Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 35

Elleina Zeal's POV

Nasa kwarto ako ngayon at inaayos ang damit ko. 'Di ako mapakali dahil makikilala ko na ang pamilya ni Kean. Kahit minsan 'di ko man lang sila nasulyapan dahil parang bihira sila umuwi o kung umuuwi man palagi ay gabi na dumarating.

Tiningnan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Okay na kaya ang hitsura ko?

"Kean is here" nakangiting sabi ni Kuya Zen.

"Mukha kang tao sa suot mo" pangaasar ni Kuya Zeke.

Si kuya Zaimon naman ay lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Ano ba kuya!" sabi ko sa tonong naiinis habang tinatanggal ang kamay niya.

"Baby ka pa rin namin kahit may boyfriend ka na" malambing na sabi ni kuya Zaimon.

"Whatever" inirapan ko silang tatlo.

"Dalhan mo ko ng pagkain ah" - Kuya Zaimon.

Kahit kailan talaga katakawan niya.

"Sige na baka malate ka pa" - kuya Zen

"Kuya nagpapatawa ka ba? Katapat lang ng bahay natin ang bahay ni Kean" - Kuya Zeke

"Alam ko, ano bulag lang?" masama na agad ang tingin ni kuya Zen kay kuya Zeke.

"Sige na"

Tinalikuran ko silang tatlo mamaya maipit ako sa rambol 'pag nagkataon.

"Wow" nakangangang sabi ni Kean. "Napakaganda ng girlfriend ko" saka siya yumakap. "Ready?"

"Yes" at saka ako ngumiti nang malapad sa kaniya.

Umakbay siya sa akin habang naglalakad palabas ng gate.

Pagpasok namin sa bahay nila ay bumungad sa akin ang isang napaka-cute na bata. Nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.

Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ako pero nagulat ako nang umirap siya.

Hinawakan ako ni Kean sa kamay at lumapit kami sa cute na bata. Umupo si Kean sa tabi nito.

"May ipapakilala ako saiyo, baby" nakangiting sabi ni Kean.

Nakakatuwa siyang panoorin dahil halatang close sila ng bata.

"Is she your girlfriend?" Lumapad ang ngiti ko nang marinig ang cute na cute na tinig niya at inosente niyang mukha.

"Yes" nakangiting sabi ni Kean.

Awtomatikong pinag-cross naman ng bata ang lower arm niya at mataray akong tiningnan. Imbes na mainis ay lalo pa akong nangiti dahil sa sobrang cute niya.

"Why are you looking at her like that?" nagtatakang tanong ni Kean habang pinagmamasdan ang masungit na mukha ng bata.

"Because she's gonna steal you from me! No way! Huhuhu" nagulat ako nang magwala ito at umiyak.

"Shh" kinarga ni Kean ang bata. "Baby Kessia shh" sinabi ni Kean iyon habang isini-swing ang bata sa ere. "Look at her" tumingin ang bata sa akin at natigil sa pagiyak. "She's not baby anymore. She's not going to steal me from you. You are my only baby" dinikit ni Kean ang pisngi niya sa pisngi ng bata na animo'y gigil na gigil sa ka-cutan.

Lumapit sila sa akin. Pinakatitigan ako ng bata. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"See? She's an angel. She's beautiful!" Sabi ni Kean na animo'y nanguuto.

Lumapad ang ngiti ko. Nagulat ako nang hawakan ng bata ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.

"You are really beautiful but you never steal my kuya from me, right?" cute niyang sabi.

"Of course" masigla kong sabi at saka lumapit sa bata at kinurot sa pisngi nang mahina. "You're so cute"

Sa wakas ay tumawa na ang bata.

"She's Kessia, my younger sister" nakangiting sabi ni Kean. Napakapogi talaga ng boyfriend ko!

"Hi" ngumiti ang bata. Kahit huli na para bumati ay naggawa ko pa rin.

Ihinaya niya ang kamay sa akin na para bang nagpapakarga kaya naman kinuha ko siya at kinarga.

"From now on, I'm your baby too!" nakangiting sabi ng bata saka yumakap sa akin.

Lumapit naman si Kean sa akin, humawak sa baiwang ko at humalik sa noo ko. Siguro naiisip niya mag-ina niya kami. Char!

"Let's go to dining area"

Iginaya lang ako ni Kean habang karga si baby Kessia. Naupo kami sa kusina.

"My beautiful, tinatawag na ng yaya ang parents namin" - Kean.

Bakit pakiramdam ko kinakabahan si Kean at natatakot? Baka dahil strikto lang talaga ang daddy niya.

Maya maya pa ay bumaba na ang magulang ni Kean. Ngumiti sila sa akin kaya naman nawala ang kabang namuhay sa dibdib ko.

"Goodevening po" nakangiti kong sabi sa kanila.

"May bisita pala si Patrick. Goodevening din, hija" nakangiting bati ni Mrs. Valencia.

Tango lang ang natanggap ko kay Mr. Valencia.

Hinihintay kong ipakilala ako ni Kean as girlfriend niya pero parang kinakabahan siya kaya hinawakan ko ang kamay niya. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng mag-asawa.

"Mom, dad--ahm she's Elle"

Iyon lang ang nasabi ni Kean pero hinayaan ko na siya dahil baka kinakabahan nga sa daddy niya.

"Kumain na tayo, feel free to eat, hija" sabi ni Mr. Valencia.

Habang kumakain ay panay ang sulyap ni Mrs. Valencia sa akin.

"Hija, bakit nga pala napadalaw ka?" nagulat ako sa tanong ni Mr. Valencia. "Hindi ba't gabi na?"

Parang napahiya naman ako sa tanong niyang iyon. Tiningnan ko si Kean na may 'di ba nila alam?' sa mga mata.

"Mom, I want that" napatingin ako kay Kessia na nakaturo sa pagkain.

Inabot naman iyon ni Mrs. Valencia.

"Diyan lang ang bahay niya sa katapat ng bahay natin" nagugulat kong tiningnan si Kean.

Bakit parang ibang-iba ang asal niya kaharap ang pamilya niya? Pilit ko siyang iniintindi kung bakit 'di niya sabihing girlfriend niya ko at ayaw ko naman siyang pangunahan.

Tahimik ang naging pagkain namin kasama ang pamilya nya. Gusto kong magsalita pero parang sobrang seryoso ng lahat.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang paghawak ni Kean sa kamay ko sa ilalim ng lamesa.

"She's my--" humugot ng oxygen si Kean. " She's my girlfriend"

Awtomatikong napatayo si Mr. Valencia.

"Kean Patrick! Are you serious?" nagagalit na tanong ni Mr. Valencia.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit agad siya. Ayaw niya bang mag-nobya ang anak niya. E ang tanda na ni Kean!

"With her" sumulyap sa akin si Kean. "Of course, I'm serious" sarkastiko niyang sabi.

"Sarkastiko ka pang sumagot!" - Mr. Valencia.

"Honey, nasa harap tayo ng pagkain" may pakikiusap sa tono ni Mrs. Valencia.

"Dad, why are you shouting?" Inosenteng tanong ni Kessia.

"Yaya, please get Kessia" baling ni Mrs. Valencia sa yaya at saka nito kinuha si Kessia.

"You know what is this, Patrick, right?" mahihimigan ang paninigurado ni Mr. Valencia.

Ako naman ay nakayuko lang pero mahigpit na hawak ang kamay ni Kean. Nagulat ako nang tumayo si Kean habang hawak pa din ang kamay ko.

"I'm not a kid anymore! Alam ko ginagawa ko!" asik ni Kean sa ama.

"Nak" saway ni Mrs. Valencia kay Kean dahil tumaas na ang boses nito.

"You are out of your mind! You know what promised we had to the family of Tosler! Sabi mo ay pumapayag ka!" - Mr. Valencia.

Bigla ay 'di ko maintindihan kung ano ba iyon.

"That was 10 yrs ago! 'Di na ba pwedeng magbago ang isip ko?" - Kean

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Wala akong sasabihin dahil 'di ko rin alam ang nangyayari.

"Fix this! You know what I mean!" - Mr. Valencia.

Nang tingnan ko si Mrs. Valencia ay nagaalala ang mukha niya.

"No way! I love Elle! I can't let her go! Tapos ang usapan!" Hinila ako ni Kean patayo. "Let's go, my beautiful" naggawa pa niyang ngumiti sa akin.

"PATRICK!" habol na sigaw ni Mr. Valencia.

"Hayaan na muna natin ang mga bata. Ano ka ba! Napahiya ang anak mo sa nobya niya" rinig kong sabi ni Mrs. Valencia.

Mabilis akong hinila ni Kean papasok sa bahay. Nabuksan niya agad ang gate na kala mo'y bahay niya.

"I'm sorry for what happened, my beautiful" tiningnan ako ni Kean nang may malungkot na mata.

"Di ko maintindihan, my handsome" nakakunot kong tanong. "Bakit nagagalit ang daddy mo?"

"I'm sorry beautiful ko, hindi ko kayang ipaliwanag saiyo ngayon"

Tumitig ako sa mga mata niya at nakita ko ang sobrang lungkot niya. Kinabahan ako bigla. Akala ko ay perpekto ang relasyon namin. Anong nangyayari?

Kean Patrick's POV

"I'm sorry beautiful ko, hindi ko kayang ipaliwanag saiyo ngayon"

Dahil kung sasabihin ko ay baka..

Iwanan mo ko.

Gumuhit ang napakasakit na kirot sa dibdib ko. 'Di ko kakayanin kapag nawala ka at lalong 'di ko kakayanin na makitang may ibang hahawak sa kaniya kapag nangyaring binitiwan ko siya dahil nasisiguro ko na gagawin ni Jave ang lahat. Gano'n siya magmahal dahil ito ang una at huli niyang pagibig. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa amin na kapag natagpuan na niya ang babaeng mamahalin niya gagawin niya ang lahat hanggang dumating ang araw ng kasal niya.

"Okay" niyakap ako ni Elle.

Napaka-maintindihin niya. Gusto kong umiyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko pero isang yakap lang niya, nawala na ang hinanakit ko.

"Hey, lovebirds! How's the dinner?" Nilingon namin si Kuya Zeke.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya na hindi naging maganda?

Nakita ko ang pilit na ngiti ni Elle.

"Masaya!" pinasigla niya ang sarili at nasasaktan akong makita siyang gano'n. "They really like me!"

"Woah!" Umakbay ang kapatid niya sa kaniya.

Nakakatuwa talaga ang magkakapatid na ito. Hindi maipagkakaila ang sobrang pagmamahal sa isa't isa.

Pagkatapos kong ihatid si Elle sa kwarto niya ay nagpaalam na ko sa kaniya. Sorry ako nang sorry sa nangyari.

Pagpasok ko sa bahay ay patay na ang ilaw. Akala ko ay tulog na ang lahat pero nagulat ako nang makita ko si mommy.

"Patrick, anak" tawag niya.

Pinilit kong tatagan ang loob ko dahil 'di ako umiiyak.

"Mom?"

"Magusap tayo, anak"

Pumasok kami sa kwarto ko at naupo ako sa kama; siya naman ay nasa sofa ng kwarto ko.

"Alam ko ang nararamdaman mo" ngumiti si mommy. "Mahirap 'yan. Alam ko na darating ang araw na magkakagusto ka sa iba pero anak, pagisipan mong mabuti ang mga desisyon mo. Nandito lang si mommy para sumuporta saiyo. Kung siya ang talagang mahal mo ay ipaglaban mo siya kahit na anong mangyari"

Humugot ako ng hininga at saka ko tinitigan ang tumayo ng si mommy.

"Goodnight, you still my baby boy kahit binata ka na" tatawa tawang sabi ni mommy. "Matulog ka na"

Iyon lang at tumalikod na si mommy.

Nahihirapan ako sa isiping kahit anong pilit ko 'di talaga kami pwede ni Elle pero ano bang magagawa ko? Mahal ko siya at handa akong gawin lahat para maging kami sa huli!

Nabuhay ang kaba sa dibdib ko nang maalala ang sinabi ni Jave.

"Just trust me ang saiyo ay na sa'yo pero ang wala na sa'yo ay pwede ng maging akin"

'Di ako handa sa bagay na iyon at kahit kailan hindi ako magiging handa! Dahil sobrang mahal ko si Elle higit pa sa buhay ko. Natatakot lang akong malaman niya ang totoo dahil siguradong iiwan niya ako.

NO WAY!

Tell me, what should I need to do, my beautiful. Jave is my hardest opponent in this battle but how could I fight if I don't have any material to secure you in my arm? I can say he's my opponent because I can see that a little bit force and Elle's love for me will be for Jave!

'Di ko sinasabing mababaw lang ang pagmamahal ni Elle sa akin kung hindi parang mayroong spot din si Jave sa puso niya dahil iba ang ngiti niya dito. Siguro 'di niya lang 'yon narerealize pero may 'Flair' din sa puso niya. Alam kong imposible dahil boyfriend na niya ako pero nakikita at nararamdaman ko kaya gano'n nalang ang selos ko kapag nakikita ko siyang nakangiti o nakatingin dito.

I love you so much, Elleina Zeal Suarez.

I don't wanna lose you! Please NO!

Ayaw kong magkamali dahil baka isang mali ko lang, binitawan mo na ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.