Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 42

Elleina Zeal's POV

Nakayakap lang ako kay Flair. Oo, si Flair ang dumating at hindi si Clench. Hindi ko alam kung bakit parang napanatag ako kahit papano.

Nasa gitna pa rin kami ng daan at nagpapaulan. Hindi ko alam kung bakit sinasamahan niya akong mabasa ng ulan.

Humahagulgol pa rin ako sa balikat niya. Ang sakit ng nararamdaman ko ay tila hindi na mawawala. Ang lalim ng sugat na binigay sa akin ni Kean ay hindi na maghihilom.

Parang kahapon lang ay ang saya pa naming magkasama, nagkwe-kwentuhan, nagla-lambingan at masasabi kong perpekto ang relasyon namin dahil 'di man lang kami nagaway kahit isang beses. Napaka-lambing niya. Hindi ko naisip na sa isang iglap ay iiwan niya 'ko at sasabihing hindi ako minahal! Napakaimposible no'n pero wala akong makitang dahilan para magsinungalang siya.

"hu Flair iniwan na niya ko" sabi ko kay Flair habang yakap pa rin siya at umiiyak. "Sabi niya 'di niya ko minahal"

Nanatili kami sa gano'ng sitwasyon hanggang sa...

*beeeeeeeeeeeppppp!

Sa kaparehas na pangyayari no'ng araw na nag-paulan kami ni Kean ay lalo akong naiyak.

Sumayaw kami sa ulan na hindi iniisip na nasa gitna kami ng daan. Halos ganito ang nangyari, umiiyak nga lang ako at nagpaka-wasak sa gitna rin ng daan at umuulan.

Itinayo ako ni Flair at itinabi. Gano'n nalang ang panghihina ng tuhod ko.

Binuhat ako ni Flair ng pangkasal. Hinayaan ko nalang siya dahil wala ako sa mood makipagtalo. Masyadong masakit ang nararamdaman ko.

Isinakay ako ni Flair sa kotse niya. Nilamig ako nang maramdaman ang aircon ng kotse kaya pinatay niya iyon.

Damn, I'm wasted!

Parang kanina lang ay ang ganda-ganda at ang sexy-sexy ko. Parang kanina lang ay masaya akong pupunta sa date namin ni Kean. Parang kanina lang ay ka-text ko siya at ka-iloveyou-han pero ngayon ay parang panaginip nalang ang lahat ng iyon.

Naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Si Flair ay tumabi sa akin sa upuan ng kotse sa likod at nakatingin lang. Kung anong iniisip niya ay 'di ko alam.

At saka ko naramdaman ang pagyakap niya ulit sa akin at muling hinaplos ang buhok ko.

Wala siyang sinasabi na kahit na ano. Ganito ba mag-comfort ang Mr. Psychologist na si Flair?

"Flair..hu bumalik ka do'n tawagin mo si Kean sabihin mo balikan ako" sabi ko sa kaniya sa tonong sobrang kawawa ko na.

"Zeal, please don't do this to yourself. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya 'to ginagawa"

Sinuntok-suntok ko ang dibdib niya.

"Anong dahilan huh?" Sabi ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

"Aray! Bakit ba ako ang sinusuntok mo? Ako ba si Kean huh?" nakakunot ang noong sabi niya.

"Sabihin mo na kasi hu" mahihimigan sa akin ang panlulumo at hinanakit.

"I don't know. Just stop crying because you're ugly" pangaasar niya.

Sinuntok-suntok ko ulit siya sa dibdib.

"Stop that! Ang sakit!"

Tumulo lang nang tumulo ang luha ko

Narinig ko ang buntong hininga ni Flair at saka lumabas at pumunta sa driver's seat.

"Iuuwi na kita. Tingnan mo sarili mo halos labas na kaluluwa mo diyan sa suot mo" sabi niya habang nakatingin sa malayo.

Tiningnan ko ang sarili ko. Halos mahubad na ang suot ko, buhaghag ang buhok, basang-basa ang damit, at walang sapin sa paa.

Grabe ganito ba kasakit ang pinagdadaanan ko para 'di mapansing halos 'di na tao ang hitsura ko.

Humagulgol nanaman ako.

Pinaandar na ni Flair ang kotse at huminto kami sa tapat ng bahay namin. Naiyak ako nang mapasulyap sa bahay nila Kean. Gusto ko sanang kala Carme muna matulog pero umaasa akong baka mag-lubid gaming si Kean at akyatin ang veranda ng kwarto ko at mag-sorry sa akin hanggang sa maging okay na kami.

My handsome...

Binuhat ulit ako ni Flair papasok ng bahay gano'n nalang ang hirap niya dahil tinatakpan niya ang hita ko dahil ang ikli ng suot ko. Para na kong bold star sa pangit na hitsura ko dahil sa ulan.

"Princess!" sigaw ng pamilya ko nang makita ang hitsura ko.

Agad naman nag-hagilap ng pantakip si Kuya Zen upang takpan ang katawan ko.

"What happened?" Nagaalalang tanong ni Kuya Zeke.

Si Kuya Zaimon ay kumuha ng towel.

Sila mommy at daddy naman ay nag-aalalang lumapit at hinaplos ang pisngi ko.

Gano'n nalang kalakas ang paghagulgol ko. Nakita ko si kuya Zeke na nakatingin kay Flair na may nagtatanong na mata pero umiwas siya ng tingin dahil 'di alam ang isasagot.

"Break na kami ni Kean" sabi ko sa hirap na hirap na tono kasabay ang hikbi ko.

Awtomatikong napahampas si Kuya Zeke sa pader.

"P*t*ng*n*ng Kean 'yan! Mapapatay ko siya eh!" Sigaw ni Kuya Zeke at akmang lalabas para sugudin si Kean sa bahay nila pero inawat nila mommy.

"What? Pinagkatiwala natin sa kaniya si Princess! Tapos sasaktan niya!" galit na sigaw ni Kuya Zeke.

"Bakit daw ba anong nangyari ba't kayo nagbreak?" Mahinahong tanong ni kuya Zaimon.

Hindi ko kayang sabihing 'di niya ko minahal lalong magagalit ang mga kuya ko baka mapatay nila si Kean kaya 'di na ko nagsalita.

"Maybe she needs to rest" sabi ni mommy at saka yumakap sa akin. "Halika na, anak" inakay ako ni mommy papasok sa kwarto ko.

"Maligo ka na baby ko, dito matutulog si mommy"

Lalo akong naiyak sa sabi niya. 'Di ako iiwan ni mommy dahil alam niyang nasasaktan ako ng sobra-sobra.

Nang makaligo at makapagbihis ako ay sinuklay ni mommy ang buhok ko.

Tumutulo lang ang luha ko, ikwenento ko sa kaniya ang nangyari. Gulat man siya ay wala siyang nagawa kung hindi ang samahan ako.

Pinapatulog niya ako habang kinakantahan.

Maya maya pa ay nakapikit na ang mata ko pero ang sakit ay ramdam ko pa rin.

I should be thankful because I have perfect family who always here beside me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.