Elleina Zeal's POV
Maaga akong nagising kaya naman tinulungan ko si nay Purita na maghanda ng almusal. Si dad ay maagang pumasok, si mom naman ay 'di daw papasok dahil masakit ang ulo niya para makapagpahinga naman muna kaya nag-ready ako ng pagkain sa tray para ihatid kay mom. Ang mga kuya ko naman ay tulog pa.
"Nak, ako na maghahatid niyan sa mommy mo" sabi ni nay Purita habang nakatingin sa pagkaing nasa tray.
"Hindi na, nay. Ako na" ngumiti lang ako sa kaniya at binuhat ang tray.
"Napakabait talaga ng mga anak ni Mel at Zecka" nakangiting sabi ni nay Purita.
"Salamat, nay"
Iyon lang at tumalikod na ako para ihatid ang pagkain kay mom. Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing ang tulog ni mom, pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha kahit may katandaan na ay makikita mo pa rin ang ganda niya.
Pinakatitigan ko siya.
Bakit wala man lang sa aming magkakapatid ang nakakuha ng mukha niya?
Agad kong pinalis sa isip ko ang isiping iyon. Bigla ay napaisip ako at inalala ang hitsura naming magkakapatid parang si Kuya Zeke at Zaimon lang ang talagang magkamukha. Siguro dahil sa traits at sa crossing ng genes.
Inilapag ko ang tray sa side table at umupo sa gilid ng kama ni mommy. Gigisingin ko na sana siya pero may nakita akong frame na yakap niya.
Siguro family picture namin iyon!
Dahan-dahan kong kinuha iyon sa pagkakayakap niya. Nang makuha ko ay pinakatitigan ko. Isa iyong baby, babaeng sanggol.
Sino 'to? Ako?
"Princess, anak" nagulat ako nang makitang nakamulat na si mommy, umupo siya at tinitigan ang picture frame na hawak ko.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Mommy, ako ba ito?" Itinaas ko pa ang picture frame at ipinakita sa kaniya.
"Hindi, Princess" ngumiti si mommy at marahang kinuha ang picture sa akin. "Siya ang kapatid mo, si Mel Zecka"
Nagulat ako sa sinabi niya.
Kapatid?
All this time ang alam ko ay ako ang nag-iisang babaeng Suarez. Hindi ko alam na may kapatid akong babae.
"Ang ganda ng pangalan niya, mom. Pinagsamang pangalan niyo ni dad" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Siya ang ate niyo" nakangiting sabi ni mommy at tumitig sa larawan."Pero namatay na siya, pagkapanganak palang"
"Kawawa naman ang ate ko" tiningnan ko ang larawan ng may malungkot na mga mata. "Bakit po hindi natin ilagay 'yan sa sala at i-display? Hindi natin siya dapat kinakalimutan, mom"
Hinaplos ni mommy ang buhok.
"Napakabait mo anak ko" ngumiti siya pero 'di maitatago ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Napakaswerte namin ng daddy mo dahil nagkaroon kami ng magaganda, gwapo at mababait na anak" tumulo ang kapirasong luha sa mga mata ni mom. "Kahit anong mangyari, 'wag niyo kaming iiwan ng daddy mo, huh?"
Lumapad ang ngiti sa labi ko at niyakap ko si mommy.
"Hindi namin kayo iiwan, mommy. Pangako"
"Salamat, anak" humigpit ang yakap ni mommy.
"Kain ka na mom" inilagay ko ang tray sa kama. Si mommy ay nakangiting kumain. "Salamat, anak. Ang swerte ko na naging anak kita"
Pagkatapos kong pakainin si mommy ay lumabas na ako. Kumuha ako ng tubig sa ref at ininom iyon. Hinugasan ko ang nag-iisang baso.
Sipag ko 'no?
Nasa gano'n akong sitwasyon nang may kamay na yumakap sa likuran ko. Napakislot ako, hindi naman sila kuya 'to kasi 'di naman nila 'to ginagawa sa akin.
"Good morning my beautiful" bulong sa tainga ko at ipinatong ang kaniyang mukha sa balikat ko. Napangiti ako, alam ko na kung sino 'to.
"Kean, anong ginagawa mo dito?" Humarap ako sa kaniya at ngumiti.
"Ayaw mo ba 'kong makita sa ganito ka-aga?" Sumimangot ang mukha niya.
"Syempre gusto kaya lang pa'no ka nakapasok dito?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Pinapasok ako ni kuya Zen" lumapad ang ngiti sa labi niya.
"Anong pinakain mo kay Kuya Zen at botong-boto sa iyo?"
"Ewan ko rin" iyon lang at yumakap muli siya sa akin.
"Ano ba! Mamaya makita tayo nila mom"
"Ano naman?" Sarkastiko niyang sabi.
Ewan ko ba kay kuya Zen at sobra naman atang gustong-gusto si Kean para sa akin. Napakabait niya kay Kean, nawawala ang pagkama-awtoridad niya pagdating sa kaniya pero katulad niya ay sa tingin ko may kaniya-kaniya ring manok ang dal'wa ko pang kuya. Si Kuya Zeke ay napapansin kong si Flair ang gusto niya sa 'di ko alam na dahilan at si Kuya Zaimon ay si Clench dahil siguro saksi siya sa kabayanihang ginagawa ni Clench para sa akin.
Masaya akong niyaya ni Kean na lumabas. Pumunta kami sa park.
"Mamang sorbetero!" Tawag ni Kean sa lalaking naka-bike at may dalang ice cream.
Ordinaryong ice cream lang iyon walang brand.
"My beautiful, anong gusto mong flavor?"
"Avocado" nakangiti kong sabi.
Maya maya pa ay inabot na ni mamang sorbetero ang ice cream.
"Ang sarap!" Sabi ko habang sinisimsim ang hawak kong ice cream.
"Nako, bagay na bagay kayo ng nobya mo" sabi ni mamang sorbetero.
"Syempre naman po" kumuha si Kean ng pera at ibinigay sa mamang sorbetero "Dahil sinabi mong bagay kami saiyo na ang sukli hihi"
Nobya? Sabi niya ay 'syempre naman po' so, girlfriend niya na ba ko?
'Di naman siya nanligaw.
"Nako! Salamat! Ang laki naman nito?"
"Para saiyo yan, manong. Sige na po. Salamat manong" kumaway si Kean kay manong bago ito nagbenta muli ng ice cream sa iba.
Tinanaw ko si mamang sorbetero at masayang-masaya siyang kumaway sa amin, kinawayan ko din siya.
Nakangiti kong sinisimsim ang ice cream pero nagulat ako nang lumapit si Kean at simsimin din ang ice cream ko.
"Ang sarap." bumungisngis siya at umakbay sa akin.
"Baliw ka talaga" hahampasin ko nanaman ang braso niya pero lumayo siya.
"My beautiful, ayaw ko niyan. Masakit" sabi niya sa akin habang umaatras.
"Okay, hindi na" lumapit ako sa kaniya at ako naman ang umakbay.
"My dopamine, easy!" Sabi niya sa sarili niya habang hawak ang dibdib niya. Natawa naman ako.
Nakakakilig talaga siya! Kami na ba? 'Di ko magawang itanong sa kaniya at hindi naman rin siya nagtanong pero parang gano'n na rin 'yon.
Masaya lang kaming magkasama habang nagkwekwentuhan.
Lance James Dawson's POV
Answer the phone, Elle!
Nakailang tawag na ako pero 'di pa rin siya sumasagot. May mission kasi kami at nandito ako ngayon sa harap ng company ng mga Imperial.
Ang mission ay protektahan si Javec Imperial, ang tatay ni Jave.
Maya maya pa ay nakita ko na si Mr. Imperial na palabas ng company. Agad ko siyang sinundan naka-motor lang ako. Sa 'di kalayuan ay nakita ko na ang mga kotseng itim na sumusunod sa kaniya, limang kotse.
Fuck! Ang dami nila! Bakit ba laging ang dami kung sumugod ang mga kalaban?
Kung ano ang pakay nila ay 'di pa namin alam basta nakakuha lang si BossRill ng impormasyon sa taga-kalap.
Maya maya pa ay hinarang na ang kotse ni Mr. Imperial. Dali-dali akong bumaba ng motor at mabilis na pinuntahan si Mr. Imperial.
"Halika na, Mr. Imperial. Sumama ka sa akin kukunin ka nila" nagmamadali kong sabi sa kaniya.
"Di kita kilala!" Natatakot na sigaw niya sa akin. Mahahalata ang kaba at panginginig ng katawan niya.
"Please! Wala na tayong oras!"
Bigo akong isama siya sa halip ay naupo lang siya sa loob ng kotse. 'Pag lingon ko sa likod ko ay may nakatutok ng baril.
"Sino ka? Bakit nangingialam ka?" Idiniin pa ng lalaki ang baril sa aking ulo.
Imbes na magpatinag ay mabilis kong sinuntok ang kamay niya dahilan para maitapon niya ang baril. Sinuntok ko siya at nang makitang lalapit na ang mga lalaki pang kasama niya ay mabilis ko silang sinalubong.
Tumalon ako upang sipain ang isa at pagbagsak ay nasuntok ko na rin ang isa pa. Mabilis ko iyong ginawa at todo lakas ang ginagawad sa bawat isa para 'di na makatayo pa.
"Pakialamero!" Binaril ako ng lalaki at mabilis akong umilag.
Mabilis kong nilakbay ang distansiya namin ng lalaki at sinipa iyon, bumagsak siya.
Tumakbo ako sa kotse ni Mr. Imperial.
"Bilis! Mr. Imperial. Tara na!" Sa wakas ay sumunod siya sa akin at nagmamadaling bumaba.
Hinawakan ko siya at patakbo kaming tumungo sa motor ko. Natigilan kami ng makita ang isang lalaking nakangisi at hawak ang driver ni Mr. Imperial.
"Joe!" Sigaw ni Mr Imperial.
"Iligtas mo siya!" Nagsusumamong sabi ni Mr. Imperial.
"Magtago kayo Mr. Imperial" tumango siya sa akin at nagtago sa likod ng pader.
"Tsk!" Naiirita ako sa lalaking ito.
Nagulat ako nang biglang itapon niya si Joe. Itinutok ang baril sa akin. Alisto ko siyang tiningnan, anumang oras ay papaputukin niya iyon. Nasisiguro ko.
"Ligtas ka na sana kung 'di ka nakialam" gumuhit ang ngisi sa labi niya.
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay magkakasunod niyang pinaputok ang baril. Umiwas ako nang umiwas ang akala ko ay wala akong tama pero gulat ako nang maramdaman ang hapdi sa aking tiyan.
Tumulo ang dugo at habang dumadampi ang hangin sa aking balat ay lalo kong nararamdaman ang sakit. Napaluhod ako, kitang-kita ko ang ngisi sa mukha ng lalaking iyon.
Lumapit siya at malakas na sinipa ako sa mukha dahilan para tuluyan akong bumagsak.
Partner!
Sigaw ko sa isipan ko. Tumulo ang kapirasong luha sa mga mata ko.
Where the hell are you, z4? I thought you're coming!
Iyon ang laman ng isip ko, umaasa akong darating si z4 dahil siya ang partner ko at kahit kailan 'di namin pinabayaan ang isa't isa. Hindi matanggap ng sistema ko na hindi ko siya kasama ngayon sa 'di ko alam na dahilan.
Umikot ang aking paningin kasabay ng paglala ng sakit na nararamdaman ko sa aking tiyan.
z4!
Sigaw ng isip ko. Humihingi ng tulong sa partner ko pero mukhang kahit anong sigaw ng isip ko ay hindi niya iyon maririnig.
Hanggang sa unti-unti ko ng ipinikit ang aking mata at nilamon na ng kadiliman.
"Sweetheart huhuhu" nagising ako sa iyak na iyon ni Carme. Nasa hospital na ako.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko sina Carme, Rev, Clench, Arah at Ali. Wala si Jave, malamang ay alam na niya ang nangyari sa daddy niya.
Yumakap sa akin si Carme.
"Sweetheart, are you okay? Huhuhu" hinaplos ko ang buhok niya.
"Ssh! Sweetheart, don't cry. I'm okay" inaalo ko lang si Carme pero ang mata ko ay hinahanap si z4.
Where the heck are you? Fuck you!
Sigaw ko sa isip ko.
Maya maya ay nagbukas ang pinto. Nakita kong awtomatikong tumulo ang luha ni z4, kasama niya si Kean.
Inuna pala ang lovelife niya kaysa sa mission!
"Lance?" Humihikbing sabi ni z4. "I'm sorry" umiiling-iling siya na para bang 'di makapaniwala sa nangyari sa akin.
"Sweetheart? Can you please buy me a food?" Malambing kong baling kay Carme. Tumango siya.
Hinalikan ko ang noo niya at pinalis ang luha sa mata at pisngi niya.
"I love you. Don't worry, I'm okay" malambing at nakangiti ko ulit na sabi sa kaniya.
"I love you too, sweetheart" naglakad na palabas ng kwarto si Carme.
Tiningnan ko silang lahat saka nagsalita.
"Pwede niyo ba kaming iwan ni Elle?" Sabi ko sa kanila, tango lang ang sagot nila at isa-isang lumabas. 'Di ko pinansin ang nagtatakang tingin ni Kean.
Nang kami nalang dal'wa ay nagsalita na ako.
"Mission Failed!" Inis kong sabi kay z4. "Saan ka galing?!" Hikbi lang niya ang naririnig ko. "PARTNER" pagkakadiin ko sa salitang iyon. "Mag-partner tayo! You should not leave me! Magkasama tayong sumumpa sa organisasyon! You know your responsibilities!" Naiinis kong sabi sa kaniya.
"I'm sorry. LJ" sabi niya habang humahagulgol.
"Tigilan mo nga kakaiyak mo buhay pa ko!" Napabuntong hininga ako dahil inis na inis ako sa kaniya. "Elle! Bukod sa ikaw si Elle, ikaw rin si z4 at 'di mo pwedeng talikuran ang tungkuling nakakabit sa codename na 'yon!"
"LJ" iyon lang ang nasabi niya at patuloy sa pagluha.
"For the very first time you failed the HTH. Now tell me, maghahanap na ba ko ng ibang partner? Explain to me what the heck is happening to you!?" Sigaw ko sa kaniya.
"I'm sorry, LJ." Bumuntong hininga siya at nilakasan ang loob na punasan ang luha niya. "I'll fix this, Ako ng bahala" ngumiti siya. "Kasalanan ko ito, patawarin mo 'ko sa pagiging irresponsableng partner. Patawarin mo ko" humugot muli siya ng hangin. "Patawarin sana ako ng organisasyon sa kapabayaan ko" ngumiti siya. "Magpahinga ka at magpagaling, partner. Hindi na mauulit ito" tumayo siya at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa, nahinto siya sa sugat ko sa tiyan.
Ngumiti siya sa akin. "They should not ask my name if they are not ready to die"
Pilit kong inintindi ang sinabi niya.
Hindi ko maintindihan!
Tumalikod siya sa akin bago lumabas ng pinto ay huminto siya.
"Ang misyon ng partner ko ngayon ay magpagaling wala ng iba"
Iyon lang at lumabas siya ng kwarto.
What does it mean? Nainis ako sa sarili ko dapat 'di ko siya sinigawan dahil kasalanan ko rin 'yon! Masiyado akong nasanay na lagi ko siyang kasama at sabay naming nalulutas ang kaso pero ngayong wala siya ay parang ang hina ko o talagang mahina lang talaga ako at kung 'di dahil sa kaniya ay 'di namin malulutas ang kaso?
'Di ko maamin sa sarili kong mas malakas siya sa akin kahit 'yon ang totoo...
Tsk