon dati pero sabi ko nga sa `yo, lahat ng tao ay nagbabago. Medyo nagbago rin kasi `yung ugali ko noong nag-college ako. I have learned to tell my thoughts not only in writing but also with few people like my friend Lucy. And kung gusto mo rin itanong ang tungkol sa nangyari sa akin kahapon, I talked a lot and I lose control whenever I am in a situation like that. Its not only when I’m in fear I lose my control. Hindi ko alam kung bakit pero ganoon ako kapag nakakita ng katawan ng isang lalaki. Sabi nila, madali daw akong maakit at weakness ko raw `yun. Natitigalgal at kung anu-ano ang nasasabi ko na hindi naman talaga ako kapag nakakita ng magandang katawan ng isang lalaki,”

Natawa siya sa paliwanag nito. “Grabe, hindi ko akalaing magiging ganyan ka, Frances. Dati ay ni hindi ka man lang makatingin sa akin ng diretso tapos ngayon kapag nakakita ka ng katawan ay nag-iiba ang takbo ng utak mo? That’s a big change, huh?”

“Hello James? Lampas isang dekada na simula nang huli tayong magkita at malaki na dapat ang pinagbago ko dahil mahabang taon na rin `yun. Isa pa, dahil na rin siguro sa mas lumawak pa ang imagination ko kaya ganito ang nagiging takbo ng utak ko. Pero hindi naman ibig sabihin noon na gusto ko `yun `no. Actually, nahihirapan nga ako, eh, `yun nga lang ay hindi ko talaga mapigilan,”

Napangiti siya. “Ganoon ba? So ibig sabihin kapag hinubad ko itong shirt na suot ko, babalik ka muli sa kagaya ng nangyari sa `yo kahapon?” unti-unti niyang tinaas ang T-shirt niya.

Nanlaki ang mga mata nito at ibinaba iyon. “Ikaw talaga ang nagbago sa ating dalawa! Hindi ka naman dating ganyan, ah! Mabait ka naman noon pero ngayon ang bastos mo na!”

Lalong lumawak ang ngiti niya. Of course he was as good as a lamb before. Lalo na kapag kaharap niya ito. Maloko rin siya noong highschool siya pero simula nang magkagusto siya kay Frances ay binago niya ang ugali niya. He tried to be the best and a perfect guy just to impress her. Pero dahil balewala lang din naman ang lahat ng efforts niya ay nagbalik siya sa pagiging malokong si James pagkatapos pumitik sa kanyang utak na wala siyang mapapala rito. At dahil ngayon ay pinaiiral rin naman nito sa kanya ang tinatago pala nitong kalokohan sa katawan, ganoon rin ang ginagawa niya rito ngayon.

“Talaga? O `yang isip mo lang talaga ang bastos?” tinanggal niya ang kamay nito na nasa T-shirt niya at tinuloy ang balak niya. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata nito at naging kasingkulay ng kamatis ang pisngi nito. Sinulyapan nito sandali ang katawan niya pero tumalikod rin pagkatapos.

“Nilinis ko na ang buong bahay mo kaya wala ka ng marereklamo. Nagsaing na rin ako at nagluto ng adobo diyan para makain mo. Sa kuwarto lang muna ako dahil may kailangan nga pala akong gawin doon sa manuscript ko,” dumire-diretso na ito sa kuwarto.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa dating kuwarto ni Aling Celia. Hindi niya maiwasang mapangiti. Alam na niya ang sandata niya rito kung sakaling gusto niyang makita ang namumula pero cute na mukha nito para sa kanya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.