You’re Still My Man (Filipino) Chapter 86

Niyakap ni Maki ang tuhod at pinagmasdan ang madilim na dagat na may tuldok ng ilaw mula sa mga bangka ng mangingisda sa laot. “I am a Rubella, Benedikt. Kahit bali-baligtarin ko ang mundo, mananatili akong isang Rubella. Hindi ko mabubura ang kasaysayan ng pamilyang ito na nananalaytay sa dugo ko. Anuman ang masamang nangyari sa pamilya ko, kahit gaano ko man sila kamuhian sa ginawa nila kay Mama at sa akin, hindi ko rin naman mababago kung sino ako. Marami akong masasayang alaala dito lalo na noong bata ako. Dito ko naranasan na magkaroon ng buong pamilya – may mga magulang na nagmamahal sa akin at lolo at lola na enjoy akong i-spoil.”

Nilingon niya ang binata. “And we have so many good memories here. Naalala mo ba nang buksan itong resort at nagalit si Mommy Santina dahil pinagbigyan ko ang mama mo na tumugtog ng piano sa harap ng mga bisita? Dito mo ako natagpuan sa buhanginan na mag-isa. Nawala na lahat ng sama ng loob ko nang yakapin mo ako. Tapos naghabulan tayo sa buhanginan at nakipaghabulan sa mga alon na parang mga bata.”

“At pumasok tayo sa loob ng mansion nang patago dahil tiyak na mapapagalitan tayo kapag nakita nila tayong basa at puro buhangin,” he said with fondness in his voice. “Bad influence ka talaga, Maki.”

Pagak siyang tumawa. “Kasi kapag kasama kita saka lang naman ako nagiging malaya. Kapag kasama kita saka ko lang malayang naie-express ang sarili ko. Walang tama o mali.”

Hanggang dahil sa pinili niyang maging malaya ay nagsimula siyang gumawa ng mga desisyon na nakasakit sa mga mahal nila sa buhay. Nagsimulang sumikip ang mundo nila at kahit si Benedikt ay di siya nagawang protektahan mula sa mga patakaran na ini-impose sa kanya. Mga bagay na tama sa paningin ng lipunan at alta sociedad habang dahan-dahang pinapatay ang pagkatao niya. Hanggang ang tanging paraan lang niya para patuloy na makahinga at maging malaya ay ang iwan ang talikuran ang buhay na nakagisnan niya at lalaking mahal niya.

“You are crying,” anang si Benedikt at hinaplos ang pisngi niya.

“Sorry. T-That is really silly,” aniya at suminghot. “H-Hindi ko lang inaasahan na maging emotional ako.”

Kinabig siya nito at ihinilig siya sa dibdib nito. “That’s okay.”

Naghalo-halo na ang alaala sa kanya. Ang masaya at ang malungkot. But at the end of the day, she was just happy that she was home and she was back in Benedikt’s arms.

Hinaplos ni Benedikt ang buhok niya hanggang humupa ang emosyon niya at tumigil ang paghikbi niya. Tahimik lang siya habang pinakikinggan ang paghampas ng puting alon ng dagat at ang tibok ng puso ni Benedikt. Nami-miss niya ang ganito. Sila lang dalawa sa mundo at hindi sila nagtatalo.

“Maki,” untag ni Benedikt sa kanya.

“Hmmm,” aniyang di inalis ang pagkakasandal ng ulo sa dibdib nito.

“I am glad that you don’t hate me for bringing you here.”

Tingala niya ito. “I could never hate you, Benedikt. Kahit paulit-ulit mo pa akong saktan, di ko magawang magalit sa iyo. At gusto ko lang malaman mo na pinasaya mo ako ngayong gabi.”

“You also made me so happy.”

Tumaas ang kilay niya. “Because I acted like the perfect girlfriend?”

He touched the bridge of her nose and there was wonder in his eyes as if he couldn’t believe that she was there and he was touching her. “No. Because you are perfect.”

Air rushed to her lungs. Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng mga mata niya dahil medyo madilim ang liwanag mula sa lamp post na nasa likuran nila pero nakikita niya ang damdamin sa mga mata nito. Ganoon din siya kung tingnan ni Benedikt noon na parang siya ang pinakamagandang bagay sa paningin nito.

“Benedikt, don’t say words you don’t mean,” babala niya dito. Ayaw niyang umasa. Baka mamaya ay nadadala lang ito ng romantic atmosphere ng gabing iyon o ng magandang liwanag ng buwan. Ayaw niyang madismaya lang pagkatapos.

He created circles on her cheek using her thumb. “Maki, I want to hate you as well. Pero tuwing tinutugtog mo ang musika mo, tuwing naririnig kitang kumakanta, tuwing nakikita kitang nakangiti sa akin, lahat ng sama ng loob ko sa iyo pati ang nakaraan ay naglalaho hanggang ikaw na lang ang matira at ang nararamdaman mo sa akin. What are you doing to me, Maki?” tanong nito sa naghihirap na boses at mariing hinalikan ang noo niya. Na parang hindi nito ang alam kung anong gagawin sa nararamdaman nito.

“H-Hindi ko rin alam.” Ayaw niyang sabihin dito na pareho lang sila ng nararamdaman. Na baka mahal pa rin siya nito. She didn’t want to scare him away. Kahit na huwag nitong sabihin na mahal siya nito basta naroon lang siya sa tabi nito.

Kinintalan nito ng halik ang labi niya. She opened her lips because she was hungering for more but his lips touched her ear instead. “I wish you played that piece.”

“What piece?” tanong niya.

“Yung original composition mo. ‘Yung tinugtog mo para sa La Reina Resort. That was beautiful. Probably your most beautiful composition. Hindi ko lang alam kung bakit parang pamilyar iyon sa akin. Tinugtog mo na ba iyon dati?”

Lumunok siya. “It was our wedding waltz.”

“What?” bulalas nito.

“It was supposedly our wedding waltz.” Yumuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Kinakabahan siya na magbago ang opinyon nito kapag nalaman nito kung para saan ang piyesang iyon.

“Maki, sana iyon ang tinugtog mo kanina. I am sure magugustuhan din iyon nila Tita Susan at mga bisita.”

Lumabi siya. “Ayoko. May masamang alaala ako sa kantang iyon.”

“Dahil hindi natuloy ang kasal natin?”

Ibinalik niya ang tingin dito na may kasamang akusasyon. “Nang tugtugin ko iyan sa opening ng resort para sa iyo, ibang babae naman ang isinayaw mo.”

“Si Hannah?”

Marahan siyang tumango at iniwas ang tingin para di na nito kung gaano siya nasaktan. “It broke my heart, Benedikt. Kahit na iniwan kita noon, sagrado sa akin ang wedding waltz na iyon. I created it for our wedding only to see you in the arms of another girl.” Parang pinapatay siya nang mga oras iyon na iyon.

“And you cried because of that.”

“Alangan namang magsaya ako,” pakli niya. Parang gusto na naman niyang maiyak. Bakit kasi inamin pa niya dito ang totoong nangyari? Sana iba na lang ang isinagot niya. Na wala siya sa mood na tugtugin ang wedding waltz o nawala sa isip niya.

“I am sorry. Niyaya lang ako ni Hannah na sumayaw. Hindi ako makatanggi. Hindi ko naman alam kung gaano ang piyesa sa kahalaga sa iyo.”

“I-It was like a bad omen, Benedikt.” Pakiramdam niya ay nakatakda para sa mga ito ang wedding waltz na iyon. Na matapos ang sampung araw na ito ay babalik na si Benedikt kay Hannah at ang mga ito ang magsasama habambuhay. And she was scared. Really scared. Ngayon pa lang ay parang tinatadtad na ng gulok ang puso niya.

Hinawakan ni Benedikt ang baba niya at pilit siyang ihinarap dito. “Maki, wala dito si Hannah. Tayong dalawa lang ang nandito. It would be just the two of us for ten more days. At wala akong ibang gustong isipin kundi ikaw lang. Ito lang.”

Benedikt kissed her with intense force that made her dizzy. He suked her lower lip before seeking entrance to her mouth. She craved for his taste even as he kissed her. Mahigpit niyang hinawakan ang harapan ng shirt nito. Kailangan niyang gawin iyon o baka malunod siya sa sensasyong nararamdaman niya.

Hinaplos nito ang braso niya at nakadama siya ng kakaibang kilabot. Binubuhay nito ang bawat himaymay ng laman niya. Then his knuckles grazed the side of her breast. Napasinghap siya at bumaba ang labi nito sa leeg niya. He suctioned his lips against the pulse of her neck. Nakagat niya ang labi at napaungol. It was crazy. Benedikt could easily make her weak with a simple kiss. And he was setting her on fire.

“Let’s take this inside,” usal nito at inalalayan siyang tumayo.

Subalit mabuway na ang lakad niya dahil nanlalambot ang tuhod niya. Binuhat siya ni Benedikt na parang balewala lang dito ang bigat niya. Hindi niya mapigilan na halikan ang leeg nito at maglakbay ang kamay niya sa ibabaw ng polo nito.

Umungol si Benedikt. “Maki, behave. People might see us.”

“Tulog na ang mga tao,” sabi lang niya at pabirong kinagat ang gilid ng leeg nito. “Tayo na lang ang gising nang ganitong oras.” Pakiramdam niya ay wala siyang pakialam kung may makakita man sa kanila. She lost her mind. She was on fire and all she cared about was kissing him and touching him.

“Kapag hindi mo itinigil iyan, hindi na tayo makakarating sa taas. Mas lalo tayong maeeskandalo dito. I think your ancestors will disapprove. Baka biglang may humila sa paa mo…”

Nahigit niya ang hininga at nakadama ng kilabot. May isa siyang nuno na nabuhay noong panahon ng Kastila na isang matandang dalaga at sinasabing nagpapakita daw sa mansion para sa mga batang gumagawa ng kalokohan. Takot na takot siya noon sa kwento ng lola niya. At hanggang magdalaga siya ay may kilabot pa ring dala sa kanya minsan.

Inis niyang hinampas ang dibdib ni Benedikt. “Nakakainis ka! Bakit mo ipinaalala?”

Tinawanan lang siya nito. “Ayaw mo kasing mag-behave. Paano kung maibagsak na lang kita basta?”

“What a way to kill a romantic mood,” aniya at inikot ang mga mata. Baka mamaya ay maisip niya na may mga matang nanonood sa kanila ni Benedikt. Sa halip na romantic at sensual ang atmosphere ay maging horror pa kapag may humila sa paa niya.

“I can easily make bring you back into the mood in no time.”

“Promises, promises, promises,” tudyo niya dito.

Hindi ito sumagot subalit may pangako sa mga mata nito. Wala siyang ideya sa sexual prowess nito pero mukhang kinagat nito ang hamon niya.

Ibinaba siya nito sa entrada ng mansion at di na sila nag-abala pang isuot ang sapatos nila nang makitang wala namang staffs sa paligid. Naghagikgikan sila ni Benedikt nang nakayapak silang umakyat ng hagdan nang may buhangin pa sa mga paa nila at bitbit ang kanya-kanyang sapatos. Parang mga bata sila na gumagawa ng kalokohan.

Dali-dali silang umakyat ng hagdan at hinapit agad ni Benedikt ang baywang niya nang makarating sila sa ikalawang palapag. “Your room or mine?” tanong nito.

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “Yours.”

Hinila nito ang kamay niya at tumakbo sila sa hallway. Parang may pakpak ang mga paa nila at nagtawanan pa sila nang nanginginig ang kamay ni Benedikt kaya di nito maipasok ang sinaunang susi sa keyhole at naibagsak sa carpeted na hallway. “Damn!”

“Excited much?” tukso niya dito nang siya mismo ang dumampot ng susi at naglagay sa keyhole. Pagpihit niya ng susi ay bumukas ang pinto. Itinulak agad iyon ni Benedikt at saka hinila siya papasok. Pagkasara nito ng pinto ay kinuha nito ang sapatos niya at ihinagis kung saan. Isinandal siya nito sa pinto at mapusok na inangkin ang labi niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.