Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 26

Kean Patrick's POV

Kinaumagahan ay naglakad muli kami. Nang marating namin ang isang brgy. doon ay agad nanggamot ang medical team nila Kuya Zen.

Ang ginawa naman namin ay tumulong sa pamimigay ng mga pagkain at damit.

"Huhuhu ang sakit ng ngipin ko" nilingon ko ang isang batang nakahawak pa sa pisngi niya.

Lalapitan ko na sana pero naunang lumapit si Elle.

"Shh 'wag ka ng umiyak mamaya lang ay mawawala na ang sakit niyan" nakangiting sabi ni Elle.

Your smile arouse my whole system!

Iniupo ni Elle ang bata sa hita niya at iginiwang-giwang ang hita niya dahilan para tumawa ang bata.

"Ate, kapag ba malaki na ako pwede na akong manligaw saiyo?" Cute na cute na sabi nang bata, uutal-utal pa.

Siraulong bata! Uunahan pa ko.

Manligaw Kean? Really? Hindi pwede! Remember?

Nalungkot ako sa isiping iyon. Hindi nga pala pwede kahit gaano ko pa siya kagusto.

"Kean, pahinging bottle of water" sabi ni Kuya Zen habang may binubunutan ng ngipin.

"Kuya oh" abot ko naman sa kaniya.

Tinuon ko muli ang atensyon ko kay Elle na ngayon ay masayang pinalilibutan ng mga bata.

Sarap isipin na ako ang tatay at ikaw ang ina ng mga batang 'yan. Kaso hindi..

Ano ba Kean?! Stop day dreaming. You have your own world and Elle cannot be trespass because if that's happened, she'll get hurt and cry. Mas masakit makita 'yon.

"Are you thinking that she's the mother of your child?" Napatingin ako kay Jave na ngayon ay nasa tabi ko na.

"No" pagsisinungaling ko.

Nothing will change if I tell the truth.

"Okay but pre, don't play with her feelings. We know that you and her is not meant for each other in any angle, in any corner of the world" sabi ni Jave habang 'di tinatanggal ang tingin kay Elle.

Bumuntong hininga ako.

"I never forget that. Thanks pre" tinapik ko ang balikat ni Jave at tinalikuran na siya.

Elleina Zeal's POV

"Yohooo" sigawan nila habang tumatalon pa.

Tapos na ang medical mission at sa kagustuhan ni Kuya Zen na magenjoy kami ay dinala niya kami sa 'di kalayuang falls.

"MAJAYJAY FALLS! MOTHER EARTH YOUR BEAUTY NEVER FADE!" Nilingon ko si Kean na ngayon ay nakatingala pa at parang may isang himala sa langit.

"Pre! Maraming tubig dito siguradong makaka-8 glasses of water ka o higit pa!" Pangaasar ni Flair.

"Di na 'no! Mamaya umihi ka pa sa tubig edi patay ang mga isda Nagkalat ka pa ng toxic waste!" Pangaasar ni Kean.

Natawa naman ako sa asaran nila.

"Enjoy the place. Make sure that you don't go far" sabi ni Kuya Zen at saka inilibot ang mata.

"YES!" Sigawan nanaman nila.

Masaya ko silang pinanood na lumalangoy sa tubig.

Si Carme ay nakahawak sa likod ni Lance at todo sigaw kala mo malulunod. Si Rev naman ay tinatakot si Ali na iiwan niya at malulunod ito. Si Arah naman ay nasa isang tabi nangunguha ng magagandang bato. Si Clench ay nagiihaw ng isaw at ng bangus.

Nahagip ng mata ko si Kean na nasa Falls. Topless! Winawagay-way niya ang buhok niya at tumingala sa tubig na dumadaloy.

Oh gosh! Can't resist his masculine body! Ugh! Ang pogi! Nebeyen!

Nakangiti kong pinapanood si Kean ng may umepal na impakto sa tabi ko.

"Ayaw mo maligo 'no? Kasi lalong dadami ang melanin mo sa katawan,” pangaasar nitong tsokoy sa tabi ko.

"Wala ka na ba talagang maggawa sa buhay mo? Chupi!" Umakto pa akong pinapaalis siya na parang hayop.

Ngumisi siya sa akin. 'Di ko nahuhulaan kung ano ang iniisip niya hanggang sa binuhat niya ko.

"Ahhhhh!! FLAIR! Put me down! Ugh!!!!" Sigaw ko habang buhat niya ko ng pangkasal.

Rinig ko ang lutong nang tawanan ng mga kasama namin.

"IMPAKTO! PUT ME DOWN! AHhhh!"

"Jave, careful. Baka masaktan siya" rinig kong sigaw ni Kean.

Nang marating ang tubig ay itinapon ako ni Flair, sa takot na malunod ay hinila ko rin siya kaya sabay kaming tumilapon sa tubig. Mabilis ko siyang hinanap at kumapit ako sa kaniya.

"Ano ba! 'Pag ako talaga nalunod yari ka sa tatlong kuya ko lalo na sa dad ko. Mata mo lang ang walang latay"

Ang lakas ng tawa niya nang pagpapaluin ko siya sa dibdib.

Nakakapit lang ako sa balikat niya dahil baka malunod ako.

Sa ilalim ng tubig ay naramdaman ko ang paghawak niya sa baiwang ko.

Nang tingnan ko siya ay malaki na ang ngiti niya.

Dug.dug.dug.

Why should I feel the same rhythm of heart for Flair and Kean?

Kay Kean ay excited na pakiramdam at kay Flair naman ay kabadong-kabado na parang nagtatago.

"You look wasted" tumawa si Flair nang malakas at hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko. "But the beauty is still the same. 'Di nababawasan lalo pang nadadagdagan" mahina niyang sabi na diretso sa mga mata ko.

Dug.dug.dug.

Ano daw? Sinasabi niya bang maganda ako? Hindi ko siya naintindihan.

"You want to go under the water?" Nakangisi niyang sabi.

Hindi na niya hinayaan akong magsalita.

"Inhale, Zeal" ginawa ko naman ang sinabi niya at inilubog niya ako sa tubig.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinitigan ko siya sa ilalim ng tubig. Lumapit siya sa noo ko at hinalikan iyon saka niya ako inahon.

Napatitig ako sa kaniya.

Anong ibig sabihin no'n?

Nahawakan ko ang dibdib ko dahil sa lakas nang kalabog no'n.

"Saya!" Sigaw ni Flair. "Tara na! Gutom na ko" hinawakan niya ang kamay ko at inahon na sa tubig.

Nang marating ang lugar namin ay nagtatakang nakatingin silang lahat sa amin dal'wa. Si Kean ay masama na ang tingin at si Clench ay nag-iwas ng tingin.

Bakit kaya?

"Holding hands while walking. Kakilig!" Pangaasar ni Carme.

At doon ko lang napagtanto ang kamay naming 'di ko namalayang mag-kahawak pala!

Nilingon ko si Flair at nakita ko ang malaking ngiti sa labi niya.

"Psh. Salawahan" rinig ko ang bulong ni Kuya Zen.

Hiniklas ko ang kamay ko kay Flair.

"Sana dalawa ang puso ko... 'di na sana nalilito.." nangibabaw nanaman ang kantang 'yon ni Rev.

Nagtawanan sila.

Ako naman ay nahihiyang nag-iwas ng tingin.

Bakit hindi ko namalayan? Nakakahiya naman! Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Muli kong nilingon si Flair at 'ayon nanaman ang puso ko na parang hindi na magkanda-ugaga sa pagtibok.

What does it mean?

Boodle fight ang paraan namin ng pagkain ngayon. Masayang-masaya silang kumakain.

"Anong gusto mo, Elle?" Tanong ni Clench.

"It's okay. I have food here, it's enough"

"Water?" Pangungulit muli ni Clench.

"Yes, please?"

"Ito na" sabi ni Kean at Flair habang inaabot ang bottle of water sa akin.

"Ito nalang pre baka 'di ka maka-8 glasses of water" nakangising sabi ni Flair at saka inabot sa akin ang tubig.

Wala naman ng nagawa pa si Kean.

"Never underestimate the people around you maybe one of them has a special spot in your heart. PARTNER" seryosong sabi ni Lance.

He's my partner in HTH and it's rare to him to advice me that's why I take it seriously.

Alam ko ang gusto niyang sabihin na mayroon isa sa kanila ang gusto ko talaga pero 'di ko alam kung sino.

I'm pretty sure that it is Kean, but why my heart beats the same for Flair?

Nalilito ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.