You're Still the One Chapter 3

"Seriously Ms. Guzman? You are suggesting ang mga materials na to? this is too expensive, do you think tatanggapin to ng mga client, we are promoting an affordable but good qualities na materials para sa kanilang business" Seryosong paglalahad ni Carlo kay Alexa.

Eto ang unang pagkakataon na kinuwestion ang trabaho ni Alexa, eversince laging hats off sakanya ang board.

"But,Mr.Montero, naniniwala pa rin ako na mas tumatagal ang pricy but good quality"

"No, i wont approve that, we have to look into it"

Kita sa expresion ng mukha ni Carlo ang pagiging cold nito, dahilan upang makaramdam muli ng sakit si Alexa.

Mangiyak ngiyak siyang pumasok sa womens' comfort room ng matapos ang conference, hindi dahil nadisapprove ang trabaho niya, kung hindi tila pinapahiya siya ni carlo, gumaganti nga ba ito sakanya?

"omg, sis, ginawa niya iyon sayo?anong problema niya, namemersonal ba siya?"

"Hindi ko alam sis, pero kita ko talaga sa mukha niya ang pagiging cold saakin, saakin lang naman, nahuhuli ko naman siyang nakikipag tawanan sa ibang empleyado"

"Kung balak ka niyang gantihan,wag namann sana sa trabaho pinag hirapan mo ang posisyon na iyan sis"

"Kausapin mo kaya siya?" Dagdag pa ni Mara.

"Hindi ko alam kung paano sis,pero naniniwala akong ibibigay din ang pagkakataon na iyan"

"Carlo,maari ba tayong mag usap?" Bungad ni Alexa ng magkaroon siya ng pagkakataong makausap si Carlo sa kaniyang opisina.

"About what? kung hindi tungkol sa trabaho, i dont have time for that"

Again, she felt the coldness sa kaniyang pananalita.

"Alam kong, matagal na rin simulang nung umalis ka, hindi manlang tayo nakapag usap simula noon, pero sana maintindihan mong gusto ko lang na makapag focus ka sa pag aaral mo, ayokong maging makasarili Carlo, alam kong marami kang pangarap, at ayokong masayang ang lahat ng pinag hirapan mo kaya--"

"Kaya bigla ka nalang hindi nagparamdam na parang nagkaroon ako ng napakalaking kasalanan?"

Biglang naguilty si Alexa sa sinabi ni Carlo, napayuko na lamang siya.

"Marami pa akong gagawin Ms. Guzman, maari ka ng makalabas, magtrabaho nalang tayo" iyon lang at ibinalik na ni Carlo ang atensyon sa mga papeles na nasa kanyang harapan.

Hindi na niya binigyan ng pagkakataong sumagot uli si Alexa, agad na lumabas na lamang si Alexa sa opisina ni Carlo.

Hindi niya masisisi si Carlo, may kasalanan talaga siya kung baket ganoon na lamang si Carlo sakanya ngayun, hinihiling na lamang niya na mapatawad pa siya ni Carlo isang araw.

Bumalik siya sa kanyang opisina na nanlulumo, pero pinilit pa rin niyang matapos amg trabaho sa araw na iyon.

"Goodmorning Ms. Alexa, pinapatawag ho kayo ni Mr. Montero sa kanyang opisina" Si Marie, and Sekretarya ni Carlo.

"Sit down Miss Guzman" Seryosong panimula ni Carlo.

"We are working here, not for this kind of bullshit" bahagyang ibinagsak ni Carlo ang mga papel sa harapan ni Alexa, halos pinag puyatan niya ang mga presentation na iyon.

Matagal na paliwanagan ang nangyari sakanilang dalawa ng oras na iyon, sa huli ay natalo nanaman siya.

Maghapon niyang inirevise ang mga ginawa niyang reports at proposal, may mga disapprovements pa rin pero sa huli ay naayos.

Pagod na pagod ang pakiramdam ni Alexa ng mga sandaling iyon, noon niya lamang naranasan sa kumpanya ang mga ganung bagay, pero naisip niya ganoon nga siguro talaga ang layo ng ideya nila ni Carlo, sa amerika ba naman nasanay si Carlo sa mga ganoong trabaho at anu ba naman siya sa mga experience ni Carlo, first job niya ito.

"Kaya ko 'to, challenge lang to" Pagpapalakas niya sa loob. Napabunting hininga na lamang siya.

"Hi Alexa, so pwede na tayong mag dinner ngayun?tamang tama it seems that you are very tired today." nakangiting wika ni Gabriel.

Tila nakahanap naman si Alexa ng makakausap kaya agad siyang sumama kay Gabriel. Papalabas sila ng opisina ng makasalubong si Carlo.

"Goodevening sir" Bati ni Gabriel kay Carlo.

Tango lamang ang iginanti ni Carlo.

Dumiretso na lamang palabas si Alexa,at hindi tumitingin kay Carlo.

"Oh ano bro? pahihirapan mo nalang sarili mo ng ganyan? hanggang kaylan ka magkukunwaring wala ka ng feelings kay Alexa?" Naiiling na tanung ni Liam

"Hanggang ngayun parang hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niyangnpag talikod saakin bro, yes i still love her, pero gusto kong iparamdam sakanya ang lahat ng sakit, wala siyang ideya kung paano ako nag dusa nung mga panahong tinalikuran niya ako" sunod sunod ang lagok niya ng alak.. may sakit pa rin sa mga tinig ni Carlo.

"Pero bro, hindi lang siya ang pahihirapan mo alam mo ba iyon? pati sarili mo"

" i know but, she owe me an explaination"

"Hindi ka naman willing makinig sakanya diba?"

"Dahil hindi ko pa kaya Liam, baka bumigay lang ako agad, kung alam mo lang kung gaano ako nasasabik na halikan ang mga labi niya."

Nakikinig lamang sakanya si Liam.

"Pero baka sa mga ginagawa mo sakanya tuluyan ka nalang niyang kalimutan, mas magiging masakit yan bro."

Biglang natahimik at napaisip si Carlo.

Naalala niya si Gabriel, ang lalaking kasama ni Alexa kanina, ramdam niya na may gusto ang lalakong iyong kay Alexa, nakikita niya kung pano niya titigan si Alexa.

"Goodmorning sir!" Bati ni Mang Ben kay Carlo.

"Goodmorning ho" ganting bati naman ni Carlo.

"Tol, alam mo malakas ang pakiramdam ko,makukuha ko iyan si Alexa, ano ang pusta mo? Mayabang na sambit ni Gabriel sa kausap.

Rinig na rinig ni Carlo kung paano nila bastusin si Alexa, matagal siyang nakatayo sa likod ng pinto ng kanyang opisina upang marinig ang lahat ng pinag uusapan nila Gabriel.

Nanginginig ang tikom na kamao ni Carlo ng mga sandaling iyon. Nang makaalis ang grupo ni gabriel sa tapat ng kanyang opisina, nag umpisa na rin siyang mag trabaho.

"Kapag nalaman kong pinaiyak mo si Alexa, hindi kita titigilan Gabriel" Aniya sa sarili.

Maya maya ay lumabas siya upang mag break.

Namataan niyang nag uusap si Gabriel at Alexa.

"Good afternoon sir" bati ni Gabriel sakanya.

"Make sure to present everthing before 4oclock Ms. Guzman, otherwise dito tayo matutulog sa opisina, and you" baling ni Carlo kay Gabriel " make sure na namomonitor mo ang expenses ng mga branches, do you job not the otherway around." At tuloy tuloy na siyang lumakad palabas ng opisina.

Napakunot-noo naman si Gabriel sa biglaang pagsusungit sakanya ni Carlo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.