You're Still the One Chapter 10

Maagang gumayak si Alexa dahil nagpatawag ng meeting ang kanilang big boss, buti na lamang at sinundo ni Toff si Alexandra at isinabay pagpasok sa eskwela.

Nasa opisina na si Alexa nang makaramdam ng gutom, nakita niyang maaga pa kaya nag-paalam muna siya na mag-aalmusal.

Nag tungo siya sa isang fastfood chain, walang pila kaya mabilis siyang nakapag order ng kakainin.

Nasa kalagitnaan siya ng pag mumuni muni nang may magsalita sa likuran niya.

"Can i share a sit with you?"

Agad siyang lumingon ng marinig ang pamilyar na boses.

Si Carlo.

"No, napakaraming bakanteng lamesa, can't you see?"

"Hey, seriously? ngayun na nga lang tayo magkikita uli pero susungitan mo lang ako?" Nakangising wika ni Carlo.

"What are you doing here?"

"Ganyan ka ba mag-welcome ng bisita? I'm here for a business trip."

Nahihiwagaan si Alexa sa ikinikilos ni Carlo, na tila walang nakaraan sa pagitan nilang dalawa, ni hindi manlang nito itinanong ang tungkol sa kanilang anak, maari kayang wala itong alam? hindi kaya sinabi ng kanyang mommy o ng kanyang kapatid?

"So how have you been?"

"As you can see, i am doing fine, i believe you're not here to ask how am i." Sarkastikong sagot ni Alexa, naupo si Carlo sa kanyang harapan at kumain.

"Mukhang madalas na tayong magkikita Alexa, matagal tagal akong mamamalagi dito, baka pwede mo naman akong ipasyal sa lugar mo.."

"Masyado akong busy para dyan Carlo.."

"Kasal ka na ba?"

"Should i answer that kind of question?"

"It's up to you.." tumigil sa pag nguya si Carlo bago nag salita.

Nagkibit-balikat na lamang si Alexa, maya maya ay nag-paalam na siya kay Carlo na babalik na sakanilang opisina.

--

"Bes, hindi ka maniniwala sa ikukwento ko sayo.."

"What? don't tell me sinagot mo na si Toff.." excited na sagot ni Mara mula sa kabilang linya.

"Hindi gaga.. si Carlo.."

"Anu?! Carlo nanaman? josko bes, ilang dekada na ba? siya pa rin?!"

"Bakit? mapipigil ko ba kung paborito ni tadhana na pagkitain kami kahit saan ako magpunta?"

"Kung sabagay, ilang dekada na rin tayong magkaibigan pero chismosa pa rin tayo, hihihi.! So what about him?"

"Andito siya ngayon, ewan ko ba minsan gusto ko nang isipin na sinusundan niya talaga ako, hanggang sunod lang siya, parang multo, tapos biglang mawawala.."

"Oh, beshy, nag-eemote ka nanaman, baka naman nagkataon lang, o kaya naman destined to each other talaga kayo.."

"Naku bes, tama na nga matulog na tayo, bye na, goodnight.. " Putol ni Alexa sa usapan, bigla niyang napagtanto na lumalalim nanaman siya.

Ayaw na niyang bigyan pa ng pagkakataon ang sarili para isipin o isingit pa si Carlo sa kanyang buhay, kung magkita man silang muli, gusto na lamang niyang kumilos ng normal, iyong ordinaryong tao na lamang sila sa isa't isa, ayaw na niya muling bumigay pa kay Carlo, at kung dumating man ang araw na malaman ni Carlo na anak nila si Alexandra, hindi niya ipag-dadamot ang bata sa kanyang ama, ngunit hanggang doon lamang iyon, magiging ama si Carlo, magiging magulang silang dalawa, ngunit hindi na iyong hihigit pa doon, para na lamang sa bata kung magkakaroon man sila ng koneksyon muli, nakatulugan na lamang niya ang ganoong isipin.

Nagulat na lamang si Alexa ng biglang may bumagsak sa may bintana ng kanyang silid, agad siyang bumangon at binuksan ang ilaw, nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Carlo ang bumagsak, dumaan ito bintana upang makapasok sa kanyang silid.

"A-anong ginagawa mo rito?" Utal na tanong ni Alexa.

"Alex, pwede ba tayong mag usap?"

"My god Carlo, right now? here?"

Iyon lang at siniil siya ng halik ni Carlo, maalab, mainit, punong puno ng pananabik.

Gumanti si Alexa sa halik na iyon.

"Sabik na sabik ako sayo Alex, for how many years, ikaw pa rin ang nasa puso at isip ko.." patuloy pa rin ang pag halik ni Carlo sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

"Pinapaasa mo nanaman ako Carlo."

Hindi pinansin ni Carlo ang katagang iyon ni Alexa, patuloy siyang niromansa ni Carlo, hanggang sa makuha siya nito, wala pa ring pinag bago ang lahat, masarap pa rin sa pakiramdam na makasiping si Carlo, ang totoo sabik rin siya sa huli.

Nakatulog sila parehas, naalimpungatan si Alexa nang maramdaman niya ang mga kaluskos ni Carlo, nagmamadali itong nag bihis at nagpaalam na aalis na.

Tumulo ang kanyang mga luha, eto nanaman siya.

Nagising si Alexa sa malalakas na katok sa kanyang pintuan, nasapo nya ang kanyang noo, panaginip lamang pala ang lahat, ngunit totoo ang mga luha sa kanyang mata.

Mabilis na nag ayos si Alexa, at binuksan ang pinto, si Alexandra ang kanina pa kumakatok.

"Goodmorning baby, what do you want for breakfast?" pupungas pungas na bati ni Alexa sa anak at hinalikan ito sa pisngi.

"Of course my favorite mom!" Masiglang sagot ni Alexa.

"Okay, okay, wait for me ha?"

"Okay!"

Saglit na natigilan si Alexa, at napatingin sa salamin, napahawak siya sa kanyang mga labi.

Iniling iling niya ang kanyang ulo upang burahin ang isiping iyon.

Mabilis na siyang nag tungo sa kusina upang mag handa ng almusal nilang mag ina.

Gaya ng araw-araw na routine, ihahatid niya muna si Alexandra bago siya mag simula sa home based job.

Maaga siyang natatapos sa kanyang trabaho kaya may oras siya upang maglinis ng kanilang bahay.

Madalas ring dumadaan si Toff sakanila kahit walang sadya.

Maya maya ay dumating nga si Toff.

"Coffee?" Alok ni Alexa sa binata.

"No need Alex, hindi ako magtatagal ngayun yayayain lang sana kita.."

"Huh? now? saan?"

"No, not now, magkakaroon kasi ng event sa company ng brother ko, wala akong date so... ikaw agad ang pumasok sa isip ko.."

"Sure, kailan ba yun?" mabilis na sagot ni Alex.

"Friday, 8pm, ako na bahala sa isusuot mo.."

"Okay, see you then.."

"Yup, mauuna na rin ako ha? may ime-meet din kasi akong client namin ni kuya.."

"Okay Toff, mag-ingat ka.."

Bukod sa pagiging teacher, tumutulong din si Toff sa company ng kanyang kuya Mikee na isang engineer.

Kahit alam ni Alexa ang interes ni Toff sakanya, hindi siya nag aalinlangan na sumama sa binata, mabuting kaibigan si Toff sakanya, at alam niyang tanggap ni Toff kahit ilang ulit niya itong nireject, masaya na siya sa kung anong mayroon sila ng binata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.