You’re Still My Man (Filipino) Chapter 85

This was Benedikt. Handa siyang gawin ang lahat para dito. Handa siyang ibigay ang lahat para dito kung ganito naman ang magiging kapalit. And he captured her heart which was a willing prisoner. She didn’t want him to let her go.

“THIS is such a lovely and romantic night. Dahil sa inyong dalawa, pakiramdam namin bata ulit kami at walang puti sa buhok,” sabi ng bisitang sa resort na si Dante matapos ang dinner nila. It became a night of music and fun. Ang mga kliyenteng mag-asawa ni Benedikt ay lumapit sa kanila para magpasalamat. At sa buong gabi na iyon ay hindi siya hiniwalayan ni Benedikt. Nakita rin niya ang ngiti nito at narinig ang halakhak nito.

“Akala ko talaga magiging boring ang gabing ito,” wika ni Mildred na isang dating head nurse sa ospital sa London.

Kinintalan ng halik ni Dante ang asawa. “Parang gusto kong sundan si Parker.”

“Mahiya ka nga!” pakli ni Mildred at hinampas ang asawa sa dibdib. “May apo na tayo kay Parker. Gusto mo pa siyang sundan? Nakakahiya!”

“Ano naman ang nakakahiya doon?” anang si Dante at humalakhak.

Siniko ito ni Mildred sa tagiliran. “Tumigil ka nga.” At saka namumulang bumaling sa kanya. Sa edad nitong fifty-five ay nagba-blush pa rin ito. “Pasensiya na sa asawa ko. Puro talaga iyan kalokohan.”

“Benedikt, we will discuss business some other time. Bigla akong nagka-interes na mag-invest sa kompanya mo. But for now, I must attend to my boss,” anang si Dante at kinintalan ng halik sa labi si Mildred.

At hindi niya maiwasang mangiti habang pinagmamasdan ang mag-asawa na naglakad sa buhanginan patungo sa cottage ng mga ito.

“Nakakatuwa sila, no?” aniya kay Benedikt. “Matatanda na sila pero nagmamahalan pa rin sila. Masarap siguro ang ganoon.”

Di tuloy niya maiwasang mainggit. Parang malabo kasi na maranasan niya ang ganoong klase ng pagmamahal kasama si Benedikt. Maikli lang ang panahon na nakalaan para sa kanila.

“Gusto mo na bang matulog?” tanong ng binata sa kanya.

“No.” Alas onse na noon ng gabi. Kahit na inaantok siya at pagod, gigising pa rin siya basta makasama lang niya nang mas matagal si Benedikt. She didn’t want that night to end.

“Come. Let’s take a walk.” At ginagap nito ang kamay niya. “Masarap maglakad-lakad ngayon dahil maliwanag at malamig ang gabi.”

“Okay,” usal ni Maki at excited na tinanggal ang high heeled sandals nang makarating sa bandang beach. Umungol siya nang maramdaman ng paa niya ang malambot na buhangin na mistulang buhangin. Parang nakayapak siya sa ulap lalo na’t napagod ang paa niya sa ilang oras na pagsusuot ng sapatos na may mataas na takong. “Ahhh! This is heaven. Mas masarap talaga na nakayapak.”

At naglakad sila patungo sa kabilang direksyon ng resort kung saan walang mga cottage at solo lang nila ang beach.

Idinipa niya ang mga kamay na parang malayang ibon at saka sumalampak sa buhangin. Saka niya napansin na natigilan sa kinatatayuan nito si Benedikt na maang lang na nakatingin sa kanya. “Sorry,” aniya at nagkukumahog na tumayo. Saka lang niya naalala na ang long dress na suot niya at ang presyo niyon. Tapos ay iuupo lang niya sa buhangin. “Masakit na kasi ang binti ko sa kasusuot ng high heeled shoes. Naisip ko na tayo lang naman ang tao dito kaya pwede na akong umupo. Lalabhan ko na lang itong dress. Di naman masyadong nalagyan ng buhangin.”

Umiling ito. “No. I don’t mind. The dress is yours. Kung gusto mong ilusong at ipampaligo sa dagat, suit yourself.” Tinanggal nito ang dinner jacket at inilatag sa buhangin. “Pero dito ka na lang umupo. Malamig ang buhangin.”

Nahigit niya ang hininga. “Benedikt, that’s an Armani!”

Nagkibit-balikat ito. “So what? I have plenty of those.” At saka ito umupo sa buhanginan katabi ng dinner jacket nito.

“Thank you,” aniya at umupo sa tabi nito. Nabawasan na ang hiya niya at inunat ang paa niya sa buhangin. This was Benedikt after all. Nakita na siya nitong sumalampak sa buhangin suot ang formal at designer gowns. And he didn’t mind. Mas naging komportable siya dito ngayon. Hindi na niya kailangang isipin ang “perfect girlfriend” persona niya.

Nagulat siya nang umuklo ito sa harap niya at kinuha ang paa niya. “Hey!” bulalas niya.

“Just relax. Kasalanan ko naman kung bakit masakit ang binti mo ngayon.”

Pigil niya ang paghinga habang hinahaplos nito ang talampakan niya paakyat sa sakong at binti niya. Itinukod niya ang siko sa buhanginan at pinagmasdan ito. Now that felt great. Those big and deft hand were taking massage to a new level. Napapikit na lang siya at tumingala sa langit. Pakiramdam niya ay mas malapit siya sa mga bituin.

“That feels great,” usal niya.

“Hindi ko alam na hindi ka pala sanay na magsuot ng matataas ang takong,” sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. “Anong palagay mo sa aming mga babae? Ipinanganak nang nakasuot ng high heeled shoes?”

“Well, if it was hurting you like hell, why wear those contraptions? Your muscles are tensed,” anito at pumalatak.

“To look beautiful and elegant. Iba ang posture ng babaeng nakasuot ng high heeled shoes. Tiis-ganda ang tawag doon.”

“Tiis-ganda,” he snickered.

Pabiro niyang isinipa ang malayang paa sa binti nito. “Huwag kang ganyan. Nagpapakahirap na magsuot ng ganyan ang mga babae para mapansin ninyong mga lalaki at maging maganda sa paningin ninyo. Saka ikaw ang pumili sa akin niyan.”

“Akala ko kasi okay lang. And it really looks good on the dress.”

Umingos siya. “Yes. It is part of the perfect girlfriend get up.”

“I am sorry,” usal nito sa mapagpakumbabang boses.

Gulat niya itong nilingon at nakita niya ang lungkot sa mukha nito. “Bakit?”

Bumuntong-hininga ito. “I really didn’t mean to hurt you. Akala ko talaga ay normal lang iyan na isuot ng mga babae at komportable ka. Wala pa naman kasing nagreklamo sa akin na babae tungkol sa takong nila. Hindi na kita pagsusuutin niyan mula ngayon kung masasaktan ka lang.” Kinuha nito ang high heeled shoes niya at tumayo. “Gusto mo ba itapon na lang natin ito sa dagat?”

“What?” bulalas niya. “Sira ka ba? Magkakalat ka pa dito. Umupo ka nga dito.” At tinapik niya ang buhangin sa tabi niya. “Okay lang talaga ako.”

“Sigurado ka?” tanong nito at tinabihan siya.

“Yes. Okay lang sa akin na magsuot ng high heeled shoes basta may libre akong masahe mula sa iyo pagkatapos.”

Isang mahinang halakhak ang pinakawalan nito. “Ah! Don’t feel so privileged, my dear. Mahal ang talent fee ko.”

Nagkibit-balikat siya. “Ilista mo na lang. Babayaran kita pagsweldo ko.” Saka siya humiga sa buhanginan at pinagmasdan ang mga bituin. “This is relaxing.”

Subalit hindi siya sinamahan ni Benedikt sa stargazing niya. Sa halip ay sa kanya lang ito nakatunghay. “Maki, do you still hate me for dragging you here?”

“No,” maagap niyang sagot at tumitingin ulit sa langit.

“’Yung totoo,” mariing sabi nito.

Isang magaang tawa ang pinakawalan niya. “Nag-enjoy ako. Hindi ko talaga inaasahan na magugustuhan ko ang company ng mga kliyente mo at potential investors mo. At masayang kasama sila Tita Susan at Tito Ricardo. I feel at home.”

Nagsalubong ang kilay ni Benedikt. “How ironic. I thought you hate this place. Parang gusto mo ngang tumalon ng yate kaninang malaman mo na dito tayo papunta. Mukhang mas gusto mong magpakain na lang sa pating kaysa tumapak dito.”

Bumangon siya at nagkibit-balikat. “Silly me. Sabi mo nga problema ko na kung paano ko haharapin ang multo ko. Minsan natatakot tayo kasi akala natin masasaktan tayo pero wala naman pala tayong dapat na katakutan.”

“You hate being a Rubella. And this place means everything to a Rubella.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.