Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 31

Elleina Zeal's POV

Susugod ako mag-isa sa lugar kung saan dinala si Mr. Imperial.

Sobrang galit ako sa sarili ko dahil wala akong ginawa kung hindi unahin ang sarili ko lalo na't daddy ni Flair pala ang nakataya. Kung anuman ang kanilang pakay kay Mr. Imperial ay malalaman ko rin iyon.

'Wag lang sa aking magpapahuli ang lalaking bumaril kay Lance dahil 'di ko siya sasantuhin.

Tiningala ko ang abandonadong building, nakatago ako sa halamanan. Isinuot ko ang itim na mask at cap. May nakalagay din ako sa binti na kutsilyo at may baril sa baiwang.

Its game time!

Dahan-dahan akong lumapit sa building. Wala pa man sa loob ay naitumba ko na ang anim na taong nagbabantay sa labas. May pinipindot lang ako sa bandang leeg upang makatulog sila.

Nang sa wakas ay makapasok ako sa loob ay muntik na kong makita ng mga lalaking nagkwe-kwentuhan habang naglalakad, mabilis akong nagtago sa pader.

"Tol, beer nalang bilhin natin"

"Mga ilan ba, tol?"

Rinig kong kwentuhan nila nang makalampas sila ay maingat muli akong gumapang. Ilang kwarto ang napasukan ko pero wala do'n si Mr. Imperial.

Saan kaya siya dinala?

Hanggang sa marating ko ang isang malaking kwarto. Makalat, puro kahoy at maraming bakal.

Napatago muli ako ng makitang maraming tao doon. Nakinig ako sa usapan nila.

"Nasaan ang kambal kong anak?! Ang tagal kitang hinanap!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin.

Sumilip ako at nakita ko si Bloody.

Siya pala ang dumukot kay Mr. Imperial.

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang dahilan nila ay nakinig lang muna ako.

"Hindi ko nga alam! Ilang beses ko ba saiyong sasabihin 'yan!" Isang dagok ang iginawad kay Mr. Imperial ng isang tauhan.

"Ang tagal tagal kong hinahanap ang mga anak ko kaya kung ako saiyo ibibigay ko na sila! Kung ayaw mong ipadukot ang nagiisa mong anak!"

Si Flair ang tinutukoy niya na nagiisang anak, di ko hahayaang mangyari 'yon! Sino nanaman bang anak ang gusto nitong makuha ni Bloody? Ligtas naman ang mag-inang Passina sa pinaglagyan namin pero ngayon may hinahanap pa pala itong si Bloody?

"Wag mong gagalawin ang anak ko!" Sigaw rin ni Mr. Imperial.

"Sabihin mo na bago pa maubos ang pasensiya ko!" Sigaw ni Bloody habang napapasabunot sa buhok niya marahil ay nagpipigil ito ng inis.

Hays! Wala naman patutunguhan ang usapan nila!

Pasugot na sana ako pero napahinto ako sa sinabi ni Bloody.

"Kung hindi kasi pakialamera ang asawa mo edi sana nasa akin ang mga anak ko at hindi kita ginugulo ngayon!!!"

Asawa? Ang nanay ni Flair? Bakit anong ginawa niya? Niligtas din ba niya ang mga bata sa kamay ng sindikatong ama nila? Posible 'yon dahil ang sabi ni Flair ay matulungin ang mommy niya at sabi ni Kean ay tinuruan si Flair makipaglaban ibig sabihin marunong din makipaglaban ang mommy ni Flair!

Ang sakit sa ulo pero malalaman ko din 'yan!

Sumugod na ko kumuha ako ng kahoy at pinagpapalo ang bawat makasalubong ko.

"Ikaw nanaman!?" Sigaw ni Bloody habang nagtitiim ang bagang. "Bakit ba ang daming pakialamera sa mundo!?" Sigaw niya. "Hala sige sugurin yan at patayin!" Sabi niya sa mga tauhan.

Isa-isang sumugod ang mga tauhan. Nang makalapit ang isa ay isang malakas na palo sa dibdib ang ibinigay ko, ang isa naman ay sa braso ko pinatamaan at ang isa pa ay sa tagiliran dahilan upang magpagulong-gulong sila sa sakit.

Nang sumugod ang mga lalaki ng sabay-sabay ay umikot ako ng pabilog habang nakahaya ang kahoy na hawak ko, tinamaan silang lahat.

"Aray--ugh!" Iyon ang nasabi nila habang pigil na pigil sumigaw dahil sa sakit at lakas nang pagpalo ko.

"Sino ka ba talaga!?" Sigaw nanaman ni Bloody.

"I told you! Don't ask if you're not ready to die!" Sigaw ko sa kaniya.

"Tingnan natin kung makaligtas ka pa dito!" Binunot niya ang baril, itinutok sa akin at walang atubiling ipinutok iyon sa akin.

Naggawa kong tumambling at nagpaikot-ikot, baling sa kaliwa't kanan para makaiwas sa bala hanggang sa marating ko ang pader. Napangisi ako ng wala akong tama pero nagkunyari akong may tama.

"Ouch!!" Sigaw ko kunyari.

"Sabi ko na nga ba't may kahinaan ka rin" napabungisngis ako nang mahina sa sinabi niya.

Uto-uto!

Nararamdaman ko ang paglapit niya sa akin. Humugot ako ng oxygen at naghanda hanggang sa lumabas ako sa tinataguan ko at hinarap siya.

Inagaw ko ang baril, naglaban ang lakas namin dal'wa. Malakas din pala ang isang 'to. Hinampas ko ang kamay niya sa kahoy na nando'n 'di ko namalayan na may pako pala do'n kaya gano'n nalang ang sigaw niya nang masugatan siya ng makalawang na pako pero agad ding nakabawi.

Sumugod siya sa akin sinuntok ako pero nakaiwas naman ako nang swabe. Maya maya pa ay nahagip ng mga mata ko ang paparating na mga lalaki.

Ang dami nila! Ugh!

Kailangan ko nang tapusin ang pakikipaglaro ko dito kay Bloody.

Tumalon ako sa ere, itinuon ang paa sa pader at malakas na sinipa sa mukha si Bloody. Nang patumba na siya ay sinuntok ko siya sa pinaka-maselang parte ng katawan ng isang lalaki upang mamilipit siya sa sakit.

"Mahuli lang kitang babae ka! Ahhh!!" Gigil na gigil si Bloody habang hawak niya kung anuman iyon pero wala siyang nagawa kung hindi humiga at mamilipit sa sakit.

Nagmadali akong lapitan si Mr. Imperial at tanggalin ang tali. Nang lingunin ko ay gosh! Sobrang dami nang nag-aabang sa aming dal'wa. Nakangisi ang mga lalaking malalaki ang katawan.

"Hulihin niyo ang babaeng 'yan at pahirapan!" Sigaw ni Bloody ng makabawi sa sakit na naidulot ko bagama't halatang mahina pa rin.

Susugudin ko na sana ang mga lalaki pero may lalaking tumalon at naunang sumugod sa akin. Isang sipa agad ang iginawad niya sa lalaking nasa harapan.

Pinagmasdan ko ang lalaki at kung hindi ako nagkakamali siya si...

Flair?

Sinipa niya ang isang lalaki at napamaang ako ng malayo ang itinalbo nito.

Malakas din siya tulad ko! Mabilis siyang kumilos tulad ko at nag-iisip!

Walang kapagurang suntok at sipa ang ginagawa niya. Lumapit ako at tinulungan na siya. Tulad no'ng unang gabing tinulungan ko siya magkatalikuran na kami ngayon at pinakikiramdaman ang isa't isa. May akmang papalo sa kaniya na 'di niya kita ay ako ang pumalo. No'ng sa akin naman nangyari 'yon ay maagap na niyang nasuntok ang kalaban at saka siya kumindat sa akin.

Nagpalitan kami ng pwesto, nakangisi ako sa kalaban kahit 'di naman nila kita dahil sa mask ko. Nang akmang lahat sila susugod ay binuhat ako ni Flair sa baiwang at inikot ako, pinagsisipa ko ang mga kalaban.

Galing! Nag-enjoy ako!

Para lang kaming magka-showdown ni Flair sa sayaw. Minsan nga ay tumatawa pa kami dahil walang tumatama sa kalaban. Ang hihina.

Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nag-enjoy sa pakikipaglaban at si Flair ang kasama ko.

"Pagod ka na ba, z4?" Tanong niya sa kalagitnaan nang magulong suntukan na iyon.

'Di ako nagsalita dahil makikilala niya ko.

Nang makita naming nakahiga na ang mga lalaking iyon at namimilipit na sa sakit ay nagmadali kaming puntahan si Mr. Imperial.

"Dad"

Yumakap ang daddy ni Flair sa kaniya.

"Manang-mana ka talaga sa mommy mo, ang galing mo anak!" Tumatawa siyang sinabi iyon habang ginagaya pa pa'no sumuntok at sumipa ang anak niya.

"Naunahan mo lang ako sana nasapak ko na iyon" rinig kong sabi ni Mr. Imperial, si Flair naman ay bungisngis lang ang ginagawa.

Iniisip ko lang kung ano ba talaga ang nanay ni Flair, sino siya at anong kinalaman niya sa hinahanap na anak ni Bloody?

Tumalikod na ako sa mag-ama at aalis na baka makilala pa nila ako.

Javen Flair's POV

Masaya akong makitang proud na proud si dad sa akin sa pagligtas ko sa kaniya.

Nilingon ko si z4 para pasalamatan pero nakita kong malayo na siya. Nagmadali akong tumakbo at habulin siya.

"z4!" Sigaw ko sa kaniya.

Tulad ng gabing niligtas niya ko huminto siya ulit pero 'di lumilingon sa akin.

May kung ano sa sarili ko na gusto ko siyang yakapin sa 'di ko malamang dahilan, baka dahil sa niligtas niya ko dati at ngayon ay kami ni dad.

Lumalaki na ang utang na loob ko sa kaniya.

Bakit nga pala nandito siya? Nagtataka na ko sa presensiya niya at kung sino ba siya talaga?

Tinakbo ko ang agwat naming dal'wa at 'di ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya sa likuran.

"Salamat, z4" malambing kong sabi. Natigilan siya at halatang nagulat.

'Di matatapos ang gabing ito ng 'di kita kilala!

Habang lunod siya sa yakap kong ikinagulat niya ay mabilis kong tinanggal ang cap niya at iniharap siya sa akin. Nang akmang tatanggalin ko ang mask niya ay nahuli niya ang kamay ko.

Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. May kung anong kuryenteng dumadaloy do'n at masayang pakiramdam na nanunuot sa buo kong katawan.

Dug.dug.dug.

Ibinaba niya ang kamay ko at inihawak ang kamay niya sa mask.

Noon ko lang natitigan ang nanghahalina niyang mga mata at ang paghahayag nito ng iba't ibang emosyon. 'Di niya na kailangang tanggalin iyon.

Akmang tatanggalin niya na ang mask pero yumakap na ko sa kaniya.

"Over Melanin, Zeal" bulong ko sa kaniya habang humihigpit ang yakap ko.

Nakakagulat na ikaw pala ang babaeng iniisip ko sa matagal ng panahon. Ang babaeng gusto ko ulit makita pero matagal ko na palang kasama.

"I'm glad you're safe" bulong ko muli sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya.

Pagkatapos ng segundong 'yon ay nilayo niya ko sa kaniya. Tuluyan niyang tinanggal ang mask at ngumiti sa akin.

"Salamat sa tulong impaktong Flair" nakangiti niyang sabi.

"Ako dapat ang magpasalamat" nakangiti ko ring sabi. "Salamat, Over Melanin Zeal"

"Hay nako! Bukas o sa makalawa may apo na ko! Yahoo!" Napatingin kaming dal'wa kay dad na tumalon pa sa tuwa.

"Dad!" Pagpigil ko sa kaniya.

Lumapit si dad kay Zeal.

"Dalasan mo ng dalaw sa bahay huh? Simula ngayon ay aalagaan ko nang mabuti ang iyong nobyo" nakangiting umakbay sa akin si dad.

"How many times that I need to tell you that she's not my girlfriend!" Sigaw ko.

"In Denial" Nakangising sabi ni dad.

"Hihi" 'yon lang ang nasagot ni Zeal sa kaniya, tiningnan ko siya na may 'pasensiya na' sa mata ko.

"Anak ko, Flair haya!" Natatawa kong pinanood si dad habang ginagaya ang pagsipa ko at pagsuntok. "Ang husay magturo ng nanay mo ngayon ko lang na-realize na 'di na ko dapat malungkot at magmukmok sa pagkawala niya dahil iniwan ka niya sa akin"

Ang sarap marinig no'n kay dad at sa tingin ko sa dami ng taong nasayang na wala siya ay sa isang saglit lang ay kaya niya nang punan.

I did not expect that z4 and Zeal is the same person.

Masaya ko siyang sinulyapan.

Kahit sulyap lang masaya na ko...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.