Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 32

"I'm afraid that one day you'll love someone, but I am more afraid of not giving you happiness" - Clench Gabriel Belmonte

"Staying at your side is my happiness. I can't force you to love me, but I can never unlove you" - Javen Flair Imperial

"When I chase you, I had to deal with the consequence, but I still chose to love you" - Kean Patrick Valencia

---------------------------

Elleina Zeal's POV

Gabi na at oras na ng tulog. Fresh na fresh ang pakiramdam ko kasi naligo ako. Nahiga ako sa kama ko, tumagilid ako upang humarap sa veranda.

Tulog na kaya ang handsome ko?

Napasimangot ako sa isiping iyon. Sa sobrang pagod kanina pagkatapos ng klase ay 'di kami masiyadong nagkausap. Ewan ko ba kung ano ang iniisip niya kasi panay ang ngiti niya at tingin sa malayo habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Napaisip tuloy ako na baka may iba ng nagpapangiti sa kaniya! Kakainis!

Ipinikit ko ang mga mata ko.

Haish! Sana 'di ko mapanaginipan ang nakakatakot na panaginip na iyon!

Ilang segundo pa ay nakapikit lang ako nang may humaplos sa pisngi ko. Napamulat ako ng mata.

"Matutulog ka na ba? My beautiful?" Nakangiting sabi ni Kean.

Siraulo talaga! Inakyat nanaman ang kwarto ko pero ang sweet!

"Di ako makatulog, my handsome" yumakap ako sa baiwang niya.

"Halika, alis tayo" malambing niyang sabi.

"Ayaw ko, gabi na at saka nakapangtulog lang ako" pagmamaktol ko.

"Ayaw mo ba ko makasama?" nakasimangot na sabi ni Kean.

'Yon nanaman ang tanong niyang iyon!

Paboritong linya niya talaga iyon para magpa-cute at wala akong magawa para pumayag nalang sa gusto niya.

"Okay! Sige na nga!" bumangon ako.

"Let's go?" puno ang siglang sabi ni Kean.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa veranda.

"Sandali, nakaganito lang ako, eh!" Sabi ko sa kaniya at inginuso pa ang pantulog kong damit.

"You look cute! Okay na 'yan" nakangiti siya habang pinapasadahan ang buong katawan ko.

"Haish! Sige na nga" sumimangot ako.

"Don't pout, I'm tempted" saka siya nag-iwas ng tingin.

Maya maya pa ay inalalayan niya na akong makababa.

Lubid gaming!

Ito ang isang bagay na natutunan ko sa kaniya.

Umakbay siya sa akin nang makababa kami. Masaya namin tinungo ang park.

Laking gulat ko nang masulyapan sa malayo na maliwanag ang park.

"Handsome, anong mayro'n sa park?"

Ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na isinalikop ang kamay niya sa kamay ko.

Nang makarating kami sa loob ng park ay nanlaki ang mga mata ko.

^___^ Kuya Zen, Zaimon, Zeke, Rev, Ali, Arah, Carme, Mom, Dad at Clench.

-____- Lance at Flair.

Nakangiti silang lahat sa akin maliban nalang kay Lance na talagang normal lang sa kaniya ang walang emosyon at palaging masungit. Si Flair ay hindi ko alam kung ano ang iniisip, nakatingin siya sa amin pero parang tumatagos at nasa ibang mundo.

Napatakip ako sa bibig ko. Doon ko lang napagtanto kung bakit maliwanag ang park ay dahil sa nagagandahang disensyo nito ng mga ilaw. Nakita ko ang isang lamesa na kulay red ang sapin, may kandila sa gitna, may dal'wang plato, may nakatakip na sa tingin ko ay pagkain at may bulaklak.

Namula ang pisngi ko 'di ako makatingin sa kanilang lahat bukod sa nakapantulog lang ako ay naiilang ako kay Kean. Agad na namasa ang kamay kong hawak-hawak niya. Natawa si Kean habang tinititigan ako.

"Ewan ko saiyo!" Hinampas ko ang balikat niya.

Habang naglalakad kami papunta sa lamesa ay nadaanan ko ang mga kuya kong tumango saakin pati na rin ang mom and dad ko.

"Mabuti pa iwan na muna natin sila" sabi ni dad.

Isa-isa na silang lumayo sa amin.

Agad na nag-play ang musikang pakiramdam ko ay isinulat para sa aming dal'wa.

Tinitigan ako ni Kean at ngumiti. Nakita ko na bumuka ang bibig niya ang sabi 'i love you'.

Nag-unahang dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko. Batid ko ang masayang pakiramdam na parang wala nang kapantay.

Kumain kami nang tahimik pero hindi maikakaila ang sulyapan at saka ngingiti na para bang may kung anong kilig ang dulot ng titig namin sa isa't isa.

Hinawakan niya ang aking kamay. 'Di ko man rinig ang tibok ng puso niya pero pakiramdam ko ay kabisado ko na ang ritmo nito sa isip ko.

Tumayo siya at inalalayan ako upang isayaw.

Kay gandang musika, bagay na bagay sa nangyayari ngayon.

Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at ang mga kamay niya ay iniligay sa baiwang ko. Malambing at dahan-dahan kaming sumasayaw.

Naalala ko ang gabing isinayaw niya ko sa ilalim ng ulan at sa gitna ng kalsada. Ang gabing iyon ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko.

Nakatitig lang kami sa isa't isa parang lumilikha muli ng mundong para sa aming dal'wa lang.

Naaalala ko 'yong araw na una kaming magkita, huminto ang mundo ko at 'di na alam kung papa'no paiikutin pa. No'ng gabing iyon ay napako ako sa mga mata niya at nakita ko kaagad ang g'wapong hitsura niya. Isang gabing akala ko ay isang magandang panaginip dahil pansamantala akong nakalimot sa sakit ng una kong pag-ibig.

Ramdam ko ang lirikong binabanggit sa kanta. Saksi ang buwan at bituin sa aming pagmamahalan, sila ang palaging nanonood sa magandang ala-alang iniiwan namin sa isa't isa.

Natapos ang kanta pero hindi ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

Napatingala ako nang marinig ang malalakas na putok.

May fireworks!

Napakaganda!

Naramdaman ko ang pagyakap ni Kean sa baiwang ko at humalik siya sa noo ko.

Nakatingala lang ako sa magandang kislap ng fireworks hanggang sa 'di makapaniwalang tinitigan ko ang gumuhit doon. 'Can you be my girlfriend?' Napatingin ako kay Kean, sinalubong niya ang tingin ko ng isang emosyunal na malaking ngiti.

"Can you be my girlfriend?" Nakangiti niyang sabi.

Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki ang mga mata. Tumulo ang kapirasong luha na pilit na kumakawala. Nagpaulit-ulit ang tanong niya sa aking isipan.

"Can you be my girlfriend, Ms. Beautiful?"

Napalingon ako sa mga taong nando'n. Ngayon ay nakapalibot na sila sa amin at naghihintay ng sagot ko.

Bigla ay nagtama ang tingin namin ni Flair. Wala siyang emosyong pinapakita hindi ko alam ang iniisip niya. Ngayon ko lang siya nakitang seryosong tumingin.

Flair...

Nabuhay ang pagkalito sa puso ko pero nangibabaw pa din ang masayang pakiramdam. Kahit hindi ko maintindihan ay wala na akong pakialam basta alam kong si Kean ang tinitibok nito.

Si Kean lang ba talaga? Bakit parang may Flair din?

Tiningnan ko muli si Kean. Sa ngiti niya ay parang nanunuot sa buong sistema ko. Siguro hindi na ako dapat mag-alinlangan pa.

Siya 'yon..

"Yes" halos pabulong kong sambit sa kaniya.

Awtomatikong tumulo ang luha ko at ipinakita ko sa kaniya ang malapad na ngiti. At saka niya ko inikot-ikot at 'di pa nakuntento tumalon-talon pa habang karga ako.

At dito na nagtatapos ang kwento.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

CHAR!

Inilapit ni Kean ang mukha niya sa akin at ginawaran ako ng isang matamis na halik sa labi.

Sa sobrang saya ng pakiramdam ay parang wala na kong hihilingin pa. Pakiramdam ko nahanap ko na ang lalaking nakalaan para sa akin.

My Mr. Handsome...

"I love you" bulong niya sa tainga ko.

"I love you more" niyakap niya ako nang sobrang higpit.

Ang pagmamahal na walang kapantay. Ang pakiramdam na nanunuot sa buo kong katawan. Ang lalaking nasa harapan ko ang kokompleto sa kakulangan ng buhay ko.

Sometimes, you need to go with the flow. If you feel the pain today, deal with it, because tomorrow there is someone who will ease the negativity and translate it into strong affection to stimulate the positivity.

I love you, today, tomorrow, the next day, next month, next year until we reached the road of forever.

My Mr. Handsome, Kean Patrick Valencia...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.