You're Still the One Chapter 9

Nang makita ni Alexa si Carlo na gising at okay na, dali dali siyang tumalikod, hindi na niya itinuloy ang pag pasok sa silid ng binata, nakita rin niyang masaya ang buong pamilya, wala ng dahilan pa para magpakita siya, at maging dahilan nanaman ng pagkakagulo nilang lahat.

Lingid sa kanyang kaalaman, nakita siya ni Emily, sinundan siya agad nito.

"Ate Alexa, hindi ka manlang ba papasok? Gising na ang kuya." Masayang masaya ang mukha ni Emily.

"Hindi na kailangan Emily, okay na siya, okay na kayong lahat, para saan pa kung magpapakita pa ako sakanya, ayoko na ring maging para maging magulo muli ang pamilya niyo." Nakangiti pero nagpipigil ng luha si Alexa.

"Pero ate, alam kong ikaw ang dahilan kung bakit lumaban at gumising ang Kuya, Naniniwala akong hahanapin ka niya"

"Magiging maayos din ang lahat Emily, salamat sayo kasi naging napakabuti mo saakin, ipagdarasal kong maging masaya pa kayo."

"Pero saan ka pupunta niyan ate? Babalik ka na ba sa probinsya?"

"Bahala na Emily, gusto kong mag pakalayo, at mamuhay ng tahimik"

Buti na lamang napigilan niya ang sarili na banggitin pa ang tungkol sa anak nila ni Carlo, dahil naging mabuti sakanya si Emily tila gusto ng isip niya na banggitin at ipakilala ang pamangkin nito, nakikita niya na magiging mabuting tita si Emily sa anak niya, ngunit hindi bale nalang dahil baka kung ginawa niya iyon ay lalo lang ipilit ni Emily na maging maayos sila ng Kuya niya.

Bago lumisan si Alexa sa manila, dumaan muna siya sa mansion nina Carlo para sumilip.

Mabilis siyang nagtago sa isang malaking puno ng matanaw niya si Carlo sa veranda, "Napaka-gwapo pa rin." Aniya sa isip, ngunit kitang kita niyang malungkot ito, at nakataw lamang sa kawalan, maya maya lumapit sakanya si Amanda, sandaling nag salita ang ginang, ngunit hindi siya sumagot nagyakap lamang silang mag ina, agad na ring umalis si Alexa, masaya na siya na makita si Carlo na nasa maayos ng kalagayan, tanggap na niyang hindi sila ang para sa isa't isa, ngunit kailan man ay hindi niya malilimutan ang lahat ng masasayang ala ala nila ni Carlo, lalo na at meron silang anak, palalakihin niya itong mag isa, pero sisiguruhin niyang lalaki itong masaya.

8Years later...

"Alexandra! "

"Mom? I'm coming!"

" Naku ang batang to talaga!" Iiling iling na wika ni Alexa.

"You'll gonna be late baby, bakit ba ang tagal mo?"

"I'm sorry mom, hinanap ko kasi iyong project ko, i forgot where i put."

8 Years old na si Alexandra, hatid sundo niya ito sa eskwelahan, habang si Alexa ay nag wowork from home na lamang, namuhay nga silang mag ina, kinaya niyang mag isa, paminsan minsan dinadalaw sila ng kanyang nanay.

--

"Goodmorning Alexandra, how are you?"

Nakangiting bati ni Toff, ang teacher ni Alexandra, matagal na siyang nagpapalipad hangin kay Alexa, pero ni minsan ay hindi ito binigyan ng pagkakataon, kahit malapit pa si Alexandra sakanya.

"Kailan ka ba ulit dadalaw sa bahay Tito 'cher?"

Tito 'cher ang tawag ni Alexandra kay Toff, short for Tito Teacher. Mabilis na nahuli ni Toff ang loob ng anak ni Alexa, palibhasa'y Teacher siya kaya madali siyang nakasundo ang bata, mabait at thoughtful din naman kasi si Toff, madalas siya na ang naghahatid kay Alexandra sa kanilang bahay kapag alam niyang male-late si Alexa sa pagsundo.

"Maybe on saturday?" Nakangiting wika niya.

"Yey!! Are we gonna play tennis again?" Excited na tanong ni Alexandra.

"Of course we will!"

Kinder student pa lamang si Alexandra ng magsimulang manligaw si Toff sakanya, Wala pa rin sa isip ni Alexa ang mga ganoong bagay, itinuturing niyang mabuting kaibigan si Toff, hindi naman niya ito pinapaasa, alam rin ni Toff na hanggang doon lang sila ni Alexa, ngunit si Alexandra, Dahil bata pa ito, akala niya ay mayroon relasyon ang mommy niya at si Toff, sabik na sabik siyang magkaroon ng tunay na daddy at si Toff, itinuturing siyang anak.

--

Sabado, dumalaw nga si Toff sa bahay nina Alexa, at napagkasunduan nilang mamasyal na lamang sa mall, nagkakasiyahan silang tatlo sa sasakyan, nang muntikan silang mahagip ng isang itim na pick up, mabilis na bumaba ang may ari ng nasabing pick up.

Napanganga si Alexa ng makita ang bumaba, pamilyar sakanya ang lalaki, Mabilis itong lumapit sakanila at kinatok ang bintana ng sasakyan ni Toff, Si Carlo nga iyon, tama ang nakita ni Alexa, mabilis niyang isinuot ang kanyang shades at lumingon palayo ayaw niyang makita siya ni Carlo, pero si Carlo nahagip ng mata niya si Alexandra, nagsalubong ang kanilang mga mata, bahagyang natigilan si Carlo, ganoon din si Alexandra, saglit lamang iyon at ibinaling na ang atensyon kay Toff.

"Hindi kaba tumitingin sa daanan pre?" Iritang tanong ni Carlo.

"Look, i'm really sorry pare, iniwasan ko kasi iyong nakabike, i'm willing to pay for the damages." Mahinahong sagot ni Toff.

"Damn it!" inihampas ni Carlo ang dalawang palad sa kotse ni Toff, at agad na siyang sumakay sa kanyang pick up.

"Tito 'cher, is he angry?" Inosenteng tanong ni Alexandra.

"No, no, no, nagulat lang siguro siya." Maang na sagot ni Toff.

Tahimik lamang si Alexa ng mga sandaling iyon, sobrang pasalamat siya na hindi siya napansin ni Carlo, ngunit ano kaya ang ginagawa ni Carlo sa lugar na iyon?

"Okay ka lang Alex?" Nag aalalang tanong ni Toff, nang mapansin niyang hindi kumikibo si Alexa.

"Yeah, okay lang ako, nabigla lang siguro." Agad niyang sagot, sabay alis ng shades, wala siyang balak na ikwento pa ang tungkol sa nakaraan nila ni Carlo, tahimik na ang buhay niya, nilang mag ina.

Masayang namasyal sa mall sina Alexa, Lalo na si Alexandra, pakiramdam niya my buo silang pamilya, nanood sila ng sine at kumain, nang mapagod ang bata ay umuwi na sila.

--

"Thank you for this day toff, sobrang nag enjoy siya ngayun"

"You're very much welcome Alex, alam mo yan." Hinawakan niya ang kamay ni Alex.

"Alam mong narito lang ako para sayo, If ever you change your mind" magiliw na wika ni Toff.

"Toff, nag usap na tayo, i am so happy na magkaibigan tayo, alam mong hindi pa ako ready sa panibagong relasyon."

"I understand Alex, what i'm saying is, narito lang ako at naghihintay sayo."

"Ayokong paasahin ka Toff, kaya sinasabi ko sayo 'to, pero salamat.."

"I know, basta andito lang ako para sayo, at para kay Alexandra."

"Thank you, siya gabi na, kailangan ko na ring magpahinga, you too, umuwi kana."

"Okay, goodnight Alex!"

"Goodnight Toff."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.