"Fall"
Elleina Zeal's POV
"Bebs! Bumangon ka na diyan!" Nagising ako sa maingay na bibig ni Carme. "Bilisan mo! Andito na sila!"
"Hmm" nag-ayos lang ako ng pwesto ko at tumagilid.
Napamulat ako ng mata nang hilahin niya ako sa paa.
"Ano ba!" Sabi ko habang 'di tumitingin sa kaniya. Umakyat muli ako para maabot ang unan at muling inihilig ang ulo ko sa unan.
"Ang cute" impit na kilig na sabi ni Clench.
"Ang pangit matulog" sarkastikong sabi ni Flair.
"Good morning, Beautiful" masiglang bati ni Kean.
Napamulat ako ng mata at napaupo nang marinig ko ang boses na iyon ni Clench, Kean at Flair.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita silang lahat sa kwarto ko.
Woah! I must be dreaming!!!
"WHAT THE HELL ARE YOU ALL DOING AT MY ROOM!?" Sigaw ko sa kanilang lahat.
Inis kong tiningnan silang lahat.
"ZEKE BOY!!!!" Sa lakas nang sigaw ko ay siguradong nayanig ang buong bahay.
Lumabas si kuya Zeke sa likod ni Flair at naka-peace ang mga daliri.
"Ugh! LABAS!" Pantataboy ko sa kanila.
"Kahit si Kean?" pangaasar na tanong ni Carme.
Tiningnan ko si Kean nang nahihiya.
"Can you please go down stair? Magpre-prepare lang ako" nahihiya pero malambing kong sabi kay Kean.
"Yes. of course, unless you want me to join you?" bumungisngis si Kean. Hinampas ko siya sa braso.
"Over Melanin! Bilisan mo ah! Ikaw nalang ang hindi ready!" Gigil na sabi ni Flair.
"Bakit san ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.
"Sa medical mission ng kuya Zen mo" kumindat si Flair sa akin.
Baliw talaga!
"Bakit kasama kayo?"
"Kasi gusto namin" sarkastiko niyang sagot.
"Kahit kailan talaga ang galing mo sumagot" inirapan ko siya.
"Kaya nga matalino, eh" pagyayabang niya pa.
Sarap sipain ng isang ito!
"Lumabas ka na nga! Ang aga mong epal!" naiinis kong sabi sa kaniya.
"Ikaw nga may muta pa" tatawa-tawa niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Gosh! Nakita ba 'yon ni Kean? Ugh!!!!
"Kakahiya 'no?" Pangaasar pa rin ni Flair.
"Ugh!" Pinitik ko siya sa noo.
"Aray! Over Melanin!" sabi niya habang hawak ang noo.
"Labas" sinipa ko siya sa likuran palabas ng kwarto.
"Grr!" Masama ang tingin niya bago lumabas ng kwarto.
Lumapit ako sa salamin at sinipat mabuti ang mga mata ko. Nakahinga ako nang maluwag ng wala naman muta.
Gino-good time nanaman ako ng impaktong Flair na 'yon.
Parang no'ng isang araw lang ay masaya kami at magkabati tapos ngayon ay back to rambulan nanaman kami.
Nang makalabas ako ay nakangiti silang lahat sa akin.
"Ingat ka do'n, huh? Huhuhu" nangaasar na sabi ni Kuya Zeke habang umaakto pang umiiyak.
"Usog ka nga do'n! Galit ako sa'yo!chupi!" sinenyas ko pa ang kamay ko na umusog.
"Pasalamat ka nga pinapasok ko mga kaibigan mo, eh! 'Diba pareng Flair?" nakipag-apiran pa siya kay Flair.
"Wow huh? Parang kailan lang ang init nang dugo mo sa kaniya. Ngayon pare mo na?" sarkastiko kong sabi habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"People change" pangaasar pa din ni kuya Zeke.
"Nagkasundo kami no'ng pagkwentuhan namin 'yong gabing nag-dinner ako dito tapo--" lumapit ako kay Flair at itinakip ang kamay ko sa bibig niya.
Tumawa naman nang malakas sina Kuya Zen at Zaimon.
"Kahit kailan ka talaga Flair! Impakto!" Gigil kong idiniin ang kamay ko sa bibig niya.
"I can't relate what was that?" Nagtatakang tanong ni Clench.
"Dinner? Nag-dinner siya dito, beautiful?" Nagtatakang tanong ni Kean.
"Yes!" Halos isigaw na sagot ni Kuya Zeke.
"Kilos-kilos din Clench! Nauunahan ka na, manok ko!" Lumapit si Kuya Zaimon at umakbay kay Clench.
"O..M..G! Ang ganda naman" pangaasar ni Carme sa akin.
"Ewan ko sainyo! 'Di pa ba tayo aalis?" Naiinip na ako.
Umuna ako sa kanilang lumabas. Nilagay na nila ang mga gamit sa van. Ewan ko kung ilang van o sasakyan ang dala dahil may mga dalang medical kits at medicine.
Aakyat na sana ako ng van pero nag-unahan sa pag-akyat si Kean at Flair. Nagtutulakan sila na halos magkandatilapon ang bawat isa, katabi ko naman ngayon si Clench.
"Do'n ka Kean!" Sigaw ni Flair habang tinuturo pa ang likod na upuan ng van.
"Ikaw nalang! Tara dito, Elle! Tabi tayo!" Sabi ni Kean habang kinukuha ako.
"Sa akin siya tatabi" hinila ako sa braso ni Flair.
"Aray ko naman!" Halos maputol na ang balikat ko kakahila nilang dalawa.
"Sa akin!" Hinawakan ako ni Kean sa baiwang at marahan na hinila papunta sa kaniya.
"Arah! Halika tulungan mo 'ko buhatin natin ang buhok ni Bebs ang haba, eh!" Nangaasar na sabi ni Carme at bumungisngis naman si Arah.
"Ganda ng pinag-aagawan niyo, ah!" Sarkastikong singit ni Lance habang nakataas pa ang gilid ng labi.
Sus, if I know Lance, kung ibabalik ko lang ang past. Nako!
"Easy mga pre!" Tatawa-tawang sabi ni Rev.
"Baka maputol ang bones ni Elle" bumubungisngis din na sabi Ali.
"Ugh!" Inis kong hinila ang sarili ko kay Kean at Flair.
"Tara Clench sa likod tayo" Lumaki naman ang ngiti sa mukha ni Clench at dumila do'n sa dal'wa.
Isa ring siraulo! Kainis!
Nang makarating kami sa Calamba Laguna ay nagulat ako sa taas ng kailangang akyatin at 'di daw basta-basta makakaakyat do'n baka magpalipas kami ng isang gabi sa tent dahil hapon na kami nakarating.
"Ang hirap maging doctor, kung hindi mo mahal 'wag mo ng ituloy" bigla ay nagsalita si kuya Zen sa tabi ko.
Siya lang ang kasama ko sa mga kuya ko kasi may pasok si Kuya Zeke at Zaimon.
"Buti nalang gusto mo ang maging teacher. Sigurado akong magiging masaya ka sa propesyon mo" nakangiting sabi ni kuya Zen.
"Oo naman kuya!" Masigla kong sabi.
Maya maya pa ay nagsimula na kaming umakyat sa mataas na lupang iyon. Buhat-buhat ng mga lalaki ang mga gamot at pagkain para sa mga tao doon. Natawa ako nang makita si Flair na nakasimangot habang buhat ang kahon ng 'di ko alam kung ano.
"Dahil gusto mo palang sumama huh?" Sabi ko sa nangaasar na tono.
"Paki mo?" Inis niyang sabi.
"Do'n ka kay Clench!" At itinulak ako dahilan para muntik na kong matumba buti nalang may bisig na sumalo sa akin.
Napangiti ako nang makita si Kean.
"Ugh! Kean pakibuhat!" Lumapit siya kay Kean at marahas na ibinigay ang kahon.
Maya maya pa ay madilim na. Gumawa na sila ng apoy at nagtayo ng tent.
Namulot naman ako ng kahoy na magagamit namin. Tumabi sa akin si Kean, awtomatiko akong napangiti at kinilig.
"Masaya ka ba?" Nakangiting tanong ni Kean.
"Oo, bakit hindi" nagpulot ako ng kahoy.
"I wish we could be like this, forever" nakangiti pero malungkot ang mga mata.
Gusto kong itanong kung bakit siya malungkot pero 'di ko na tinanong.
"Hoy! Bilisan niyo nga diyan!" Sigaw ng impaktong si Flair. "Puro landian!"
Nagtataka kong tiningnan si Flair.
Bakit ba ganiyan na ang ugali niyan? Bigla ay naging sobrang sungit.
Lahat kami ay nakapalibot sa apoy.
"Masaya sana kung may gitara" nakaupo si Rev at nakangiting pinasadahan ng tingin ang buong lugar.
"Oo nga sweetie, halos bakasyon na rin natin 'to" lumapit si Ali kay Rev at yumakap.
"Naiinggit ako sweetheart. Hug!" Sabi naman ni Carme. Si Lance naman ay ngumiti at yumakap sa kaniya.
Iniwas ko ang paningin ko.
Nakakainggit, sana kami rin ni Kean!
"Gusto mo i-hug din kita?" Sabi ni Flair ng may pangasar na ngisi.
"Yuck! Tigilan mo nga ako impakto!" pagmamaldita ko sa kaniya.
Nagtawanan naman silang lahat.
"Hotdog" nakangiting sabi ni Kean habang hawak ang inihaw na hotdog na nasa stick.
"Salamat" kukunin ko na sana pero tinabig iyon ni Flair dahilan para malaglag sa lupa.
"WTF pre?" Nakakunot na sabi ni Kean kay Flair.
"Sorry 'di ko sinasadya" kumuha siya ng hotdog at ibinigay sa akin. "Palitan ko nalang"
Napabuntong hininga ako at akmang aabutin na iyon pero biglang iniwas ni Flair at kinagat.
"Nagutom ako, sorry. Kuha ka nalang diyan" sabi ni Flair habang ngumunguya pa.
"Jave ang isip bata mo. Ano bang kinakagalit mo diyan?" Naiinis na si Kean.
"Hayaan mo siya. Papansin lang 'yan" inismiran ko siya.
"Sana dalawa ang puso ko... hindi na sana nalilito.." napatingin naman ako sa kantang iyon ni Rev.
"Wala akong ginagawa kumakanta lang ako" sabi ni Rev habang nakangisi.
"Pahingi nga ng tubig nakakalima pa lang ako" sabi ni Kean kay Flair. Binigyan niya naman ito.
"Tama na ang laro. Matulog na kayo sa kaniya-kaniyang tent niyo" maawtoridad na sabi ni kuya Zen at saka tumayo na.
Nagsipagtayuan na sila at nagligpit.
"Saan ang tent mo?" Lumapit si Clench sa akin.
"Doon" turo ko sa isang tent.
"Do'n ang tent ko" turo niya sa may dal'wang tent lang ang pagitan sa akin. "If you need something, tawagin mo lang ako doon"
"Sige, Clench" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Good night" akmang hahalik siya sa noo ko pero may bumangga sa kaniya.
"Ay, sorry Clench, natalisod ako" sabi ng impaktong si Flair.
"Okay lang" sabay bumaling muli sa akin si Clench. "Good night ulit"
Tulog na ko pero naalimpungatan ako kaya bumangon ako, lumabas at naghanap ng tubig dahil nauuhaw ako.
Nakita ko naman si Flair na naglakad sa 'di kalayuan. Agad ko siyang sinundan.
Javen Flair's POV
Ang sarap ng hangin dito. Naglakad pa ko at narating ang isang mataas na lugar na may bangin. Doon ko natanaw ang kagandahan ng lugar.
Tagal ko na rin mula noong huling araw na nakapunta sa ganitong lugar.
Payapa.
"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa katabi ko, si Zeal.
"Wala lang. I feel safe and this place is peaceful"
Natahimik kaming dal'wa at tumitig sa kawalan.
"Sssssssssss" nagkatinginan kami nang may marinig na parang ahas.
"Ahas" sabi ni Zeal habang umaatras. "Flair, nasa likod mo" tinuro niya pa ang likod ko.
"Relax Zeal! 'Wag kang umatras!" Sabi ko sa kaniya pero tuloy pa rin siya sa pag-atras.
Hindi ako takot sa mga exotic animals kahit pa ahas.
"Zeal stop going backward" sabi ko sa kaniya.
"Ahhh!" Napasigaw siya nang malaglag siya sa bangin.
Shut!! ZEAL!!!!!
Hinawakan ko ang kamay niya. Masyado siyang mabigat.
"Huwag mo ko bibitawan impakto!" Sabi niya sa akin habang humihikbi na.
Iyakin talaga ito kahit kailan!
"Malamang!" Hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya.
Pinipilit kong itaas siya. Ang bigat niya 'di ko kaya.
"Shut!" Iyon nalang nasabi ko habang hirap na hirap siyang itaas.
"Laksan mo naman huhuhu!" Sigaw ni Zeal.
"Fuck! Elle!" Sigaw ni Kean at hinila rin siya pataas.
Maya maya pa ay naiangat na namin si Zeal.
Niyakap niya si Kean.
May kung ano sa dibdib ko ang kumirot. Ang nag-iisang deskripsyon ay 'masakit'
"Are you okay?" Sabi ni Kean habang tinatanggal ang buhok ni Zeal na nakaharang sa mukha niya. Patuloy pa rin si Zeal sa pagiyak. "Shh, I'm here. Don't cry"
Humigpit ang yakap nila sa isa't isa. At 'yon ang hindi ko na kinaya.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad pabalik sa lugar namin.
I never expect that love can hurt you more than what you believe. My first love causing so much pain in my heart. My first love is not happy. Yeah, I admit that I'm inlove with her and it hurts.
It really hurts...
:(