Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 20

Elleina Zeal's POV

Isang linggo na ang lumipas pero 'di pa din nagigising si Clench. Sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko. Si Carme naman ay 'di ako pinapansin.

"Bebs?" Nagulat ako ng isang araw lumapit siya sa akin. Malungkot ang mga mata at nangingilid ang luha. "Sorry kung sinisisi kita sa nangyari kay Clench" tumulo na ang luha niya. "Ang sakit kasi makita na gano'n ang kalagayan ng bestfriend natin pero mali ako na sinisi kita. Mali ako na 'di kita inintindi dahil kung ikaw.." natigil siya at humaguhol. "Dahil kung ikaw 'yong nasa sitwasyon niya ngayon ay mas hindi ko kakayanin baka bumigay ang puso ko" umiyak na siya ng umiyak.

"Shh! Okay lang 'yon naiintindihan kita" niyakap ko siya at hinaplos ang buhok. "Bebs 'wag ka ng umiyak"

"Bati na tayo huh? hihihi ang hirap mo pala deadmahin nakakawala ng beauty" tumawa pa si Carme habang nagpupunas ng luha.

"Sana magising na si Clench" malungkot pa rin na sabi ni Carme.

Natapos ang mga klase namin at kasalukuyan akong nasa subject ng Gen. Psych. Walang gana, malungkot at walang pakialam sa mundo. Iniisip ko kung okay na ba si Clench, kung gising na siya. Napabuntong hininga ako.

"Are you okay, Elle?" Nag-aalalang tanong ni Kean.

"Ya" malungkot kong tugon.

Nang matapos ang klase ay may humila sa kamay ko.

"Flair? Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Can I invite you for a walk? Don't you worry I won't tease you just for this day" naiilang niyang yaya.

"Just for this day huh? Okay, tara?"

At saka siya ngumiti ng pagkalawak-lawak.

Ang pogi, huh?

Naglakad lang kami, sumunod ako sa kaniya.

Kahit pwede naman magkotse kung saan kami pupunta 'no? Kaya nga 'walk' Elle.

Ano kayang problema ng impaktong ito at bigla-bigla nalang nagyayaya ng 'walk' ? 'Di naman ito date 'no?

Naglalayag ang isip ko nang maramdamang dumampi sa balat ko ang malamig na hangin. Magagabi na pala kahit papano gumaan ang pakiramdam ko at pansamantalang naalis si Clench sa isip ko.

Sana okay na siya.

"What's up with the sad face?" Nagaalalang tanong ni Flair sa akin. "Iniisip mo ba na sana si Kean nalang ang kasama mo at hindi ako?"

"No, ofcourse not!" Awtomatiko kong sabi. "Teka nga, Are you jealous or something?"

"No, ofcourse not!" Pag-uulit niya sa sinabi ko. Napangiti ako ng bongga ngayon ko lang siya nakitang tumatanggi nang sobra at namumula pa.

"What's up with the red face?" pangaasar ko sa kaniya.

"Ugh! Don't start, Elle!" Naiinis niyang sabi sa akin.

Masaya pala siya kasama, nakakalibang at nakakatuwang makita ang iba't ibang reaksyon sa mukha niya.

"Ampogi!"

"Girlfriend niya ba 'yan?"

"Woah."

Naririnig kong sigawan ng mga babaeng nadadaanan namin sa street.

Nagulat ako nang umakbay si Flair sa akin.

"Yeah, she's my girlfriend. Baby oh!" Awtomatikong tumahimik ang mga babae sa sinabing iyon ni Flair.

Napatingin ako sa kamay niyang nakaakbay sa akin.

"Let me do this. Please! I hate those girls shouting how handsome I am because I already know that" pabulong na sabi ni Flair sa akin habang nakangiti.

"Who the hell told you that you're handsome?" Sarkastiko kong sabi sa kaniya, nawala naman ang ngiti sa mga labi niya at nangunot ang noo.

"My mom!" Sagot niya agad.

Napatawa ako ng malakas.

"Flair, stop dreaming! Mother always cheer up their sons and daughters!" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Bigla naman ay lumaki ang ngiti sa kaniyang mga labi 'di ko mahulaan kung ano ang iniisip niya.

"I'm not handsome to you, huh? I like that!" Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin. "Let's go, Over Mela--I mean, Zeal"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Maya maya pa ay narating na namin ang gusto niyang puntahan namin.

"Woah!" Iyon lang ang nasabi ko nang makita kung ano iyon.

"Street Foods" nakangiti niyang sambit sa akin. Tumingala siya at pinakita ang banner na nakalagay.

Hindi pa ko nakakarating sa ganito. Mayamanin ang mga magulang ko at na-excite ako na pumasok doon. Ang liwanag ng ilaw at maraming tao. May mga parang Christmas light iba-iba ang kulay at maraming nagtitinda. Maingay pero sa tingin ko ay nakaka-enganyo kung anuman ang nasa loob.

"Maingay sa loob. Alam kong ayaw mo no'n" nilingon ko siya.

"I'm okay. That's why I bring you here" sarkastiko niyang sabi. Ngumiti nalang ako.

Javen Flair's POV

dug.dug.dug.

How could you do this to me? Your smile is genuine and your face is beautiful. Heart shape lips, not that pointed nose, eyebrow is in proper shape, eyes are full of emotions but real and small but cute shape of the face. Lahat saiyo ay bagay. Lahat ay masarap tingnan at nakakahalina.

Shut! Ano bang pinagsasasabi ko? This is not good!

"Tara?" Humawak siya sa braso ko kaya napatitig ako doon. At saka niya ko hinila papasok sa loob.

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil ramdam ko ang kamay niya sa braso ko at parang may kuryenteng dumadaloy doon.

Stop producing hormones pituitary gland! Shut! I can't admit that this gland produce oxytocin which is the cuddle hormone or love hormone! Hays... but I feel excited and inlove! Never! No way! Shut!

"Tikman natin ito?" Turo niya sa kwek kwek. "Ano ba ito?"

"Kwek kwek" tumingin ako sa tindera at sinabing iluto iyon.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito? E mayaman ka diba?"

"Porke ba mayaman 'di na pwede sa ganitong lugar?" sarkastiko ko nanamang sabi.

"No! I mean--wala sa itsura mo ang pupunta sa ganitong lugar lalo na't 'yang ugali mo ayaw ng maingay" pangaasar ni Zeal.

"Si mommy. She went everywhere, sinasama niya ko"

"Can I ask about your mother? If you don't mind?" Nahihiya niyang tanong.

"Of course" maiksi kong sagot.

"Where is she? Magisa ka kasi no'ng pumunta ako doon sa bahay niyo" makikitaan mo siya ng pagaalangan.

"She's.." nahihirapan kong sabi. "She's dead" malungkot ko siyang tiningnan.

"I'm sorry" sinserong sabi ni Zeal.

"It's okay. Matagal na rin ng mawala siya bata pa ko"

"So, you grew up without a mother?" Malungkot niyang tanong.

"And a father" pagdudugtong ko sa sinabi niya. "After the day that my mother cremated. I can't feel my dad anymore. Naging workaholic siya at halos 'di na umuwi sa bahay. I have all the material things on earth. May mall, bar, restaurant, kotse bahay etc. Pero wala ng masayang pamilya simula no'ng nawala siya. You know how hard to live in a big house but alone without no one by my side except Manang Cora but she's not around now, she go home for her family"

Tiningnan niya ako ng may malungkot na mga mata at patuloy lang sa pakikinig sa akin.

"Si mommy ang buhay namin ni dad. We are a perfect family before, until the accident happened" bumuntong hininga ako at pinipigilan ang pagaralgal ng boses. "Ang sakit na hanggang ngayon ay naaalala ko pa siya dahil sa akin namatay siya! Iniligtas niya ko from the accident! Ang sama kong bata"

Sa 'di inaasahan yumakap siya sa akin. Sa unang pagkakataon may napagsabihan ako ng tinatago kong hinanakit sa buhay ko. Naiintidihan ko si dad kung bakit nagpaka-busy siya sa trabaho dahil tulad ko ay 'di niya makalimutan si mommy.

"Ano maglalambingan nalang kayo diyan? Luto na itong kwek kwek!" Nangibabaw ang boses ng tindera.

Awtomatiko kaming napabitaw sa isa't isa at nahihiyang tumingin sa tindera. Kinuha namin ang kwek kwek at inilagay sa lalagyan.

"Isawsaw mo dito kung gusto mo ng matamis" turo ko sa isang sauce. "O maanghang" turo ko muli. "O di kaya maasim lang, suka 'yan" nakangiti kong sabi sa kaniya.

Nagulat ako ng isawsaw niya iyon sa maanghang.

"Hey! That's spicy!"

"I know" kinagat niya ang kwek kwek "Hmm! Ang sarap!" Nakangiti niyang sabi habang may pagkamangha sa kinakain.

Kinagat niya ang isang kwek kwek at kumagat muli. Natatawa ko siyang pinanood.

"Bakit sobrang sarap? Babalik tayo dito diba?" Malapad siyang ngumiti.

"Oo naman" nakangiti kong sabi sa kaniya saka kinagat din ang akin.

Nagulat naman ako ng ilapit niya ang mukha niya sa kinakain ko at kinagat ang isang kwek kwek na nasa stick pa.

"Pasensya na ang sarap talaga"

Natawa ako sa kaniya.

Kasi sobrang cute niya! Gusto kong pisilin ang pisngi niya. Hay nako Flair tigilan mo nga 'yan!

"Gusto ko rin itong tikman" turo niya sa fried siomai. "At ito" turo niya sa isaw. "At ito" turo niya sa sisiw.

Napangiwi ako noong makitang pati iyong sisiw gusto niya.

"Miss narinig mo diba? Iluto mo lahat ng iyon" maangas kong sabi sa tindera.

"Hey!" Hinampas niya ang braso ko. "Don't scared the tindera mamaya 'di niya na ko lutuan e!"

Natatawa ko siyang tiningnan dahil naka-pout pa siya.

Maya maya pa ay luto na iyon. Nilantakan niya ang mga iyon pagkatapos isawsaw sa maanghang. Hilig niya pala ang maanghang.

"Dahan-dahan, Zeal" pangaasar ko sa kaniya habang nakikita kong todo nguya siya at subo ng mga pinaluto namin.

"Ang sarap!" Sabi niya habang kinakain ang sisiw. Napangiwi ako ayaw ko kasi noon e.

Ang creepy ng hitsura.

"Tikman mo dali! Ang sarap!" Pinipilit niyang isubo sa akin ang sisiw. Ilag ako nang ilag.

"No! Ayaw ko niyan!" Hinahawi ko ang kamay niya.

"Bilisan mo. Say ah" sabi niya pa sa malambing na boses at tumatawa.

"Kadiri! No way!" Ilag ko muli dahil nailapit na niya iyon sa bibig ko. "Ano ba--ahmm" napahinto ako nang pagsalita ko ay naisubo niya iyon sa bibig ko.

Tiningnan ko siya ng masama. Wala na akong nagawa kung hindi nguyain ang isinubo niya.

Masarap nga! Pero kung iisipin kong sisiw 'yon ay nasusuka na ko.

Kumuha siya ng juice at pinainom sa akin para akong bata na sinusubuan ng nanay.

"Good boy" ginulo niya pa ang buhok ko.

"What do you think of me? A dog?" Sarkastiko kong sabi at saka siya tumawa ng pagkalakas-lakas.

Nagbayad ako ng 500 at sinabing 'keep the change' kaya tuwang-tuwa ang tindera.

"Babalik kayo ng girlfriend mo huh?"

"She's not my girlfriend!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ba't may pagyakap?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sayang! Bagay kayo" nakangiti niyang baling kay Zeal na ngayon ay nakatalikod sa amin at nagtitingin ng mga paninda sa ibang tindahan.

'Di ko na siya pinansin, bastos ko siyang tinalikuran at lumapit kay Zeal.

"Thank you for this day" nakangiti niyang sabi habang naglalakad kami pabalik ng Laurente para kunin ang kotse namin.

Bigla akong may natapakan na malambot pero 'di ko iyon pinansin.

"Ang baho" nagtakip si Zeal sa ilong.

Suminghot-singhot din ako at naamoy ko nga kung anong sinasabi niya.

"Parang amoy--tae" sabi ko. "Bilisan natin ang baho naman dito" nagmadali akong maglakad.

Parang may madulas sa sapatos ko na 'di ko maintindihan kung ano. Habang naglalakad ay lalo lang bumabaho. Inangat ni Zeal ang damit ko at itinakip sa ilong niya dahilan para makita ang abs ko.

"Ano ba!" Sabi ko sa kaniya dahil halos pumasok na siya sa loob ng uniform ko.

"Ang baho! Malakas pang-amoy ko. 'Di ako nakakahinga dahil sa amoy"

"Ugh!" Iyon nalang ang nasabi ko at hinayaan ko na siya.

Maya maya ay bigla siyang lumayo sa akin habang nakatingin sa paanan ko at nakatakip pa din ang dal'wang kamay sa ilong.

"Flair! Yuck!" Sabi niya iyon habang hirap na hirap dahil grabe ang pagtatakip ng ilong niya.

"What?" Inis kong tanong.

"Nakatapak ka ng tae!"

"WHAT!" Malakas kong sigaw dahilan para magbatukan ang mga aso sa mga bahay sa street na nilalakaran namin.

"EWWW!" Umatras siya ng pagkalayo-layo.

Tiningnan ko ang paanan ko at nangdiri ako sa nakita ko.

Sticky brown poop! Ugh!

"Zeal! Help me! What should I do? Ewww!" Sabi ko habang inis na inis na nakatingin sa paa ko.

"Chupi! 'Di kita kilala!" Sabi niya iyon na sa bawat paglapit ko ay todo layo siya. "Ang baho mo, Flair!"

"Ugh! Zeal!" Naiinis kong sigaw sa kaniya. Tawa lang ang tugon niya. "Buy me a pair of shoes!"

"Okay!" Akmang lalapit ako sa kaniya. "Oops!" Hinarang niya ang dal'wang kamay niya. "Don't come near me! Ang baho mo!"

"Ugh!"

Sa kainisan ko hinubad ko ang sapatos ko. Wala 'kong paki kahit magpaa lang ako basta matanggal 'to.

"Ewww!" Malakas na sabi ni Zeal habang may pandidiri sa mukha.

Naisip kong asarin pa siya. Hinabol ko siya habang hawak ang sapatos. 'Di ko alam kung paano ko nahawakan ang sapatos ko kahit diring-diri para lang asarin si Zeal.

Kadiri!

Tumakbo siya at iwas na iwas sa akin.

"FLAIR! UGH! SASAPAKIN KITA SUBUKAN MO LUMAPIT!" Atras pa siya nang atras. Lumapit ako sa kaniya. "Sige! Sasapakin talaga kita!"

Tinapon ko ang sapatos ko. Nakakapagod siyang habulin.

Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Kadiri ka talaga I can't believe this!" Sigaw niya sa akin bakas pa din ang pandidiri.

"Kasalanan mo 'to!"

"Why me!" Nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"Wala!" Sigaw ko sa kaniya.

Kung 'di kita nakitang nalulungkot at dahil 'di ko iyon matagalan niyaya kita pumunta dito kaya kasalanan mo talaga 'to! Syempre sinabi ko 'yan sa isip ko lang.

Why I am so affected when I see you hurting? Damn! You're strong but iyakin!

Nang makarating kami sa parking lot ng Laurente. Lumalayo pa din siya sa akin. Imagine nakapaglakad ako ng iisa lang ang sapatos at sa tuwing titingnan niya ako ay tumatawa siya.

Kapal ng mukhang pagtawanan ako!

"Bye! Again, Thanks for this day! You're more than just a clown!" Malakas nanaman ang tawa niya habang pasakay sa kotse niya.

"Paano ang sapatos ko? Kala ko ba bibilhan mo ko?" tiningnan ko pa ang paanan ko.

"Kaya mo na 'yan! Bye!" At saka niya ibinaba ang windshield ng sasakyan niya at pinaandar na ang kotse niya. Pinanood ko lang siyang lumayo.

"Wow huh? After what I've done for you! 'Di mo man lang ako tinulungan! Over Melanin!" Inis kong sinipa ang gulong ng kotse ko.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon.

Hindi maitatangging nag-enjoy ako sa araw na ito.

Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari hanggang sa nakakadiring parte ng buhay ko ang makaapak ng poop!

Masaya ako dahil buong buhay ko ngayon nalang ulit ako nakipagkaibigan sa isang babae dahil sa takot kong mahigitan nila ang pag-aalaga at pagmamahal ni mommy.

Thanks for today, Over Melanin.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.