You're Still the One Chapter 2

3 years later...

"Goodmorning Ma'am Alexa" Magiliw na bati ng security guard kay Alexa.

"Goodmorning ho Manong Ben" bati naman ni Alexa.

Dahil sa angking talino at husay ni Alexa, mabilis siyang napromote sa trabaho, naging paborito siya ng big boss nila. likas na Mabuti ring siyang empleyado kaya mataas ang respeto ng lahat ng katrabaho niya sakanya,lahat sila ay gusto siyang maging kaibigan, lalong lalo na si Gabriel, na matagal ng nagpapalipad hangin sakanya, ngunit wala sa isip niya ang ganitong mga bagay.

Masaya siya dahil nakuha niya ang trabahong ito, pinag agawan siya ng malalaking kompanya, at isa dito ang kompanyang ito, isa ito sa pinakamaaking kompanya sa buong pilipinas, na kilala rin sa ibat ibang bansa. Nag bunga ang pag sisikap niya sa kanyang pag aaral, kaya pinag bubuti niya lalo ang kanyang trabaho.

"Hi, Alex... pwede ba tayong mag dinner minsan?" Yaya ni Gabriel.

"Ayiii, pumayag kana ma'am!" sabay sabay na kantyaw ng mga katrabaho sakanya.

naiiling na lamang siya at tumango kay Gabriel, mabait naman si Gabriel, gentleman at masipag sa trabaho, single naman,kaya wala siyang nakikitang problema kung makikipag date siya sa binata.

"Uy, guys have you heard the news, magkakaron daw tayo ng bagong Vice president, kasi mag reresign na raw si Mr. Lim, mag mamigrate na raw sa australia eh."

Biglang nag umpukan ang mga nasa front desk dahil sa balita, tahimik lamang si Alexa sa narinig at pumasok na sa kanyang opisina.

"Balita ko galing daw sa amerika yung papalit kay Mr Lim, naku sana kasing galing at bait din siya ni Mr. Lim ano?"

"at balita ko, anak daw iyon ng kaibigan ng ating big boss." dagdag pa ng isang receptionist.

"Naku, crossed fingers sana hindi monster yung kapalit ni Mr. Lim."

"We'll find out next week!"

"Sana pogi!" pabirong wika ng isa.

Iiling iling na aman si Alexa sa mga naririnig, at tuloy tuloy sa pag tatrabaho, hanggang sa siya nalang ang matira sa opisina, madalas kasi siyang mag overtime.

Pag labas niya sa opisina ay madilim na, dumiretso muna siya sa isang coffee shop upang mag relax, napagod siya sa buong araw dahil sa dami ng nirarush sa kompanya.

Maya maya ay napatanaw siya sa kabilang kanto, nahagip ng mata niya ang isang lalaki, pamilyar sa mga mata niya, napatayo siya, hindi siya maaring magkamali, si Carlo ang kanyang nakita, ngunit mabilis na naglakad ang lalaki, hinabol niya eto hanggang sa isang parking lot pero mabilis ding pinaandar ang kotse. Si Carlo nga iyon sigurado siya. Agad niyang tinawagan si Liam, ang bestfriend ni Carlo.

"Hello? Liam may itatanong ako, have you heard about Carlo? andito ba siya sa pinas?"

"Naku Alex, i'm out of the country , but the last time i talk with Carlo parang nasabi niya na uuwi siya pero next year pa"

Napaisip si Alexa, baka nga namalik mata lamang siya kanina.

"Naku Alexa, itigil mo na ang kahibangan mo, kahit andito si Carlo sa pinas wala kang mukhang ihaharap sakanya." saad niya sa sarili

Umuwi na lamang si Alexa, bigla nanaman niyang naalala si Carlo, kumusta na kaya siya? Naisipan niyang istalk ang binata. Mabilis naman niyang nahanap ang account ni Carlo, lalo itong gumwapo, ngunit nakaramdam siya ng kirot sa puro ng makitang kasama nito si Charm sa ibang mga larawang nakapost, hindi naman sila mukhang mag nobyo pero tila nagseselos pa rin siya.

"i still missing him." napabulong nalang siya sa sarili.

Pitong taon na rin ang nakalilipas mula ng magkahiwalay sila, pero fresh pa rin sa isip niya ang mga ala ala nila ni Carlo.

"So, Siguro naman alam niyo na ang dahilan why i called for a meeting, i want to introduce to all of you our new Vice president of the board Magiliw na panimula ni Mr. Madrigal, ang Ceo ng Kanilang companya.

Tahimik lamang na nakikinig si Alexa, habang ang iba naman ay kita ang pagka excite na makilala ang bagong vice president.

"May i call in, Mr. Carlo Montero" Nakangiting wika ni Mr. Madrigal habang papasok si Carlo sa conference room.

tila tumigil sa pag ikot ang mundo ni Alexa nang makita si Carlo, para siyang matutunaw ng mga oras na iyon, parang gusto niyang tumakbo at yumakap kay Carlo, marami siyang gustong ikwento, pero ayaw niyang gumawa ng eksena.

"Mr. Montero was just came home from the USA,Doon siya nag tapos ng pag aaral,and he used to be a general manager in one of the biggest companies in the USA, naniniwala ako na kailangan natin siya sa kompanyang ito"

"Please welcome him" dagdag pa ni Mr. Madrigal

Kilig na kilig naman amg mga babaeng empleyado sa pag dating ni Carlo, lalo nga siyang gumwapo sa personal.

Hanggang ngayun ay hindi pa rin makapaniwala si Alexa na magiging katrabaho niya ang dating kasintahan.

"Ah, miss Alexa,come here, I want you to assist mr. montero since bago pa lamang siya" propesyonal na saad ni Mr.Madrigal.

"Mr. Montero, this is Ms.Alexa Guzman, kung may mga tanung ka tungkol sa ating mga foreign investors and supplier, maasahan mo si ms.guzman dito" magiliw na pagpapakilala ni Mr.Madrigal, na walang ideya na may nakaraan ang dalawa.

Wala namang magawa si Alexa kung hindi humarap kay Carlo at makipag shakehands.

"Nice to meet you mr. montero and welcome to the company" wika ni Alexa, na hindi makatingin ng diresto kay carlo. Nanlalamig ang mga kamay ni Alexa, gusto na niyang matapos ang oras na iyon, hindi niya maintindihan ang nararamdaman.

Pero nasasaktan siya dahil tila wala man lamang reaksyon si Carlo nang makita siya, tila hindi siya kilala ng binata.

"Pleased to meet you Ms.Guzman" Wala pa ring emosyon ang mukha ni Carlo ng mga oras na iyon.

hanggang sa makauwi si Alexa ay hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, si Carlo nga ba talaga iyon? baket parang ang laki ng ipinag bago niya, parang nagkaroon siya ng amnesia?

"Girl, baka naman ibinaon kana niya sa limot, pero imposible naman ata na hindi ka manlang niya maaalala!" Wika ni Mara sa kabilang linya.

"Hindi naman ako nainform na nakakaamnesia palang mag migrate sa amerika. biro pa nito.

"Iyon na nga eh, nawiwirdohan ako sakanya, sigurado naman akong walang kakambal si Carlo, siya talaga iyon"

"Mahal mo pa rin ano?"

"Hindi ko alam sis, hindi ko maipaliwanag tong nararamdaman ko, pero ako hindi ako nag bago sakanya, handa akong maging kaibigan pa rin siya"

"Sus sa palagay mo matapos mo siyang ighost gusto ka pa ring niyang maging friend?" nang aasar na wika ni Mara.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.