Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 34

Elleina Zeal's POV

Vacant time!

Sila Carme ay may pasok dahil 'di ko sila kasama sa ganitong oras. Si Kean naman ay pinatawag daw ng dad niya saglit habang break time niya.

Sa madaling salita, I'm alone.

Pumunta ako sa dulo ng school do'n sa puno kung saan nalaglag si Flair dati. Umupo ako at isinandal ang likod sa puno. Kinuha ko ang 'Introduction to Biology' na libro ko at binasa iyon.

Ulit-ulit na ko dito sa natural at physical branches ng science. Nilipat ko ang page. Nakita ko ang topic about cell.

Parts ng cell which is the cell wall, cytoplasm and its organelles, nucleus, nucleulos, nuclear pores and so whatever.

Alam ko na 'to! Nilipat ko ulit.

Nasa gano'n lang akong sitwasyon nang maamoy ang pabango ni Flair.

Malakas pang-amoy ko.

Alam kong andito lang siya at nagtatago sa mga puno.

"Hay nako! Flair lumabas ka na!" natatawa kong sabi.

"Ugh! Paano mo nalamang nandito ako?" kakamot-kamot sa ulo si Flair na lumabas sa isang puno.

"Dahil sa pabango mo" sabi ko.

Agad naman lumaki ang ngiti niya.

"So, nababanguhan ka sa akin? Haha kasi naalala ko no'ng nakaamoy ka ng tae todo takip ka ng ilong pero sa akin inaamoy-amoy mo pa!" Lumakad siya at tumabi sa akin.

"Tsk" iyon lang ang sinabi ko.

"What are you doing here?" Umupo siya sa tabi ko.

"Obviously, I'm reading book" tinaas ko pa ang librong hawak ko. "Ikaw? Ano ginagawa mo dito?"

"Vacant time din namin wala akong kasama. Ayaw ko naman sa maingay kaya dito ako nagpunta"

"Okay" sabi ko at ibinalik muli ang mata sa pagbabasa at siya naman ay nagsalpak ng earphone sa tainga.

Pagkatapos ng klase ay magkakasabay na kaming pumunta sa parking lot. Ewan ko ba kung bakit parang naging isa kaming malaking grupo o tropang masasabi.

"Sweetheart, how's your day?" tanong ni Carme kay Lance habang nakahawak ang kamay sa braso nito.

"Syempre, malungkot kasi ngayon lang kita nakita" paglalambing ni Lance.

"Yuck" sabi ko sa kanila.

"Panira ka ng moment bebs!" tinulak ako ni Carme kay Kean. "Ayan! Dyan ka sa jowa mo kung naiinggit ka"

"Ugh" sabi ko na halos ipagduldulan niya ako kay Kean.

"Hey! Nasasaktan ang beautiful ko!" Saway ni Kean.

"Tse! Lika na sweetheart. Lumayo tayo sa inggiterang best friend natin" saka siya umirap sa akin.

Natatawa ko nalang siyang tiningnan.

"Elle, kinain mo ba ang laman ng binigay kong lunch box saiyo?" Lumapit naman si Clench.

"Yes" nakangiti kong sabi. "Salamat"

"Pre, 'di mo ba alam ang salitang MOVE ON? as in M, O, V, E O, N" ini-spelling pa ni Rev ang salitang iyon kay Clench.

"Sus, pre! Kahit tumanda ako bibigyan ko pa rin siya ng lunch box. Bata palang kami ginagawa ko na sa kaniya 'yon walang pakialaman ng trip" naiinis na sabi ni Clench.

"Martyr" nakaangat ang isang labi na sabi ni Flair.

"Nagsalita ang isang dakilang taga-payo" baling ni Rev kay Flair.

"Psst! Rev ang lakas mo mang-alaska" sabi ni Kean at saka bumaling kay Ali. "Makipag-break ka na nga dyan, Ali. 'Di ka ba natu-turn off diyan?"

"Actually malapit na" nakangising sabi ni Ali.

Lumapit si Rev kay Ali at todo yakap ang ginawa niya dito.

"Wala namang ganyanan oh! Sweetie, bawiin mo 'yon"

"No" seryoso kunwaring sabi ni Ali.

"Buti nga sayo!" sigaw ni Flair kay Rev.

Nang nakarating kami sa parking lot ay nakita kong nakasandal si Mr. Laurex Baider sa kotse ni Kean.

Nagulat kaming lahat sa presensya niya.

"Ahm, Hi, guys" bati niya sa mga kasama ko. Bumati din sa kaniya ang lahat.

"Anak siya ni Mr. Baider" sabi ko sa kanila. Ngumiti ito sa kanila.

"Pasensya na sa abala pero pwede ko bang makausap si Elleina?"

Tumango sila. Lumayo kami sa mga kaibigan ko.

"Pwede ka bang sumama sa bahay? Pasensya na talaga ayaw kasi uminom ng gamot ni dad at ikaw ang hinahanap niya" diretsong sabi ni Mr. Laurex.

Bakit naman ako?

Nagtataka kong tanong sa isip ko pero 'di ko na naisatinig.

"Sige po. Magpapaalam lang ako sa kanila" tumango si Mr. Laurex

"My handsome, umuwi ka na. Pupunta ako sa bahay ni Mr. Baider" sabi ko kay Kean at saka ibinaling sa mga kaibigan ko ang mga mata.

"Una na kayo. May pupuntahan lang ako"

Tumango sila at isa-isang nagpaalam nagbeso sa akin ang mga babae at nang akmang si Clench na ang magbebeso ay inambahan agad ni Kean ng kamao.

Seloso talaga.

"Ugh! 10 yrs. ko ng ginagawa ang magbeso kay Elle tapos dahil lang--" 'di na naituloy ni Clench ang sasabihin dahil umamba ulit si Kean ng kamao.

Hinampas ko si Kean sa braso.

"Ikaw talaga!"

"Tawagan mo ko kapag magpapasundo ka na. Ingat ka, I love you" sabi ni Kean at humalik sa noo ko.

"Ingat ka din, I love you too, my handsome"

Iyon lang, kumaway na ko sa kanila at sumakay sa kotse ni Mr. Laurex.

Nang makatating kami sa mansyon ng mga Baider ay sumalubong sa amin ang dal'wang nagwa-gwapuhang binata.

"Mga pamangkin ko sila, si Taxen Kil Baider- Blunt" turo niya sa isang matangkad na lalaki at poging-pogi. "Taxon Ken Baider - Blunt" turo niya sa isang pang pogi. "Anak sila ng bunso naming kapatid na si Laureyna Anmela Baider - Blunt. Ngayon ko lang sila napakilala saiyo dahil nasa America sila no'ng kaarawan ni dad"

Ngumiti sila sa akin at gano'n din ang ginawa ko.

"Siya si Elleina" pakilala ni Mr. Laurex sa akin.

"Woah! Lolo's right. She looks like tito Laurenz" nama-manghang sabi ni Taxen Kil.

"Yeah" seryoso at masungit na sabi ni Taxon Ken.

"We're going upstairs. Bye, boys" paalam ni Mr. Laurex kumaway lang din ako sa kanila.

Pinasok namin ang isang malaking kwarto at nang makita ako ni Mr. Baider ay awtomatikong lumaki ang ngiti nito.

"Apo!"

"Mr. Baider" ngumiti ako sa kaniya pero gano'n nalang ang pagkagulat ko ng tumayo siya at yakapin ako.

"Dad, andito na si Elleina. Iwan ko na kayo" lumapit si Mr. Laurex sa akin at bumulong. "Andon 'yong gamot niya sa tabi ng kama, painumin mo siya huh? Salamat" nakangiti niyang sabi, tumango lang ako.

"Buti at dinalaw mo ako, apo" nakangiting sabi ni Mr. Baider.

"Lolo" malambing kong sabi. "Bakit 'di ka umiinom ng gamot?"

"Namimiss ko ang aking apo. Matagal nang panahon na wala siya" malungkot na sambit ni Mr. Baider.

"Iinom na kayo ng gamot diba? Kasi nandito na ko!" Masigla kong sabi.

"Oo naman" nagpalinga-linga siya. "Nasaan na ba ang mga gamot ko!"

Pinainom ko siya ng gamot at masigla na siya ngayon.

"Dad 'di mo pa daw---"

Natigilan ang isang magandang babae sa pagsasalita nang makita ako sa tabi ni Mr. Baider. Ngumiti ako sa kaniya marahil ay siya ang bunsong anak na babae ng mga Baider.

Nanlaki ang mga mata niya at natutop ang bibig niya.

"Shine" mahina niyang sabi.

Shine? Ano 'yon? Anong sinasabi niya?

Tumakbo siya at niyakap ako at saka siya humagulgol ng iyak.

"Ikaw ba si Shine?" Humihikbing sabi niya.

"Huh?--ah--e" 'di ko alam ang sasabihin ko.

"Hindi Laureyna, nakakalungkot man pero hindi siya si Shine" si Mr. Baider ang sumagot.

Tinitigan akong mabuti ng babae.

"You really looks like kuya Laurenz" nakangiti niyang sabi.

"Ahm pwede po ba magtanong?"

"Ano 'yon?" Sabi ng magandang babae.

"Pwede ko po ba makita ang picture ni--ahm no'ng Laurenz?" nagaalangan ko pang tanong.

"Nako, hija. Pasensya na pero bawal, dahil may kultura ang pamilya namin pero sasabihin ko saiyong kung ano ang mukha mo ay gano'n ang itsura niya" nakangiting sabi ng babae. Para siyang anghel sa ganda. "Ako nga pala si Laureyna"

Laureyna? Pamilyar sa akin. Saan ko na nga ba narinig 'yon?

Halos lahat ng pangalan nila ay pamilyar sa akin sa 'di ko malamang dahilan.

Inabot niya ang kamay sa akin at inabot ko rin iyon.

"I'm Elleina Zeal po"

Maya maya ay pumasok ang isang lalaki, asawa ni Laureyna. Si Jerex Blunt.

Pagkatapos kong painumin ng gamot si Mr. Baider at nakipagkwentuhan ng kunti ay niyaya nila akong sumabay sa dinner nila.

"I can't believe she's here again!" nagmamalditang sabi ni Diamond.

"Hey! don't show to her your beautiful attitude!" sarkastikong saway ni Taxon Ken.

"You are all crazy! She's never gonna be Shine! She has her own family!" Pagtataray pa rin ni Diamond.

Tahimik lang akong kumakain at pinapakinggan ang sinasabi nila.

"Stop that! Diamond" saway ni Mr. Laurex.

"Ya! She's a visitor" sabi ni Taxen Kil.

Tahimik nang kumain ang lahat. 'Di ko maggawang aminin sa sarili ko na sana ako nalang ang nawawalang apo ni Mr. Baider dahil sa ginagawa nila ay parang desperado na silang makita kong nasaan man iyon pero sa kabilang banda ng isip ko ay nagsasabing masaya ako sa pamilyang mayro'n ako at 'di ko na gugustuhin pang guluhin iyon.

Perpekto na ang pamilya ko at may masayang buhay pagibig na rin ako dahil andyan na si Kean. Ang kailangan ko nalang ay magtapos ng pagaaral, iyon nalang at masaya na akong mabubuhay habang buhay.

Hinatid ako ng buong pamilya sa labas. Nakakapagtakang lahat sila ay ginustong makita akong ligtas na aalis. Nasa labas na din ng bahay si Kean at sinusundo ako.

Isa-isa sila sa aking yumakap maliban nalang kay Diamond, Taxon Ken, Taxen Kil at Jerex na asawa ni Laureyna.

"Babalik ka dito, diba?" malambing na sabi ni Mrs. Laureyna.

"Oo naman po"

Sunod ay si Mr. Laurex

"Salamat, Elleina"

Yumakap din si Tassiana.

"Salamat sa pagdalaw" nakangiting sabi ni Tassiana.

"Magiingat ka, apo!" masiglang sigaw ni Mr. Baider.

Kumaway na sila sa akin at pinanood lang akong sumakay sa kotse ni Kean.

"Nag-enjoy ka ba, my beautiful?" tanong ni Kean sa kalagitnaan ng byahe.

"Yes, my handsome" yumakap ako kay Kean habang nagmamaneho siya at inihilig ang ulo ko sa hita niya.

"My beautiful, nahihirapan ako mag-drive" bumangon ako at inihilig nalang ang ulo ko sa upuan habang nakatingin sa labas.

"Anong iniisip mo, my beautiful?" tanong ni Kean habang nasa unahan ang tingin at tutok sa pagmamaneho.

"wala, my handsome. I love you" iyon nalang ang sinabi ko.

"I love you more, my beautiful"

Nang marating namin ang bahay ay pagod na ang katawan ko.

"My beautiful, bukas kumpleto ang pamilya ko. Ipapakilala kita sa kanila" nakangiting sabi ni Kean.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Naisip ko nga rin na bakit 'di ko pa nakikilala ang pamilya niya samantalang boyfriend ko na siya at labas pasok siya sa bahay. Kahit na nasa tapat lang naman ang bahay nila. Siguro ay busy ang mga magulang niya.

Nakahiga na ako ngayon sa higaan at nakatingin sa kisame.

Sino ba si Shine? Oo alam ko apo siya ni Mr. Baider na anak ni Laurenz pero anong nangyari sa kanila? Dapat ko bang alamin ang nangyari sa kanila? No! Siguro dahil kamukha ko ang Laurenz na 'yon pero pa'no kung ako nga si Shine?

NO!!!!

Awtomatiko akong napabangon.

Hindi ako 'yon dahil may kompleto at masaya akong pamilya!

Pilit kong inalis sa isipan ko iyon hanggang makatulog na ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.