Elleina Zeal's POV
Sa sobrang sakit na makita si Clench sa gan'ong lagay. Umalis ako at 'di ko alam kung saan ako pupunta. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa rooftop ng hospital.
Clench, Please fight and wake up because I can't forgive myself for making so much pain to you.
Sa naisip ko ay umiyak nanaman ako. Naupo ako sa mahabang upuan na nando'n tumingala sa liwanag ng buwan, patuloy pa din sa pag-iyak.
Elle! Stop crying!
Iyakin talaga ako pagdating sa mga taong mahal ko. Hindi ko kayang magpakita ng walang emosyon sa kanila. Iiyak at iiyak ako kapag nasasaktan na. Kung gaano ako kalakas sa physical fight ay gano'n ako kahina 'pag emosyunal na ang pinaguusapan.
Sa pananahimik ng gabi ay biglang may umupo sa tabi ko.
"Cry on me" nakangiting sabi ni Kean at isenenyas pa ang balikat.
"It's normal to burst your emotions. Iyon nga lang at magkaiba tayo ng paraan" titig na titig siyang nakatingin sa mga mata ko at pinalis ang luha ko na nagbabadya nanamang pumatak.
"Paano ang paraan mo?" Humihikbi kong tanong sa kaniya.
Imbes na sagutin ako ay niyakap niya ako. Napahagulhol muli ako.
Stop it, Elle! Iyakin.
Ilang segundo ang lumipas nasa gano'n pa din kaming sitwasyon.
Nagulat nalang ako ng kumanta si Kean, mabagal, malambing at poging-pogi ang boses.
"Sa ibang mundo siguro sa'kin ka..At tayo'ng pinagtagpo..." hinawakan niya ang magkabila kung pisngi at inilapit ang noo niya sa noo ko."Sa ibang mundo siguro..Sa'kin galing ang isang..pangako.." nilayo niya ang mukha sa akin at pinakatitigan akong mabuti. "Sa ibang mundo..Mundo..Mundo..Mundo" kinanta niya iyon ng sobrang bagal animo'y pinapaintindi sa akin ang bawat liriko dahil iyon ang nilalaman ng puso niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at isinalikop ang kamay niya sa kamay ko. Magka-holding hands kami.
Dug.dug.dug.
"I committed myself to someone. I thought she's the one but you came into my life" bumuntong hininga siya at nakita ko ang nagkukubling lungkot niya. "Everything change.. even my heart beat"
Dug.dug.dug.
"I never cry because when I'm in pain I just sing what my heart feels" ang mga mata niya ay nakatingin sa malayo. "Wala na sigurong sasakit pa na makita kang umiiyak" hindi ko mahulaan ang laman ng isip niya. "Bakit kasi ngayon ka lang dumating? Bakit hindi pa noon? Kung kailan--ugh!"
Napatitig ako sa kaniya.
Anong ibig niyang sabihin? Ayaw ko maging assumera pero bakit parang pakiramdam ko may gusto siyang sabihin na 'di niya masabi dahil hindi pwede?
"Elle I--" bumuntong hininga siya at hirap na hirap sabihin ang nais niya. "I need to go home, sorry"
Tumayo siya pero natigilan nang makitang magkahawak ang kamay namin.
"Elle, I'm so sorry" tinanggal niya ang kamay namin at tumalikod na.
Wala akong sinabi na kahit na ano. Naiwan akong gulat sa kung ano ang sinabi niya. 'Di niya man nasabi ng diretso sa akin parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
No! Baka assuming ka lang, Elle. I can feel your heart, but I can't be assuming since you never told me that you love me.
Mahirap manghula sa tanong na hindi mo ni-review dahil madalas ay mali ako.
Javen Flair's POV
May kung ano sa sarili ko na 'di ko maintindihan. Ang hirap tingnan ni Zeal na umiiyak at nahihirapan.
Kung pwede ko lang sanang tanggalin ang sakit at ilipat sa akin. Shut! Ano ba itong iniisip ko?
Hinanap ko si Elle kasi bigla nalang siyang nawala. Sabi ni Lance ay nakita niya daw na umakyat sa rooftop ng hospital.
Nagulat ako nang makita ko silang magkahawak kamay. Tatalikod na sana ako pero natigilan ako.
"Wala na sigurong sasakit pa na makita kang umiiyak. Bakit kasi ngayon ka lang dumating? Bakit hindi pa noon? Kung kailan--ugh!" Emosyunal na sabi ni Kean.
May gusto na siya kay Zeal at nasisiguro ko iyon. Nasasaktan siya dahil nakikita niyang ganito si Zeal pero bakit parehas kami ng nararamdaman kapag nakikitang ganito si Zeal?
No freaking way! Impossible!
Nang makita ko tatayo na si Kean ay nagtago na ko sa pader. Narinig ko ang yabag niya na umalis na. Ang akala ko umalis na silang dal'wa.
"Flair?" Nagulat ako nang tawagin ako ni Zeal.
"Ah hehe Ano kasi--" nagkakamot sa ulo kong sabi sa kaniya. Naghahanap ng sasabihin pero wala akong makuha.
"Pwede mo ba kong samahan dito?" malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Ah-- oo naman hihi bakit hindi?" Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Bata pa lang kami ay mag-bestfriend na kami" panimula niya. "Hindi ko kakayanin na mawala si Clench magpapakamatay nalang ako!" Sabi niya iyon na umiiyak nanaman. "Si Kean 'di ko siya maintindihan dumadagdag sa iniisip ko"
Huwag ka naman umiyak nadudurog ang puso ko!
'Di ko na namalayan na niyakap ko na pala siya.
Walang nagsasalita basta nasa gano'n lang kaming sitwasyon. Alam kong ang yakap ang pinakakomportableng lugar sa mundo sa tuwing nasasaktan ang isang tao. Kaya nitong pagaanin ang sinumang nasasaktan dahil nagpro-produce iyon ng hormones na nakapagpapabago sa mood ng isang tao. Sa ganitong paraan lang ako makakatulong.
I don't know why I'm feeling hurt right now. If this is because of what had happened it's okay, but if this is because I'm falling for her.
I don't know.
Kean Patrick's POV
I want to stay but I need to go. I want to love you more, but it's not right. I want to hug and hold you so tight but it can't be.
Lahat ay mali para sa atin.
"Hindi tayo pwede.. pinagtagpo pero di tinadhana..'di imposible.. ang mga puso'y 'wag natin pahirapan" pabulong kong kanta habang nakasilip sa bintana ni Elle kahit alam kong wala siya do'n dahil iniwan ko siya sa hospital.
Ang hirap mong layuan at balewalain parang ikamamatay ko kapag 'di ka nakikita pero anong gagawin ko? Hindi ko pwedeng ipagpilitan ang mundo natin dal'wa. Mahihirapan tayo at magkakasakitan lang.
You and me against the world.
Hays... I love the way I love you but I can't hold you. My entire life belongs to someone I committed 10 years ago and I can't break the promised.